CHAPTER FOUR

2293 Words
Kanina pa nag-aabang ng masasakyang jeep si Akira pauwi nang may biglang nagtakip sa kanyang bibig at mata saka hinila siya papasok sa isang itim na van. Sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib nang maalala ang bali-balitang pangunguha ng mga dalaga at sapilitang isinasakay sa isang itim na van. Ramdam niya ang takot at panginginig ng buo niyang katawan. Wala nga siyang lakas ng loob na imulat ang mga mata. Kung hindi lang niya naulinigan ang mahinang tawanan sa loob ng sasakyan, hindi siya mag-aabalang magmulat ng mata. Nakita niya si Emir na nakangisi sa kanyang tabi samantalang si Niko at Clarence, pigil-pigil din ang pagtawa. Dahil sa sobrang takot at inis na kanyang naramdaman, hindi na niya napigilan ang sarili. Natagpuan na lang niya ang mga kamay niyang panay ang hampas sa binata.               "Waray gud nim boot nga lalake ka! Kahuna ko, hin-o na ang kinmuha ha ak! Pisti ka!" (Ikaw na lalake ka, wala ka talagang bait! Akala ko kung sino na ang kumuha sa akin! Peste ka!)               "Hoy, babaeng ibon, tantanan mo ang buhok ko!" panay ang hiyaw ni Emir.  Si Clarence at Niko naman, mukhang enjoy na enjoy sa nakikitang bangayan nilang dalawa. Mukhang wala talagang balak na pigilan sila. Maski ang driver ni Niko, hindi mapigilan ang pagtawa sa kanila. Abala pa rin silang dalawa sa pagbabangayan kaya hindi nila napaghandaan nang biglang nag-preno ang sasakyan. Mabuti na lang at naging mabilis ang kilos ng dalawa kaya nakahanap agad  ng mahahawakan. Naiwasan nilang mapasubsob sa unahan. Subalit nagkatinginan ang dalawa nang mapagtanto ang kanilang posisyon. Nag-isang linya ang kilay ng dalaga nang makita kung nasaan ang kamay ni Emir. Noon lang din napansin ni Emir na ang kanya palang nakapitan ay ang dibdib ni Akira. Ang ending, hindi na natuloy ang lakad nila dahil nawalan na rin ng gana si Emir nang mapansin nito ang pananahimik ni Akira sa loob ng sasakyan habang pauwi. Niko and Clarence tried to cheer her pero nanatili itong walang kibo. Sa huli dinaan na lang silang dalawa sa mansyon. Balak sanang kausapin ni Emir ang dalaga ngunit hindi na niya nagawa dahil mabilis siya nitong tinalikuran. Hindi na rin ito lumabas pa pagkapasok nito sa kwarto kaya naisipan na lang niyang magpahinga na lang din. Nawalan na rin siya ng ganang lumabas pa kasama ng barkada. Nahimas naman niya ang kanyang noo nang maalala ang ginawang pag-untog ni Akira sa kanya kanina.Talaga ngang nagkaroon siya ng bukol. Sukat ba namang, i-untog nito ang ulo sa kanya? Yari ata sa bato ang ulo ng babaeng iyon. Kasalanan ba niya kung napahawak siya sa dibdib nito? For God's sake, it was an accident! And besides,wala naman siyang naramdaman eh. Ga-pimple lang naman ang laki ng dibdib nito ah! Panay ang iling niya. Kanina pa siya nakahiga sa kanyang kama ngunit ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isipan. Nakatulog na siya lahat-lahat, iyon pa rin ang iniisip niya. Maaga siyang nagising kinabukasan. He was in a good mood ngunit dagli iyong nawala nang kausapin siya ng kanyang daddy during breakfast.               "Kailan ka ba magtitino, Emir? Idinamay mo pa si Akira sa kalokohan niyo kahapon." Matiim ang pagkakatitig ni Marcial sa anak nito. Until now, kinukuwestyon pa rin niya ang kanyang sarili kung saan ba siya nagkamali sa pagpapalaki rito. Masyado ba siyang naging maluwag? Saan siya nagkulang? May be because, wala silang gaanong oras dito habang lumalaki ito? Papalit-palit din kasi ito ng yaya noon na sa huli, si Manang Lily na ang naging kasa-kasama nito.. Kaya siguro ganoon nalang ang attitude nito ngayon. "We're just having fun, Dad," maikling sagot ng binata. Dumampot siya ng hotdog at isinubo iyon. Nawalan na siya ng ganang kumain kapag ganito na ang eksena nila sa umaga. Tatayo na sana siya pagkatapos niyang uminom ng juice nang magsalita ulit ang ama. "Kumain ka ng maayos, Emir." Marcial couldn't help but raise his voice. Nalaman kasi nito ang ginawa nila kay Akira kahapon. "Sa labas na lang ako kakain, Dad." Gusto nang  umalis ng binata, baka kasi may masabi pa siyang iba na ikasama pa ng loob ng kanyang mga magulang. "Kumain ka na,'nak," malumanay na pakiusap ng kanyang Mommy. Wala siyang nagawa kundi ang kumain na lang. Higit kanino man, ang kanyang mommy ang pinakaiiwasan niyang sumama ang loob. "From now on, you have to eat your breakfast with us kung gusto mong makatipid," Marcial said with conviction. "I had freeze all of your accounts effective today." Napahinto naman sa pagsubo si Emir dahil sa narinig na sinabi ng ama. Bakit naman siya magtitipid? I mean, they have all this vast wealth. Hindi naman sa nagsasayang siya ng pagkain, pero ang tipirin siya, bakit? Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kanyang daddy at mommy, waiting for their explanation. "Why? Bangkarote na ba tayo para tipirin niyo 'ko?" Binalingan ng binata ang kanyang ina, "Mom?" Hindi na napigil ni Emir ang pagtaas nang kanyang boses. Inaantay niyang kampihan siya ng kanyang Mommy ngunit nag-iwas lang ito ng tingin sa kanya. Nakita niyang tumayo ang ama at lumapit sa kinauupuan niya pagkatapos ay dumukot ito sa wallet nito. Inilagay nito sa kanyang palad ang isang libo.             "That's your allowance for today." Halos lumuwa ang mata ng binata nang makita kung magkano ang inilahad na pera ng ama. "Sa kape pa lang, baka kulangin pa ito! You know, I have friends, Dad!" "Hindi mo obligasyon na bigyan sila ng kape, Emir." Masakit din para kay Marcial na tipirin ang anak ngunit kailangan. It was too late doing this pero kaya pa naman sigurong magbago ng kanyang anak. "Kung gusto mo naman, magbaon ka ng kape. Maraming three-in-one sa pantry." Emir was lost for words. Nang makabawi siya sa pagkabigla, likod na lang ng kanyang ama ang kanyang nakita. Pumasok na ito sa library, surely mamaya pa ulit ito lalabas. Nilingon niya ang ina, "Mom, what's the meaning of  this?"  Iwinagayway pa niya sa harapan nito ang isang libo ngunit mukhang nag-usap na ang kanyang mommy at daddy. Pinagkakaisahan siya ng mga ito. "Sundin mo na lang ang iyong Daddy,'nak." Aminado din ang ginang na masakit para sa kanya ang pagtitipid para sa anak ngunit dapat noon pa nila ito ginawa for him to be responsible enough. Yes, mali sila. And if this little things will help him realize something, nakahanda siyang tikisin ang anak. Hindi na nakipag-argumento ang binata pa. "We have to go, Mom," pamamaalam ng binata sa ina nang matanawan nitong naghihinatay na sa labas si Akira. Mabilis namang sumunod sa kanya ang dalaga. Hindi niya ito iniimikan maski ang tingnan ay hindi niya magawa. Kapag ganitong mainit ang kanyang ulo,it's better not to talk. Alam niya ang tendency niyang idamay lahat ng tao sa paligid niya kapag mainit ang ulo niya o kaya kapag galit siya. Mukhang alam na din naman iyon ng dalaga kasi hindi rin naman  ito