Napaupo na lang sa loob ng gilid ng bar counter si Magdalene dahil sa pagod. Mula ng magbukas ang bar, hanggang sa mga oras na iyon ay wala silang pahinga. Sabi nga ang pagod niya ay hindi basta-basta. Alas singko pa lang ng hapon ay bukas na ang bar. Ngunit alas otso pa lang, ay hindi na maipaliwanag ang pagod niya.
Habol ang hininga at halos magdilim na ang kanyang paningin. Kaya saglit niyang ipinikit ang mga mata. Ngunit kahit ganoon ay mas nais pa rin niya ang trabahong iyon. Mas gusto niya ang patayang trabaho. Kaysa naman ang palaging i-table ng mga kalalakihang hayok sa laman ang maging trabaho niya. Dahil alam niyang kung palaging ganoon ang ipapagawa sa kanya, ay maaaring ilabas na rin siya ng mga ito. Bagay na hindi niya kayang gawin, higit sa lahat ay iniiwasan niya.
Nasa isang linggo na noon siyang waitress ng may isang matandang lalaki na malaki ang tiyan na nagbayad ng kinse mil, para lang maitable siya. Noon gusto na niyang umiyak dahil maaaring iyon na ang simula ng kalbaryo niya.
Ngunit bago siya napunta sa table ay mabilis siyang hinila ni Kian sa isang sulok na ipinagtaka niya.
"Anong ginagawa natin dito?" naguguluhang tanong niya.
Mula sa kanilang likuran ay nakangising mukha ni Choi, Bok at Aron ang tumambad sa kanya. Litong-lito siya, ng biglang lumabas si Ken sa isang gilid at mabilis na nilapitan siya.
Wala siyang nagawa ng may hinulmang parang clay si Aron habang may hawak na medicinal tape si Bok na ikinapit sa gilid ng hita niyang expose na expose sa mga mata ng mga lalaki sa club na iyon. Habang si Choi ay may hawak na concealer cream na hindi niya malaman kung saan galing.
Binitawan siya ng mga ito matapos sa ginagawa. Napamaang na lang siya ng makita ang ginawa ng lima. Para iyong keloids na gawa ng isang malaking sugat.
"Ayan lang ang magagawa namin. Kahit sexy at maganda ka. Medyo mandidiri sila kasi may peklat ka," nakangising saad ni Kian sa kanya.
"Anong?" naguguluhan niyang sagot.
"Di ba sinabi naming tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya. Para makaiwas ka sa maaaring mangyari sa iyo. Ang hawakan ka ng mga kalalakihan dyan sa labas ay hindi ka na namin magawang ipagtanggol. Pero ang kahit papaano ay alam naming makinis na babae ang nais nila. So ayan. Nilagyan ka na namin ng kapintasan. Basta pag-alam mong hahawakan ka. Dyan mo kaagad dalahin sa hita mo na iyan. Sabihin mo kaagad kung paano ka nagkaganyan," naiiling na saad ni Choi.
"Isa pa pag-inayawan ka na ng nagtable sa iyo. Madali na yang alisin. Itapon mo kaagad sa basurahan. Para hindi makita ni Madam Matilda at ng mga alipores niya maliwanag," wika naman ni Bok.
"Sige na, alis na baka mamaya ay hanapin ka na ni madam," ani Kian ng senyasan siya ni Aron.
"Labas na," saad naman ni Aron.
"Ingat ka," nag-aalalang wika ni Ken.
Habang busy sa pagtatrabaho ang mga kaibigan niya ay kinakabahang lumapit si Magdalene sa lalaking nagbayad para maitable lang siya. Naramdaman niya ang paglulumikot ng kamay nitong humahagod sa kanyang katawan. Nandidiri siya. Pero kailangan niyang lakasan ang loob. May tiwala siya sa sarili niyang aayawan din siya ng lalaki sa kanyang tabihan.
Ilang sandali pa ay lumapat ang kamay nito sa parte ng hita niya kung saan ay para iyong may malaking peklat na ikinagulat ng lalaki.
"Ano iyon?" Ipinakita ni Magdalene ang mukhang keloids na inilagay nina Choi sa hita niya sa lalaking nasa kanyang tabi. Sa mga mata nito ay kitang-kita ang pandidiri.
"Umalis ka na sa tabi ko!" magaspang nitong sabi.
"Pero paano ang ibinayad ninyo?" naluluha pa niyang saad. Pero sa loob-loob niya ay gustong-gusto na niyang umalis sa tabi nito.
"Hindi ko babawiin. Sabihin mo kay Madam Matilda magbabayad ulit ako. Magbigay siya ng bagong babae," utos nito na mabilis niyang ikinatayo.
Nadaanan niya si Choi sa bar counter at palihim siyang nag-okay sign. Mabilis niyang itinapon sa basurahan ang ikinabit nina Aron sa hita niya bago pinuntahan si Madam Matilda. Kahit nagtataka ay wala naman itong naging imik. Naghanap na lang ito ng bagong babae na siyang itinable ng lalaki. Muli siyang nagbihis para ipagpatuloy ang naudlot na pagseserve ng mga order.
Naramdaman na lang ni Magdalene ang malamig na tuwalya na dumampi sa mukha niya. Pakiramdam niya ay guminhawa kahit kaunti ang pakiramdam niya.
Napamulat siya ng mata. Nasa tabi niya si Kian na naghahabol din ng paghinga. Alam din niyang pagod na rin ito.
"Tubig," anito at ibinigay sa kanya ang bottled water na hawak nito. Wala namang pag-aatubiling ininom niya iyon.
"Salamat," tipid niyang sagod at ipinikit muli ang mga mata. "Pasensya na, mukhang sumuko ang katawan ko ngayon."
"Ayos lang, pero pilitin mong makatayo mamaya. Siguradong maglilibot na naman ang mga aso ni madam mamaya."
"Salamat Kian. Salamat sa inyong lima. Kung hindi dahil sa inyo baka katulad na rin ako ng mga babaeng bayaran. Sa totoo lang bilang babaeng inihahanay sa lamesa pakiramdam ko napakadumi ko na. Gustong-gusto ko ng makaalis dito. Gusto ko ng magbagong buhay," naiiyak na saad ni Magdalene.
Mula ng dinala siya doon ng Tiyo Arnulfo niya ay isang taon na rin ang mabilis na lumipas. Isang taon na rin ang ginagawa nilang pagpapanggap na may peklat, o nakakahawang sakit sa balat si Magdalene para tantanan siya ng mga lalaking nagbabalak ilabas siya o i-table siya. Ang hindi lang niya alam ay kung gaano pa katagal nila maiitago ang pagpapanggap na iyon.
Hinawakan ni Kian ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, may balak kaming umalis dito. Isasama ka namin."
Napaayos naman ng upo si Magdalene. "Anong sinasabi ninyo? Kayo pwedeng umalis, lalo na at wala kayong pagkakautang sa club na ito. Pero alam ninyong hindi ako pwede." Pagtutol pa ni Magdalene.
"May ipon na kaming lima kahit papaano. Sa ilang taon namin dito ay kaya na rin naming magtayo ng maliit na bar, tindahan, karinderya o kahit ano na magiging pasok sa ipon namin. Kaya isasama ka na namin."
"Hindi pwede. Mapapahamak kayo. Kayo lang ang naging kaibigan ko dito na hindi ako itinuring na iba. Hindi makakaya ng konsensya ko kung mapapahamak kayo."
"Basta bahala na. Magagawan natin iyan ng paraan. Kaya mo na bang tumayo?"
Napatango na lang si Magdalene. Kahit papaano ay nakabawas ng pagod ang kanyang ginawang pagpapahinga.
"Table 8," ani Choi ng kunin ni Magdalene ang alak na kailangan niyang i-serve sa customer.
"Your drink sir," ani Magdalene ng biglang hawakan ng lalaki ang kamay niya. "Sir!"
"Maganda ka. Can you join?"
"Hindi po pwede. Waitress lang po ako dito," aniya habang pinipilit kalasin ni Magdalene ang kamay ng lalaking nakahawak sa kanya.
Sa lakas ng lalaki ay nagawa nitong iupo si Magdalene sa tabi niya. Nangingilabot siya sa ginagawang paghalik ng lalaki sa batok niya.
"Sir!" sigaw niya ng lumapit ang isang alipores ni Madam Matilda.
"Kailangan mong magbayad sir para ma-i-table ang waitres na iyan," anito habang hawak pa rin ang Magdalene. Hindi siya makaalis.
"Magkano?"
"Twenty thousand?"
Muling sinuri ng lalaki si Magdalene. "Pwede ko ba siyang ilabas?"
Kulang ang salitang gulat sa narinig ni Magdalene. Napatingin na lang siya sa alipores ni Madam Matilda ng senyasan nito ang lalaki na sumunod dito.
Halos magpasa ang palapulsuhan ni Magdalene dahil sa pagpipilit na maalis ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya.
"Bitawan mo ako ano ba!" sikmat pa niya na ikinangisi lang ng lalaki.
"Bibitawan kita pagnaikulong na kita," anito na nagbigay takot at kilabot sa kanya.
Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Madam Matilda. Lalo lamang nahindik ang pakiramdam Magdalene ng sapilitan siyang ipinasok doon ng lalaki.
"Anong kailangan mo kay Magdalene?" mataray na tanong ni Madam Matilda sa lalaking hindi binibitawan ang kamay niya.
"Alam ko namang iba kang magpresyo ng pwedeng i-table at ilabas."
"Hindi sa pagmamayabang, madami na ang nagtangkang ilabas ang isang iyan. Pero hindi ko pinapayagan kong napakababa naman ng presyo," ani Madam Matilda na ikinalunok ni Magdalene.
"Name your price. Here is a blank cheque, write her amout. I'm willing to pay for a night with her. I like her."
"Sigurado ka? Hindi naman ako mapapahiya, dahil sariwa ang isang iyan. Kahit matagal na iyan ay walang nakapaglabas sa kanya. Kung hindi kayang tapatan ang presyo niya."
"Madam!" bulalas ni Magdalene na halos mangiyak-ngiyak na.
Naroon ang takot at kalituhan sa kanyang isipan. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa. Para siyang ibon na ikinulong sa isang hawla ng dinala siya doon ng tiyuhin. Ngunit ngayon ang ibon sa hawla ay bigla na lang pinutulan ng pakpak.
"Dalawang milyon para sa isang gabi. Kakayanin mo ba?" naghahamong saad ni Madam Matilda na nginisian lang ng lalaki.
"Make it three. I'm willing to pay three million for her. Lalo na kung totoong sariwa ang isang ito. Baka matuwa ako dagdagan ko pa iyan kung gugustuhin ko."
Walang inaksayang oras si Madam Matilda at sinulatan na ang tseke na binigay ng lalaki. Lalo namang natakot si Magdalene. Oo nga at hindi ito sobrang tanda na katulad ng iba. Maganda din ang pangangatawan. Ngunit hindi pa rin iyon sapat para ibenta siya ng walang kalaban-laban. Nais na lang niyang umiyak. Ngunit kailangan niyang lakasan ang kanyang kalooban.
"Madam, huwag naman pong ganito. Pagbubutihan ko ang trabaho ko. Kahit habang-buhay. Huwag mo lang akong ibenta madam," pakiusap ni Magdalene.
Ngunit wari mo ay isang bingi ang kausap. Umiling lang ito habang ipinapaypay ang tseke na hawak.
"Wala akong magagawa Magdalene. Sinabi ko na sa iyong pera ang labanan dito at hindi ang dangal. Hindi ko mapapalampas ang tatlong milyon. Mas mahalaga pa rin ang kikitain ko, kaysa dangal na sinasabi mo. Isa pa ay ibinenta ka ng tiyuhin mo sa akin. Kaya lahat ng maaari kong gawin sa iyo ay pwede kong gawin."
Tahimik na kinimkim ni Magdalene ang galit na nadarama. Kahit gusto niyang umatungal ng iyak ay pilit niyang nilalabanan ang lahat ng emosyon.
"Pwede mo na siyang dalahin. Ngunit isang gabi lang ang usapan natin. Pagkatapos mo siyang pagsawaan ay ibabalik mo yan sa akin."
"Hindi mo na kailangang sabihin iyan. VIP room," sagot ng lalaki.
Mabilis na tinawag ni Madam Matilda ang lalaki sa labas. Sumunod naman ang lalaking may hawak sa kanya. Mas lalo lang humihpit ang hawak nito sa kanyang kamay para hindi siya makatakas.
Nakita niya si Bok at Kian. Kita niya ang gulat sa mukha ng dalawa. Hindi niya alam kung paano hihingi ng tulong. Ngunit bigla na lang siyang tinalikuran ng dalawa. Lalo lang siyang nawalan ng pag-asa.
Dadaanan ang bar counter ng patungong VIP room. Habang naglalakad ay bigla na lang may bumangga sa lalaking may hawak sa kanya. Natapunan ang damit nito ng alak.
"Boss pasensya hindi ko sinasadya," ani Ken na siyang nakatapon ng alak sa lalaki.
Alam niyang magagalit ang lalaki at naghahanda na siyang pagalitan nito si Ken ng biglang lumapit si Aron.
"Boss, pagpasensyahan mo na itong kasama namin. Hindi naman niya sinasadya."
"Uminom ka muna boss," sabat naman ni Choi at inabutan ang lalaki ng isang shot ng mamahaling wine.
Siguro ay dala na rin ng galit na nakikita niya sa mata ng lalaki ay inisang lagok lang nito ang alak.
Tiningnan naman ng lalaking may hawak sa kanya ang limang kaibigan niya. "Magkakakilala kayo?" tanong ng lalaki na ikinatango ng lima.
"Akala ba ninyo hindi ko napapansin ang ginagawa ninyo para lang walang makapaglabas sa babaeng ito. Ngayon kahit anong gawin ninyo, sa akin na siya at nakapagbayad na ako. Nga pala," tumigil ito ng pagsasalita at hinanap ang lalaking magtuturo sa VIP room na uukupahin nila. Tinawag ito ng lalaki ng makita. "Sabihin mo kay Madam Matilda. Alisin niya sa trabaho ang limang ito. Kung hindi babawiin ko ang ibinayad ko. Pwede kong i-hold ang tseke na hawak niya."
Nahindik naman si Magdalene sa narinig. Ilang beses pa siyang nakiusap sa lalaki na huwag gawin ang balak nito. Ngunit isiniwalat nito ang lihim nilang anim. Hindi niya alam kung paanong nalaman ng lalaking nagbayad para sa kanya ang bagay na ginagawa nilang paglalagay ng kunwari ay keloids o kung anu-ano pa sa hita niya para lang walang magbayad para sa kanya. Pero ngayon, kahit ang lima niyang mga kaibigan ay mawawalan pa ng trabaho dahil sa kanya.
Doon hindi na napigilang maiyak ni Magdalene. Kitang-kita niya ang pagliligpit nina Bok, Kian, Ken, Aron at Choi ng mga gamit. Dahil tuluyan ng pinapaalis ang mga ito ni Madam Matilda.
Lalo na siyang na iyak ng hilahin na siyang muli ng lalaki. Pagkarating nila sa may VIP room ay mabilis siya nitong ipinasok sa loob, at pabalang na inihagis sa kama.
"Ngayon magiging akin ka," anito habang hindi inaalis ang hayok sa laman nitong tingin sa kanya.