"Ay, kabayong bundat!" malakas na napahiyaw ang dalaga nang may biglang sumundot sa kanyang tagiliran. Nang lingunin niya kung sino ang may kasalanan, nakita niyang abot tainga ang ngiti ni Emir.
Naningkit ang mga mata niya dahil sa inis. Ayaw pa naman niya ng ginugulat siya dahil kung anu-ano minsan ang kanyang nasasabi. Akala niya kasi,siya na lang itong gising. Tahimik na kasi sa buong bahay. Nauna nang matulog ang kanyang lola, sumakit kasi ang ulo nito kanina kaya siya na lang ang nagprisintang maglabas ng basura.
"Padaan ako," pakiusap niya sa binata. Nakaharang kasi ito sa kanyang daraanan.
Mabuti naman at nakinig ito. Lumigid ito ng kaunti upang makadaan siya. Sa totoo lang kasi, kinakabahan din siya nang hindi niya alam.
Paalis na sana siya ng maramdaman niya ang pagkapit nito sa laylayan ng suot niya t-shirt dahilan upang mawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at mabilis nitong nahapit ang kanyang baywang bago pa man siya mapasubsob.
"Okey ka lang ba?" tanong ng binata sa dalaga. Humigpit lalo ang hawak ni Emir sa dalaga nang maamoy niya ang natural nitong bango.
Bahagyang itinulak ng dalaga si Emir, hindi siya mapakali na ganoon silang kalapit sa isa't isa. "Bitawan niyo na po ako. Okey lang po ako."
Walang nagawa si Emir kundi pakawalan ang dalaga. Gusto pa sana niyang maamoy ang bango nito ngunit baka matakot na sa kanyang ang dalaga. Napatawa na lang siya ng makita niyang halos tumakbo na ito palayo sa kanya. As if naman hahayaan pa niyang makalayo pa ito. Ngayon pa bang napagtanto niyang amoy pa lang nito,natutuliro na siya?
Mabilis naman ang naging takbo ni Akira. Gusto na niyang makarating agad sa kanyang kwarto. Nahihiwagaan kasi siya sa ikinikilos ng anak ng kanyang amo. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa sa atensyong ibinibigay nito sa kanya. Kanina, habang hawak siya nito sa baywang, ramdam niya ang kiliting dulot nang pagdidikit ng kanilang katawan. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niya. Aminado naman siya na noong una pa lamang ay naging crush na niya ito ngunit kasabay ng excitement na nararamdaman niya ay ang takot. Takot na baka matulad lang siya sa kapatid niyang napariwara ang buhay dahil naloko ng lalake. Sa loob ng ilang araw na pananatili niya sa mansion, may kung ilang beses na siyang kinukulit ng binatang amo. Nakakairita lang ang kalandian nito. Siya pa talaga ang napiling pagtripan.
Wala na ba itong malanding babae at siya itong pinag-tritripan ngayon?
Teka lang, bakit ba siya natatakot sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari? Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang pag-aaral. Focus! Focus! Paalala niya sa kanyang sarili.
Huminga siya ng malalim upang payapain ang sarili. Inilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto niya. Oo, maliit lang iyon ngunit masaya na siya sa simpleng bagay na kagaya nito. Halos dalawang linggo na siya sa Maynila, aamiin niyang marami siyang natutunan sa bawat pagdaan ng mga araw. Natutuwa siya sa isiping nasa unang hakbang na siya patungo nsa kanyang mga pangarap. Lalo lang lumapad ang kanyang ngiti ng makita niya ang uniporme niyang naka-hanger sa tabi. Unang araw ng pasok niya sa university bukas kaya halo ang kaba at saya na kanyang nararamdaman. Hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Nagising na lang siya kinaumagahan dahil sa pagtunog ng kanyang alarm clock. Kahit hindi naman siya inoobliga na magtrabaho tuwing may pasok siya, nahihiya pa rin siya kaya kahit man lang sa paghahanda ng almusal o kaya pagdidilig sa mga halaman ay magawa niya.
Nag-toothbrush lang siya at naghilamos. Basta na lang din niyang itinali ang kanyang buhok bago siya lumabas ng kanyang kwarto.
"Emir," bulalas niya nang mabungaran ang pagmumukha ni Emir sa labas ng kanyang kwarto. "Anong ginagawa mo rito?"
He leaned on the wall, "I was just checking if your awake already. Ayoko ng pinaghihintay ako."
Si Ma'am Paulina kasi ang nag-suggest na sabay na silang pumasok since pareho lang naman ang school nila. Tumanggi siya dahil sa hiya ngunit nagpumilit ito kaya wala siyang nagawa. Hindi na siya magtataka kung tatanggi ang binata ngunit nagulat siya at hindi man lang ito nagreklamo. Baka kasi mapahiya ito kapag nakita silang magkasama. Hamak na katulong lang siya sa bahay ng mga ito kaya buong akala niya, hihindi ito.
"Huwag po kayong mag-alala, Sir, maaga naman po akong nagigising," nahihiyang tugon ng dalaga.Talagang pinuntahan pa siya nito dahil lang doon.
Naningkit naman ang mga mata ni Emir ng makita ang suot ng dalaga. "Go back to your room and change into something decent!?"
Napaatras ang dalaga dahil sa sinabi ng binatang amo. Noon lang din niya napagtuunan ng pansin ang suot niya. Nakalimutan niyang manipis na t-shirt lang ang suot niya at bakat ang kanyang itaas na panloob.
"Mahabaging langit!" tili niya, sabay takbo papasok sa kanyang kwarto. Napasandal siya sa likod ng pinto, pakiwari niya, hinabol siya ng tikbalang dahil sa bilis ng t***k ng puso niya.
Nakakahiya ka, Akira! Baka akalain noon,kaladkarin kang babae! Marahas niyang nasipa ang dingding dahil sa labis na hiya. Lalo tuloy siyang hindi mapakali nang maisip na kasabay niya ito mamaya. Wala na siyang mukhang maihaharap.
"Pantalon at long sleeve ang isuot mo." sabi ni Emir sa labas. Rinig din niya ang mahina nitong pagtawa.
Aligaga naman siya sa paghahanap ng ipapalit na damit. Ke aga-aga, disaster agad ang inabot niya. Nang makakita ng maayos na pamalit, mabilis siyang lumabas upang tulungan ang kanyang lola sa kusina. Pagkatapos niyang tumulong ay nagtungo siya sa labas at nagdilig naman ng mga halaman. Nang matapos ay naligo na siya at naghanda na sa pagpasok.
Sakto namang kalalabas lang niya ng kwarto niya ng makita niyang nakatayo ang binata sa sala at mukhang inaantay siya.
"Help me," tukoy nito sa suot na long sleeve, "hindi ko maitupi ng maayos."
Kahit kinakabahan ay nilapitan niya ito at tinulungang itupi ang manggas ng suot nitong long sleeve hanggang siko.
Umikot siya rito at tiningnan kung okey na nga ba ang suot nito. Lumapit ulit siya ng mapansin na medyo hindi pantay ang pagkaka-tuck in nito.
Para namang naging tuod si Emir nang maramdaman ang kamay ng dalaga sa kanyang tagiliran. Hindi niya maiwasang mapalunok,kinabahan siya. "It's fine. Kailangan na nating umalis, baka abutin pa tayo ng traffic."
Naunang lumabas ang binata, sa haba ba naman ng biyas nito, malamang mapag-iwanan siya. Nadatnan niyang nakasakay na ito sa driver side ng kotse nito. Hindi niya tuloy alam kung saan siya sasakay, sa likod ba o sa harap? Sa huli napagpasiyahan niyang sa likod na lang umupo.
Lumingon ang binata sa kanya, "So,balak mo talaga akong pagmukhaing driver?"
Kinabahan siya lalo na nang makitang matiim at sersyosong nakatingin si Emir sa kanya. Mukha itong galit ngunit may mapanukso naman ang ngiti sa labi nito.
Nagkatitigan sila sa rearview mirror. Kumindat pa ang binata sa kanya. "Sabagay, willing naman akong maging driver mo, basta sa akin ka lang palaging sasakay!"
Awang ang labi ng dalaga, habang sapo ang kanyang dibdib. Nang makabawi sa pagkabigla,saka lang siya nakapagsalita. "Huwag niyo naman po akong ganyanin. Palagi niyo na lang akong pinagtri-tripan eh."
Si Emir naman ang nainis sa sinabi ng dalaga. So, sa tingin nito, pinagtri-tripan lang niya ito? Hindi ba nito nararamdaman na attracted siya rito?
"Lumipat ka dito sa tabi ko." utos ni Emir sa dalaga. Pagkapasok nito, siya na rin ang nagkabit ng seatbelt nito.
"Salamat." Tila ba nahirapan sa paghinga ang dalaga ng mapagtanto niya kung gaano sila kalapit ng binata. Nanunuot sa kanyang ilong ang natural na amoy nito bilang lalake na humahalo sa shampoo at after shave nitong ginamit.
"So, kapag sinabi kong gusto kita, iisipin mo na pinagtritripan lang kita?" tanong ni Emir sa dalaga ng mapatapat sila sa stop light. Nang lingunin niya ang dalaga, mangiyak-ngiyak na ito, nakakuyom na pati ang magkabila nitong kamay.
"Sabi nang huwag mo akong pagtripan eh!?" hiyaw ni Akira.
Hindi naman maiwasang mapangiti ng binata. Mukhang magiging kapana-panabik ang taong panuruan para sa kanya. Makita niya lang ang salubong na kilay at nakangusong labi ng dalaga, hindi na niya mapigilang matuwa. Exciting!
Lalo lamang nainis ang dalaga nang malingunan niya si Emir. May mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Hindi niya maiwasang kabahan lalo na nang lumingon ito sa kanya at kindatan siya nito bago maniobrahin ang kotse paalis ng mansyon.