AFTER ng pirmahan namin kanina with Mister Kaiju – hindi ko alam kung ano itatawag ko sa kanya at hindi ko rin naitanong. Pinauwi na rin nila ako at binaba sa may kanto ng tinitirahan kong apartment, doon lang talaga ako nagpababa dahil ayokong malaman nila kung saan talaga ako nakatira. Nanginginig pa nga ang buong katawan ko ng bumaba ako sa itim na kotse at alerto ako sa aking paligid dahil pakiramdam ko kasi ay may nakamasid sa akin. Kanina lang din bumalik ang alaala ko ng makasinghot ulit ako ng gamot na iyon, ʼdi ko alam kung Pampa tulog ba ʼyon. Doon ko naalala ang tungkol sa kambal na sina Blade and Blaze, kay Mister Kenta at doon sa chef nilang si Mister Rainer. Binaha ng alaala ang utak ko kahapon. Lalo na nu'ng sinabi ni Mister Kaiju ang pangalan ni Mister Kenta. Sinabi ba