naglakas-loob na kausapin siya. Nang mapatapat sila sa stop light, binuhay niya ang stereo ng kanyang sasakyan at sinadyang lakasan ang volume noon. Pinili pa niyang ipatugtog ay heavy metal songs. Ilang sandali lang ay nag-eenjoy na ulit siya. Not because of the songs but the way how Akira reacts. May mga pagkakataon na napapigtad na lang ito sa gulat dahil sa biglaang paglakas ng kanta. He would saw her grimmaced. Kita din niya kung paano tumiim ang mga bagang nito. How her eyes glint with hatred but still, he hadn't heared a single word from her. Nanatili itong walang imik habang nakatingin sa labas ng kanyang kotse. "Did you enjoy the song?" pahabol niyang tanong sa dalaga bago ito lumabas ng kotse. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga ng lumingon sa kanya, "Leche ka! Halos mabasag ang ear drums ko dahil sa ipinatugtog mo tapos tatanungin mo ako ngayon kung nag-enjoy ba ako?" Panay ang dabog nito habang naglalakad palayo sa kanya. "Anong nangyari do'n?" Habol nang tingin ni Clarence si Akira. "May dalaw ata," maikli niyang sagot. Nakatanaw siya rito hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Hindi lang niya maiwasang mapangiti nang maalala ang itsura nito habang nasa kotse sila. Malakas niyang nahampas ang hood ng kanyang kotse ng maalala kung paano kumibot-kibot ang labi nito dahil sa inis sa kanya. Subalit nang maalalang iisang libo lang ang perang ibinigay ng ama, uminit na naman ang kanyang bait. "Hey! Anong problema mo?" Maski si Niko ay nagulat dahil sa ginawa niya. "Dad had cut all my cards. I'm deffinitely broke as of now." Lalo na siyang nawalan n ganang pumasok pa, "Sa tambayan na lang tayo. I don't feel like going to school now." Nauna pang sumakay ang dalawa sa kanyang sasakyan. Napangiti siya. Kahit paano, maaasahan pa rin naman ang mga kaibigan. He was about to start the engine when the door beside him open up. It was Akira. "Baba!" hiyaw nito. Wala siyang  balak na pakinggan ang sinasabi nito ngunit malakas ang pagkakahawak nito sa pinto ng kanyang kotse. Hindi niya magawang maisara ang bintana,maiipit ang kamay nito. "Stop it!" hindi rin napigilang humiyaw ng binata. Napupuno na talaga siya rito. "Ikaw ang dapat na huminto sa ginagawa mo! Hindi ka ba naaawa sa mga magulang mo? All along iniiisip nilang nag-aaral ka tapos ito ka, nagmamagaling at hindi na naman papasok?!" Kahit si Akira,inis na rin sa binata. How can he be so irresponsible? "Bullshit naman, Akira! You have nothing to do with my life! Wala kang karapatan na diktahan kung anuman ang gusto kong gawin sa buhay ko!" Lumabas na si Emir sa sasakyan at hinarap ang dalaga. Hindi na rin niya alintana kung marami nang nakakapanood sa nangyayari sa kanila. Pilit namang nagpapakahinahon ang dalaga. Siya itong nahihiya sa inaakto ni Emir. Marami nang nakakakita sa kanila. Huminga ng malalim ang dalaga bago nagsalita ulit, "Pumasok ka na,Emir. Hindi ka ba-“ "Sino ka ba sa tingin mo para pagsabihan ako? Katulong ka lang sa bahay di ba?" Ramdam ng dalaga ang higpit nang kapit ng binata sa kanyang braso. Maski ang pagsaway ng dalawang kaibigan nito ay tila balewala sa binata. Alam niyang anumang sandali ay tutulo na ang kanyang luha ngunit pinigil niya. Ayaw niyang lalo pang magmukhang kaawa-awa at talunan sa harapan nang nakararami. Wala rin naman siyang dapat ikahiya sa kung anumang klase ng trabaho meron siya. Ito dapat ang mahiya sa mga ginagawa nito. "So, anong issue mo sa akin, Mr. El Greco? Ganito moba tratuhin ang mga tauhan niyo? Dahil kung ako ang mga magulang mo, ikakahiya kong naging anak kita!"mariin niyang sabi sa binata. "Kahit kailan,hindi ko ikinahiya kung sino ako at kung ano ang pinanggalingan ko. Kaya dapat mong ipagpasalamat ang mga bagay na meron ka ngayon. Masuwerte ka, madali para sa'yo ang lahat. And mind you, marami ang nangangarap sa katayuan na meron ka ngayon. Umayos ka, Sir." Nilapitan niya ito at binulungan,"Ayusin mo ang buhay mo, El Greco-“ Hindi na natapos ni Akira ang kanyang sinasabi nang bigla siyang hawakan sa kamay at kaladkarin ni Emir papasok sa sasakyan nito. Halos magkandadadapa na siya sa paghila nito. Hindi na rin niya nakayanan pa ang pagbuhos ng kanyang emosyon. Sunod-sunod na naglaglagan ang kanyang mga luha, na kahit anong pigil niya ay hindi iyon maampat-ampat. Malakas niyang itinulak si Emir nang tangkain nitong hawakan siya. Pilit niyang binubuksan ang pinto ng kotse nito ngunit naka-lock 'yon. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Panay naman ang hampas ni Emir sa manibela ng kanyang sasakyan. He was out of control. He was a jerk for saying all those words to Akira. Tinangka niyang ibuka ang bibig upang humingi ng tawad rito but he was lost for words. Nanatili silang magkasama sa loob ng sasakyan. Walang imikan. Walang naglakas ng loob na magsalita. Tanging ang ugong ng aircon ng sasakyan at ang kanilang paghinga ang maririnig sa loob. Panay naman ang sulyap ni Emir sa dalaga. He wanted to comfort her but he didn't know what to do. Ilang minuto din ang lumipas bago tuluyang huminto sa pag-iyak ang dalaga. Pa-simpleng nakasunod ang tingin ni Emir sa bawat galaw ng dalaga. Mula sa pagpunas nito ng mukha hanggang sa pagtanggal nito sa tali ng buhok. Pati ang p*******i nito ulit sa buhok nito,nakasunod ang kanyang tingin. He just can't help but to admire her. Her beauty is simple yet striking.             "May klase pa ako," untag ng dalaga. Walang nagawa si Emir kundi pagbuksan ang dalaga. Hindi man lang ito suulyap man lang sa kanya bago ito lumabas ng kotse. Dire-diresto ito sa building kung nasaan ang clasroom nito.  "Tapos na ang palabas! Magsilayas na kayo!" rinig pa ng dalaga ang pagtaboy ni Niko sa ibang estudyante ngunit wala na siyang pakialam. Nang mga oras na iyon kasi, sobrang sama ng loob niya sa binatang amo. Hindi niya kasi akalain na masasabi nito sa kanya ang mga ganoong salita. Knowing his parents, they all treat them well like their own family kaya ini-expect niyang ganoon din ang anak.  Mukhang nagkamali siya. Hindi muna dumiretso sa kanyang classroom si Akira. Nagtungo muna ang dalaga sa CR  ng mga babae at naghanap ng bakanteng cubicle. Doon ay  ibinuhos niya ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sapo-sapo niya ang bibig upang hindi makalikha ng ingay pero sa kaibuturan ng kanyang puso, gusto niyang sumigaw at ilabas ang lahat ng kanyang nararamdaman. Ngayon niya napagtanto kung gaano kahirap ang maging mahirap. Dahil kung sarili lang niya ang iniisip niya,kanina pa siya nakauwi upang ihanda ang kanyang mga gamit at doon na lang siya sa Leyte ulit. At least doon, kahit mahirap ang buhay,ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang pamilya. Nang maibuhos niya ang lahat ng sama ng loob, she went outside of the cubicle only to find Emir inside the girls comfort room.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD