Napatakbo na rin palabas sina Patrick at Manong Juan. Sina Patricia, Manang Claire at ang tatlong madre ay sinigurado ang kaligtasan ng mga bata Nakatingin lang si Byron kay Magdalene at sa lalaking may hawak sa dalaga. Naroon ang hindi niya maipaliwanag na takot lalo na at may hawak itong baril. "Huwag kayong lalapit kung ayaw ninyong paglamayan ang babaeng ito!" Sigaw ng lalaki na mas lalong nagpatindi ng takot ni Byron. "Ano bang kailangan mo, pera? Kung pera lang ang gusto mo ay mabibigyan kita. Huwag mo lang sasaktan si Dalene." Napangisi ang lalaki. Kitang-kita nila ang pagpupumiglas ni Magdalene ngunit sa tingin niya ay mas malakas ang lalaki. "Bitawan ninyo ako Tiyo Arnulfo! Ano ba ang kasalanan ko sa inyo, ha!? Kayo nga ang dapat ay mahiya. Kayo ang may kasalanan sa akin! Wal