Maaga pa lang ay gising na si Magdalene, nakapagluto na ulit siya ng umagahan ngunit hindi pa rin niya nakikitang lumabas si Father Byron sa bahay nito. Nakaupo lang siya sa may teresa ng ampunan at hinihintay ang pagdating nina Sister Vans at Sister Mary kasama ang mga bata. Si Mother Ofel naman ay dumaan sa ospital. Para kumustahin si Manong Juan at para masamahan si Manang Claire. Habang naghihintay ay hindi man lang iwinawaglit ni Magdalene ang paningin sa bahay ni Father Byron. Noon ay napakaagap nitong gumising para lang tumakbo pagganoong maganda ang panahon. Wala ng bakas ng bagyo ang nagdaang araw. Pero parang naiwan pa rin noong kasagsagan ng bagyo pagkatao ni Father Byron. Alam ni Magdalene sa sarili na iyon ang una niyang karanasan. Hindi naman sa binabaliwala niya iyon. Ang