Chapter 16

2165 Words
Nagkatinginan ang mag-asawa. Naguguluhan sila sa sagot ng anak. Sabay pa silang napahugot ng hangin at muling binalingan si Byron. "Bakit hindi?" nagtataka pa nilang tanong. Gayong wala naman daw na pagtutol na maririnig sa anak kung sakaling mag-ampon sila. Pero ngayon pa lang ay tumututol na. "Byron, wala naman sigurong masama na ampunin namin ng daddy mo Magdalene di ba?" "Pero mommy---." Saglit na natigilan si Byron. Pakiramdam niya ay may tunog talaga ng pag-angil ang tono ng kanyang pagsasalita. "What is it Clyde?" "Ano po kasi, mommy, daddy? Matanda na po si Dalene, kaya na po niyang mamuhay ng mag-isa. Isa pa po ay marunong siyang manahi. Bigyan na lang po ninyo kaya siya ng isang pwesto para magkaroon po siya ng patahian? O ako na lang po pala ang magbibigay sa kanya." Napalunok si Byron ng mapansin ang paniningkit ng mga mata ng magulang. "Ano pong klaseng tingin yan?" inosente niyang tanong at umayos pa siya ng upo. "Dahil matanda na hindi na pwedeng ampunin?" nanunuring saad pa ng ina. "Hindi naman po sa ganoon. Ibig ko pong sabihin---." "Anong ibig mong sabihin anak? Mas matanda ka ng siyam na taon kay Magdalene, father. At alam mo father ako pa rin ang iyong ina, ako ang masusunod. Maliwanag," putol ni Patricia sa sasabihin ng anak. "I know, I'm a priest mommy. Tinanggi ko po ba? Hindi naman po kaya. All I want to say is, ang dami naman pong mga bata na naghahanap ng kalinga ng isang magulang. Bakit naman po si Dalene pa? Malaki na po iyong tao hindi na po siya bata na dapat pang alagaan ninyo," paliwanag ni Byron. Ngunit hindi na napigilan ni Patrick na tawanan ang anak. Parang gusto niyang magdiwang sa hindi maipaliwanag na dahilan. Masaya siyang nag-aalala base sa pananalita ni Byro. Pero ang pagtawa niya ay mabilis niyang pinigilan. Nang makita niya ang pagka-confuse sa mukha ng anak. "Don't mind me Clyde. May naalala lang ako. Mag-usap lang kayo ng mommy mo." Tanggi ni Patrick at muling hinarap ni Byron ang ina. "Anak, hindi naman pagbabasehan ang edad o kung ano pa man para ampunin namin si Magdalene. The first time I lay my eyes on her, may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. Magaan ang loob ko sa dalagang iyon." "Pero mommy, hindi nga po pwedeng si Magdalene ang ampunin ninyo." "Bakit anak? Bigyan mo ako ng matinding dahilan para ikonsidera ko ang sinasabi mong hindi talaga pwede si Magdalene." "Kasi mommy, ayon sa batas, ang pag-aampon ay dapat nakadepende sa edad. Kung ang bata ay nasa edad sampu pababa at wala pang sariling desisyon, maaari ninyong ampunin ang isang tao kung nais nilang magpaampon sa inyo. Pero iyong edad labing-isa pataas, marunong na sila. Kaya na nilang pagdesisyonan ang bagay na iyan. Maaaring nasa tamang edad na sila kaya hindi na sila basta pwedeng ampunin ng basta na lang dahil sa gusto po ninyo. Kaya po sa edad ni Dalene, hindi ang edad niya ang dapat ninyong ampunin," mariing paliwanag ni Byron, habang seryosong nakatingin sa ina. "Eh?" maikling sabat ni Patrick na hindi na napigilan ang malakas na tawa sa katwiran ng anak. "May mali po ba sa sinabi ko?" inosenteng tanong ni Byron. Tinapik ng daddy niya ang balikat niya at nagsimula ng tumayo mula sa pwesto nito. "Magsisimula na akong magluto. Nagsabi na ang mommy mo kina Mother Ofel at Manang Claire na hindi tayo sasabay sa kanila ng dinner. Kaya sisimulan ko ng lutuin ang pagkain natin. Mag-usap kayo ng mommy mo. Kung ano ang mapagdesisyonan ninyo ay walang problema sa akin," ani Patrick at iniwan na ang kanyang mag-ina sa teresa. Hindi tuloy malaman ni Byron kung tama ba o mali ang sinabi niya. Hindi naman siya sinagot ng daddy niya. Ang galing lang ng segway at iniwan na sila ng mommy niya. "Mommy." "Anak, ano ba ang totoong dahilan kung bakit ayaw mong ampunin namin ng daddy mo si Magdalene?" Napayuko na lang si Byron. Kahit siya ay hindi niya alam ang totoong dahilan. Naguguluhan din siya sa ikinikilos niya. Isa pa nagawa pa niyang gumawa ng sarili niyang batas na wala naman talaga sa batas. Ang alam lang niya ay masaya siyang nakikita ang dalaga, at tulad ng mommy niya ay magaan ang loob niya dito. Pero hindi talaga niya kayang sagutin ang simpleng tanong na iyon. "Hindi ko alam mommy. Kahit po ako ay naguguluhan sa naging sagot ko." "Sige anak, ipagpaliban na lang natin ang pag-uusap na ito. Ayaw kong dahil lang sa kagustuhan ko ay ma-stress ka naman. Kaya nga bago namin ipaalam ng daddy mo sa iba ay sa iyo muna kami sumangguni." Napatango na lang si Byron bilang sagot sa ina. Pakiramdam niya ay napagod siya sa mga naging sagot niya dito. Nang sabihin ng mommy niya na ipagpaliban na nila ang pag-uusap na iyon ay parang nakahinga siya ng maluwag. Wari mo ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. "Anak, ganito na lang, kung hindi ka naman papayag na ampunin namin si Magdalene ay isasama ko na lang siya sa bahay. Ipapamili ko siya ng damit at gamit. Maranasan ko man lang na magkaroon ng anak na babae kahit ilang araw," masiglang paalam ni Patricia ng mapakunot noo na naman si Byron. "Bakit na naman anak?" "Mommy isama ninyo si Dalene bukas, maghapon kayong mamimili. Basta bumalik kayo ng may pasalubong din sa mga bata. Tapos ay dito kayo umuwi. At kahit sa susunod na araw ay mamili kayo ulit, pero dito po ninyo ibabalik si Dalene," ani Byron na ikinamaang ni Patricia. "Hindi na nga namin aampunin ayaw mo pa ring pasamahin sa akin anak. Ibabalik ko rin naman." "Mommy baka magtaka ang mga bata kung bakit umalis ang Ate Magdalene nila. Kaya po para walang gulo, umalis po kayo, at bumalik din po kayo. Hmm. Love you mommy," ani Byron at tumayo na. "Anak bakit parang ang damot mo ngayon pag tungkol kay---." Hindi natuloy ni Patricia ang sasabihin ng sabayan siya ng anak sa pagsasalita. "Mommy sandali lang po. Oras po ng aking pagdarasal. Maiwan ko po muna kayo." Mabilis na iniwan ni Byron ang ina. Tinawag din niya ang daddy niyang nasa kusina at sinabing doon lang muna siya sa kwarto. Naiiling na lang si Patricia habang sinusundan ng tingin ang anak na papasok sa loob ng bahay. "Ano ba naman itong anak ko? Hindi maintindihan ang gusto. Parang ngayon lang nabibinata ang unico hijo ko. Kaya lang ay hindi ko din alam kung paano?" nanghihinayang na saad ni Patricia, at muling ibinaling ang tingin sa labas. Nakita niya si Magdalene at tinawag ito. Doon lumapit naman ang dalaga, at ibinigay ni Patricia ang mga pinamili niya para sa dalaga. "Para saan po ito?" naguguluhang tanong ni Magdalene. Nasa limang paper bag ang ibinigay sa kanya ni Patricia. Naglalaman iyon ng damit at kung anu-ano pa. "Napakadami naman po nito. Noong nakaraan ay madami na po kayong naibigay sa akin. Hindi ko naman po kailangan ng madaming damit. Wala naman po akong ibang nais puntahan." "Okay lang iyan Magdalene. Halika sa silid mo at isukat mo iyang mga damit na binili ko para sa iyo." Wala na rin namang nagawa si Magdalene ng hilahin siya ni Patricia. Pagkapasok pa lang nila sa loob ng kanyang ginagamit na silid ay ipinagtulakan na kaagad siya ni Patricia sa may banyo para maisukat niya ang mga damit na binili ng ginang sa kanya. "Bagay na bagay talaga sa iyo lahat. Kung hindi lang matigas ang ulo ng anak ko, sana ay mas makakapamili pa ako ng madaming damit para sa iyo." "Po? Pero sobra-sobra na po ito." "Walang sobra hija dahil gusto ko. Masaya ako sa ginagawa ko. Alam mong nag-iisa lang si Byron na anak namin. Isa pa ay alam mo naman kung ano siya ngayon. Tanggap ko naman hija, kaya lang, paano na ang pangarap namin ng Tito Patrick mo," malungkot na saad ni Patricia. Nahabag namang bigla si Magdalene sa ginang. Nararamdaman niya ang kakulangang nararamdaman nito. Nag-iisa lang si Father Byron na anak ng mag-asawang Patricia at Patrick. Tapos ang nag-iisang anak nagpari pa. "Huwag na po kayong malungkot. Maging masaya na lang po tayo sa kagustuhan ni father," aniya. "May tanong lang ako hija. Kung hindi ba pari ang anak ko magugustuhan mo?" Napatayo naman mula sa pagkakaupo sa kama si Magdalene. Nagulat naman siya sa tanong na iyon ng ginang. "Po! Tita Patricia naman. Bakit naman po ganoon ang tanong po ninyo?" "Nagtatanong lang naman ako hija. Wala naman sigurong masamang magtanong. Lalo na at gwapo naman ang anak ko." Napalunok namang bigla ng laway si Magdalene. Sino ba namang hindi nagwapuhan kay Father Byron. Kung hindi lang ito pari ay baka talagang nagpahayag na siya ng damdamin