Napasapo sa kanyang noo si Byron. Alam naman niyang mali pero nagpatuloy pa rin siya. Sa ikalawang pagkakataon. Nagawa na naman niyang angkinin ang dalaga. Kahit naman anong pigil niya sa sarili ay hindi niya alam kung bakit sa ikalawang pagkakataon na iyon ay walang nagawa ang pader na iniharang niya sa sarili. Bigla na lang iyong bumitak at tuluyang bumigay. Hangang sa nangyari na ngang muli ajg bagay na iyon. "Mali po ba talaga?" tanong pa niya. Alam niyang mali lalo na at iyon ang sinisigaw ng kanyang isipan. "Pero bakit po ganoon ang nararamdaman ng puso ko? Sinasabi lang niyang tama ang lahat, at mahal ko naman si Dalene. Pero gulong-gulo po ako sa ibinubulong ng isipan ko." Napatingin na lang si Byron sa natutulog na dalaga. Alam niyang walang ibang humaharang sa katawan nito kund