Chapter 8

1322 Words

Pagkasakay ko sa passenger seat at habang inaabot ko ang seatbelt na nasa aking gilid ay dumako ang mata ko sa rear view mirror at doon pa lang napansin ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Sir Leon. Alam ko naman na kaming dalawa lang sa loob ng sasakyan niya ngunit luminga-linga pa rin ako sa pag-aakalang may iba pang dahilan ang panlilisik ng kaniyang mga mata. Nang mapagtanto na ako nga ang dahilan noon ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa seatbelt at ang nguso ay unti-unting umusbong habang hindi na makatingin sa kanya nang deretso. Galit na naman siya. "B-Bakit? Ano na naman ang ginawa kong mali para tingnan mo ako ng ganyan?" lakas-loob ko ng tanong sa medyo nag-aalinlangang boses. Paano ko malalaman ang dahilan kung hindi ko siya tatanungin hindi ba? Mahirap kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD