CHAPTER EIGHT

3314 Words
        Naging kapansin-pansin ang mga pagbabago ng binata sa mga nakalipas na araw. Madalas na itong umuuwi ng maaga at hindi na rin nila nababalitaan na gumawa ito ng kabulastugan. Naging kasiya-siya naman ito para sa mag-asawang El Greco.Kahit paano kasi, nakikitaan nila nang unti-unting pagbabago ang anak.              "Akira, ipinatatawag nina Sir at Ma'am," ani ni Maricon nang makasalubong ito ng dalaga sa kusina. Nagtaka naman ang dalaga. Bakit kaya siya ipinatatawag? Wala naman siguro siyang nagawang mali.             "Bakit daw, Ate?" tanong niya. Umiling lang ito sa kanya. "Hindi ko rin alam eh. Basta puntahan mo na lang sila sa study room."              "Sige, Ate. Salamat."  Dinala muna niya ang mga dala niyang gamit tsaka siya nagbihis pagkatapos ay pinuntahan na niya ang mag-asawa. Kumatok muna siya nang ilang beses bago niya pinihit ang seradura pabukas. Nadatnan niyang masayang nag-uusap ang mag-asawa habang nagkakape.             "Have a sit, hija." Sir Marcial motioned her to one of the seats. "Gusto mo ba ng kape, hija?" Umiling siya. Sa totoo lang kasi, hindi naman siya coffee drinker. Mas gusto niya ang mainit na tsokolate.             "Hindi na po. Okey lang po ako." sagot niya habang kinakalikot niya ang kanyang mga daliri. Hanggang ngayon kasi, kinakabahan pa rin siya sa tuwing ipinatatawag siya ng mag-asawa. May ganoong epekto ang dalawa sa kanya.             "Gusto lang naming magpasalamat, hija. Lately kasi, napapansin namin ang unti-unting pagbabago ni Emir," banayad na sabi ni Ma'am Paulina. Nakikita ko sa mga mata nito ang katuwaan. Napapahiyang ngumiti ako sa kanila. Hindi naman kasi ako talaga ang dahila kung bakit nagbabago na ang anak nito. Si Emir ang nag-desisyon na magbago. Kailangan lang siguro na may mag-push dito.Sa tingin din niya, kulang ito sa atensyon kaya sa pagrerebelde nito nakikita ang sarili para mapansin ng mga magulang. Pareho kasing busy sa trabaho ang mag-asawa.             "Kailangan lang po siguro niya nang kaunting encouragement."aniya.             "No, hija. Simula kasi nang malimit na kayong magkasama, nakikita namin ang pagbabago niya." Lumapit si Sir Marcial sa kanya at masuyo siyang hinawakan sa magkabilang kamay. Lalo tuloy siyang nakaramdam nang hiya. Nang tingnan naman niya ang esposa nito, masuyo itong nakatingin sa kanya.             "Hindi ko po alam kung ano ang sabihin ko," nahihiya niyang sabi. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Hindi niya kasi inaasahan na ganito ang ang magiging kalalabasan ng lahat. Sabay na natawa ang mag-asawa sa kanya.             "Huwag ka sanang magsawa na tulungan ang anak namin, Akira." Biglang lumungkot ang mukha ng ginang nang magsalita ito, "Alam namin na  malaki ang pagkukulang namin sa anak namin. Gusto namin siyang makausap to tell him that we love him at kahit kailan ay hindi magbabago iyon. Pero sa tuwing tatangkain naming kausapin siya, aalis lang siya na para bang wala siyang pakialam sa amin. Hindi lang niya alam kung gaano kasakit sa isang magulang na balewalain ng anak." Tuluyan ng umiyak ang ginang. Hindi niya tuloy malaman kung paano aamuhin ang babaeng amo. Mabuti na lang at nilapitan ito ng asawa nito at mahigpit na niyakap.             "Dahil sa kagustuhan naming mabigyan ng masaganang buhay ang anak namin, nakalimutan naming maging isang magulang sa kanya. Halos lahat nang oras namin ay naubos sa pagtra-trabaho. Kadalasan ay si Manang ang kasa-kasama niya araw-araw," mangiyak-ngiyak na kwento ni Sir Marcial. "But it doesn't seem that we love him less. Dahil alam ng Diyos kung gaano namin kamahal ang anak namin. Ayaw lang namin na maranasan niya ang paghihirap na dinanas namin noon.              "Baka kulang lang po kayo sa pag-uusap kaya po gano'n," ,sabi niya. Pilit siyang ngumiti sa mag-asawa kahit pa nasasaktan din siya sa sitwasyon ng mga ito. Tunay ngang hindi lang katulad niya na isang mahirap ang nahihirapan at nalulungkot. Ito ngang mayaman na at nasa kanila na ang lahat, puno rin nang hirap at lungkot ang buhay. Hindi man sa pinansyal na aspeto ngunit sa sitwasyon na meron sila. Mayaman man o mahirap, parehong nararanasan kung paano malungkot at masaktan. Kahit ano namang aspeto natin sa buhay, pare-pareho pa rin naman tayong may puso na natutuwa, nalulungkot at nasasaktan. Napag-isip isip niyang, kulang lang din siguro sa pag-uusap ang mag-anak kaya ang ending, nagkakaroon ng misunderstanding. Namayani ang katahimikan sa loob ng kwartong iyon. Tanging ang mga mahihinang hikbi ni Ma'am Paulina ang naririnig. Walang gustong magsalita. Nakakatakot lang kasing magsalita sa mga bagay na hindi naman niya lubusang  naiintindihan ang lahat. Silenced engulfed them. Hindi na nila napansin ang papalayong bulto ni Emir. Sa loob-loob nito, nagsisimula na itong magtanong at magduda kung tama ba ang nararamdaman nitong sama ng loob sa mga magulang.             "So much with this drama, "napapangiting wika ni Ma'am Paulina habang pinapahid nito ang mga luha. "Let's just talk about your coming birthday hija."             "Po?" gulat niyang sambit. Noon lang din niya naalala na 18th birthday na pala niya sa makalawa.             "What's your plan hija?" tanong ni Marcial. He just can't help but admire the young lady infront of him. Isang maliit na babae ngunit may malaking puso. Naaalala niya ang sarili niya rito. Young and vibrant, and full of dreams. And hopefully, his son Emir would end up with her. Hindi man sabihin ng mga ito pero nahahalata niya ang chemistry sa pagitan ng dalawa. And the way Emir looks at her when he thinks that nobody is watching, he knew that looks. Hindi man aminin ng kanyang binata pero alam niyang may gusto ito kay Akira. Well, he'll just see what the future has for them.             "Wala naman po akong plano. Gusto ko lang pong magpahinga. Naging hectic din po kasi ang schedule ko nitong mga nakaraang linggo dahil po sa mga exams. Hopefully po, makapagpahinga nang maayos tutal sem break na ho namin next, next week," paliwanag ng dalaga. Dahil sa totoo lang, hindi rin naman siya sanay na ipinaghahandas ang kanyang birthday. And besides, ayaw din niya nang mag-e-effort pa siya sa isang handaan tapos pagod at kalat lang din ang maiiwan sa kanya pagkatapos. Mas gusto pa niyang mapag-isa, magpahinga o pwede namang pumunta siya sa isang lugar kung saan alam niyang mare-refresh ang kanyang katawan at isipan.              "Pero, hija. It's just a once in a lifetime experience. God, you're celebrating your 18th birthday!" eksaheradang sambit ng ginang na para bang isang malaking kawalan kapag hindi nai-celebrate ang kanyang birthday. Nagkatinginan na lang sila ng asawa nito at sabay na napangiti.             "Okey lang po ako. Hindi lang po ako sanay na maghanda sa birthday ko," nahihiya niyang sabi, "Pero may balak na po kami ng mga kaibigan ko na kumain sa labas tapos po napagkasunduan namin to go somewhere, siguro sa isang beach po for a night out swimming."             "Well, mukhang nakapag-decide ka na eh. Just tell us kung may kailangan ka, ha? Sagot na lang namin ni Marcial ang lahat ng expenses niyo ng mga kaibigan mo during your birthday. Consider it as a gift from us, right sweetheart?" Binalingan nito si Sir Marcial. At kagaya ng asawa nito, sinang-ayunan nito ang desisyon ng esposa.              "Thank you po sa lahat ng tulong niyo," nahihiya niyang tugon. Sa dami na kasi nang naitulong ng mga ito sa kanya, lubos-lubos ang naging pasasalamat niya. Sinisigurado din niyang pinagbubutihan niya  ang kanyang pag-aaral upang hindi naman nasasayang ang tulong na naibigay ng mga ito. Nang matapos siyang kausapin ng mag-asawa, dumiretso naman siya sa kusina upang tulungan ang kanyang lola pero tumanggi ito at sinabing magpahinga na lang siya.             "Pero, Lola, hayaan niyo na lang ako na tulungan ka sa pagluluto!" reklamo niya. Sa tuwina na lang kasi na tatangkain niyang tumulong rito, sinasabi nitong magpahinga na lang daw siya o kaya ay intindihin ang kanyang pag-aaral. Panay ang iling ng  kanyang lola, "Huwag nang matigas ang ulo, apo. At saka, iisang putahe lang naman ang lulutuin ko ngayon kasi may padalang pagkain sa mag-anak. Nag-request lang kasi si Marcial na ipagluto ko siya ng calderetang baka kaya iyon lang ang lulutuin ko ngayon."              "Sige po," tanging naging tugon niya. Dumiretso na lang siya sa kanyang kwarto at inabala ang sarili sa pagkalikot sa kanyang celephone. She was busy on her f*******: app ng makatanggap siya ng isang mensahe mula kay Sarah. Inaaya siya nitong lumabas sa Z bar. Na-excite siya for the fact that it will be her first time going out ng hindi kasama si Emir. Kadalasan kasi, kung saan-saang resto siya isinasama ng binata na hindi naman niya trip ang mga pagkain. Most likely kasi, French at Japanese ang pinupuntahan nito kaya hindi niya ma-enjoy masyado ang pagkain. Pinuntahan muna niya ang kanyang lola upang magpaalam at ng pumayag ito, madali siyang nagbihis. She wore a black tattered jeans matched with her tee shirts. Hindi na siya namili pa ng sapatos dahil tatlo lang naman ang meron siya. Kinuha niya ang kanyang white rubber shoes upang siyang ipareha sa suot niya. Nag-apply din siya ng kaunting liptint just enough to accentuate her lips natural color. Naglagay din siya ng kaunting pulbo tsaka nagwisik ng pabango. Nang maging kuntento na sa kanyang itsura, kinuha niya ang sling bag na regalo ng kanyang lola. Advance gift daw nito para sa kanyang kaarawan. Inilagay niya roon ang kanyang ceelphone at wallet.  Bago siya umalis, tinungo muna niya ulit ang kanyang lola upang magpaalam na. Samut-saring kantiyaw naman ang inabot niya mula kay Mang Ruben at Aling Caridad.             "Aba'y, pagkaganda naman ng ating dalaga ah!Pakiwari ko ay may katipan na eh," kantiyaw sa kanya ni Mang Ruben.             "Wala naman po," nahihiya niyang tugon.Nang tingnan niya nag kanyang lola, kita niya ang paghanga at pagiging proud nito sa kanya.              "Naku! Itong batang ito...sa ganda mong iyan, wala man lang nagtangkang manligaw? Aba'y bulag ata sila eh!"  Ayaw talagang papigil ni Mang Ruben sa panunukso. Na sinigundahan pa ng asawa nito.              "Baka naman binabakuran kaya walang ibang makapanligaw?" susog ni Aling Caridad.             "Aling Caridad naman eh! Sino naman ho ang babakod sa akin, eh, wala nga hong nagkakamali na ligawan ako?"             "Tigilan niyo na nga ang apo ko," saway ng kanyang lola. Pagkuwan ay bumaling ito sa kanya, "Huwag masyadong magpapagabi, ha? At ang bilin ko, palagi..." Tumango siya. "Opo, Lola. Hindi ko po nakakalimutan." Kinuha niya sa bag ang cellphone niya ng tumunog ito. Nasa labas na daw si Sarah.              "Aalis na po, ako." Nilapitan niya ang kanyang lola at hinalikan muna ito sa pisngi bago namaalam din siya sa mag-asawang Mang Ruben at Aling Caridad bago lumabas ng mansyon. Pagdating nila sa Z Bar, medyo madami ng tao pero dahil may reservations nang ginawa doon si Sarah,hindi na sila nahirapan pang maghanap ng mauupuan. Hindi naman nila maitatanggi na dayuhin talaga ng mga tao ang naturang lugar dahil bukod na sa masarap ang mga ihaw-ihaw doon, feel pa ng mga parokyano ang pakulo ng bar kung saan may live band sa stage at welcome ang lahat na mag-perform. May it be singing or dancing.              "Babae, ang ganda talaga dito..." bulong niya kay Sarah. Nang lingunin niya ang kaibigan, sambakol na ang mukha nito.             "Bakit babae ang tawag mo sa akin?" tanong nito.May kasama pang irap sa kanya.               "Alangan namang lalake ang itawag ko sa'yo di ba?Mas lalo namang masagwa  'yon!" Panay ang maktol nito sa kanya, "Pati tuloy si Carlo,babae na ang tawag sa akin." Natawa siya. "Atleast, alam na niyang babae ka."              "Ewan ko sa'yo!" Sumuko na ito. Alam na walang panalo sa kanya. Tinawag na lang nito ang isang waiter at sinabi ang order nito. "Order mo, bakla..."             "Ikaw nga 'tong mas malala ang tawag sa akin eh. Bakla, really?" nakanguso niyang balik-tanong rito. "Kung ano ang sa'yo, 'yon na lang din ang order-in mo para sa akin." Tumawa ito nang malakas. "See? Were even..." Napailing na lang siya.              "Teka lang, ano pala ang plano mo para sa birthday mo? Sa makalawa na 'yon di ba?" Pag-iiba ni Sarah ng usapan. May naiisip kasi for Akira's birthday. Masyado kasing naive ang kaibigan niya kaya alam niyang hindi pa nito nararanasan ang naiisip niyang gawin. Just for fun lang naman.             "Wala naman akong plano eh. Gagastos at magpapagod lang ako para sa isang araw na kasiyahan, kayahuwag na lang. Isipin ko pa lang, napapagod na ako."              "Ang kj mo talaga! Ako na lang bahala sa birthday mo," ani Sarah. Nang tingnan ito sa mukha ni Akira, hindi niya gusto ang nakikita niyang kinang ng mga mata nito.              "Huwag kang gumawa ng kalokohan, Sarah. Sinasabi ko sa'yo,ha?" Himig banta niya sa kaibigan. Maloko rin kasi ito minsan. Ngumiti ito nang nakakaloko sa kanya. Inilapit nito ang mukha sa kanya pagkatapos ay pabulong na nagsalita. "I would hire a male stripper for your birthday." “Ano!” tili niya sabay tuptop sa kanyang bibig nang makitang napalingon sa gawi nila ang ibang customer. "Nahihibang ka na ba?"               "As far as I know, hindi pa naman." Abot tainga ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. "Tatawagan ko na lang ang isang kontak ko kung may kilala siyang male stripper. Ipababalot ko pa sa isang kahon with matching ribbon na pula. Parang regalo lang ang peg." Binuntunan nito iyon ng isang halakhak.             "Nababaliw ka na nga," sambit niya.             "Hindi 'no! Gusto ko lang binyagan 'yang mga mata mo,masyado kasing virgin eh."  Napainom siya bigla nang tubig dahil sa mga naiisip nito. "At sa tingin mo, papayagan akong gawin 'yang mga naiisip mo?"               "Hindi naman nila kailangang malaman eh. Tsaka, just for fun lang naman ang gagawin natin. Hindi naman dahil kukuha tayo ng male stripper ay gagawin na natin ang mga bagay na hindi naman dapat. Hanggang pagsasayaw lang siya sa harap natin habang panay ang tilian natin. " Kumikinang-kinang pa ang mga mata nito habang nagsasalita.               "Oh my God..." Halos lumuwa ang mata niya dahil sa mga naiisip nito. Just by thinking of it, kinikilabutan na siya pero for the fun of experience at hindi siya masabihan nito na kj, pumayag na rin siya.Ito na raw ang bahala sa lahat pati na rin sa gagawin nilang venue. Tuwang-tuwa naman ito nang sabihin niyang pumapayag siya.             "I just can't wait na makita ang reaction mo habang may lalakeng nagsasayaw sa harapan mo na tanging kapirasong tela lang ang nakatabing sa pribadong parte ng katawan nito.              "As in? Kapirasong tela lang?" napapailing niyang tanong pero infairness, kinakabahan siya sa gagawin nilang iyon. Panay ang tukso sa kanya ni Sarah na hindi na niya napansin ang isang lalakeng kanina pa nanggagalaiti habang nakikinig sa usapan nilang kaibigan. Nasa kabilang cubicle sila ni Akira pero wala man lang itong kamalay-malay na naroon siya. Balak na sana niyang umalis kasabay ni Niko at Clarence kanina ngunit noong natanawan niyang papasok ang magkaibigan, ipinasya niyang magpaiwan na lang. Gustong-gusto na niyang hilahin ang dalaga pauwi lalo na at kanina pa niya napapansin ang manaka-nakang pagsulyap ng mga kalalakihan sa dalaga. Nagpuyos pa lalo ang kanyang kalooban ng makitang niyang dumating si Carlo at nakisama sa lamesa ng magkaibigan. Padaskol niyang inilapag ang basong pinag-inuman ng tubig sa ibabaw ng lamesa pagkatapos ay tinawag niya ang isang waiter upang kuhanin ang bill nilang magkakaibigan. Lumabas na siya at tinungo ang kanyang kotse, doon sa loob niya ibinuhos ang selos at galit na nararamdaman niya ng mga oras iyon. Nang hindi na niya makayanan pa ang selos at pait na nararamdaman, kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa pagkatapos ay isang mensahe ang ipinadala niya sa dalaga. Lets go home. Nandito ako sa labas ng Z Bar. And the he hit the send button. Ngunit  halos kalahating oras na siyang naghihintay ngunit kahit anino man lang ng dalaga ay hindi niya nasilayan kaya nagpasya siyang balikan ito sa loob. Subalit lalo lamang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo nang makita ang itsura ng dalaga.  She is dancing wildly with Carlo in the dance floor! At ang kumag, halos maglimayon ang kamay sa katawan ng dalaga. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras,marahas na hinila niya ang  dalaga sa kanyang likuran pagkatapos ay inundayan niya ng suntok si Carlo sa mukha. Napatili na lang ang lahat ng magpambuno ang dalawa. Panay ang awat niya sa dalawa ngunit tila walang naririnig ang mga ito at nagpatuloy lang sa pagrarambulam. Aligaga niyang hinanap ang kanyang bag,kinuha niya roon ang kanyang cellphone tsaka niya tinawagan si Niko upang sabihin dito ang gulong nangyayari.              "Matuto kang lumugar, Contreras!" sigaw ni Emir. "Huwag mong pakialaman ang hindi mo pag-aari! Gago!"               "Kailan pa siya naging sa'yo, El Greco? As far as I know, hindi siya pumapatol sa kagaya mong kaliwa't kanan ang mga babae!" ganting sigaw ni Carlo kasabay nang pagtama ng kamao nito sa panga ni Emir. Nilapitan niya ang dalawa upang pigilan ang mga ito. Napatili siya nang malakas nang biglang tumilapon sa isang sulok si Emir. Duguan na rin ang bibig at ilong nito ngunit hindi pa rin tumigil ang dalawa.              "Nasaan ba ang security officers dito?!" sigaw niya. Saka lang tila nahimasmasan ang mga security ng lugar nang sumigaw siya. Parehong hawak na ang dalawa ngunit nagpupumiglas pa rin ang mga ito. Noon lang din dumating sina Niko at Clarence. Lumapit ang dalawa sa kanya.             "Ano bang nangyari?" magkapanabay na tanong ng dalawa.             "Selos, malamang!" tugon ni Sarah. Noon lang din ito nahimasmasan sa mga nangyari             "Bantayan niyo 'yang kaibigan niyo," matamlay niyang sabi. Ang akala niyang masayang gabi kasama ng mga kaibigan, disaster ang naging ending. Nilapitan niya si Carlo at masinsinan itong kinausap. Siya na ang humingi ng paumanhin sa lahat ng mga nangyari ngayong gabi. Mabuti na lang at napakiuasapan niya ito kung hindi malaking gulo pa ang aabutin ni Emir dahil sa ginawa nito.  Sunod niyang pinuntahan ay ang manager ng Z Bar. Kinausap niya ito hinggil sa nangyaring gulo. And in behalf of Emir, siya na ang humingi ng paumanhin at nangakong babayaran ang naumang abala at danyos na naging dulot ng gulo. Pagkatapos niyang makausap ang manager, naghanap siya ng exit kung saan hindi na siya babalik sa loob. Bigla kasi ang dating ng realization sa kanya. Na may gulong nangyari, na may nagrambulan at may duguan. Ngayon niya nararamdaman 'yong takot at panlalambot ng buong katawan.  Mabilis siyang napahawak sa nadaanan niyang puno malapit sa parking area, muntik na kasi siyang matumba. Nagawa niyang pumunta sa isang sulok ng parking space at doon niya ibinuhos ang lahat ng luha na hindi niya nagawa kanina. She sound like a wounded baby that is aching for her mothers care. Natatakot kasi siya. Kapag naaalala niya ang mukha ni Emir habang nakikipagsuntukan ito kanina, fear consume her whole being. Para itong isang toro na handang manuwag kahit sino pa ang nasa harapan nito. Parang walang kinikilala. HIndi niya matanggap na makita ito sa ganoong itsura,na para bang kaya nitong manakit. Na wala itong sinasanto. Kanina pa nagri-ring ang kanyang cellphone pero hindi niya iyon pinapansin. She just stayed there hanggang sa humupa na ang kanyang pag-iyak. Nakita niyang nasa may parking lot na rin sina Emir, palinga-linga. Mukhang nalinis na rin ang mga sugat nito. May benda na rin ito.              "Uwi na tayo," untag niya nang mapatapat kay Emir.              "Mahal," tawag nito sa kanya. Tinangka nitong hawakan ang kanyang kamay ngunit pumiksi siya.  Tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa kotse nito. At sa duration ng biyahe nila pauwi, hindi niya ito tinapunan ng tingin. Wala itong maririnig sa kanya but he will be served with her silent treatment. Kahit nang makarating sila sa mansyon, diretso na siya sa kanyang kwarto, ni hindi man lang tinapunan ng tingin ang binata. Habol tingin na lang ang ginawa ni Emir sa dalaga. Alam niyang mali siya. Nasaktan din niya ang damdamin ng dalaga. Sa tingin niya, umiyak din ito kasi nakita niya ang bakas ng mga luha nito sa pisngi.               "Ang galing mo, Emir! You think you could still win her heart if you'll like this?" bulong niya. Inis niyang pinagsisipa ang gulong ng sasakyan niya dahil sa magkahalong galit sa sarili at takot sa dalaga na baka tuluyan na siya nitong hindi pansinin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD