YCW - 1
“Rhodisa, maawa ka sa kapatid mo! Hindi sanay matulog si Rashid sa masikip at mabahong kulungan na iyon!”
Napapa-padyak na lang ako dahil sa inis kay Mama. Hindi ba niya alam na graduating na ako this year sa kusong nursing! Hindi ba niya rin alam na kailangan ko ang pera para maka-graduate ako!
Kasalanan ko bang nakasagasa ang isang iyon? Bakit kasi ‘dis oras na ng gabi nasa lasangan pa rin ang lalaking iyon?
Sa sobrang pang-i-i-spoiled nila, lalong lumalaki ang ulo ng isang iyon! Ilang kurso na ba ang kinukuha ni Rashid pero isang semester pa lang nagshi-shift na agad siya!
Napabuntong hininga ako, “‘Ma, kailangan ko ang pera. Bayaran na po ng tuition fee ko next month and graduating ako this year.”
“Next month pa naman pala ang bayaran, Rhodisa, ipahiram mo muna sa akin at ibabalik ko rin bago ang bayaran niyo ng tuition next month.”
“Mama, palalabasin niyo ba ako ngayong gabi? Nangangati na ako rito!”
Napapikit ako nang marinig ko ang boses ng kapatid kong siraulo, spoiled brat – okay sana kung mayaman kami at higit sa lahat feeling gwapo na si Rashid!
Bwisit na lalaking niyon! Bakit ikaw pa ang naging kapatid ko!
“Rhodisa, anak? Babayaran din agad ni Mama. Hindi ko naman p'wedeng sabihin sa papa mo ang tungkol dito baka mag-alala niyon sa UAE at umuwi agad dito pabalik sa Pilipinas.”
Naikuyom ko ang aking palad dahil sa nakakarinding boses ni Rashid sa kabilang linya. Bwisit!
Kaa-alis lang ni Papa last week papuntang UAE upang mag-trabaho bilang factory worker doon. Hindi nga dapat siya mag-a-abroad kung eksakto lamang ang sweldong sinasahod niya rito, pero kapos para sa amin ang sweldo niya isama mo pa ang mga luho ng siraulo kong kapatid.
“Okay po, ise-send ko po bukas.” Wala na akong nagawa kung ‘di ipahiram itong sweldong natanggap ko sa pagtu-tutor ko.
“Hindi ba p'wede ngayon, ‘nak? Kailangang ilabas si Rashid ngayon baka kasi magkaroon siya ng rashes kapag nag-stay pa siya rito.” Bakas sa boses ni Mama ang awa para kay Rashid.
“Hay!” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. “Ma, wala pa pong bukas na money remittance ngayon. Ala-una pa lang po ng madaling araw, Mama. Alas-siyete pa nagbubukas ang mga money remittance rito. Sana ayos lang po kayo.” Mahinang sabi ko sa kanya.
Pagod na ang isip ko at maging ang katawan ko ay pagod na rin. Mamayang alas-dyis ng umaga ay pupunta pa ako sa bahay ng pagtu-tutoran ko.
“So, mamaya pang umaga lalabas ang kapatid mo, Rhodisa?”
Umupo ako rito sa plastic chair na kaharap ng cashier. Nandito ako ngayon sa convenience store kung saan ako nagpa-part-time job at tuwing gabi ang duty ko. May kasama naman akong isang babae at isang lalaki, sina Alex and Gigi. Hindi rin naman kami nawo-worry na pasukan kami ng masasamang loob dahil katapat namin ay pulis station lang.
“Gano'n na nga po, Ma. Mamaya pang umaga ang labas niyang si Rashid. Maghintay siya hanggang umaga d'yan sa kulungan. Pasalamat nga siya hindi napuruhan niyong nasagasaan niya at nagpa-areglo pa sila kasi kung iba niyon itutuloy nila ang kaso!” Tumataas na ang boses ko dahil nabu-bwisit na ako sa bunganga ni Rashid sa kabilang linya.
“Ma, maya na lang ulit tayo mag-usap. May trabaho pa po ako.” saad ko sa kanya at binaba ang tawag.
“Problema na naman ba sa kapatid mong lalaki?” Napataas ako ng tingin kay Gigi at tumango sa kanya.
“Always naman siya ang problema namin at lalo na ako. Hindi ko alam ba't hindi pa tumitino ang isang iyon!” Gigil kong sabi kay Gigi.
Alam nina Gigi and Alex ang lahat ng problemang kinahaharap ko. Kaya sa kanila ako minsan tumatakbo para humingi ng payo.
“Ba't hindi niyo pabayaan niyang kapatid mo, Rhodisa? Para naman matuto at mahiya sa pinaggagawa niya. Hindi na nahiya sa'yo at sa magulang niyo.”
Pumasok si Gigi sa stock room namin, mukhang magbibilang siya ng mga nabawasan namin.
“Alam mo naman si Mama, konting kibit lang ng kapatid ko sumusumuko na iyon. Kahit ilang beses kong pagsabihan din si Mama na ‘wag baby-hin si Rashid hindi makikinig sa akin niyon!” Malakas kong sabi kay Gigi.
Wala pa naman kaming customer. Madaling araw na kasi ang mga nagiging customer lang naman namin ng ganitong oras ay mga call center o iyong empleyadong pauwi pa lang sa kanila, p'wede rin ang mga nag-mi-midnight snack.
“Kaya pala lumaking matigas ang ulo ng kapatid mo, Rhodisa! Sobrang na-spoiled ng Mama mo.” Napatango ako sa sinabi niya. “Anyway, nakabalik na ba si Alex? Nagugutom na ako! Ayoko naman ng tinda nating pagkain dito, nasasawa ako!”
Napailing na lang ako kay Gigi. “Wala pa, baka natagalan doon sa inihaw. Alam mo namang kahit madaling araw maraming customer ang ihawan nila Mang Tony sa kanto.” Nagpabili kasi kami kay Alex ng inihaw, sabay-sabay kasi kaming nag-crave sa napanood namin sa facetagram, nag-mukbang sila ng inihaw.
“Mga tanggero naman niyong mga nakatambay roon, Rhodisa!” Napatawa na lang ako sa sinabi niya.
Every night yata may nag-iinom doon sa ihawan ni Mang Tony buti na lang talaga hindi sila iyong mga lasing na nang-aaway.
May narinig akong tumulak ng pinto ng convenience store kaya napatayo ako sa pagkaka-upo, sumilip ako at nakita kong si Alex lang pala ang pumasok.
“Akala ko naman customer na ang dumating. Si Alex lang pala.” Dismayado kong sabi sa kanya at bumalik na siya pagkakaupo.
“Hoy, Alex ang tagal mong bumili! Nagugutom na kami ni Rhodisa! Mainit na rin ang ulo niyan dahil sa kapatid na naman niya kaya kailangan na natin pakainin niyan!” Kahit kailan talaga itong si Gigi, sinabi pa niya kay Alex.
Hinihintay naming sumagot si Alex pero tumahimik itong gumawi sa loob ng stock room.
Anong nangyari roon? May naka-away ba siya sa labas?
“Huy, anong problema mo? Gutom ka na rin, Alex?” Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at sumilip sa may stock room.
Mukhang problemado si Alex. May nangyari siguro habang nasa labas siya.
“Huh?” Nagtatakang lumingon siya sa amin. “May sinabi ba kayo sa akin?” pagtatanong niya sa amin at maging mukha niya ay nagtatanong.
“Alexander LalongIsip, kanina pa ako nagsasalita rito tapos hindi mo pala narinig? Anong problema mong lalaki ka, ha?” Sigaw ni Gigi kaya lumapit ako agad sa kanya.
Pumagitna ako kina Alex and Gigi baka kasi magsabong ang dalawang ito. Mahirap na. “Oh, chill lang kayong dalawa. Gutom lang iyan. Kumain na tayo habang wala pang customer na dumadating.” pagpapahinahon ko sa kanilang dalawa.
“Ayan kasi Rhodisa lutang na naman!” Turo ni Gigi kay Alex na ngayon ay hinahanda na ang pagkain namin.
Iniwan ko si Gigi at nilapitan si Alex, nasa bungad naman si Gigi kaya makikita niya kung may customer na papasok.
“May nangyari ba sa labas, Alex? Kanina ka pa yata lutang.” Nag-aalala kong tanong sa kanya. “Kulang ba iyong sukli sa'yo ni Mang Tony at ayaw mong ipagtapat sa amin dahil pagod ka na bumalik, Alex?” Hinawakan ko ang balikat niya at pinaharap siya sa akin. Hindi kasi siya sumasagot.
Nakatingin ang mga mata niya sa akin at may kung ano siyang pinaparating sa akin. “A-ano kasi Isa... M-may nakita kasi ako... P-pero, b-baka namamalikmata lang naman ako, ‘di ba? Pero, matanong ko lang nasa'n si John ngayon?”
Nagulat ako ng magtanong siya tungkol kay John. “Nasa bahay nila, Alex. Wala silang pasok tuwing sabado and linggo. Call center ang trabaho ni John.” Hindi ko alam ang pinupunto niya pero sinagot ko ang tanong niya.
“M-malayo ang bahay nila rito, ‘di ba?” Hindi na siya makatingin sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Isang oras ang byahe niya kapag papunta rito. And, hindi naman kami magkikita ngayong weekends dahil nasa Batangas siya kasama ang parents niya.”
Iyon kasi ang sabi ni John sa akin. Dadalawin daw nila ang lolo't lola niya sa Batangas kaya hindi kami magkikita ngayon.
“Bakit mo naitanong?” Hindi ko alam pero kumabog ang dibdib ko.
“W-wala naman, Isa, b-baka nga nagkakamali lang ako. Baka kamukha lang ni John iyong nakita ko kanina.” Ngumiti siya sa akin at pinagpatuloy ang pag-aayos ng pagkain namin.
“Guys, iko-close ko muna ang store, ha? Para makakain na tayo!” Tumango kami ni Alex sa sinabi ni Gigi.
“Saan mo siya nakita, Alex?” Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung saan niya nakita si John.
Napakamot siya sa kanyang batok. “Kina Mang Tony, bumibili rin siya ng inihaw roon and pagkalingon ko siya gawi niya, nawala na sila. Kaya tingin ko namamalikmata lang ako.”
“Sila?” ulit kong sabi niya.
Tumango siya sa akin. “Um, oo, Isa. Sila, may kasama siyang isang babae, e. Mukhang mas matanda siya sa atin ng dalawang taon? Pero, huwag mo ng intindihin niyon, Isa. Nasaan na ba si Gigi ang tagal naman niya isarado iyong store, nagugutom na ako, langya!” Lumabas sa stock room si Alex at mukhang pupuntahan si Gigi.
Umupo ako sa plastic chair at tinignan ang binili ni Alex. Ang pinagtataka ko lang, walang kapatid na babae si Alex na mas matanda sa kanya. Panganay rin siya at ang sumunod sa kanya ay lalaki na ka-edad ni Rashid at bunso nila ay babae na nasa limang taong gulang pa lang.
Namamalikmata lang ba talaga si Alex? O, si John talaga niyon at wala talaga siya sa Batangas?
Urgh, hindi ko na alam ang gagawin ko! Ang daming problema!