Hindi mapakali si Akira sa loob ng kanyang kwarto. Panay ang paroo't parito niya dahil sa sobrang kaba. Nagalit kasi si Emir nang isumbong niya ang ginawa nitong pagsali sa isang drag racing kung saan muntik pa itong mahuli ng mga pulis. Nagkaroon din kasi nang rambulan kung saan nabugbog ito. Mabuti na lang, naroon si Niko at Clarence kaya nakatakas ito bago pa man dumating ang mga pulis. Kaya lang, siya naman itong hindi mapakali dahil alam niyang galit ang binata sa kanya. Kung paano siya nito titigan kanina, alam niyang may kalalagyan siya.
Subalit hindi nangyari ang bagay na inaasahan niya. Saktong labas niya sa kwarto ng mag-asawa upang kunin ang pinagpalitan na kobre kama at kurtina, siya namang labas din ni Emir mula sa study room ng ama.
"Hindi ka na dapat nagsumbong pa kay daddy," gigil na bulong ni Emir sa dalaga nang magkapanabay sila pababa sa hagdan.
Napatigil sa pagbaba ng hagdan si Akira, hinarap nito ang binatang amo. "Sir, sa tingin niyo, tama ang ginawa niyo? Buong akala ng mama at papa mo ay nasa university ka at nag-aaral, pero ano? Nandoon ka, nakikipagkarera! Muntik ka na doon, Sir Emir!"
Pinitik ni Emir ang noo ng dalaga. "I can take care of myself, Akira. Hindi mo ako kailangan bantayan. And besides, I'm not a child anymore para bantayan mo pa."
"Totoo? Kaya mong alagaan ang sarili mo?" Puno nang pang-aasar na tanong ni Akira. "Grades mo nga, hindi mo magawan nang paraan na maipasa, sarili mo pa kaya ang makayanan mong alagaan?"
Matamang tinitigan ni Emir ang dalaga sa kanyang harapan. Of all the girls he had encountered, ang babaeng ito lang ang may lakas ng loob na sagot-sagutin siya. Mukhang nakakalimot ito sa kung sino ito sa bahay at sa buhay nila.
"Bakit, Akira? Anong bang pakialam mo kung makapasa man ako o hindi? Why does it bother you?Ano ba ang ipinangako ng daddy na makukuha mo?" Kung nakapapaso lang siguro ang mga titig ng binata, kanina pa nagningas ang dalaga sa kanyang kinatatayuan.
Pilit itinago ni Akira ang sakit na naramdaman dahil sa sinabi ng binata. Dahil sa totoo lang, bumababa ang tingin niya sa sarili sa tuwing ipinamumukha nito kung gaano kababa ang katayuan niya. Alam niyang wala siyang dapat na ikahiya sa kung anuman ang katayuan niya sa buhay ngunit kapag ang binata ang nagsasabi noon sa kanya, pakiramdam niya, dumi lang siya sa paningin nito.
Yumuko ang dalaga upang itago ang paggitaw nang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata.
"Sorry, Sir. Hindi na po mauulit," hinging paumanhin ng dalaga.
"Huwag mo sanang kalilimutan kung sino ka lang sa pamamahay na ito, Akira." Halos magputukan ang ugat sa kamay ng binata dahil sa higpit nang pagkakakuyom ng kanyang kamao. Naiinis siya sa panghihimasok ng dalaga sa buhay niya.
Hindi na nag-abala pa si Emir na lingunin ang dalaga dahil na nauna na itong bumaba. Hindi na nito nakita ang tuluyang paglandas ng mga luha sa magandang mukha ng dalaga.
Walang nagawa si Akira kundi ang umiyak. Kailangan niya talagang lakasan ang loob kung gusto niyang maabot ang kanyang mga pangarap. Dapat niya na lang isipin ang magandang kahihinatnan ng lahat ng paghihirap niya.
Pinahid niya ang mga luha sa pisngi, huminga nang malalim pagkatapos ay pilit siyang ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman.
Para sa pamilya! Para sa magandang buhay! Sigaw ng kanyang isipan.
Bitbit ang laundry basket na may lamang mga pinagpalitang bedsheet, diretsong nagtungo ang dalaga sa laundry area kung saan naglalaba si Aling Caridad.
"Aling Caridad, ito na po ang pinagpalitan na kobre kama sa kwarto nina Sir Marcial at Ma'am Paulina," untag ng dalaga sa matandang abala sa paglalaba.
Lumingon naman ito nang marinig ang boses ni Akira.
"Naku, hija! Maraming salamat talaga! Hulog ka ng langit sa amin dito. Bukod sa napakaganda na, masipag at maaasahan pa."
Pasimple namang bumaling nang tingin sa ibang direksyon ang dalaga. Kahit hindi niya kasi nakikita, alam niyang namumula ngayon ang kanyang mga mata.
"Umiyak ka ba?" tanong ng matanda sa kanya. Hindi pa talaga ito nakatiis at tumayo pa upang sipatin ang kanyang mukha. "Nag-away na naman ba kayo ni Emir?"
Hindi na lang nagsalita pa ang dalaga, baka kung saan pa humantong ang alitan nilang dalawa. Lalo lang gugulo ang sitwasyon. Ayaw din naman niyang madamay pa ang lola niya at siyempre,nahihiya din siya sa mag-asawang El Greco.
"Okey lang po ako, Aling Caridad. Hindi pa ba kayo nasasanay sa bangayan naming dalawa?" pilit na ngumiti ang dalaga. Hangga't kaya niya, pagpapasensyahan niya ang kalokohan ng binatang amo.
Napailing na lang ang matanda sa kanya. "Ewan ko ba sa inyong dalawa! Baka mamaya, malaman-laman ko na lang na nagkakamabutihan na kayong dalawa."
Nabigla naman ang dalaga sa sinabi nito.Luminga siya sa takot na baka may makarinig sa kanila,kung ano pa ang isipin. "Aling Caridad naman, huwag ho kayong magsasalita ng ganoon.Nakakahiya..."
"Sus! Mga kabataan talaga ngayon,hindi mo maintindihan ang gusto! " Panay ang salita ng ginang. Sabagay, kailan ba siya nakasingit sa tuwing nagsasalita ito. "Kayo lang ang nagpapakumplikado sa mga bagay-bagay. Kapag gusto,gusto! Kapag hindi naman, sabihin na. Hindi 'yong marami pa kayong katanungan sa isa't-isa. Ang tanong,gusto mo ba siya?"
Nang hindi siya sumagot. Tumigil naman sa pagsasampay ang matanda, pagkatapos ay humarap sa kanya. Matiim ang mga titig nito sa kanya. "Gusto mo?"
"Gusto ang alin? Sino?"
Napapikit na lang ang dalaga nang marinig ang boses ni Emir. Kahit kailan talaga, napaka-perfect ng timing nito. Pasimple namang niyang kinagat ang labi upang bigyan nang babala si Aling Caridad na huwag nang magsalita pa ng kung ano.
"Wala naman, hijo. Tinatanong ko lang si Akira kung may nagkakagusto ba ikako sa kanya sa school niyo?" Pasimpleng kumindat ang matanda sa dalaga. "Sa ganda ba naman kasi nitong si Akira, hindi malayong maraming kabinataan ang magkagusto sa kanya, di ba?"
Emir tsked. "Pag-aaral muna ang atupagin bago ang pakikipagrelasyon. Naiintindihan mo ba, Akira?"
"Opo, Sir. Naiintindihan ko po, " maikling sagot ng dalaga. Hindi na siya nakipag-debate pa.Nakakapagod din ang paulit-ulit na pagpapaliwanag. Inabala niya lang ang sarili sa pagtulong sa pagsasampay.
Pinilit namang maging kaswal ng dalaga sa kanyang mga kilos kahit pa, nakoko-conscious siya dahil sa presensya ng binata.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Aling Caridad sa dalawa. Ramdam niya kasi ang atraksyon sa pagitan ng dalawa ngunit alam niyang wala siyang karapatan na panghimasukan ang dalawa.
"Pagkatapos mo diyan ay sumunod ka sa clubhouse," untag ni Emir bago sila iwan sa laundry area.
Pagkatapos ngang tulungang magsampay ni Akira si Aling Caridad, dumaan muna siya sa kusina upang maghanda ng merienda ng binata. Sakto namang hinahanap ng kanyang lola ang binata upang dalhin ang ini-order nitong pizza kaya siya na lang ang nagkusang magdala. Nadatnan naman niya ang binata na abala sa harap ng laptop nito.
Ano kaya ang totoong pinagka-iinteresan nito? Mukha kasing tutok na tutok ito sa ginagawa. Naroon pang halos magsalubong na ang kilay nito, hindi niya alam kung ano na naman ang issue nito sa buhay.
"Ito na po ang ipina-deliver ninyong pizza," bulong dalaga.
"Just put it there," Itinuro nito ang isang lamesita sa isang sulok. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
Naghihintay ang dalaga sa ipag-uutos nito ngunit lumipas na ang ilang minuto na hindi ito nagsasalita kaya naglakas-loob nang nagsalita ang dalaga.
"Bakit niyo po ako ipinatawag, Sir? May ipagagawa po ba kayo?"
"Just sit beside me." tugon ng binata. Nang hindi sumunod ang dalaga sa sinabi ni Emir, tsaka lang ito tumigil sa ginagawa pagkatapos nagtatakang tumingin sa dalaga. "Do I have to explain everything? Hindi ba pwedeng sumunod ka na lang?"
"Bakit?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"Basta! Umupo ka dito." Itinuro pa ni Emir kung saan uupo ang dalaga, "Basta umupo ka diyan. Kumain ka na rin. And don't you dare nag at me."
Bagsak ang balikat na umupo ang dalaga sa tabi ni Emir. Napakagaling talaga nitong mang-asar. Ang galing-galing lang talaga! Alam naman nito na next week ay exams na nila kaya abala siya sa mga projects niya tapos aabalahin pa siya. Busy din siya sa pagre-review kaya wala siyang oras sa mga ganitong bagay ngunit tinamaan na naman ng saltik ang binata kaya naroon ito ngayon upang yamutin siya.
"Sir, naman! Bakit kailangang narito pa ako? Alam mo namang kailangan ko pang mag-review eh!" yamot na sabi ng dalaga. Tatayo na sana siya upang umalis ngunit naging mabilis ang kamay ng binata kaya nahila siya nito pabalik.
"Just stop talking, Akira. Nakaririndi ang boses mo." Kinuha ni Emir ang isang slice ng pizza pagkatapos ay walang pasabi nitong isinubo iyon sa dalaga.
Walang nagawa ang dalaga kundi nguyain ang pagkain sa takot na mabulunan siya.
Nakangisi naman ang binata nang lingunin ni Akira.
"Pagkain lang pala ang magpapatahimik sa'yo eh." Dumampot ulit ang binata ng pizza upang kainin.
They just eat quietly. Seize fire muna sila for the meantime. Hindi na nila namalayan na halos maubos na nila ang buong pizza.
Maya-maya, iniharap ni Emir ang laptop sa dalaga.Hindi naman mapigilan ni Akira ang pagkadisgusto dahil sa mga numerong nakita niya.
"Take a look at this...
"Sir, kanina pa sumasakit ang ulo ko. Huwag niyo ng dagdagan pa." Aminado naman ang dalaga na struggle talaga para kanya ang Mathematics lalo na kapag calculus at analysis ang pag-uusapan. She would take an extra effort studying dahil nahihirapan talaga siya sa parteng iyon.
"Ah, basta! Pag-aralan mo 'yan!"
"Sir, naman!" maktol ng dalaga. Marami pa siyang gagawin mamaya.
"Pagkatapos mo ay dalhin mo na lang sa kwarto ko ang laptop." Bilin ni Emir bago siya tuluyang iniwan.
Wala namang magagawa ang dalaga kaya sumunod na lang siya. Inabala niya ang sarili sa pag-aaral. May dalawang oras din bago niya tuluyang naitindihan ang lahat. Nang sipatin niya ang suot na relo, lampas alas singko na pala.Kailangang pa niyang tulungan ang lola niya sa paghahanda ng hapunan.
Bigla namang napahawak ang dalaga sa silyang kinauupuan nang mawalan siya ng balanse pagkatayo niya. Bahagya kasing namamanhid ang kaliwa niyang paa dahil sa tagal ng kanyang pagkakaupo. Nang maramdaman medyo okey na ang kanyang pakiramdam, sinamsam niya ang laptop ni Emir at ang mga pinagkainan nilang dalawa.
Dumiretso siya sa kwarto ng binatang amo upang dalhin ang laptop nito. Nakailang katok na siya subalit walang tugon galing dito.Lakas-loob niyang binuksan ang pinto, tutal may go signal naman galing dito na dalhin doon ang laptop nito.
"Tulog pala," bulong ng dalaga nang madatnan si Emir na natutulog. Ipinatong niya ang laptop nito sa lamesita malapit sa uluhan nito. Balak na sanang lumabas ng dalaga ngunit tila nabatubalani siya sa gwapong amo.
Dahan-dahan siyang lumapit dito, pagkatapos ay mataman itong tinitigan. Naiinis lang ang dalaga dahil unfair talaga ng mundo. Kahit kasi sa malapitan ay kita niyang wala man lang pores at blemishes si Emir. Makinis ang balat nito.Mukhang alagang-alaga ang balat, hindi tulad ng sa kanya na hanggang safeguard lang ang kayang i-sabon.
"Gwapo sana eh, masungit lang minsan," bulong ng dalaga. "Pero ang sarap mo ring dikdikin minsan eh,matigas kasi ang ulo at barumbado minsan. Hindi ba pwedeng makinig ka na lang sa mga magulang mo para wala ng gulo? Pati kasi ako, nahihirapan sa'yo eh!"
Malakas ang loob ng dalaga na magsalita kasi alam niyang natutulog ang binata dahil kung gising lang ito ngayon, kanina pa sila nagbabangayan.
Balak sanang haplusin ni Akira ang noo ng binata, kahit kasi natutulog ito. nakakunot pa rin ang noo. Kinakabahan lang siya na baka magising ito kapag ginawa niya. Bahagya pa siyang napangiti nang makaisip ng kapilyahan.
Magalit kaya ang binata sa kanya kapag ninakawan niya ito ng halik? Nasapo niya ang mukha dahil sa kahihiyan.
"Ano ba itong naiisip ko?" bulong ng dalaga. "Nasisiraan na ata ako nang bait. Kung ano-ano na kasi ang naiisip ko eh."
Lalabas na sana ang dalaga sa kwarto ni Emir ngunit nang sandaling tumalikod siya, saka naman niya narinig ang boses ng binata.
"So, you find me good-looking?" he asked with his deep husky voice.
Nang lingunin ng dalaga si Emir, nakapikit pa rin ito ngunit ng mga oras na iyon, hawak-hawak na nito ang kanyang pupulsuhan. Tinangka ng dalaga na hilahin ang kanyang kamay ngunit walang balak ang binata na bitawan iyon.
"Kailangan ko na pong umalis," sambit ng dalaga sabay hila sa kamay niyang hawak nito. Nang mga oras na iyon, kinakabahan na ang dalaga. Hindi niya kasi mabasa ang reaction ni Emir. Hindi niya alam kung galit ba ito o hindi? Basta lang itong nakatitig sa kanya.
