Pagkatapos nilang mag-usap ni Manang, sinamahan niya ito sa kwarto nito dahil dumaing ito na nakaramdam ito ng pagkahilo. Dahil siguro sa magdamag nitong pagbabantay sa dalaga kaya nahilo ito.
"Ako na po ang bahala kay Akira," aniya rito. Mukha kasing may balak pa itong tumayo upang puntahan ang apo.
Mabuti na lang at nakinig ito. Inalalayan niya itong mahiga sa kama nito. Manang is like his second mother kaya labis din ang pag-aalaga niya rito. Next to his mom, ito ang pangalawang babae na pinakitaan niya ng pagmamahal at pag-aaruga.
Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi niya nang maalala kung gaano siya ka-pilyo rito noong mga panahong bagong dating ito sa kanilang pamilya. Siguro mga siyam na taong gulang siya noong mapunta ito sa pamilya nila since noong panahon ding iyon, nag-umpisang maging abala pareho ang kanyang mga magulang. To the point na halos araw-araw, sila palagi ang magkasama. Manang is like a second mother to him.
"Lalo kang gumagandang lalake kapag ika'y nakangiti 'nak," untag ng matanda sa kanya.
Kinindatan niya lang ito.
"Magpahinga na po kayo," bilin niya. He kissed her on the forehead before he went out of her room. Sunod niyang pinuntahan ang silid ng dalaga. Nadatnan niyang nagpipilit itong tumayo kaya napabilis ang hakbang niya upang alalayan ito.
"What are you doing? You have to rest," angil niya rito.
Umungol ito, "Kailangan kong magbanyo."
Inalalayan niya ito hanggang sa pinto ng banyo. Hindi rin siya umalis doon hangga't hindi ito natatapos. Mukhang hindi nito inaasahan na naroon pa siya paglabas nito dahil puno ng pagtataka ang mukha nito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito. Kahit sa ganoong estado, nakukuha pa rin nitong magtaray sa kanya.
Sinikap nitong maglakad mag-isa pero muntik lang itong matumba. Wala itong nagawa nang hapitin niya ito sa baywang at alalayan patungo sa kama nito.
"Tubig please, "
Agad niyang kinuha ang tubig na nakapatong sa study table nito. Ewan ba niya pero natutuwa siya sa ginagawa niya ngayon. Umupo siya sa tabi ng kama nito. Mataman niyang sinusundan ang bawat galaw nito and he's just amazed how she managed to still look beautiful even in that state. Sabog ang buhok nito at simpleng t-shirt at pajama lang ang suot nito pero ang seksi nito sa kanyang paningin.
"Makakaalis ka na," taboy ng dalaga sa kanya.
"No," tanggi niya. "I'll stay here. Baka may kailanganin ka pa."
Todo iling ito,"Tawagin mo na lang si lola."
"Pinagpahinga ko na siya, nahilo kasi kanina." Napalitan ng pag-aalala ang mukha nito, "Okey lang ba siya?"
Tumango siya. "Ikaw naman ang humiga na. Kailangan mo ring magpahinga. "
Mapait itong ngumiti sa kanya, "Kasalanan mo kasi..."
Umusod siya papalapit dito. Ginagap niya ang kamay nito, dinala niya iyon sa kanyang pisngi.
"I'm sorry." Wala siyang magawa kundi ang humingi ng tawad. He won't justify is wrong doings dahil mali naman talaga ang ginawa niya kahit saang anggulo tingnan.
Napataas naman ang kilay ng dalaga. Bago sa kanyang pandinig ang sinabi ng binata.
"Tama ba ang narinig ko? Si Emir El Greco, humihingi ng tawad sa akin?" Idinampi ng dalaga ang likod ng kanyang palad sa noo at leeg ng binata, "Wala ka namang sakit, so anong dahilan ng paghingi mo nang tawad?"
"I'm sorry na..."
Napairap ang dalaga, "Alin ba ang ihinihingi mo ng tawad? Ang hindi mo pagsundo sa akin o ang pakikipag-s*x mo?"
"What?" gulat na tanong ng binata. "How? I mean,paano mo-“
"Paano ko nalaman na nasa kandungan ka na naman ng kung sinong babae? God, Emir!" Napahawak siya sa ulo ng makaramdam ng pagkahilo. "Kailangan mo pa talagang iparinig sa akin ang ungol at halinghing niyo ng babae mo? Teka, was it Shaina? Oh, never mind. Huwag mo nang sagutin."
"No, Akira," tanggi niya. Panay ang pagmumura niya nang ma-realize ang ginawa ni Shaina. Sinadya nitong sagutin ang tawag ng dalaga kanina.
