Halos mahindik si Magdalene sa narinig. Hindi niya malaman kung paano aalis sa kwartong iyong. Napadaing pa siya ng maramdaman ang kamay niyang napatuon sa kama. Masakit na nga ang kanyang pulso sa pagkakahawak ng lalaki. Tapos ay naituon pa niya iyon sa kama.
Napaatras si Magdalene paakyat sa kama ng humakbang ang lalaki palapit sa kanya.
"Pakiusap, huwag mong gawin sa akin ito," aniya. Ngunit nakangisi lang ang lalaki na naiiling sa kanya.
"Maawa man ako sa iyo, pero sabik na sabik akong matikman ka. Matakot ka lang. Gusto ko iyang nagmamakaawa." Malakas pang tumawa ang lalaki na lalo lang ikinakaba ni Magdalene.
Nagulat na lang siya ng kubabawan siya nito. Mabilis na itinulak ni Magdalene ang lalaki, kaya nahulog ito sa kama. Mabilis siyang bumaba ng kama. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng mahawakan ng lalaki ang paa niya, dahilan para bumagsak siya sa sahig.
Napaigik na lang si Magdalene sa sakit ng kanyang pagkakabagsak. Hindi siya makawala sa pagkakahawak ng lalaki hanggang sa nahawakan nito ang baywang niya at isinalya siyang muli sa kama.
"Tatakas ka pa!" sigaw nito kasabay ng pagtama ng palad nito sa kanyang pisngi na ikinagulat niya.
Hindi napigilan ni Magdalene ang umiyak sa sakit ng pagkakasampal ng lalaki sa kanyang pisngi.
"Tama na. Maawa ka, huwag mo ng ituloy ang nais mo," pagmamakaawa pa niya.
"Sweet," nakangisi nitong saad ng mahawakan nito ng mahigpit ang kamay niya.
"Bitawan mo ako. Hayop ka!"
"Tama ka. Para nga akong hayop na gutom sa nakahaying laman sa aking harapan. Sariwa, at masarap," anito ng kubabawan siya nitong muli. Hindi na siya makalaban. Hawak nito ang dalawa niyang kamay habang sinasamyo ang kayang leeg.
"Napakabango mo. Para kang bulaklak na bagong bukad. Mabango, maganda at sariwa." Nandidiri siya sa bawat salitang binibitawan ng lalaki sa kanya.
"Hayop ka!" Hindi na napigilan ni Magdalene ang mga luha niya. Kusa na lang iyong lumabas sa kawalan niya ng pag-asa.
Inalis nito ang isang kamay na nakahawak sa kanya. Lalo lang siyang naiyak ng pisilin nito ang kanyang dibdib. Diring-diri siya sa nararamdaman niya. Gusto tuloy niyang masuka sa ginagawa ng lalaki.
"Napakaswerte kong ako ang una," humahalakhak pa nitong saad.
"Huwag! Pakiusap maawa ka," biglang sigaw ni Magdalene ng punitin ng lalaki ang kanyang damit. Gusto man niyang takipan ang hantad niyang dibdib ay hindi niya magawa. Hawak nito ang kamay niya. Nagpapasalamat na lang siyang may suot siyang bra. Kahit papaano ay hindi pa rin nito nakikita ang kabuoan ng katawan niya. "Huwag mong gawin ito pakiusap," pagmamakaawa pa niyang muli. Pero bingi ang lalaki sa pakiusap niya.
"Unang tingin ko pa lang sa iyo ay natatakam na akong talaga. Kaya ngayon pinagsisisihan kong, bakit ngayon lang ako bumayad para sa iyo. Sana ay matagal ko ng naranasan ang makulong sa pagitan ng mga hita mo," malaswang saad ng lalaki. Bumaba ang ulo, para halikan siya, ngunit nagawa niyang iiwas ang labi niya. Nanindig ang kanyang balahibo sa pandidiri ng lumapat ang labi nito sa kanyang leeg.
Nabitin ang pag-iyak ni Magdalene ng bigla na lang mabitawan ng lalaki ang kamay niya. Napabangon itong saglit kaya naman nagawa niyang mapaatras patungo sa gitna ng kama.
Pinagmasdan na lang ni Magdalene ng mapahawak ang lalaki sa sentido nito. Nagulat na lang siya ng tingnan siya nito ng masama. Ngunit pagkaraan lang lang ilang segundo at bigla na lang itong bumagsak padapa sa kama.
Tinitigan niya itong mabuti. Hanggang sa mapagtanto niyang pantay na ang paghinga nito. Sa tingin niya ay nakatulog itong bigla.
Kahit nahihindik at nagtataka sa nangyari sa lalaki ay pinilit ni Magdalene na makababa sa kama. Napahugot pa siya ng hangin ng mapansin ang nasira niyang damit.
Marahan siyang naglakad patungong pintuan. Dahan-dahan niyang binuksan iyon. Ngunit nagulat na lang siya ng biglang may nagtakip ng panyo sa kanyang bibig. Takot na takot na siya sa mga oras na iyon.