dito. Muli siyang napaupo. Mali ang naiisip ng agiw ng utak niya. Kinalma niya ang sarili. Napatingin siya sa ginang na wari mo ay naghihintay ng sagot. Napabuntonghininga tuloy siya. "Sasagutin ko po kayo ng totoo. Ayaw ko naman pong magsinungaling. Sino po ba ang hindi mahuhulog ang loob kay Father Byron? Bukod sa mabait na ay ubod pa ng gwapo. Kaya lang po, ayon nga po, pari po ang anak po ninyo. Kaya po tamang sulyap na lang po ako sa malayo. Kontento na po akong makita lang si father at makausap. Masaya na po ako doon," aniya na nagpangiti kay Patricia. "Kontento na rin ako sa sagot mo Magdalene. Salamat," ani Patricia na parang, bigla na lang ay wari mo ay maiiyak. "Ayos ka lang Tita Patricia?" "Huwag mo akong pansinin masaya lang ako. Magpaalam ka kina Mother Ofel na sa amin ka sasabay ng pagkain. Hintayin kita dito," utos ni Patricia, ngunit parang nag-aalangan si Magdalene. "Hindi po ba nakakahiya kay father at tito?" "Naku hindi yan. Mabait ang Tito Patrick mo at hindi iyon makakatanggi sa gusto ko. At tungkol kay Byron ako pa rin nanay ng isang iyon. Sige na. Oh wait, samahan na lang kita kay Mother Ofel," ani Patricia at hinila na niya palabas ng bahay si Magdalene. Nagtungo sila sa may ampunan lalo at hapon na rin, ay naroon ang tatlong madre sa mga oras na iyon. Samantala, pagkapasok ni Byron sa loob ng kanyang silid ay mabilis niyang hinugot sa bulsa ng kanyang rosaryo. Alam niya sa sarili niyang wala siyang ginagawang masama, ngunit iba ang nararamdaman ng puso niya. Pakiramdam niya ay may malaki siyang kasalanang nagawa. Nagtungo siya kaagad sa harap ng kanyang munting altaran at doon ay lumuhod. Matapos mag-antanda ay ipinikit niya ang mga mata, saka umusal ng panalangin. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa kasalanang hindi niya alam kung bakit inihihingi niya ng tawad. Bilang isang tagapaglingkod ng simbahan, kahit ang pagkakaroon ng kakaibang damdamin ay itinuring ni Byron na kasalanan. Dahil nahihirapan siya sa nararamdaman at naguguluhan siya ay hindi niya napigilan mga luha niya. Kahit sabihing lalaki siya ay hindi naman siguro masama ang umiyak. Matapos ang halos isang oras na pagluhod sa harap ng altaran ay nagawang imulat ni Byron ang mga mata. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. "Salamat po at palaging Kayong narito sa aking tabi, tuwing nakakaramdam ako ng pag-aalinlangan. Marami din pong salamat sa hiram na buhay sa araw-araw. At sa malusog na pangangatawan ng aking mga magulang. Nagpapasalamat din po akong hindi man ito ang nais nina mommy at daddy para sa akin ay tanggap nila ako sa pinili kong tahakin." Ilang minuto pang nakaluhod si Byron hanggang sa magpasya na siyang tumayo at magtungo sa kanyang kama. Kahit matagal siyang nakaluhod ay hindi siya nakakaramdam ng pangangalay. Inayos niya ang kama at pinalitan ng kobre iyon, ganoon din ang kumot at punda. Matapos ang ginagawa ay napangiti siya. Masaya pa rin siyang nakakasama niya ang mommy at daddy niya paminsan-minsan sa lugar na iyon. Lalabas na sana siya ng silid ng maunahan siya ng ilang katok. Pagbukas niya ng pintuan ay maamong mukha ni Magdalene ang nabungaran niya. Naroon na naman ang hindi pamilyar na pagtibok ng kanyang puso. Natigilan na lang siya at hindi nagawang magsalita. Tinitigan na lang niya si Magdalene sa mukha. "Father kakain na. Inaya ako ni Tita Patricia at Tito Patrick na dito na kumain. Ayos lang po ba?" malambing nitong saad. Halos mahigit ni Byron ang paghinga para lang mahabol ang bilis ng t***k ng puso niya. "Ah, oo, sige. Tara na," parang robot na sagot ni Byron at iniwan na niya si Magdalene sa pwesto nito. Napakunot noo naman ang dalaga. Nasundan na lang niya ng tingin si Byron ng maupo ito sa isang upuan sa harap ng hapag. "Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang nilalaman ng isipan ni Father Byron. Bakit ganoon naman siyang sumagot? Hindi naman galit. Pero para namang robot," nailing na lang siya. Muli niyang sinulyapan ang pari, na nakangiti sa mommy nito. Napahawak si Magdalene sa dibdib sa tapat ng kanyang puso. "Bakit ganoon?" tanong niya, lalo na at pabilis nang pabilis ang pagtibok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD