Hindi malaman ni Akira kung ano ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ang dalawa kasing lalake sa kanyang harapan, mukhang may silent war. Walang nagsasalita ngunit kanina pa nagsusukatan ng tingin.
Siniko siya ni Sarah nang naunang lumapit sa kanya si Carlo. In fairness, gwapo din itong si Carlo. Matangkad at maputi. Lalo itong gumandang lalake nang ngumiti ito sa kanya.
Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya, "It's nice to finally meet you, Miss Akira Sandoval. I'm Carlo."
Alanganing tinanggap ng dalaga ang pakikipagkamay nito.
"Nice to meet you din," matipid niyang sabi.
Humakbang pa ito palapit sa kanya, pagkuwan ay bumulong sa bandang tainga niya, "See you around, sexy."
Saglit nitong pinasadahan ng tingin si Emir, pagkatapos ay umalis na ito at sumama sa team mates nito. Napailing na lang siya ng lumingon ito at kumindat sa kanya.
Nang lingunin niya si Sarah, abot langit ang kilig nito subalit nang makita nito si Emir na salubong ang kilay, agad itong namaalam sa kanila. Na-sense na nitong mainit na naman ang ulo ng kanyang amo.
"We need to go," ani ng binata. Malalaki ang mga hakbang nito patungo kung saan naka-park ang kotse nito.
"May kailangan pa po akong daanan." untag ng dalaga.Tumawag kasi kanina ang Mommy nito, may mga ipinabibili itong rekado para sa lulutuin nito mamayang gabi. May mga darating daw na bisita si Sir Marcial kaya naisipan nitong magluto.
"Ang sabihin mo, makikipagkita ka lang sa lalake mo," sikmat ni Emir. Malalaki ang hakbang nito kaya nahirapan siyang sabayang ang paglalakad nito.
Hinila niya ang kamay nito ng maabutan niya ito. "Teka nga lang, ha? Ano na naman ba ang ipinag-iinit ng ulo mo? Huwag mong sabihing nagseselos ka kay Carlo?"
Tumigil sa paglalakad ang binata at naka-pamaywang na humarap sa kanya.
"Magkaliwanagan nga tayo, Akira," kunot-noo nitong wika sa kanya. "Oo, I'm attracted with you but it doesn't mean na papatulan kita. Hindi naman ako nasisiraan pa ng bait para pumatol sa isang katulong di ba? I mean, yes, you're beautiful but that's just it. Wala nang iba."
Nagkibit-balikat lang siya but deep in side, sobra siyang nasaktan sa mga salita ni Emir. Pero totoo naman eh, malabong pumatol ang isang kagaya nito sa kanya.
"Sabi mo eh," bulong niya. Sinikap niyang gawing natural ang kanyang boses kahit pa naninikip na ang kanyang lalamunan dahil sa pagpipigil na umiyak.
"Idadaan na lang kita sa grocery tapos tawagan mo na lang ako 'pag tapos ka na. May pupuntahan lang ako saglit," anito.
Idinaan lang siya ng binata sa isang sikat na grocery story at kagaya nga ng bilin nito, tinawagan niya ito pagkatapos niyang mamili subalit walang sumasagot. Nakailang ring pa ulit bago may sumagot. Panay ang hello niya pero wala namang sumasagot. Papatayin na sana niya ang tawag ng marinig niyang may humahalinghing at umuungol sa kabilang linya. Agad niyang pinatay ang tawag ng mapagtanto kung ano ang ginagawa nito.
Sapo niya ang dibdib dahil sa kabang nararamdaman. Hindi siya tanga para hindi malaman kung saan nanggagaling ang mga ungol at halinghing na iyon.
Wala siyang nagawa kundi tawagan si Mang Ruben, ang driver ng mommy nito para magpasundo. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kanya kapag nalaman na naman ng mommy nito na hindi siya sinamahan. Kabilin-bilinan pa naman ng ginang na sasamahan siya ni Emir sa pamimili lalo na at madami-dami din ang kanyang binili.
Halos kalahating oras din siyang naghihintay pero wala pa rin si Mang Ruben. Nang sipatin niya ang suot na relong pambisig, it's quarter to five already. Nag-aalala na siya,dumidilim na din kasi. Dagdag pang anumang oras ay babagsak na ang ulan.
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag nang marinig na tumutunog iyon. Agad niyang sinagot ang tawag nang makitang si Mang Ruben ang nasa kabilang linya.
"Hello, Mang Ruben. Asan na po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng dalaga. Nagsimula na kasing bumagsak ang ulan. Madali pa naman siyang lagnatin sa tuwing mababasa siya ng ulan. Medyo marami din siyang pinamili kaya hindi siya basta makaalis.
Lalo lamang nanlumo ang dalaga nang malaman mula kay Mang Ruben na medyo matatagalan ito sa pagsundo sa kanya.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang mag-abang na lang ng taxi. Maigi na lang at nakakuha naman agad siya. Nagpadala na lang siya ng mensahe kay Mang Ruben na huwag na siyang sunduin.
Sinabi niya sa driver kung saan siya magpapahatid. Panay din ang punas niya sa sarili dahil nabasa na rin siya ng ulan.
Saktong himpil ng sinasakayan niyang taxi sa harap ng mansyon, siya namang dating din ng kotse ni Emir. Agad siya nitong dinaluhan nang makitang madami siyang bitbit. Hindi na nito alintana kung nabasa man ito ng ulan.
"I'm sorry," hinging paumanhin nito ngunit nagbingi-bingihan siya. Ramdam niya ang sinseridad sa paghingi nito ng tawad pero wala na doon ang kanyang isipan. Pagod na kasi siya at nilalamig na. Isang hindi na magandang senyales iyon.
Nag-aabang na din ang ibang kawaksi sa bahay upang salubungin ang kanyang pagdating. Agad siyang inalalayan ng kanyang lola patungo sa kanyang kwarto. Ramdam na niya ang panginginig ng buo niyang katawan. Muntik pa siyang mabuwal kung hindi lang naging maagap si Emir na saluhin ang pagal niyang katawan.
"Oh, God! I'm so sorry," puno ng pagsisisi ang tinig ng binata habang inaalalayan niya si Akira.Hindi niya akalain na ganoon ang kahihinatnan ng dalaga.
"Pwede bang ikaw na ang magdala sa kanyang kwarto, hijo? Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig sa kusina," hindi mapakaling usal ng matanda. Nagmamadali na itong nagtungo ng kusina.
Siya naman ay inalalayan ang dalaga tungo sa sild nito.
"Akira," tawag niya sa dalaga subalit tanging ungol na lang ang naging tugon nito.
Inihiga niya ito sa kama nito pagkatapos ag kinumutan ito. She keeps on murmuring something kaya inilapit niya ang tainga sa bibig nito.
"Nanay, Tatay, gusto ko na pong umuwi," bulong nito. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa dalaga.
Dahil ba sa kanya kaya gusto na nitong umuwi? Ganoon ba siya kagago para i-give up nito ang pangarap nito? Alam niyang pangarap nitong makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang pamilya sa hirap ngunit heto siya, isa sa dahilan kung bakit gusto na nitong sumuko.
A warm feeling embraced him. Bakit nga ba ganito niya tratuhin ang dalaga? Kung tutuusin ay malaki ang tulong nito sa kanya lalo na tungkol sa pag-aaral niya. She's always around whenever he's in trouble. Ito ang sumasalo at nakikiusap sa tuwing nasasangkot siya sa gulo.
Yumuko siya siya upang bigyan ng halik sa noo ang dalaga.
"Buwisit ka," bulong nito.
Napangiti siya. Mukhang siya nga ang sinasabihan nito.
"Pangako, babawi ako." Hinaplos niya ang pisngi nito. Kakatwa na masarap sa pakiramdam habang nakatingin siya rito habang tulog ito. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito. She really looks like an angel.
"Salamat, hijo." Nagulat pa siya nang magsalita si Manang sa kanyang likod. " Ako na ang bahala sa apo. Maligo ka na rin, mukhang naulanan ka din eh. Baka sipunin ka pa."
Walang nagawa ang binata kundi ang iwan ang mag-lola.
"Naku, bata ka! Bakit ba kasi nagpaulan ka? Alam mo namang mabilis kang lagnatin kapag naulanan!”
Rinig pa ng binata ang pani-nermon ni Manang kay Akira habang palabas siya ng kwarto ng huli. Lalo lang siyang kinain ng pagsisisi at inis sa sarili. Nang dahil sa kanya kaya nasa ganoong kalagayan ang dalaga. Kung hindi lang siya nagpadala sa init ng katawan kanina, hindi ito mangyayari. Naalala din niya kung paano ito nasasaktan sa tuwing napagsasalitaan niya ito ng masasakit na salita. Oh, God! He could still remember the hurt he saw on her eyes everytime that he belittled her. It wasn't his intention to say and hurt her with those words but it just slipped out from his mouth when he's angered.
He's such a fool! A jerk!
Napasabunot siya sa sarili niyang buhok. Naiinis siya sa kanyang kagaguhan! All of a sudden, he felt useless. He felt he doesn't exist.
Marahas niyang nasuntok ang pader sa loob ng banyo niya. Kasabay nang paglandas ng tubig sa kanyang katawan mula sa shower ay ang pagtulo ng kanyang mga luha sa hindi niya malamang dahilan.
He feels lost. Again.
Nang gabing iyon ay hindi na siya nakatulog. Pipikit ang kanyang mga mata ngunit ang diwa niya ay naroon kay Akira. May mga pagkakataon na sinisilip niya ito kapag nakita niya lumabas si Manang galing sa kwarto nito. Nakailang stick na rin siya ng sigarilyo kahiy hindi naman siya totoong naninigarilyo. Sadyang naging mailap lang ang antok sa kanya.
Alas kwatro na ng madaling araw nang makita niya ulit si Manang na lumabas galing sa kwarto ng dalaga. Lakas loob na siyang lumapit dito at tinanong ang kalagayan ng dalaga.
"Kumusta na po si Akira, Manang?" tanong niya agad.
Mukhang nagulat din ang matanda sa kanya. Pero kalaunan ay ngumiti ito sa kanya, pagkuwan ay tinapik siya sa balikat.
"Huwag ka ng mag-alala, hijo. Pero salamat na lang sa Diyos, bumaba na ang kanyang lagnat." Bumakas ang maginhawang ngiti sa labi ng matanda.
Siya naman, medyo lumuwag na ang dibdib. Nabawasan na rin ang kanyang pag-aalala.
Hindi naman siya mapakali ng makita niyang matamang nakatitig sa kanya si Manang. Akmang magsasalita ngunit sa bandang huli ay itinikom na lang nito ang bibig.
"Sumunod ka dito sa akin, hijo. Ipagtitimpla kita ng kape nang umayos naman 'yang pakiramdam mo. Mamaya mo na silipin ang apo ko."
Hindi niya alam pero kinabahan siya the way na magsalita si Manang. Itinuturing niyang pangalawang ina angmatanda kaya big deal sa kanya ang mga sinasabi nito. And right now, mukhang mahaba-haba ang pag-uusapan nila.
Nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ng matanda. Mula sa paghahanda nito ng kape niya hanggang sa paghihiwa nito ng tinapay. Nanging awkward ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa ng pareho na silang nakaupo habang nagkakape.
Hawak niya ang tasa na may kape ngunit hindi noon kayang pawiin ang lamig sa pagitan nilang dalawa.
"Hijo, alam kong wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay mo," untag ng matanda. "Pero ang concern ko lang ay ang apo ko."
"Manang-“
"Patapusin mo muna ako, hijo," putol nito sa anumang sasabihin niya. "Tatapatin na kita, may gusto ka ba sa apo ko?"
Hindi siya makasagot. Dahil ng mga oras na iyon,alam niyang attracted siya sa dalaga ngunit hindi siya sigurado sa nararamdaman niya. Besides, napaka-komplikado ng sitwasyon nila.
What if hindi niya mapanindigan ang dalaga? Paano kung masaktan lang din niya ito? Paano kung hindi talaga sila sa huli? Marami siyang paano na ngayon pa lang natatakot na siya sa maaaring kahinatnan. Madami ang madadamay sakaling hindi maging maganda ang kahinatnan ng relasyon nila.
Ang isa pang malaking katanungan para sa kanya ay, ano nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga?Dahil siya mismo, hindi siya sigurado sa kanyang nararamdaman.
Is it just lust? Or he's already falling for her?
Dinala niya ang tasa sa kanyang labi upang lasahan ang kape. Ngunit tila nananadya rin ang lasa ng kape. Nagtatalo ang lasa kung tamis ba o pait. Parang siya lang din, nagtatalo ang puso at isip.
Napatungo na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"Mahal na mahal ko ang apo kong iyan, hijo. Kaya ngayon pa lang, nakikiusap ako sa'yo na kung hindi mo kayang panindigan ang nararamdaman mo para sa kanya, mas mabuting pang huwag mo nang ituloy kung anuman ang binabalak ko." rinig niyang sabi nito.
"I must admit po, I like Akira a lot pero naroon pa po ako sa estado kung saan kinikilala ko din po ang sarili ko." Lakas loob niyang sabi, "Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman kung ano ang nakaraan ko pagdating sa mga babae, pero sinisigurado ko po sa inyo na hindi po ako masamang tao.Wala po akong masamang intensiyon kay Akira. Kung dumating man po ang araw na sigurado na ako sa nararamdaman ko,magpapaalam po ako sa inyo."
Tumango-tango ang matanda. "Mabuti naman kung ganoon. Hangga't maaari kasi 'nak, ayokong umabot kayo doon sa puntong magkasakitan kayong dalawa. Alam ko naman siguro ang consequences kapag nangyari iyon di ba?"
"Alam ko."
"Alam ba ito ng mommy at daddy mo?"
He just tsked. "No need po. Wala naman silang pakialam sa akin eh."
"Huwag ganoon 'nak. Mga magulang mo pa rin sila. Kung may mga pagkukulang man sila, hindi ibig sabihin noon na wala na silang pakialam at hindi ka na nila mahal?" paliwanag ni Manang sa kanya. "Tandaan mo palagi, mahal ka nila,okey?"
"Manang, we both know the truth. Talagang malaki ang pagkukulang nila bilang mga magulang, " inis na sambit niya. "Nasaan ba sila noong mga panahong kailangan ko sila? Sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko, naroon ba sila? Sa tuwing nalulungkot at nasasaktan ako,nasaan sila? Wala di ba? Ikaw...ikaw ang palaging naroon.
Yumuko siya upang itago ang pamumula ng kanyang mga mata. Bakit ba kasi ganito?Lately, nagiging emosyonal na rin siya. All the pain he has been through just keeps on bugging him lately.
Marahas niyang pinahid ang mga luhang hindi na niya nakayanan pang pigilan. Pero lingid sa kanyang kaalaman, may isang anino sa kanilang likuran na tahimik na nakikinig at lumuluha.
"You knew how much I love them both, Manang. Sabi niyo mahal nila ako, pero bakit hindi ko maramdaman?"
Nilapitan siya ni Manang at niyapos siya nang mahigpit. Just like the old times, tanging si Manang ang saksi sa lungkot at sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Yes, he has it all. Money, fame and all the luxuries he can get but none of them really matters to him. Kung may time machine nga lang na magbabalik sa kanila sa nakaraan, pipiliin niyang bumalik sa panahon kung kailan simple pa ang lahat. Noong simpleng car agent pa lamang ang kanyang daddy at simpleng may bahay ang kanyang mommy. They have all the time for him at that time. Well, siguro nga, iyon ang naging kapalit ng karangyaan na meron sila ngayon. They have all the vast resources and the luxuries anyone could ask for but not for him.
Gusto lang niyang maramdaman na mahal siya. Na importante siya.
Na siya naman ang priority.