"Okey na ako. Pwede mo na akong iwan," pagtataboy niya sa binata.
"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap nang maayos." Naiinis siya. Kung kailan naman nais na niyang ayusin ang sarili, saka naman may nangyaring ganito.
Naiinis na rin si Akira kaya kahit anong pakiusap ng binata sa kanya, hindi niya ito kinikibo. Walang gustong sumuko,pareho silang nakikipag-matigasan. Kung hindi lang kumulog nang malakas, hindi pa rin kikibo ang dalaga. Sumabay pa kasi ang biglang pagkamatay ng mga ilaw kaya natakot na ang dalaga.
"Emir!" hiyaw niya sa pangalan nito.
Wala siyang nakuhang sagot sa binata.
"Huwag mo akong iiwan dito. Hoy,nasaan ka na ba?" Kinapa niya ang binata sa pwesto nito ngunit wala ito roon. Nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha dahil sa takot. Ewan ba niya, pero natatakot talaga siya sa dilim. Ang balak niyang pagsigaw nang biglang gumuhit ang isang kidlat ay hindi na niya nagawa nang maramdaman niyang may mainit na bagay na nakadikit sa kanyang labi. Lalo ata siyang nanlambot nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. Dahil bahagyang nakaawang ang labi niya, malayang nagalugad ng binata ang loob ng kanyang bibig.
Tinangka niyang itulak ang binata ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahapit nito sa kanyang baywang. Tumigil na ito sa paghalik sa kanya ngunit ramdam pa rin niya ang init sa pagitan nilang dalawa. Nararamdaman din niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang mukha.
"I'm so sorry kung sa tingin mo nabastos kita. It wasn't my intention. Gusto ko lang i-divert ang isip mo kasi alam kong natatakot ka." Bulong ni Emir. "Pero kung tatanungin mo ako kung ginusto ko ang nangyari, I must admit that I enjoyed having your lips to mine. At ngayong natikman ko na 'yan, ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensiya kasi hindi ko maipapangakong hindi ko na uulitin pa. I just tasted heaven in your lips and I'm already dying to taste it again."
Walang maapuhap na salita ang dalaga. Tila na-blangko ang kanyang utak dahil sa halik na iginawad ni Emir sa kanya. Pakiwari niya, tumigil ang lahat sa paligid niya maski ata pagtibok ng kanyang puso, tumigil na rin.
Emir just kissed her! Naghuhuramentado ang kanyang puso dahil sa kaba at excitement!
"Kailangan mo nang lumabas, baka makita ka nila dito sa kwarto ko." Kinabahan siya nang maalala na baka may makakita sa kanilang dalawa na magkasama sa kwarto niya, kung ano pa ang isipin.
Emir wouldn't want to let go pero alam niyang tama ang sinabi ng dalaga. Hindi nga magandang tingnan na magkasama sila sa iisang kwarto kahit pa alam naman nilang wala silang ginagawang masama. Inalalayan siya nitong humiga tapos kinumutan siya nito. Yumuko ito upang gawaran siya ng isang mabilisang halik sa labi.
"Rest well, mahal," anito bago lumabas ng kanyang kwarto.
"Buwisit ka talaga!" yamot niyang sabi kahit pa hindi na nito rinig ang kanyang sinabi. Anong akala nito, madadala siya simpleng tawag nito sa kanya? Mahal? Nagtaklob siya ng kumot pagkatapos ay impit siyang napatili. Abot langit ang kilig na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Tunay ngang tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Dahil kahit anong tanggi niya, kinikilig siya sa mga bagay na ginawa ng binata para sa kanya.
Hindi na rin niya namalayan na nakatulog na pala ulit siya. Nang magising siya, madilim pa rin sa labas. Masama kasi ang panahon gawa ng bagyo. Dahan-dahan siyang bumangon, ngayon niya kasi nararamdaman ang p*******t ng buo niyang katawan. Kahit nanlalambot siya, pinilit niyang tumayo upang kumuha ng damit sa cabinet niya bago nagtungo ng banyo. Kailangan niyang magpalit ng damit. Baka mamaya, bigla na lang sumulpot si Emir tapos may maamoy itong hindi kaaya-aya. Sakto namang paglabas niya ay pagpasok naman ng kanyang lola na may dalang mainit na arroz caldo. Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy ang bango nito.
"Mabuti naman at gising ka na, apo." Inilapag nito sa kanyang lamesita ang dalagang pagkain pagkatapos ay inalalayan siyang umupo. "Kainin mo na ito habang mainit pa nang maginhawahan naman ang iyong tiyan. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi pa talaga ito nakuntento, sinalat nito ang kanyang noo.
"Opo. Huwag na po kayong mag-alala. Medyo masakit lang po ang katawan ko pero kaya naman. " Napasilip siya sa labas ng biglang umihip ang malakas na hangin. Malakas pa din ang ulan sa labas kaya kahit patanghali na ay madilim pa rin.
"Santa Maria! Santa Barbara!" hiyaw ng kanyang lola ng biglang kumidlat. "Panginoon ko, tama na po."
Hindi niya maiwasang mapangiti. Hindi na talaga natanggal ang pagiging matarantahin ng kanyang lola. Subalit napalitan agad ng pag-aalala ang kanyang mga ngiti nang maalala ang sinabi ni Emir kagabi.
"Kayo po, maayos na po ba ang pakiramdam niyo? Nasabi ho kasi ni Emir kanina na nahilo daw po kayo..."
"Okey lang ako, apo. Ubusin mo na iyang iniluto ko,baka lumamig pa. Tutulungan ko lang si Paulina sa pagluluto."
Tumango lang siya sa abuela bilang tugon. Puno na kasi ng pagkain ang kanyang bibig. Mabuti na lang na kahit nagkasakit na siya lahat-lahat, hindi pa rin nawawala ang gana niyang kumain. Kaya hayon, nilantakan niya agad ang dalang arroz caldo ng kanyang lola.
Abalang-abala siya sa kanyang pagkain na hindi na niya napansin ang pagdating ni Emir. Amuse itong nakatingin sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pinto. A short laugh came from him when he heared her burp.
Nagulat naman ang dalaga nang malingunan si Emir. Mabilis ang pagtahip ng kanyang dibdib, hindi siya sigurado kung dahil ba sa gulat o sadyang ganoon ang epekto ng binata sa kanya. 'Yong tipong hindi siya mapakali habang nasa malapit ito.
Naglakad naman ang binata palapit kay Akira. He never break their eye contact. Tumigil siya sa harapan nito at walang sabi-sabing sinakop niya ang labi nitong nakaawang.
"Mahahawa ka," sambit niya sabay tulak sa binata. Tumawa lang si Emir pagkatapos ay naramdaman niya ulit ang labi nito sa labi niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at pinagpantay ang katawan nila. Kusa namang naglambitin ang kamay niya sa batok nito dahil sa panlalambot nang kanyang mga tuhod.
Emir's hands snake's around her body like he's afraid of letting her go. Ang mga halik niya ay naging mapusok na rin lalo at nararamdaman niya ang pagtugon ng dalaga. Hinapit niya pa ito pa-dikit sa kanyang katawan sapat na upang lalo pang pagningasin ang init sa pagitan nilang dalawa. Ngunit siya na rin ang kusang lumayo dahil baka kung saan pa makarating ang mainit na tagpong iyon.
"Papayagan mo ba akong ligawan kita?" he hoarsely asked. Hinaplos niya ang ibabang labi ng dalaga gamit ang kanyang daliri. Kumunot ang noo nito nito sa kanya.
"H-hin...di.." Napatawa na lang siya nang hindi ito makasagot sa kanya.
Subalit nang makita niyang mangiyak-ngiyak ito, kinabig niya ito at dinala sa kanyang matipunong dibdib.
"I'm sorry. It was so disrespectful of me to do this inside your room. At dito pa mismo sa bahay." Hinging paumanhin ng binata habang hinahaplos niya ang buhok nito.
"O-okey lang. Nagpadala din naman ako eh. Hindi mo rin naman ako pinilit," sambit ng dalaga. Pilit niyang itinatago ang mukha dahil alam niyang namumula na iyon sa sobrang kahihiyan na kanyang nararamdaman.
Lumayon si Emir sa dalaga. Mahirap magpigil lalo na kapag nararamdaman niya ang mainit na balat ng dalaga sa kanyang balat. Sinalat niya ang noo nito. Mabuti na lang at wala na itong lagnat. "May masakit ba sa'yo? May gusto ka bang kainin?"
"Okey lang ako. Medyo masakit lang ang katawan ko pero kaya naman," tugon ng dalaga. Hindi niya namalayan na napahawak na siya sa kanyang labi, doon pala titig na titig ang binata.Napatawa ito.
"What?" nagtatakang tanong niya. Umiling ito pero naroon ang makahulugang ngiti sa labi nito.
"Wala naman. Ang cute mo lang kasing tingnan," naaaliw nitong sambit.
"Babalik na ako sa kwarto ko. I have some important matters to do," aniya at mabilis siyang dumukwang upang halikan ulit ang dalaga
. "Namimihasa ka na sa kaha-halik, ha?" nakangusong reklamo ng dalaga. Pero sa lahat ng reklamo niya sa binata, ito ang pinakagusto niya. Hindi pa ito nakuntento at mabilis ulit siyang hinalikan.This time, the intensity increases. Na kung hindi pa sila titigil ay baka kung saan na mapunta.
"I just need some inspiration," He whispered and left. Naiwan siyang nagtataka. Anong gagawin nito at may inspiration pa itong nalalaman? Hindi kaya gumawa na naman ito nang kabulastugan?Naku, humanda na ito talaga sa kanya. Sawa at pagod na siyang intindihin ang mga kalokohan nito. Sana nga lang ay magbago na ito. And speaking of pagbabago, nagawa na kaya nito ang mga post it notes na iniwan niya sa study table nito? Sana naman. It's the least she could do pagkatapos nang naitulong nito sa kanya hinggil sa calculus at analysis. Pinakiusapan pa niya sina Niko at Clarence tungkol doon. Panay pa ang reklamo nang dalawa kasi karamay ang mga ito. It's their last resort para pumasa ngayong semester kaya sana ay gawin ng mga ito.
Humiga siya sa kama na nakangiti. Dinama niya ang labi na kanina lamang ay sakop ni Emir.
God! Hindi na birhen ang kanyang labi! Muling pumasok sa isip niya ang nangyari kanina at aaminin niyang nakaramdaman siya ng init. Kung hindi ito tumigil, maaaring lagpas pa roon ang kanilang narating. Does that mean, nakahanda siyang ipaubaya ang sarili sa binata? Pinakinggan niya ang t***k ng kanyang puso. Abnormal ang t***k noon. Mabilis. Nagpabiling-biling na siya ulit sa higaan, hoping that she could forget what had happened pero hindi eh. Kahit anong gawin niya, mukha ng binata ang nakikita niya at ang mainit na tagpo sa pagitan nilang dalawa. Mukhang hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman. Unti-unti na siyang napapasubo sa kung anuman ang meron sa kanila ng binata.
Is this what they call, love? Kinapa niya ang celphone sa ibabaw ng mesa nang marinig na may pumasok na mensahe. Galing sa binata.
"Mahal,"
Nagtipa siya nang mensahe para dito.
"Tarantado!" And then she hit the send button. The next thing she knew, he was already requesting for a video call. Nakailang tawag ito pero kahit isa ay wala man lang ay wala siyang sinagot na tawag dahil sa totoo lang, sumasakit na ulo niya sa katititig sa kanyang telepono. Maya-maya, nakatanggap siya ng mensahe mula rito.
"Liligawan kita." Nagtipa siya ng sagot dito, "Akala ko ba hindi ka pumapatol sa isang katulong?"
Ilang segundo lang ay may sagot na agad ito. "I was just a jerk back then. I didn't mean to offend you that time. Sorry na please...babawi ako promise." Hindi niya magawang sagutin ang mensahe nito dahil grabe na ang t***k nang kanyang puso. Sobra ang t***k nito. Mabilis. Siya, liligawan nito? Tulala siyang napatitig sa kisame ng kanyang kwarto.
Nagtext ulit ito. "Magpahinga ka na,mahal. Huwag kang mag-alala, ginagawa ko ang mga post it notes na inilagay mo sa kwarto ko."
Nangingiti siyang mag-isa habang nakatulala pa rin. Hopefully maging okey na ang lahat sa pagitan nila at sana lang tuloy-tuloy na ang nakikita niyang pagbabago ng binata. Hindi na siya nagreply dito dahil kung totoong ginagawa nito ang mga post it notes niya, malamng abutin ito nang siyam-siyam dahil sa dami noon. Marami itong kailangang habulin about sa school nito. Mabuti na nga lang at napakiusapan niya ang ibang mga professor's nito kung ano ang mga dapat gawin ng binata to pass each subject. Pero infairness, matalino naman daw ang binata, tamad lang pumasok at bulakbol. Dahil na rin siguro sa lamig ng panahon dulot ng bagyo at gamot na ininom niya kaya hindi niya namalayan nakatulog na pala ulit siya. Hindi na niya namalayan na pumasok ulit si Emir sa kanyang kwarto upang kausapin siya ngunit nang makitang mahimbing na siyang natutulog,ngingiti-ngiti na lang itong umalis.