"Sssh, huwag kang maingay baka magising iyong customer mo." Wika ng lalaking may hawak sa kanya na ikinagulat niya.
Nakahinga siya ng maluwag. "Kian, anong ginagawa mo dito?"
"Isuot mo muna ito. Nagkakasala kami sa iyo eh," reklamo ni Choi sabay abot sa kanya ng jacket nito. Naroon din si Ken, Aron at Bok.
"Mamaya na ang tsismisan. Baka may makahuli sa atin. Tara na," aya ni Bok ng sunod-sunod na silang lumabas ng club at dumaan sa pituan sa likuran.
Para silang mga batang ligaw ng makalabas sila sa likuran ng club. Mabilis silang tumakbo na parang wala ng bukas. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon na mag-abang ng sasakyan. Ang nais lang nila ay makalayo ng walang nakakahuli sa kanila.
Kahit naguguluhan si Magdalene sumabay siya ng takbo sa lima. Hanggang sa tingin nila ay medyo nakalayo na sila.
Inabutan sila ng pagod sa isang park. Sa isang sulok doon ay nagawa nilang huminto para makapagpahinga.
"Anong nangyayari?" hindi na napigilang tanong ni Magdalene sa lima. Pare-pareho naman silang naghahabol ng hininga dahil sa pagod.
"Ganito para maikli ang kwento," simula ni Aron na naghahabol pa rin ng hininga. "Nang makita ka nina Kian at Bok na hawak noong customer ng club alam na naming nabili ka na niya kay madam. Kaya naman mabilis nilang kinausap si Choi. Iyong alak na nainom ng lalaking iyon ay may nakahalong pampatulog. Mabuti na lang ininom, kasi kung hindi. Hindi na namin alam kung paano ka namin itatakas. Tapos inalis na kami ni madam sa trabaho, bagay na mas nakapagpadali sa pagtatakas namin sa iyo."
"Hindi ka namin pababayaan na magstay sa lugar na iyon. Ngayong wala na kami doon, mas manganganib ang buhay mo sa kamay ng mga hayok sa laman na mga taong iyon. Ito lang ang magagawa namin para mailigtas ka," paliwanag ni Choi.
"Ngunit gustuhin man namin na isama ka, hindi maaari," malungkot na saad ni Kian na ipinagtaka naman ng tatlo.
"Bakit naman? Mas magiging ligtas si Magdalene kung kasama natin siya," nagtatakang tanong ni Ken.
"Tama si Kian," sabat ni Bok. "Kung kasama natin si Magdalene, madali tayong matutunton ni madam. Sure na hahabulin din ng customer ni madam si Magdalene. Tayo ang nawala sa bar sure na tayo ang una nilang hahanapin. Kung wala si Magdalene sa atin. Hindi tayo nagsisinungaling na wala tayong kinalaman ng pagtakas niya."
"Ano ang ibig ninyong sabihin Bok?" tanong ni Aron.
"Naiintindihan ko na. Mas makakapagtago si Magdalene pag hindi tayo kasama. Kasi sure na pababantayan tayo ni madam. Pag nasa atin si Magdalene, mahihirapan tayong itago siya. Mas mapapahamak siya pag kasama niya tayo," paliwanag ni Choi.
Tahimik lang namang nakikinig si Magdalene sa pagpapaliwanagan ng lima. Tama din naman ang mga ito. Higit sa lahat nagpapasalamat na siyang nakatakas siya sa club na iyon. Mula ng dalahin siya doon ng tiyuhin niya ay hindi na siya nakaalis ng club ng walang bantay. Para siyang akala mo ay palaging tatakas. Pero iyon naman talaga ang nais niyang gawin.
"Huwag kayong mag-alala. Nagpapasalamat akong nakaalis ako sa club na iyon. May alam din naman akong lugar kahit papaano. Siguro ay magagawan ko ng paraan na makatakas. Huwag na ninyo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. At pangako hindi ako magpapahuli sa mga tauhan ni madam."
"Sigurado ka Magdalene? Kahit sabihin kasing gusto ka naming nasa poder ka namin. Mas madali kang mahahanap ni madam," ani Kian na ikinatango niya.
"Gustuhin ko man ay ayaw ko din naman na mapahamak kayo. Itong pagtakas ninyo sa akin ay habang-buhay kong tatanawin na malaking utang na loob sa inyong lima."
"Para ka na naming kapatid. Kung may maitutulong din lang naman kami ay gagawin namin. Kahit nagtatrabaho kami sa club na iyon ay pinilit naming maging mabuting tao," nakangiti si Bok habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Oo nga. Tulad mo, hindi kami magbubulag-bulagan para lang kumita ng pera. Oo nga malaki ang kitaan doon. Ngunit hindi naman kami papayag na basta ka na lang mapahamak," saad ni Ken.
"Nasa club kami, dahil hindi kami nakatapos ng pag-aaral. Iginapang naman kami ng mga magulang namin. Pero wala eh, napakahirap talaga ng buhay. Kung anu-anong trabaho ang pinasok namin. Hanggang sa natagpuan namin ang bar na iyon at doon kami nagtagal. Pero hindi kami nanghamak ng iba. Ipinangako namin na magiging mabuti kami sa kabila ng lahat," dagdag naman ni Aron.
