Chapter 17

2043 Words
"Dalene!" gulat na saad ni Byron ng mabungaran niya ang dalaga sa loob ng bahay niya at nagdadayag. Para namang natigilan din ang dalaga sa hindi inaasahang pagtawag sa kanya ng pari. Papalabas na ito ng gate ng monasteryo ng maabutan ito ng kanyang paningin. Sa tingin niya ay tatakbo na naman ito sa labas na palagi nitong ginagawa. Magtutungo na sana siya sa may ampunan ng tawagan siya ng mommy ni Father Byron. Inaya siya ng mag-asawa na magkape. Hanggang sa nakatanggap ang mga ito ng tawag. Hindi naman totoong nagmamadali. Kaya lang ay tumawag ang katulong ng mga ito sa bahay na naubusan ng pagkain ang alagang aso ng mag-asawa na si Chow Chow. May pagkain pa naman talaga, iyon nga lang ayon sa mommy ni Father Byron ay matamlay itong kumain pag ibang brand ng dog food ang ihahayin. Ilang segundo pang kinalma ni Magdalene ang kanyang puso. Alam naman niyang walang kahihinatnan ang kanyang pagsintang, simula pa lang ay nilulumot na. Bago siya dahan-dahang bumaling kay Father Byron. "Good morning father," nakangiting bati pa ni Magdalene. "May ginagawa po si Manang Claire, kasi nagreready na sila." Napakunot noo si Byron. "Para saan ang paghahanda?" nagtataka niyang tanong sa isipan. "Kaya ako na lang po ang maglilinis dito. Nagmamadali naman pong umalis sina tito at tita. Naubusan daw po kasi ng dog food si Chow Chow. Kaya hindi na daw po sila nagpaalam sa inyo. Babalik daw sila sa isang araw. At huwag po kayong mag-alala ako ang nakatokang malinis dito sa buong bahay. Lalo na at tayo lang pong dalawa ang maiiwan dito. Gusto po ninyo ng kape?" Hindi na nakasagot si Byron ng naghugas ng kamay si Magdalene at kinuha ang painitan ng tubig. Nasundan na lang ni Byron ng tingin ang dalaga. Mabilis itong kumilos at talagang sanay na sanay sa gawaing bahay. Naupo na rin siya sa upuang nasa kusina. Pero naroon ang pagtataka sa kanyang isipan kung paanong silang dalawa lang ng dalaga ang maiiwan doon ay pagkakarami nilang kasama. Magtatanong na sana siya ng magsalita itong muli. "Nga pala father," ani Magdalene. Nakatingin lang naman si Byron sa bawat pagkilos ng dalaga. Napapangiti siya sa isipan. Napakagaan ng katawan nito sa mga gawaing bahay. Naglalagay lang naman si Magdalene ng galapong ng kape at asukal sa tasa. "Aalis daw po sina Mother Ofel. Kasama sina Sister Vans at Sister Mary. Ngayong araw daw po kasi naka schedule iyong tatlong araw na field trip na treat ninyo sa mga bata. At ang una nga nilang pupuntahan ay ang Ocean Park. At sa susunod na araw ay hindi ko na po maalala. Ang dami po kasi nilang schedule. Nabasa ko lang. Tapos kasama din daw po sina Manang Claire at Manong Juan. Sabi po kasi nina Tita Patricia at Tito Patrick ay para daw po makapagrelax din ang mag-asawa." Napamaang naman si Byron sa sinabing iyon ni Magdalene. Bakit hindi niya alam ang trip na iyon ng mga bata. Isa pa ay hindi din niya alam na ganoong katagal ang trip na iyon. Tatlong araw? Kasama pa ang mag-asawang Claire at Juan. At ang alam pa nina Mother Ofel ay treat niya iyon. Naiiling na napahilot ng noo si Byron. Hindi niya alam kung ano ang nangyari at may ganoong aksyon ang mga magulang niya. Pero agad din niyang naalala kung ano nang buwan sa panahong iyon. Nawala kaagad ang pagdududang naiisip niya sa mga magulang. Ang buwan na iyon ay kaarawan ni Mother Ofel. Pangarap nito na madala at maipasyal ang mga bata. Ngunit hindi kayang tugunan ng budget na meron sila ang pamamasyal na iyon. Kaya malamang iyon ang ginawa ng mga magulang. At dahil busy siya ay siya pa ang nakalimot. "Hindi ka ba kasama? Sayang ang pagkakataon para makapamasyal ka," naitanong na lang ni Byron. Inilapag naman ni Magdalene ang tasa ng kapeng tinimpla nito para sa kanya. "Salamat sa kape." Naupo naman si Magdalene sa harap ni Byron. Napalunok bigla si Byron ng maramdaman na naman niyang muli ang pagreregudon ng puso niya. Palagi na lang ganoon pag nasa harapan niya ang dalaga. Napalunok siya. "Wala akong ganang sumama father. Parang gusto kong magpahinga. Tapos ang tahimik po dito pag nasa pamamasyal po silang lahat. Kayo lang po ang ipagluluto ko. Pagkatapos ng gawain ko. Wala na po akong gagawin. Pwede akong mamahinga ng may katahimikan," paliwanag ni Magdalene ng biglang natawa si Byron. Halos mahigit naman ni Magdalene kanyang paghinga dahil sa tawang iyon ng pari. "Napakagwapo talaga ni Father Byron," anas pa ng kanyang isipan. Habang wari mo ay gusto na lang niyang matulala sa kagwapuhan nitong taglay. Bigla namang natahimik si Byron ng mapansin ang pagtitig na iyon ni Magdalene. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Baka isipin ng dalaga na bigla siyang nabaliw. Tumatawa ng walang tinatawanan. Tumikhim muna si Byron, para ayusin ang pagsasalita. "Pagpasensyahan mo na kung bigla akong natawa Dalene. Sa sinabi mo kasi ay parang hindi ka nakakatulog dahil sa ingay?" Patanong ang naging tono ng sinabi ni Byron. Lalo na at hindi siya sigurado. "Hindi naman sa nagrereklamo ako father ah. Kaya lang ang kukulit ng mga bata. Sabi ko ay mamahinga lang ako saglit dahil nakakapagod sila. Ayaw akong payagang magpahinga. Alam kong sabik sila sa kalaro. Pero dahil ako lang daw ang bata dito, ayon akala yata nila ay kasing edad lang nila ako. Pero wala pong pagrereklamo ha. Masaya po akong masaya sila." Alam naman ni Byron iyon. Makukulit ang mga bata. Maiingay at talagang kahit nais mong magpahinga ay hindi mo magagawa. Pero napakatiyaga ni Magdalene para sabayan ang lakas ng mga bata. "Salamat nga pala sa pag-unawa mo sa mga bata." "Naku father ako ang dapat magpasalamat sa pagkupkop ninyo sa akin dito. Masaya akong makasama ang mga bata. Kahit maingay at makukulit sila masaya ako. Pero magpapaiwan po ako dito. Minsan lang po ang oportunidad na ito. Tahimik. Ikaw lang po ang abyarin ko," ani Magdalene na ikinabilog ng mga mata ni Byron. "A-ako? Paano ako naging abyarin? Hindi na ako bata Dalene. Kaya ko ang sarili ko," protesta pa ni Byron. "Relax father. Si tita at tito po ang nagbilin na alagaan po kita. Bantayan ka para sa kanila. Ganoon ka pong kamahal ng mga magulang mo. Napakaswerte mo po sa kanila. At ako kahit po nito lang ninyo nakilala, kahit sobrang ang naging kamalasan ko. Bigla naman akong nakaramdam ng swerte ng makilala ko kayo." Napasinok naman si Magdalene hindi na niya napigilan ang maluha. Umaga pa lang pero heto siya, nagdadrama na. "Sorry po." Tumayo naman si Byron mula sa pwesto niya at lumapit kay Magdalene. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinalikan iyon. Hanggang sa kabigin niya ang ulo nito at isandig sa kanyang dibdib. Wala siyang malisya sa ginawa niyang iyon. Ang nais lang niya ay maiparamdam kay Magdalene na hindi ito nag-iisa. Naroon sila para sa dalaga. Hinalikan ni Byron ang ulo ni Magdalene. "Pilitin mong kalimutan ang lahat ng masasama at masasakit na nangyari sa buhay mo Dalene. Narito ka na at hindi ka namin pababayaan. Hindi ka na muli mahihirapan pa. Ang nangyari noon sa iyo ay parte na lang ng nakaraan at ito ang iyong kasalukuyan. Kasama mo kami, at kami na ang pamilya mo. Ituring mong tahanan ang lugar na ito," ani Byron na ikinatango na lang ni Magdalene. "Salamat po father. Maraming salamat." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Magdalene, sa ginawang iyong ni Father Byron. Pagnaaalala lang talaga niya ang mga nangyari sa buhay niya ay hindi niya mapigilan ang maiyak. Pero tuwing may nagsasabi sa kanyang kalimutan na niya ang panahong iyon ay gumagaan ang kanyang pakiramdam. Ilang minuto pang umiyak si Magdalene habang yakap ni Father Byron. Parang ayaw na niyang umalis sa pwesto niyang iyon. Kung maaari nga lang doon na siya habang-buhay. "Ayos ka na?" tanong ni Byron ng tuluyan na siyang mahinto sa pag-iyak. "Opo. Thank you po." "Walang ano man," sagot ni Byron ng dampian niya ng halik sa noo si Magdalene. Halos magregudon ang puso ni Magdalene sa halik ni Father Byron sa kanyang noo. Alam niyang walang halong malisya ang halik nito. Ngunit gusto niyang magreklamo. Sana ay may malisyang dala ang halik na iyon. Napabuntonghininga siya. Muling bumalik sa pwesto niya kanina si Byron at humigop ng kape. Masarap iyon at hindi naman ganoong matamis. May cookies naman na nakapatong lang sa lalagyan sa mesa at kumuha na rin siya ng isa. "Ikaw ba?" "Tapos na akong magkape father. Iyan po ang kinain ko kanina. Sabi po kasi ni Tita Patricia, pwede ko daw pong ipartner yan sa kape. Kaya iyan po kinain ko. Isa pa, salamat po ulit sa pagcomfort sa akin. Gumaan po ang pakiramdam ko." "Basta para sa iyo Dalene." Kahit si Byron ay nagulat sa kanyang sagot sa dalaga. Bakit parang kakaiba ng dating ng sagot niya. Binawi na lang niya sa ngiti ang pagkabigla niya sa humulas na salita sa kanyang bibig. At ipinagpatuloy na lang ang tahimik niyang pagkakape. Si Dalene naman ay tumayo na at muling itinuloy ang pagdadayag. Eksaktong katatapos lang ni Magdalene sa ginagawa at kauubos lang ng kape ni Byron ng makarinig sila ng pagkatok. Hindi pa nakakatayo sa upuan si Byron ng bumukas na ang pintuan at pumasok ang mga bata bitbit ang kanya-kanyang mga backpack. "Father Byron, aalis na po kami. Salamat po sa ilang araw na bakasyon,' sabay-sabay na saad ng mga bata na ikinangiti ni Byron. Mula naman sa pintuan ay naroon na rin sina Sister Vans, Sister Mary at Mother Ofel. "Mga bata mag bless na kay father at nasa labas na ang ating sasakyan na bus, patungo sa pupuntahan natin. Huwag magtutulakan ha," utos ni Mother Ofel kaya naman sunod-sunod na humanay ang mga bata para makapagmano kay Byron. Nang makalabas ang mga bata sa bahay ni Byron ay sinalubong naman ang mga ito nina Manang Claire at Manong Juan para makasakay na sa bus. "Thank you father para maisakatuparan ang field trip na ito. Isa pa ay napakaganda ng hotel na tutuluyam namin ng ilang araw. Marami pong salamat talaga." "Mother Ofel, sa katunayan ay si mommy po ang nag-ayos ng lahat ng ito. Kaya po wala pong problema. Ang mahalaga ay mag-iingat po kayo doon at mag-enjoy. Pero hindi po ba ninyo isasama si Dalene?" Napasilip naman si Mother Ofel kay Magdalene ng kumaway ang dalaga sa kanila mula sa likuran ni Byron at nag-okay sign. "Isinasama naman namin siya father, ngunit ipapahinga na lang daw niya ang tatlong araw na iyon. Isa pa ay iniisip din namin kung sino ang makakasama mo. Sana ay si Manong Juan. Kaya lang ay mapilit si Magdalene na siya na lang. Marunong naman daw siyang magluto kaya maiipagluto ka daw niya," paliwanag ni Mother Ofel. Wala na rin naman siyang magagawa sa kagustuhan ni Magdalene na magpaiwan. Pero kahit siya sa kaalamang makakasama niya si Magdalene at hindi ito kasama pag-alis ay parang natuwa ang kanyang puso. Nagpaalam na rin sina Mother Ofel at magkakasunod ng sumakay ng bus ang tatlong madre, na nasa labas ng gate ng monasteryo. Inihatid nina Byron at Magdalene ng tanaw ang mga ito hanggang tuluyan ng makalayo ang bus na sinakyan. "Tara na sa loob. Isasara ko lang itong gate," aya ni Byron habang hinihila pasara ang gate. Dahil sila lang ang naroon ay mahirap ng hayaan na bukas ang tarangkahang iyon. Mas mabuti pa rin ang nag-iingat. "Father anong pagkain ang gusto mo? Maaga pa para sa tanghalian. Ang mga bata, dahil excited ay hindi na nakakain. Pero lahat sila may baon na pagkain para sa umagahan at sa tanghalian nila. Tayo lang ang narito. Kaya naman kung ano ang gusto mo, ay lulutuin ko. Ano ang gusto mo father? Para naman masimulan ko na." "Ikaw," wala sa sariling tugon ni Byron na ikinahindik ni Magdalene. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata habang sinusuri kung nagbibiro lang ang kasama. "A-ako?" hindi mapaniwalaang sagot ni Magdalene habang itinuturo pa ang sarili. "Yes! Why?" naguguluhang tanong ni Byron. Hanggang sa hindi sumasagot si Magdalene. Ilang segundo pa ang nakalipas habang iniisip niya ang kanilang pinag-uusapan. Nang mapagtanto ni Byron ang sagot nila sa isa't isa. Kahit si Byron ay biglang pinanlakihan ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD