Prologue
Nakaupo lang si Magdalene sa harap ng bahay na kanyang tinitirahan. Mula ng mangyari ang bagay na iyon ay napilitan na rin siyang iwang ang monasteryo. Hindi na rin naman niya kayang manatili pa doon.
Maraming alaala siyang naiwan. Gusto man niyang balikan ngunit natatakot siyang lalo lang maging magulo ang lahat
"Kasalanan ko naman talaga ang lahat. Sorry talaga. Alam ko lang nahihirapan ka na kaya ka umalis, sana ako na lang. Nasaan ka na ba? Please naman oh. Bumalik ka na," pakiusap pa ni Magdalene. Umaasang makakarating ang kanyang sinasabi sa taong tinutukoy niya.
Hindi na napigilan ni Magdalene ang umiyak. Ilang buwan na rin kasi itong nawawala.
"Ikaw ang nagturo sa akin upang huwag matakot at matutong lumaban. Pero bakit ikaw ang unang sumuko? Hayaan mo naman akong maituwid ko ang pagkakamali ko nang gabing iyon. Ikaw ang may sabi sa akin di ba, hindi ko magtatakbuhan ang problema kaya dapat hinaharap ko. Pero bakit ikaw itong tumakbo? Ikaw ang umalis. Ikaw ang nawala," aniya habang patuloy lang sa pagnguyngoy.
"Hija."
Mabilis na pinalis ni Magdalene ang mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata. Bago niya binalingan ang parte kung saan nadoon ang babaeng tumawag sa kanya.
"M-ma'am P-Patricia?" nauutal niyang sambit sa pangalan ng dumating. Bigla siyang napatayo mula sa silyang kanyang kinauupuan. "A-ano pong g-ginagawa ninyo dito?" tanong pa niya ng mapansin ang sasakyang nakahinto sa tapat ng bahay niya at ang pagbaba ng esposo nito. "S-sir P-Patrick," sambit pa niya.
"Namumutla ka, relax Magdalene." Kahit iyon ang sinabi ni Patricia ay hindi mapigilan ni Magdalene ang mga luhang nag-uunahan sa kanyang mga mata.
Alam niyang alam na ng mga magulang ni Byron na siya ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nawala sa monasteryo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.
Walang nakakaalam kung nasaan ito. Kahit walang tigil ang paghahanap kay Byron ay walang lead kung nasaan ito.
"Huwag kang umiyak Magdalene. Baka makasama sa iyo." Para siyang itinulos sa kinatatayuan niya.
"Magdalene," tawag ng asawa nito sa kanya. "Don't cry hija. Hindi ka namin sinisisi sa pagkawala ni Clyde. Pasasaan pa at mahahanap rin natin siya. Narito kami para kunin ka. Sa bahay ka na tumira."
"P-po."
"Oo hija. Sumama ka na sa amin sa bahay. Alam na namin ang lahat. Pati ang----," nabitin ang sasabihin ni Patricia ng biglang bumagsak paupo sa lupa si Magdalene.
"Sorry po, sorry po, ma'am, sir," paulit-ulit na sambit ni Magdalene.
Dinaluhan naman ng mag-asawa si Magdalene. Niyakap siya ng mag-asawa.
"Tahan na anak. Masaya akong dumating ka sa buhay ni By."
"P-pero paano po si By. Nasira ko po ang buhay niya."
"Wala kang sinirang buhay. Makikita rin natin si Byron. Tahan na makakasama iyan sa iyo. Narito na kami ni Patrick para sa iyo anak. Ituring mo kaming pamilya."
"Kaya lang paano kung a-ayaw naman po niya sa a-akin?"
"Hindi iyan totoo. Naguguluhan lang siya, pero maniwala ka. Hindi darating ang pagsubok na ito sa inyo kung hindi ninyo malalampasan. Magtiwala lang tayo sa Kanya. Ibabalik Niya si Byron sa atin."
"Salamat po."
"Tahan na anak. Narito lang kami para sa inyo. Kaya huwag ka ng mag-alala. Makakasama sa iyo ang labis na pag-iyak. Isipin mo ang sarili mo hija. Sasama ka na ba sa amin? Please sumama ka na. Maaalagaan kita sa bahay. Kaysa narito at nag-iisa ka."
Akala nina Patricia at Patrick ay maiisama na nila si Magdalene sa bahay nila. Pero nanindigan ang dalaga na magpaiwan muna sa bahay na iyon.
Hanggang makalipas ang isang linggo ay nakatanggap sila ng balita kung saan naroon ang kanilang hinahanap.
Halos panawan ng malay si Magdalene sa muli nilang pagkikita ni Byron. Nangangayayat ito at sa tingin niya ay talagang pinabayaan na nito ang sarili. Gusto man niyang yakapin ang lalaki ngunit natatakot siyang masaktan ito.
Hindi mapigilan ni Magdalene ang mga luha niyang nag-uunahan. Sa loob ng ilang buwang paghahanap sa lalaki ay ngayon lang nila ito natagpuan. Kung hindi lang dahil sa isang mangangaso na naligaw sa kabundukang iyon ay walang makakahanap dito.
Pinagtani-tagning tabla ang naging harang nito sa isang maliit na kweba kung kweba ngang matatawag ang hinihigpuan nito. Isa iyong butas sa pagitan ng dalawang malaking bato. May kaunting lawak kaya pwede itong maupo at mahiga doon. Halos madurog ang puso ni Magdalene habang iniisip na ang lugar na iyon ang naging kanlungan ni Byron.
"By wake up," umiiyak na saad ni Magdalene. Noong una ay nasa tabi lang siya ng lalaki pero ngayon ay pinilit ng dalaga isiksik ang sarili sa maliit na espasyo para lamang maiangat ang ulo ng walang malay na si Byron at maihimlay sa kanyang kandungan.
"Huwag namang ganito By, lumaban ka. Darating na mamaya ang rescue. Pakatatag ka. Please gumising ka."
Sa pagitan ng kanyang pagluha ay ang unti-unting pagmulat ng mata ni Byron. Naramdaman na lang ni Magdalene ang paghigpit ng hawak ng kamay ni Byron na hawak niya.
"M-magdalene, M-magdalene," paulit-ulit na saad ni Byron na mas ikinaluha ni Magdalene.
"Huwag ka ng magsalita ipunin mo ang lakas mo. Iaalis na kita dito ha. Mangako kang hindi mo na ulit ako iiwan," patuloy pa rin si Magdalene sa pag-iyak.
"B-bakit mo pa ako hinanap? M-malaki ang kasalanan ko sa iyo at sa mga t-tao. Nagkasala din ako sa Pa-Panginoon, Magdalene."
"Hindi By, walang nagkamali. Hindi mangyayari ang bagay na iyon ng walang dahilan. Pakiusap huwag mo na ulit akong iiwan. By hindi lang ako nag-iisang nag-aalala sa iyo. Dalawa na kami," nakangiti ngunit umiiyak na saad ni Magdalene.
Natigilan naman si Byron habang nakatingin sa mukha ng babaeng kauna-unahang nagpatibok ng puso niya. Bagay na akala niya hindi na mangyayari sa buong buhay niya. Ngunit dahil sa pangyayaring iyon ay nabahiran ng kasalanan ang kanyang pagkatao. Pakiramdam niya ay nabigyan niya ng kahihiyan ang kanyang mga magulang at ang mga taong nakapaligid at nagmamahal sa kanya.
Hindi niya kayang humarap sa mga tao dahil isa siyang makasalanan. Pero alam ng totoong Nakakaalam na pinaglabanan niya ang kasalanan. Pero sa bandang huli ay nalukob din siya ng pagkakasala.
"P-patawarin mo ako Magdalene ng dahil sa a-akin ay nadamay ka pa. D-dahil sa akin ay magiging d-dala ng pangalan mo ang p-pagkakasala ng isang tulad ko," umiiyak na ring saad ni Byron.
"Maniwala ka By, hindi kasalanan ang magmahal. Minahal kita at nararamdaman kong hindi tukso o kasalanan ang nagtulak sa iyo kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Pagmamahal ang dahilan ng lahat. Sabi mo walang masama sa pagmamahal basta nasa tama? Hindi naman mali na mahalin kita o mahalin mo ako. Ang mali ay ang tumakbo ka, magtago at matakot sa sasabihin ng iba. By hindi naman masama kung hindi mo pakikinggan ang sasabihin ng iba. Walang ambag ang ibang tao sa buhay mo, kaya bakit mo sila pakikinggan. Pakiusap huwag mo akong iiwan. Hindi namin kayang dalawa. Ikaw ang lakas ko. Pakiusap, magpakatotoo ka naman sa sarili mo at huwag namang puro takot ang ipananahan mo sa puso mo."
Lalo lang bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Magdalene. Ngayon gusto niyang sisihin ang sarili niya dahil kahit siya ay hindi napigilang mahulog dito. Alam naman niyang mali. Ngunit ang puso niya ay hindi naman niya mapigilang tumibok para dito.
Humugot siya ng hininga bago muling tinitigan ang mukha ni Byron na nakatingin din sa kanya. Habang nakahiga sa kanyang kandungan.
"Kung ipagpipilitan mong kasalanan mo ang nangyari, mas lalong kasalanan ko. Kung hindi ako tumakas sa impyernong lugar na iyon at hindi ako nagtago sa monasteryo ay hindi ka magkakaroon ng kasalanan. Maayos sana ang buhay mo at hindi aabot sa ganito. Sana ay mapatawad mo ako By. Hayaan mo at darating na sila. Maiaalis ka na nila dito. Kung hindi rin naman mababago ang desisyon mo at gusto mong mapag-isa ay ako na lang ang magpapakalayo-layo. Kalimutan mo na kami. Kahit kailan hindi na ako magpapakita sa iyo. Pakiusap magpalakas ka ha. Ipangako mong magiging maayos muli ang buhay mo. Katulad noong panahon na hindi pa ako dumarating sa buhay mo," ani Magdalene na patuloy lang sa pagluha.
Ilang sandali pa ay narinig nila ang ingay ng mga taong nag-uusap.
"Malapit na sila," naiusal ni Magdalene ng matanaw niya mula sa pwesto nila ang mga taong tutulong sa kanila para maialis si Byron sa kabundukang iyon.
"P-promise me, you two don't leave me. I'm sorry for all the pain I've cause you. And please don't cry, it gives double pain in my heart. I do the right things if I----."
Hindi natapos ni Byron ang sinasabi ng mawalan ito ng malay. Nagulat na lang din si Magdalene ng may lumabas na dugo sa bibig nito. Doon ay halos magwala siya.
"By! Byron! Wake up!" sigaw niya dahilan para mas lalong magmadali ang mga taong hiningan niya ng tulong.
Mula sa labas ng pinaka kweba ay pinilit ilabas ng rescue team si Byron sa kweba. Isinakay ng mga ito si Byron sa stretcher. Nandoon din ang kasamang doktor ng mga ito. Nakahinga ng maluwag ang doktor ng kahit papaano ay normal ang t***k ng puso ni Byron.
Mabilis itong sinuri. Nilagyan ng pangunang lunas, at kinabitan ng dextrose.
"Byron! Byron!" nagtatangis na tawag ni Patricia sa pangalan ng anak ng makita ang kalagayan nito. "Byron mommy is here. Please wake up son. Patrick ang anak natin," nguyngoy ni Patricia habang awang-awa sa sinapit na kalagayan ng anak.
"Ma'am, Sir sorry po," agaw pansin ni Magdalene sa mag-asawa.
"Wala kang kasalanan hija. Lahat ng pangyayari ay may dahilan. Hindi na namin matanggap ang kalagayan ngayon ni Byron, ngunit wala kaming sinisisi sa nangyari sa kanya," malungkot na saad pa ni Patricia kay Magdalene. Habang tipid at nakakaunawang ngiti ang ibinigay sa kanya ng daddy ni Byron.
"Salamat po at sorry po u---," hindi natuloy ni Magdalene ang sasabihin ng bigla na lang ding nagdilim ang kanyang paningin.
"Magdalene!" malakas na sigaw ni Patrick sa pangalan ng dalaga. Nabigla din si Patricia at natigilan sa nangyari.
Narinig lang ni Magdalene ang malakas na pagtawag sa kanyang pangalan. Hanggang sa mawalan siya ng malay.