Madaling araw na ngunit umuulan pa rin. Hindi na naman ganoong kalakas at wala na rin ang malakas na hangin. May liwanag pa rin sa loob ng silid gawa ng malamlam na ilaw ng lampara. Nagising si Magdalene na masakit ang buong katawan. Pakiramdam niya ay nakipagbuno siya magdamag. Hirap siyang kumilos. Kahit ang iangat ang mga kamay ay nahihirapan siyang gawin. Tapos ay naramdaman na lang niyang parang mapuputol ang kanyang balakang. Hanggang sa maalala niyang lahat ang mainit na tagpo na pinagsaluhan nilang dalawa ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. Bigla tuloy siyang pinamulahan ng pisngi. Hindi man niya nakikita ngunit nararamdaman niya ang panginginit noon. Napasulyap siya sa kanyang tabi. Naroon ang gwapong pari na mahimbing na natutulog. Parang gusto niyang maiyak. Sinasabi ng