CHAPTER ONE
Kanina pa nakatingala sa malaking bahay sa kanyang harapan si Akira. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganito kalaking bahay. Ganito ang mga nakikita at napapanood niya noon sa telebisyon kaya manghang-mangha siya sa nasa kanyang harapan ngayon.
"Wow! Parang palasyo!" bulalas ng dalaga habang nakatingala sa malaking bahay sa kanyang harapan.
"Lola!" sigaw niya nang mabungaran ang lola niya pagkatapos niyang mag-doorbell. Naibagsak niya ang kanyang mga dala at tinakbo ang pagitan nila pagkatapos ay mabilis niya itong niyakap. Ang kanyang lola ang nagsisilbing katiwala at mayordoma ng pamilya El Greco sa loob ng mahigit dalawampung taon na.
"Diyos ko, apo!" Ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya ng yakapin siya nito nang mahigpit. Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at pinakatitigan siya. "Kumusta naman ang biyahe mo? Hindi ka ba nahirapan?"
"Ayos lang po ako, Lola. Medyo masakit lang po ang likod ko dahil sa haba ng biyahe." Iniyakap niya ang braso sa baywang nito. She really misses her kaya noong tumawag ito at sinabi nitong tutulungan siyang mag-aral ng amo nito, hindi na siya nagdalawang-isip pa. Makakapag-aral na siya ng libre dito sa Maynila, makakasama pa niya ang kanyang lola. "Kayo po, okey lang po ba kayo rito? Baka masyado niyong pinapagod ang sarili niyo? Alalahanin niyo, tumatanda na rin kayo."
Hinawakan siya nito sa kamay at inakay papasok ng mansiyon. "Asus, itong batang ito! Aba'y, mas malakas pa sa kalabaw itong lola mo, apo. Hala, ayusin mo na ang mga gamit mo roon sa aking silid, pagkatapos ay sumunod ka sa akin sa kusina ng ikaw ay makapamerienda muna bago natin kausapin si Ma'am Paulina."
Itinuro muna nito kung saan banda ang kusina bago siya iniwanan. In fairness, kahit maliit ang kwarto, na-excite siya bigla. At least, makakasama na niya ang kanyang lola. Mataas ang pangarap niya sa buhay kaya sinunggaban niya ang offer ng kanyang lola. Naaawa lang siya sa kalagayan ng kanyang mga magulang at kapatid na iniwan niya sa Leyte. Nag-umpisa siyang makaramdam ng lungkot ng maalala ang kanyang pamilya kasi kahit mahirap ang kalagayan nila, masaya naman sila.
"Erase, erase ," saway niya sa sarili ng unti-unti ng lukubin ng lungkot ang kanyang dibdib. Ito kasi ang unang beses na napalayo siya sa kanyang pamilya kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng labis na kalungkutan.
Nagpalit lang siya ng damit at sumunod na sa kanyang lola. Nadatnan niya itong nagluluto ng minatamis na bilo-bilo.
Kumaway ito sa kanya. "Apo, tikman mo nga kung tama lang ang tamis."
Kinuha niya kutsarang hawak nito at tinikman ang luto nito. Tumango-tango siya nang matikman iyon, "Tamang-tama lang po ang lasa, Lola."
"Ay siya, magpapalamig lang ako nito. Sabay tayong kakain pagkatapos nating kausapin si Maam Paulina." Nagsandok ang kanyang lola sa isang mangkok upang dalhin din sa sinasabi nitong Ma’am Paulina.
"Mabait po ba siya?" tanong niya. Ngunit sa nakikita niya itsura ng kanyang lola, masasabi niyang hiyang ito rito.
Napatigil sa pagsasandok ang kanyang lola, lumingon ito sa kanya. "Si Maam Paulina ba ang tinutukoy mo, apo?"
Tumango siya.
"Aba'y walang kasing bait si Ma'am Paulina pati na rin ang kanyang asawa. Sa tingin mo, makakatagal ako sa kanila kung hindi sila mababait?" Puno ng katuwaan ang puso ng matanda habang sinasabi iyon dahil ramdam niyang pamilya ang turing sa kanya ng pamilya El Greco.
Natuwa naman ang dalaga dahil sa nalaman. At least kampante siya na naging maganda pala ang kalagayan ng kanyang lola kahit na malayo ito sa kanila.
Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ng kanyang lola, kinakabahan kasi siya. Mukhang ramdam ito ng matanda kaya hinawakan siya nito sa kamay, kahit paano nabawasan ang kabang kanyang nararamdaman. "Huwag kang kabahan, apo. Sinisiguro ko sayong magugustuhan mo rin sila."
Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas ng loob ng kumatok na ang kanyang lola sa kwarto noong Ma'am Paulina.
"Pasok," rinig niyang sabi. The voice she heared was soft and angelic kaya kahit paano ay nabawasan ang kaba niya.
Kaba at excitement ang sabay niyang naramdaman ng makapasok sila sa silid na iyo. Nadatnan nila ang isang babaeng hindi mo aakalain na nasa kwarenta ý otso na, base sa kwento ng kanyang lola.
"Magandang hapon, Ma'am Paulina," bati ng kanyang lola. Abala kasi ito sa mga libro nito na nakasalansan sa ibabaw ng mesa nito.
Siya naman ay manghang-mangha sa nakikita. Napakaraming libro. Parang gusto na niyang manatili roon at magbasa ng magbasa.
"Ano ba naman kayo, Manang Liliy? Stop calling me Ma'am lalo kong nararamdaman na tumatanda na ako eh." Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanila. "Ito na ba ang apo mo Manang? Hindi niyo man lang nabanggit na napakaganda pala niya."
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Bigla tuloy siyang nahiya. "How old are you,hija?"
"Seventeen po," kimi niyang tugon.
Inanyayahan sila nitong maupo. Sa sobrang mamahalin ng mga gamit roon, hindi mapakali ang dalaga kung uupo ba o ano. Nangingimi siyang kumilos, pakiwari niya, anumang sandali ay makakasagi siya at makakabasag.
"Relax, hija. Hindi naman ako nangangagat eh." Napansin marahil nito na kabado siya. Lumingon siya sa kanyang lola ng maramdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay. Inaanyayahan siya nitong kumalma. Pilit siyang ngumiti. Paano nga ba siya kakalma kung nakaka-intimidate ang babaeng nasa harap niya?
"Okey lang po ako. Medyo nahihiya lang po ako sa inyo." Kahit ang tumingin sa mukha ni Ma'am Paulina, hindi niya matagalan.
Sumeryoso bigla ang mukha nito. "Unless wala kang ginagawang masama at wala kang inaapakan na tao, there's nothing to be ashamed of hija."
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
"Ano ka ba namang bata ka? Hindi ka naman ganito ah!" napapatawang sabi ng kanyang lola. "Sabi ko naman sayo, mabait ang mag-asawa. Wala kang dapat ipag-alala."
"Sige po." Huminga siya ng malalim,pilit kinakalma ang sarili. Dahil katulad nga ng sinabi ni Ma'am Paulina, wala namang dahilan para mahiya siya.
"Nabanggit naman siguro sayo ng lola mo at gusto ka naming pag-aralin, hija?"
"Opo. Nagpapasalamat po ako sa pagbigay ninyo ng oportunidad sa akin. Pwede namang ho akong tumulong sa mga gawaing bahay kapag wala ho akong pasok." Kahit paano ay nagiging komportable na ang si Akira habang nakikipag-usap.
Ngumiti ang ginang sa kanya, "You don't have to, hija. Isa lang ang ipapakiusap ko sayo."
"Ano po iyon?" tanong ng dalaga.Kahit ano siguro ang ipakiusap nito sa kanya ay gagawin niya. Hindi naman siguro siya nito ipapahamak.
"I want you to look after my son, hija. It's been years since he started his college years but up until now, he's still in his third year. Na kung tutuusin eh dapat dalawang taon na siyang tapos at pinamamahalaan ang kumpanya namin." Napuno ng lungkot ang mukha ng ginang habang nagsasalita.
Hindi makasagot ang dalaga. Nang tingnan niya ang kanyang lola, ngumiti lang ito sa kanya.
"Bakit po ako? Paano po kung hindi siya makinig sa akin? Paano po kung hindi pa rin siya magtino?" halos pabulong niyang tanong. Ni hindi nga niya kilala ang anak nito.
Makahulugang ngumiti ang ginang, "Base on Manang's story, kayang-kaya mo, hija. And besides, kailangan lang namin nang may titingin at aalalay sa kanya wherever he goes."
Wala siyang gumawa kundi ang tumango. May choce ba siya? Wala di ba? Ang iisipin na lang niya ay kung paanong mapapatino at amtutulungan ang anak nito na sa totoo lang ay wala siyang kaalam-alam kung sino at kung ano ang ugali. Good luck na lang sa kanya.
Masuyong nakatingin ang ginang sa kanya. "Feel free to ask anything, hija. Huwag kang mahihiya. Ituring mo rin itong bahay namin na bahay mo na rin. We're family here, okay?"
"Opo. Maraming salamat po." Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Mukha namang mabait ito. Sana ganoon din ang anak.
"Mag-merienda muna kayo." Sumubo ito ng bilo-bilo. Mukhang nasiyahan naman ito. "Manang, ikaw na ang bahala sa apo niyo. Naituro niyo na ba ang magiging kwarto niya."
Panay ang iling ng kanyang lola. "Doon na lang din siya sa kwarto ko, Paulina. Nakakahiya naman."
Inirapan nito ang kanyang lola. "I insist, Manang. Let her use the room next to yours. Maliit lang din iyon pero kahit paano, magkakaroon ng privacy si Akira."
Walang nagawa ang kanyang lola kundi ang sumang-ayon. Siya naman ay excited na.
Nginitian niya ang ginang bago tuluyang lumabas ng opisina nito.
Pagdating sa kusina ay ipinakilala siya ng kanyang lola sa mga katrabaho nito.Nakilala niya ang mag-asawang Ruben at Caridad. Si Mang Ruben ang family driver habang nakatoka kay Aling Caridad ang paglalaba at pamamalantsa. Naroon din si Clara at Maricon na ang trabaho ay panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng buong mansyon. Ang kanyang lola ang nakatoka sa pamamalengke at pagluluto. Mukha namang masaya ang samahan ng lahat.
"Aba'y, pagkaganda nga naman pala ng inyong apo, Manang. Sigurado ho bang magkadugo kayo?" Natawa siya ng pakatitigan siya ni Mang Ruben, animo isang bagay siya na pinag-aaralan nito. "Kahit kasi saang anggulo tingnan, mukha talagang hindi kayo magkadugo. Layo eh."
Hindi niya maiwasang mapangiti. Mukhang niyang inaasar lang ni Mang Ruben ang kanyang lola.
Napaatras naman si Mang Ruben nang humarap ang kanyang lola habang iwinawasiwas sa harapan nito ang sandok.
"Tantanan mo ako, Ruben.Wala kang hapunan mamaya."
"Ito naman si Manang, hindi na mabiro. Alam ko namang sa inyo nagmana nang kagandahan itong apo ninyo eh. Tingnan mo naman oh," nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang maglola, "parang pinagbiyak na bunga."
Nagulat na lang si Mang Ruben nang hampasin ito ng kanyang lola ng sandok, "Manang naman!"
"Hala! Magmerienda na kayo!" yamot na sabi ng kanyang lola but deep down inside her, she cares for them. Sa katunayan, ipinagsandok sila nito ng bilo-bilo.
"Salamat, Manang," they all said in unison. Mukhang nakahanap ng kapamilya ang kanyang lola sa katauhan ng mga ito.
Namaalam naman siya sa kanyang lola na magpapahinga na siya sa kanyang kwarto. Sa totoo lang kasi, kanina pa nananakit ang kanyang likod, tiniis lang niya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na natulog, basta ang alam niya, gabi na nang magising siya. Kailangan niyang bumaba upang upang tulungan ang kanyang lola.
Nang masigurong okey na ang kanyang itsura ay ipinasya niyang lumabas na. Nadatnan niyang nagluluto ang kanyang lola.
"Hi, Lola," bati niya rito. "May maitutulong po ba ako?"
Abala ito sa paghihiwa ng gulay na isasahog sa niluluto nito. Hinuha niya ay sinigang ang niluluto nito base sa mga gulay na nakahanda.
Lumapit siya sa tabi ng kanyang lola, "Okey lang po ba kung ako na ang maghiwa sa mga gulay?"
Tiningnan siya nito. Inaarok kung alam nga ba niya ang kanyang ginagawa.
"Lola, alam ko po ang gagawin ko." Gusto niya itong kumbinsihin na marunong talaga siyang magluto.
"Tanda niyo po ba si Aling Ising? 'Yong may karinderya malapit sa barangay hall?"
Umaliwalas ang mukha nito nang mabanggit niya si Aling Ising. "Aba'y oo naman. Kalaro ko 'yon noong kabataan pa namin."
"Nag-extra ho ako doon sa karinderyai kaya natuto akong magluto." Buong pagmamalaki niyang pagbibida rito. Ipinagpapasalamat din niyang napapunta siya roon dahil kahit paano ay marami siyang natutunan.
Mukhang natuwa naman ito, "Sige nga. Ikaw ang magpatuloy nitong niluluto ko para malaman ko kung nagsasabi ka nga ng totoo."
"Mukhang threatened si Lola sa akin, ha? Takot ba kayong palitan ko na kayo sa trono niyo?" Napuno nang tawanan nilang dalawa ang kusina.
Hindi man lang napansin ng dalawa na kanina pa naroon si Emir, malaya silang pinanonood. Naging matiim ang mga titig nito sa dalaga,lalo na nang makita niya itong tumawa. Ni hindi nga nito mai-alis ang mga mata sa dalaga.
Nang makita niyang tapos na itong magluto, agad siyang lumapit, "What's for dinner, Manang? Paborito ko ba 'yong naaamoy ko?"
Muntik nang mabitawan ni Akira ang hinuhugasan nang marinig niyang may nagsalita sa tabi niya. Dahan-dahan siyang lumingon upang tingnan ang nagmamay-ari ng boses na kanyang narinig. Boses pa lang kasi, nakabibighani na. Hindi nga siya nagkamali dahil tila ba isang perpektong obra maestra ang kanyang nasa harapan. Magmukha siyang unano habang katabi ito. But what caught her was his eyes. Tila ba hinihigop siya noon. Misteryoso at mapang-akit. Hindi niya namalayan na nahipo niya bigla ang kanyang ilong ng makita kung gaano katangos ng ilong nito. Bukod tanging ito na ang pinagpala sa larangang iyon. At ang mga labi nito, sigurado siya kahit isang beses man ay hindi iyon nasayaran ng sigarilyo dahil sa pagkapula noon.
"Sapuhin mo laway mo, tumutulo na eh," bigla nitong sabi sa kanya.
Awtomatiko namang tumaas ang kanyang kamay patungo sa kanyang bibig kung may tumutulo nga ngunit wala naman.
Nadale siya roon ah.
Sinundan niya nang tingin ang ginawa nito. Nagsandok ito ng ulam sa mangkok at humigop ng sabaw. Siya naman ay hindi mapakali,panay kasi ang sulyap nito sa kanya.
"Masarap," tinitigan siya ng binata sa mga mata, "ang sinigang."
Napatalikod siya bigla. Nasapo niya ang dibdib, ramdam niya kasi ang pagkabog nito ng malakas. Mukhang ngayon pa lamang ay magkaka-problema na siya binatang amo.
Saka lang siya lumingon nang marinig niya ang papalayong yabag nito.