"We need to talk." Puno nang pinalidad ang mga salita ni Emir. Lakas loob pa siyang pumasok sa CR ng mga babae para lang makausap ang dalaga.
Pumiksi ang dalaga nang tangkain ni Emir na hawakan siya. "Padaanin mo ako."
"Akira naman," tawag niya sa pangalan nito subalit tuloy-tuloy lang na naglakad ang dalaga palabas.Hindi man lang ito nag-abala na lumingon sa kanya.
Alam niyang umiyak ito base sa nakita niyang pamumula ng mata nito. Marahas niyang nasipa ang poste sa tabi dahil sa labis na inis. Wala siyang nagawa kundi habulin ng tingin ang dalaga. Kailangan na din niyang pumasok, baka lalong pa itong magalit sa kanya. Masyado na siyang naba-bother sa tuwing hindi siya nito pinapansin.
Agad siyang nagtungo sa una niyang subject ngayong araw. Nang makarating siya, nagsisimula na ang klase. Dire-diretso siyang naupo, not minding his professor's sharp glare.
"Naligaw ka ata, El Greco?" tanong ni Mr. Flores, his professor in English Literature.
Ngumisi siya rito, "Na-miss ko po kasi kayo, Prof."
Iiling-iling lang ito sa kanya. Sanay na sa ganoon niyang ugali. Sa loob kasi ng isang semester, mabibilang lang kung ilang araw siyang pumapasok kaya hindi nito maiwasang magtaka lalo na at pumasok siya nang ganito kaaga.
"Himala," tatawa-tawa si Niko, "pumasok ka?"
"Gago! Bakit nandito ka rin? Nasapian ka ba?" balik tanong ni Emir. Maski ito ay nagtataka nga kung bakit naroon ito pati si Clarence.
"Mukhang si Akira ang may sapi, dude. Binalikan kami ni Niko kanina at malakas na binatukan nang makitang palabas na kami ng school." pabulong na paliwanag ni Clarence. "Mukhang yari nga sa bato ang babaeng 'yon. Hindi lang ulo ang matigas, pati kamo-“
"If you don't refrain yourself from talking in my class, you may leave now, Mr. del Mundo." gigil na sambit ni Prof. Flores. Nasa tabi na pala nila ito.
Napakamot naman sa batok si Clarence, "Sorry, Prof."
Naging kabagot-bagot ang mga nagdaang oras para kay Emir. Kung hindi nga lang niya inaalala na baka lumalala pa ang inis ni Akira sa kanya, kanina pa niya niyaya ang dalawa na umalis. Dumagdag pa sa isipin niya ang kanyang daddy. Once na malaman nitong hindi siya pumasok, baka five hundred na lang ibigay nito sa kanya or worse, baka kailangan na niyang pagtrabahuan ang perang ibibigay nito. Mabuti pa ang dalawa, mukhang enjoy na enjoy sa atensyong ibinibigay ng mga babaeng katabi nito.
Napapitlag naman siya ng nang maramdamang may kung anong humahaplos sa binti niya. Nang tingnan niya,it was Shaina. Humahagod ang paa nito sa kanyang mga binti.
They had been given a sit work. Pansamantalang lumabas si Professor Flores kaya kung anu-ano na ang nangyari pagkaalis nito.
Umusod ang dalaga sa kanya, kapagkuwan ay pabulong na nagsalita, "I miss you, babe. At my place tonight?"
Kung sa ibang pagkakataon siguro, sinunggaban niya ang paanyaya nito ngunit iba na ngayon. He could just imagine Akira’s wrath when she finds out something like this. He really wants to go out with her pero kapag naiisip niya ang galit na mukha ni Akira,nawawalan na siya ng gana. May alam ata sa gayuma ang babaeng iyon kaya napapasunod siya nang hindi niya namamalayan. Kahit sabihin niyang school related ang gagawin niyang paglabas, hindi rin ito maniniwala sa kanya. Iniisip nitong, pinagtri-tripan niya lang ito.
"Babe?" untag ni Shaina.
Yes, Shaina indeed is a beautiful woman. Matangkad at balingkinitan ang katawan that's why,he was attracted at first glance. Ngunit iba ang ganda ni Akira. She has this angelic face that could launch a thousand ships but what caught him was her attitude. Hindi man lang niya naramdaman na nagpapa-impress ito sa kanya katulad ng ibang babae. Sa katunayan, kabaliktaran ito. She would always pin point his mistakes, bully him without even realizing it.
"Babe?" tanong ulit ni Shaina.
"I'm busy," maiksi sagot ng binata
"Maybe,some other time?" Lihim naman nagngingit-ngit si Shaina sa kawalang reaction ng binata. Never pang tumanggi ang binata sa kanyang paanyaya. Ngayon lang at hindi nagustuhan iyon ng dalaga.
"I said, I'm busy-“
"Iniiwasan mo ba ako,Emir?" pagalit na tanong ni Shaina. Masakit para sa kanyang ego na marinig mula rito ang mga salitang iyon. He seemed uninterested.
Nainis naman ang binata sa kakulitan nito. It's as if, pinalalabas nitong obligasyon niyang bigyan ito ng oras samantalang sa simula pa lang,alam na nito na walang namamagitan sa kanilang dalawa other than their intimacy in bed.
Tiim-bagang niyang hinarap si Shaina, "There's nothing going on between us, Shaina. So, why demand now? Huwag mong palabasin na may obligasyon ako sa'yo dahil sa totoo lang, wala namang tayo."
Nagpupuyos ang kalooban ng dalaga dahil sa sinabi ni Emir. Yes, she was aware na wala silang label noong umpisa, pero umasa siya na magkakaroon siya ng puwang sa puso nito. She even gave herself to him,in high hopes na hindi siya nito iiwan. Gusto niya sanang sampalin ito ng mga oras na iyon ngunit hindi na niya nagawa pa. She don't want to create a scene,pero hindi siya makakapayag na basta na lang siyang dispatsahin ng binata sa buhay nito.
Nakahinga naman nang maluwag ang binata ng dumating na ang tanghalian. Sa wakas, makakahinga siya ng maluwag-luwag. He feels suffocated inside those classrooms. Panay naman ang linga niya sa loob ng canteen, kanina pa niya hinahanap si Akira ngunit maski anino nito hindi niya makita.
"Nakita niyo ba si Akira?" Emir tried asking the two.
Umiling si Clarence, "Sorry, dude pero kaninang umaga pa ang huling kita ko sa kanya."
"Galit pa rin siguro sa'yo," palatak ni Niko, "awayin mo ba naman 'yong tao. Nawalan siguro ng ganang kumain."
Hindi na niya natapos ang kinakain,uminom lang siya ng tubig pagkatapos ay padarag na tumayo at tinungo ang counter. Umorder siya ng pagkain para sa dalaga. He is mad. Fuming mad. Ganoon ba kalaki ang galit nito sa kanya kaya maski ang magutom ay okey lang?
Napapailing naman ang dalawa habang nakatanaw sa kaibigan nilang umuusok na ang bumbunan dahil sa galit. Mabilis nilang tinapos ang pagkain,excited silang makita kung paanong maglaban ang dalawang dragon.
"Emir or Akira?" tanong ni Niko.
Namilog ang mga mata ni Clarence nang mapagtanto ang iniisip ni Niko. Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay sabay napahalakhak ito. Magkaibigan nga sila.
Nang mga oras na iyon ay abala ang dalaga para sa susunod niyang exam, ang calculus at analysis. Binalikan niya ang mga napag-aralan noong isang araw. Nagulat nalang ang dalaga nang bigla na lang may humila sa kanya.She was about to resist when she saw Emir. Salubong ang kilay nito. Iba din ang aura nito ngayon kaya hindi siya makapagsalita. Nagpatianod na lang siya ng dalhin siya nito sa mapunong bahagi ng school kung saan may mga benches doon.
"Why did you skip your meal? Gusto mo bang magpakamatay?" magkasunod na tanong ng binata. Emir couldn't control his anger.
Napatingala ang dalaga kay Emir. Ano na naman ang ikinagagalit nito? Skip meal? Is he referring to her?
"Kumain ka na." untag ni Emir.Isa-isa nitong binuksan ang binili nitong pagkain sa kanya.
"Busog pa ako," tugon ng dalaga. Nakatulala pa rin ang dalaga habang nakatingin kay Emir. Kaya ba galit ito sa kanya kasi hindi siya nagpunta ng canteen para maglunch?
"Tell me, anong kinain mo at nabusog ka?" Gusto ng magwala ni Emir dahil sa katigasan ng ulo ni Akira.
Hindi makasagot ang dalaga. Hindi pa naman siya gutom, balak naman niyang kumain mamaya. Mga ala una y medya ay labas na niya kaya nagdesisyon siyang mamaya na lang sana kakain but then Emir made it a big deal. Hindi naman niya magawang makapagpaliwanag, kanina pa kasi matalim ang tingin nito sa kanya.
Umupo ito sa tapat niya at kinuha ang kutsara at tinidor. Sumandok ito ng ulam at kanin pagkatapos ay iniumang sa kanya ang kutsarang may lamang pagkain.
"Kakain ka o ikaw ang kakainin ko?" seryosong tanong ng binata sa dalaga.
Halos lumuwa naman ang mga mata ng dalaga nang mapagtanto kung ano ang mga salitang binitiwan ni Emir. She was lost for words. Kahit tangkain niyang ibuka ang bibig at magsalita, walang namumutawing salita mula sa kanya.
"You're speechless," bulong ni Emir. His lips formed into a mischievous smirk.
"Hindi magandang biro ang sinabi mo," kinakabahang tugon ng dalaga. "At kung isa man ito sa mga tactics mo sa mga babae mo, pakiusap naman, Sir. Huwag ako."
It was Emir's turn to get mad. Hindi nga maintindihan ng binata kung ano itong ginagawa niya para sa dalaga, yet now she is accusing him of something he didn't do.
"I came here as soon as I knew that you haven't take your lunch, and this is what I get from you?" hindi makapaniwalang tanong ng binata. "Really, Akira?"
Huminga nang malalim ang dalaga. Ayaw niyang tapatan ang galit ni Emir dahil siguradong maba-badtrip lang sila pareho. And besides, baka masira pa ang concentration niya. Sunod pa naman niyang exam ay calculus.
"Akina nga 'yan!" Kinuha na ng dalaga ang kutsarang hawak ng binata. Siya na rin ang nahihiya,marami na kasing nakatingin sa gawi nila. Isa na doon si Shaina na kanina pa matalim ang tingin sa kanya.
"Kakain ka din naman pala, dami mo pang arte!" ngunguto-ngutong wika ni Emir. Tiningnan nito ang relong pambisig bago tumayo. "Bilisan mo ng kumain diyan, may exam ka pa. Ayusin mo, ha? May kaltog ka sa akin kapag nalaman kong bumagsak ka."
Naiwang nakatulala ang dalaga. Nagtataka siya kung paanong nalaman ng binata na exam niya ngayon.
"Hoy,babae! Bilisan mong kumain diyan!" sigaw ni Sarah. Isa ito sa una niyang nakilala noong unang pasok niya sa university. Katulad niya,galing din ito ng probinsiya.Siya ay galing ng Leyte,ito naman ay galing ng Davao.Pero hindi tulad niya, may kaya kahit paano ang pamilya nito kaya kaya itong pag-aralin ng mga magulang nito. Kasalukuyan itong nakatira sa tiyahin nito.
"Antay naman, bakla! Kita mo namang hindi ko na nginunguya ang pagkain eh,diretso lunok na." Sunod-sunod na nga ang ginawang pagsubo ng dalaga. Takot lang niya kay Prof. Balasanos. Sa sobrang istrikto noon, baka hindi sila pakuhanin ng exam sa sandaling ma-late sila.
"Teka lang, akala ko ba mamaya pa tayo kakain pagkalabas natin?" nakairap na tanong ni Sarah. She was eyeing at her suspiciously. Nagawa pa nitong ma-meywang sa kanyang harapan.
"Kasi nga-“
"Finish your food already. Prof. Balasanos is on his way already," putol ni Emir sa sasabiihin pa ng dalaga. Binuksan nito ang bottled water pagkatapos ay iniabot iyon sa dalaga. Wala nang nagawa si Akira kundi tanggapin iyon lalo at natanawan na niyang paparating na ang professor nila. Tinulungan na rin siya ng binata sa pagliligpit ng kanyang pinagkainan.
Dinampot ni Akira ang palstic ng pinagkainan upang itapon sa basurahan ngunit naunahan ng binata.
"Ako na ang magtatapon niyan,"
"Pero-“
"You're going to be late,Akira." putol ni Emir sa sasabihin ng dalaga. "Now, get lost!"
Lakad takbo ang ginawa ng dalaga patungo sa classroom nila. Mabuti na lang at natawagan si Professor Balasanos ng kapwa nito guro kaya nagkaroon pa siya ng oras.
"Wow, ha? Anong meron sa inyo ni El Greco, babae?" bulong ni Sarah pagkaupo nila.
Akira tsked. "Anong ibig mong sabihin?"
Dahil magkatabi lang sila ni Sarah ng upuan, mabilis nitong nasipa ang kanyang paa sa ilalim ngmesa. "Huwag ka na ngang mag-deny pa! Kalat na dito sa school ang kakaibang sweetness ni Emir sa'yo!"
"Tantanan mo nga ako,Sarah." tugon ng dalaga sa mahinang boses. Alanganin siyang napangiti.
Napatitig naman si Sarah sa mukha niya na para bang may nakita itong kakaiba.
"Walang namamagitan sa aming dalawa. Siguro ganoon lang siya...I mean...ganoon naman siya sa lahat di ba?" aniya, nanatiling nakangiti. Subalit sandaling napaisip ang dalaga. Bakit nga ba ganoon siya tratuhin ng binata?
Sandaling napatitig ang kaibigan sa kanya, kapagkuwan ay tumango. May kakaibang ngiting naglalaro sa labi nito.
Nakahinga lang siya nang maluwag ng dumating na ang kanilang professor. Inilibot lang nito ang tingin sa kabuuan ng classroom, pagkatapos ay kinuha nito ang isang pahinang exam nila. Lihim na siyang nagdasal bago pa dumating sa kanya ang kapirasong papel na iyon. Kapiraso lang iyon ngunit alam niyang sangkaterba ang formula at explanation nakapaloob roon.
Inaasahan na ng dalaga ang hirap na pagdaraanan niya sa exam ngunit agad na nagliwanag ang kanyang mukha ng makita ang nilalaman noon.
Kahalintulad iyon ng mga pinag-aralan niya sa laptop ni Emir. She was thanking all the Gods at that moment kasi alam niyang hindi siya mahihirapan. Sariwa pa sa kanyang isipan ang mga pinag-aralan niya. Kung hindi man perfect, alam niyang mataas ang makukuha niyang marka.
Makalipas ang halos isang oras, tsaka lang natapos ang exam nila. Karamihan sa mga ka-klase niya, panay ang reklamo na nahirapan ang mga ito. Pati si Sarah, panay ang maktol sa kanyang tabi.
"Grabe naman 'yon! Nakaka-drain ng utak." Napakamot ito sa ulo sabay hinga nang malalim.
Mahina siyang natawa.
"Buti ka pa, mukhang hindi nahirapan," anito.
Inirapan niya lang ito. "Nag-aral lang nang kaunti."
"Pa-humble effect pa ang bakla." Dinampot nito ang bag nito pagkatapos ay iniakla ang braso sa kanya saka siya hinila palabas. "Hinihingi ni Carlo ang number mo, bigay ko ba?"
"Sinong Carlo?" tanong ng dalaga. Wala naman siyang kilalang Carlo eh.
Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Really? Hindi mo kilala si Carlo? Saang planeta ka ba nagmula?"
Umirap ang dalaga, "Anong gagawin ko, eh hindi ko nga siya kilala?"
Sarah just rolled her eyes at her. " Si Carlo Contreras. 'Yong team captain ng basketball dito."
"Hindi ko nga siya kilala, so bakit mo ibibigay ang number ko?" Hindi sa nagsusuplada siya ngunit hindi siya ang tipo na basta nalang nagbibigay ng numero dahil lang may humingi noon. No way!
"Hi,Akira-“
"Akira-“
Napalingon siya ng marinig niyang sabay na may tumawag sa kanyang pangalan.
"Bakla, si Carlo," bulong ni Sarah sa kanya, "at si Emir."