"Answer me." utos ulit ni Emir. This time, hinila na niya ang dalaga papalapit sa kanya. Pigil niya ang mapangiti dahil sa nakikitang reaction ng dalaga. Hindi kasi ito makagalaw habang nakatingin sa kanya.
"Bitiwan mo muna ako." Malakas nang itinulak ni Akira ang binata. Ewan ba niya pero hindi siya komportable na halos magkadikit na ang kanilang katawan. May kaakiba siyang nararamdaman na hindi niya mapangalanan.
"Do you find me attractive?"
"Oo," malakas ang loob na sagot ng dalaga.
Napangisi si Emir. Mukhang may babae na namang bumagsak sa kanyang karisma. Tumayo ang binata dahilan upang mapa-atras ang dalaga. Hindi niya kinakaya ang pagiging malapit ni Emir sa kanya lalo na at wala itong pang-itaas na baro.
"Huwag kang masyadong lumapit sa akin, Akira. Baka hindi mo kayanin ang dala kong hatid sa oras na mapalapit ka sa akin. Kaya hangga't maaari, lumayo ka na sa akin. I'm not a good person. I'm not a good influence." puno nang babala ang boses ng binata ng magsalita ito. Hangga't kaya niya, he will spare Akira from all his wrong doings for the sake of Manang. Napamahal na sa kanya ang matanda kaya ayaw niyang madamay ang apo nito sa galit at tampo niya sa magulang. Ayaw din niyang mapasama ito sa mga babaeng lumuha lang dahil sa kanyang kalokohan. Alam niyang masasaktan ang matanda sa oras na saktan niya ang apo nito.
Hindi makahuma ang dalaga. Naroon na siya. Na natatakot siya. Kinakabahan siya sa tuwing naiisip niya kung paano magalit ang binatang amo. Nasaksihan niya mismo iyon nang makipagbugbugan ito sa drag racing dahil nalaman nito na may gustong sumabotahe sa sasakyan nito. Mabuti na lang at nalaman agad iyon ni Emir kaya napigilan ang isang trahedya subalit hindi nila napigilan ang pagsugod nito sa kalaban. Ang ending, rambol. But thanks to Niko and Clarence kasi ang dalawa ang tumulong sa kanya para mailayo ang binata sa gulo. Pero kahit ganoon ang nangyari, nararamdaman ng dalaga na may mabigat na dinaramdam ang binata. Nagagalit siya sa mga ginagawa nito pero may parte sa isip niya na iba ang ipinapakita nito sa totoo nitong nararamdaman.
"Bakit pakiramdam ko, iba ang ipinapakita mo sa totoong ikaw? Bakit pakiramdam ko, hindi ka naman ganyan? Na hindi ka masamang anak. Na hindi ikaw ang sinasabi ng iba na ikaw." Hindi alam ni Akira kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon pero huli na. Nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.
"Out!" sigaw nito sabay talikod sa kanya.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang umalis sa kwarto ni Emir. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at nakapagsalita siya ng ganoon. Sana nga lang ay matauhan ang binata bago pa maging huli ang lahat.
Marahas namang nasipa ni Emir ang paanan ng kanyang kama.
Ano ba ang alam ng dalaga sa tunay niyang pinagdadaanan? Alam ba nito ang sakit na namamahay sa kanyang puso? Alam ba nito kung paano siya pinapatay araw-araw ng sakit?
He just need their time and care. He just need them during those times na kailangan niya ng magulang but they're always busy about business. They only care about their business. Lumaki na siya at nagka-edad pero wala siyang maalala na quality time nilang mag-anak.
Never.
At kung ang pagkasangkot sa gulo at kawalan niya ng interes sa pag-aaral ang magiging dahilan upang mapansin siya ng mga magulang, gagawin niya. Sanay na naman siya eh. Napapansin lang siya ng mga ito kapag may nagagawa siyang mali.