Biglang tumigil ang mundo ni Magdalene nang malaman niyang umalis ng walang paalam si Byron. Mabilis niyang tinungo ang loob ng bahay nito at hinanap ito sa lahat ng parte noon. Ngunit ni anino nito ay hindi man lang niya nakita. Doon muli na naman siyang umiyak. "Kasalanan ko talaga itong lahat. Baka mas lalo lang niyang naisip na kasalanan niya ang nangyari kagabi. Akala ko magiging maayos ang lahat at haharapin namin ng magkasama ang mga bagay-bagay. Mahal naman namin ang isa't isa. Pero bakit siya umalis ng walang paalam. By napakadaya mo," ani Magdalene sa isipan habang inililibot ang paningin sa loob ng bahay. Lalo lang napahagulhol si Magdalene. Nagulat na lang ang lahat sa ikinikilos na iyon ng dalaga. Kahit ang mga madre ay labis ang pagtataka. Ganoon din ang mag-asawang Claire