"Dahil malaki ang sahod, nagtiis kami kahit nakikita namin ang pangit na patakaran ng club na iyon. Pero bago ka dumating sa club na iyon ay nagpaplano na kaming magresign. Kaya lang parang may kung anong nag-udyok sa aming lima para bantayan at alalayan ka muna kaya hindi kami umalis," paliwanag ni Choi.
"Kaya naman siguro dahil sa araw na ito. Ito ang araw na may magtatangka na masama sa iyo. Dahil mahal ka namin bilang bunso namin at nag-iisang babae sa club na naging malapit sa amin. Ginawa namin ang makakaya namin at tamang gawin maialis ka lang sa lugar na iyon. Sana maging maayos ang kalagayan mo. At sana magkita-kita tayong muli paglipas ng mga panahon," ani Kian na ikinatango ni Magdalene.
"Salamat sa inyong lima. Pag naayos ko ang buhay ko, hahanapin ko kayo. Alam kong magkikita-kita pa tayo."
"Oo naman. Basta palagi kang mag-iingat ha," paalala pa ng lima ng makarinig sila ng ingay ng sasakyan.
Pinakinggan nila kung sino ang paparating ng mapagtanto nilang mga tauhan iyon ni Madam Matilda.
"Alis na Magdalene, gamitin mo ito." Inilagay ni Kian ang ilang libo sa palad niya.
"K-Kian."
"Huwag kang mag-alala. Galing yan sa aming lima. Kahit papaano ay pinaghandaan namin ito. Alam naming wala kang pera. Wala ka namang sahod sa club. Gamitin mo iyan panimula mo," paliwanag ni Kian ng yakapin ni Magdalene ang binata.
"Salamat sa inyo. Hindi ko makakalimutan na nakilala ko kayo," umiiyak na saad ni Magdalene ng maramdaman niyang niyakap din siya ng apat.
"Tama na ang iyak, baka mahuli ka pa. Sa amin ay wala na silang karapatan sa amin sa iyo kami nag-aalala."
"Pilitin mong makalayo Magdalene, susubukan naming makuha ang atensyon ng mga naghahanap sa iyo. Basta pilitin mong makalayo," bilin pa ni Choi.
"Sige na umalis ka na. Basta pakiramdam mo ang paligid mo. Mag-iingat ka," paalala pa ni Kian.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Magdalene at mabilis na siyang umalis at iniwan ang lima. Nag-aalala namang tinanaw nina Kian ang papalayong dalaga. Kung may magagawa lang sana sila ay hindi na nila hahayaang umalis pa si Magdalene. Ngunit wala silang kakayahan para labanan si Madam Matilda. Kung sa pisikalan ay walang problema. Ngunit hindi nila kaya ang batas ng pera.
"Nakalayo na si Magdalene, ito ihilamos ninyo," ani Choi ng ilabas ang isang bote ng alak mula sa bag nito.
"Para saan?" nagtatakang tanong ni Bok na ipinagtataka din ng tatlo pa.
"Pag nahuli tayo dito ano ang magiging dahilan natin. Dali na. Nag-iinuman tayo kasi wala na tayong trabaho. Hindi pa tayo umuuwi kasi wala pa tayong dahilan para ipaliwanag sa pamilya natin kung bakit nawalan tayo ng trabaho. Basic," paliwanag ni Choi na mabilis sinunod ng apat.
Hindi nagpalit ang minuto ay sumulpot ang tauhan ni Madam Matilda, kasama ang mga lalaking hindi nila kilala. Sa hinala nila ay tauhan ito ng customer dapat ni Magdalene.
"Anong ginagawa ninyo dito? Nasaan iyong waitress ni Madam?" galit na tanong ng kanang kamay ni Madam Matilda.
Nagkatinginan pa ang lima. Bakas ang pagtataka sa tanong na iyon. Hanggang sa magsalita si Kian.
"Boss, kaharap ka ng alisan kami ni madam ng trabaho. Alam mo din nang umalis kaming lima. Isa pa hindi namin alam kung paano ipapaliwanag sa pamilya namin kung bakit wala na kaming trabaho. Kaya nag-stay kami dito para mag-inuman. Wala na kaming trabaho, magiging masaya ba kami?" sagot ni Kian na sa tingin nila ay kinagat ng tauhan ni Madam Matilda.
"Bakit dito?"
"Boss, malapit lang ang mga bahay namin dito. Hindi namin kailangan na lumayo," ani Choi.
Hindi na sila pinansin ng mga lalaking kasamahan pa ng tauhan ni Madam Matilda at mabilis na nilisan ng mga ito ang pwesto nila.
"Kumalat kayo, malalagot tayo pag hindi natin nahanap ang babaeng iyon," dinig nilang sigaw nito at mabilis na nakalayo sa kanila.
Nagtayuan na rin silang lima. "Tara na. Kailangan nating mailigaw ang mga lalaking naghahanap kay Magdalene," ani Kian at mabilis din silang naghiwa-hiwalay.