Dahan-dahan ipinikit ni Magdalene ang mga mata sa kawalang pag-asa. Ang pagkakataong iningatan niya ang sarili sa hirap ng buhay na kanyang naranasan ay magtatapos lang din naman pala sa tagpong iyon. "Byron," ulit pa niya sa isipan at inalala ang mukha ng gwapong pari. Na sa unang pagkakataon, nagpatibok ng kanyang puso. Ang tamang tao sa buhay niya, sa maling pagkakataon. Handa na siyang tanggapin ang kapalaran niya. Ang pangit na kapalarang ipinagkaloob sa kanya. Hanggang sa makarinig siyang may sumigaw sa pangalan niya. Napamulat siyang bigla. "Dalene!" Malakas na sigaw na nagpamulat kay Magdalene. Kasabay ng putok ng baril. Hanggang sa nasundan na lang niya ng tingin ang pagbagsak ng tiyuhin sa kanang tabi niya. Hindi siya nahindik sa nangyari dito. Bagkus ay nakahinga siya ng mal