NAPATAYO ako nang tumunog ang huling bell ngayong araw. Napaunat-unat ako at sinukbit na ulit ang aking bag, napahawak ako sa aking leeg, sumakit iyon dahil sa aking pagkakatulog kanina. Tinulugan ko ang isang subject kanina dahil nanaginip na naman ako kaninang umaga about sa dalawang batang lalaki na tinatawag akong Mama. Paulit-ulit na lamang gano'n ang aking panaginip simula ng magising ako.
“Hey, Isa, kain tayo today! Libre ko!”
Napatingin ako kay Rosalie. Sa aming tatlong magkakaibigan ay siya talaga ang walang pake sa pera.
Hindi sana ako sasang-ayon dahil gusto kong matulog at magtetext pa ako kina Alex and Gigi na hindi ako makakapasok dahil sa antok na nararamdaman ko, pero bigla kong naramdaman ang pagkulo ng aking tiyan. Napahawak ako roon.
“Libre?” pagtatanong ko pa sa kanya, ayokong maglabas ng pera. Wala rin naman kasi akong pera.
“Oo, Isa, kaya sumama ka na! Tara na!” aniya sa akin at hinila na ako palabas ng room namin.
Pumunta kami sa isang sikat na fast-food restaurants na malapit lang sa campus. Sina Rosalie and Lanie na ang umorder kaya ako ang naiwan dito sa table namin para magbantay ng gamit.
Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na rin sila, bitbit ang kanilang inorder. Chicken with rice and spaghetti ang inorder nila at may kasama pang burger and fries. Mukhang combo ang inorder ng dalawang ito.
“Kumain ka nang marami, Isa, para hindi ka naman lowbat kapag nagka-klase, buti na lamang hindi ka pinagalitan ni professor kanina.” Naiiling na sabi sa akin ni Lanie kaya hindi na ako nakipagtalo sa kanya.
Nagku-k‘wentuhan din kami habang kumakain. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa future naming tatlo hanggang umabot sa usapang kasal.
“Kapag kinasal ako, gusto ko iyong magarbo at syempre gusto kong ikasal sa taong mahal ko!”
“Me too! Magarbo and elegant na kasal ang gusto ko! Gusto kong ikasal sa isang doctor!”
Kinikilig nilang sabi na siyang pagngiwi ko na lamang ako sa sinasabi nilang dalawa. Hindi ko na sila pinansin at abala ko sa pagkain sa fries ko.
“How about you, Isa? Anong gusto mo sa kasal mo?” pagtatanong sa akin ni Lanie.
Napaisip ako at kumain ng fries. “Um, gusto kong ikasal sa simpleng tao lamang, iyong marangal ang trabaho at kahit hindi na magarbo ang kasal, as long as mahal namin ang isa't-isa.” sagot ko sa kanilang dalawa, narinig ko ang kanilang pagtutol.
“Dapat magarbo ang kasal, Isa. Once ka lang p'wedeng ikasal, ‘no?” Turo na sabi sa akin ni Rosalie.
Once? Bakit iba ay twice kinakasal sa iisang tao? Kung mahal ka ng taong mahal mo, p'wede ka niyang ikasal nang ilang beses.
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan silang magdaldal.
Alas-tres ng hapon nang magpasya na kaming umuwi at naghiwalay na kami ng landas, silang dalawa ay pabalik na sa campus at ako ay tamang naghihintay na sa jeep dito, hanggang may tumigil na isang sasakyan na kulay itim. Gano'n na lamang ang gulat ko ng hilahin ako sa aking braso ng lalaking nagbukas ng pinto, hindi ko na nagawang pumiglas man lang dahil sa bilis nang pangyayari, hindi rin ako nakasigaw at nakahingi ng tulong at nakita ko na lamang ang sarili kong nasa loob na habang may apat na lalaking nandito.
Anong mayro'n?
“Waaah! Saan niyo ko dadalhin?” Malakas na tanong sa dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ko.
“Malalaman mo rin.” Simpleng sagot niya sa akin na siyang pagkatakot ko lalo.
“T-teka! Hindi ko naman kayo kilala! Tulong!” Malakas na sabi ko at pilit na binubuksan ang pinto sa tabi ko pero naka-lock!
“Miss, pasensya na pero trabaho lamang kaya patutulugin ka muna namin.”
Nang dahil doon ay nawalan ako ng malay tao at hindi ko na alam kung saan nila ako dadalhin.
Nagising ako sa hindi familiar na lugar. Napaupo ako at nakita ko ang apat na lalaking kumuha sa akin kanina.
“Um, nasaan ako?” Mahinang tanong ko sa apat na taong kumuha sa akin kanina. Kahit ang sakit ng ulo ko na naman.
Palihim na naglibot ang aking tingin at nakita ko ang puro kulay itim sa paligid ko.
“Parating na ang boss namin. Kaya tumahimik ka!” Malakas na sabi ng isang lalaki kaya napayuko ako at nanginig ang buong katawan ko dahil doon.
Gusto ko lang naman umuwi na at matulog dahil ilang araw na akong walang matinong tulog man lang dahil sa panaginip kong iyon. Pero, parating ganito ang nakukuha ko!
“Kuya, baka naman po nagkakamali kayo ng pagkuha sa akin? Hindi naman po ako mayaman.” Mahinang sabi ko sa kanya. Nilakasan ko na ang aking loob para magsalita muli.
“Ikaw ang pakay namin, Miss. Diba ikaw ito?” May pinakita sa akin ang isang lalaki, na medyo maliit ang height kumpara sa lalaking sumigaw sa akin kanina.
Gano'n na lamang ang gulat ko ng makita ang mukha ko sa hawak niya, picture ko iyon.
“A-ako nga po iyan,” ani ko sa kanya.
“So, tama ang pagkuha namin sa'yo. Manahimik ka na lang muna d'yan, malalaman mo rin kung bakit ka namin kinuha!” sagot niya sa akin kaya tinikom ko ang aking bibig.
Bakit ako?
Hindi naman kami mayaman?
Kaya wala silang makukuha sa akin.
Hindi ko masabi kung ilang minuto na akong nakatikom ang aking bibig. Literal na hindi na talaga ako nagsalita ng sabihin nilang itikom ang aking bibig. Kaya pakiramdam kong panis na ang laway ko.
“K-kuya, w-wala pa ba iyong bos–” Nabitin sa ere ang aking sasabihin ng bumukas ang pinto kung nasa'n kaming lima.
Nakakasilaw kaya napapikit ako at hinarang ang aking kamay sa malapit sa mata ko.
“Nand‘yan na ang boss namin.” Narinig kong wika nu'ng isang lalaki. Hindi ko naman sila kilala, hindi rin naman sila nagpakilala sa akin.
Nand‘yan na raw ang boss nila.
Hindi ko alam kung tatayo pa ba ako kagaya ng ginawa nila, o, mananatili akong nakaupo rito. Hindi ko rin kasi maigalaw ang katawan para akong napako sa aking kinauupuan.
“Where is she?”
Hindi ko alam pero nagtaasan ang aking balahibo sa magkabilang braso ko nang marinig ang kanyang boses.
Nakakatakot.
Sobrang lamig ng boses niya.
Napalunok ako at napayuko habang pinapakinggan ang tunog ng mga sapatos. Hanggang may makita akong isang pares ng sapatos sa harapan ko.
“Babae,” baritonong saad niya na siyang pagkilabot ko. “Ikaw ba ang napagkamalan ng mga anak ko?” pagpapatuloy niyang tanong sa akin kaya napatingala na ako sa kanya.
“Huh?” Takang tanong ko sa kanya at hindi ko alam pero nanlambot ang aking tuhod nang makita ko siya.
Hinawakan niya ang aking panga at pinatayo niya ako. “Tinatanong kita, ikaw ba ang napagkamalan nilang ina? Ikaw ba ang tinutukoy ni Kenta?” May otoridad na sa boses niya.
“Kenta?” Hindi ko alam pero may pumasok sa isipan ko na siyang pagkasakit ng aking ulo.
“Ang aking kanang kamay at tagapangalaga ng kambal kong anak na sina Blade and Blaze, babae.” Seryoso ang boses niya at maging ang mukha niya.
“Si M-mister Kenta! K-kayo po ang daddy nina Blade and Blaze?” Gulat na tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay.
Mukhang mali ang tanong ko.
Hindi ko alam pero bigla na lamang dinagsa ang aking isipan ng banggitin niya ang pangalan ni Mister Kenta.
“Ako nga, babae! Alam mo bang ilang araw na umiiyak ang mga anak ko dahil hinahanap ka, ha?” Bakas sa boses niya ang galit sa akin.
Bakit naman sila umiyak? Hindi naman nila ako tunay na Mama.
“Um, M-mister Kaiju, b-bakit po umiyak sina Blade and Blaze?” Nanlaki ang mga mata ko sa aking tanong. Tinakpan ko tuloy ang aking bibig gamit ang dalawang kamay ko. Nakita ko ang Seryosong mga mata ni Mister Kaiju, hindi ko kasi alam kung ano itatawag sa kanya, dapat ba boss din? “K-kahit huwag niyo na pong sagu–”
“Because of you, babae.”
Sabi na nga ba iyon ang sasabihin niya.
“Mister Kaiju, hindi naman po ako Mama nila. Maitanong ko lamang po, nasa'n po ang tunay nilang Ma–” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng may nakatutok na ng baril sa aking harapan.
Sabi ko nga quiet na ako. Hindi ko na dapat tinanong iyon.
“Ibaba ang armas.” Nakita ko ang pagbaba ng mga baril sa harap ko. Sinunod agad nila si Mister Kaiju. Mga gangster ba sila? “Hindi mo na dapat malaman kung nasa'n ang kanilang Mommy, ang gusto kong gawin mo ay magpanggap ka bilang Mama nilang dalawa.”
Napamaang ako sa kanyang sinabi at tinuro ang aking sarili. “Ako po? Magpapanggap? Bilang Mama nila?” pagtatanong ko sa kanya habang nakaturo pa rin sa aking sarili.
Yumuko siya sa akin at magkaharap na ang aming mukha sa isa't-isa. Ang gwapo niya. Napalunok ako ng aking laway dahil sa ginawa niya.
“Hindi ko na uulitin ang sinabi ko, babae. Susundin mo ba? O, mamamatay ka na rito? Sagot!” Malakas na sabi niya sa akin at tumalsik pa nga ang ibang laway niya sa akin, mabuti na lamang ay mabango.
“A-ah, a-ano, oo, I mean opo! Pumapayag na po ako!” Natataranta kong sagot sa kanya.
Hindi man lang siya mabiro, papatayin agad ang solusyon niya? Sumagot na ako kasi pakiramdam ko hindi siya nagbibiro lalo na iyong mga lalaki sa likod niya. Nakakatakot.
Pumalakpak siya at may tinawag. “Troy.” Nakita ko ang isang lalaki na palapit sa amin, isa siya sa mga kasama ni Mister Kaiju nang pumasok dito.
May inabot ang lalaki kay Mister Kaiju, isang folder? Anong gagawin ko sa folder na iyan?
Inabot niya ito sa akin kaya kinuha ko. Tinignan ko ang aking hawak at tinignan siya. “Anong gaga–”
“Buksan mo.”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na agad siya. Sinunod ko ang kanyang sinabi, binuksan ko iyon.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang nakalagay roon. “Ako si Rhodisa ‘Isa’ Balaba ay dalawampu‘t apat na taong gulang, isang nursing student na nangangakong...” Hindi ko na tinuloy ang aking pagbabasa. “Isang kasunduan?” tanong ko sa kanya.
Paano niya nakuha ang information ko? Maging nickname ko ay nakalagay rin dito.
“Kasunduan na pagpayag mong maging ina ng kambal kong anak? O, kamatayan ang magtatapos sayo, babae? Pipirma ka ba?”
Napaka-seryoso naman ng isang ito? Nagtatanong lang naman kung kasuduan ito, sana hindi na ako nagtanong.
Nanginginig ang aking kamay ng buksan ko ulit ang folder. “B-ballpen?” nauutal kong tanong sa kanila.
May inabot sa akin ang Troy na tinawag niya kanina kaya kinuha ko iyon at pumirma na roon. Bakit kasi ako pa? Kamukha ko ba talaga ang mommy nila?
Ano naman gagawin ko bilang Mama nila?
Kung wala akong alam tungkol sa pamilya nila?
Napataas ang tingin ko kay Mister Kaiju nang matapos kong pirmahan niyon. Kinuha niya ang folder sa akin at isang copy nu'n ay binigay niya sa akin.
“Simula ngayon ay ikaw na ang Mama ng kambal kong anak, Rhodisa.” seryosong saad niya na siyang pagkilabot sa buong katawan ko.