Chapter 4

2105 Words
Hindi gustong bitawan ni Patricia ang anak ngunit tinatawag na ang flight nito patungong ibang bansa. Hindi na rin ito nagpahatid pa sa kanila at hanggang airport lang sila. Patuloy pa rin sa pagluha si Patricia na tinatawanan naman ni Byron. "Mommy, naririnig mo po ba? Tinatawag na ang flight ko oh. Isa pa sa ibang bansa lang po ako pupunta para mag-aral at hindi sa ibang planeta. Tahan na po." "Pagpasensyahan mo na ang mommy Byron. Alam mo namang ngayon ka lang mawawalay sa amin. Hindi lang basta mawawalay na kayang puntahan ng isang sakay lang sa kotse kundi kailangan pang sumakay sa eroplano." Napakunot noo naman si Byron sa sinabi ng mommy niya, pero natawa na rin. "Anytime pwede ninyo akong puntahan ni daddy doon. Madadalaw po ninyo ako," paliwanag ni Byron. "Sa loob ng apat na taon ay oo. Pero paano anak pagpumasok ka na sa pagpapari mo? Hindi ka na ba namin mapipigilan anak?" ani Patricia na mas lalong lumakas ang pag-iyak. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Patrick ang kanyang mag-ina. Napakalaki na ng ipinagbago ni Byron. Ang kanilang munting si Clyde ay may sarili ng desisyon ngayon. Maliban sa inihingi nito ng pahintulot na maglingkod sa simbahan. Kung tumutol silang mag-asawa, alam naman nilang susunod si Byron sa kanila. Pero hindi niya kayang pigilan ang kasiyahan ng anak. Nag-iisa na nga lang si Clyde, ipaparamdam pa ba nila ang kalungkutan dito. Kaya kahit tutol sila, sinang-ayunan nila ang nais nito. Pero umaasa pa rin silang may matitisod na babae ang anak na makakapagpabago ng damdamin nito. Hindi masamang umasa. Wala naman silang gagawin, maghihintay lang sila ng himala. Ilang saglit pa at napilitan ng bitawan ni Patricia ang anak. Patuloy pa rin siya sa pagluha habang pinagmamasdan ang pagpasok ni Byron sa loob ng departure area. Naging maayos naman ang pag-aaral ni Byron sa ibang bansa. Wala siyang naging problema maliban sa mga babaeng nagpapalipad hangin sa kanya. Hindi niya intensyon na maging tampulan ng mga babae tuwing lalabas siya ng paaralan at uuwi sa bahay na tinutuluyan niya. Araw-araw din siyang nakakatanggap ng mga bulaklak sa mga babaeng nais makuha ang atensyon niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya at ng lapitan siya ng isang babaeng Pilipina ay pinaunlakan niya ito. "Take a sit," ani Byron sa babaeng nag-abot ng bulaklak sa kanya. Tinanggap niya ang bigay nito. Nasa loob sila ng coffee shop. Tapos na siyang magreview ng mga aralin kaya ngayon ay nagbabasa na lang siya. "Thank you," sagot ng babae at naupo sa kanyang harapan. "Hindi ba ako sobrang nakakaabala sa iyo?" nahihiya nitong tanong na ikinailing ni Byron. Tumawag siya ng waiter. Dahil ubos na rin ang kape niya ay nag-order pa siya ng isa pa. Ang babae ay inorderan din niya ng frapped at slice cake na nais nito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order nila. "Thank you nga pala sa pagpapaunlak sa akin. Alam mo bang matagal na kitang pinagmamasdan," pag-amin ng babae na ikinangiti niya. "By the way I am Joy. Hindi ko alam kung napapansin mo. Pero we're classmates sa ibang subjects." "Siguro nga ay tutok ako sa pag-aaral. I'm sorry kasi hindi talaga kita napapansin," pag-amin ni Byron. Wala namang masamang aminin ang katotohanan. Bakit siya magsisinungaling? Iyon ang bagay na hindi niya nagawa sa buong buhay niya. "Ah, ganoon ba? Okay lang naman. Pero kahit ba weekends nag-aaral ka pa rin? I mean, katulad ngayon. It's Saturday, pero nagbabasa ka pa rin ng lib--." Nahinto sa pagsasalita si Joy ng mapansin niyang hindi pangkaraniwang libro ang binabasa ni Byron ng makita niya ito kanina. Makapal iyon at sa tanang buhay niya ay hindi man lang niya nabuklat ang aklat na iyon sa bahay nila. Mayroon din sila noon sa maliit nilang altaran sa bahay. Pero hindi siya ang taong magtutungo sa public places para lang magbasa ng ganoon. Napatitig siya kay Byron. Alam niyang nagulat siya, kasi iyon ang katotohanan. "Why?" wika pa ng binata sa kanya na may halong panunukso. Halos manlaki ang mga mata ni Joy at hindi makapaniwala sa aklat na nakapatong sa lamesa at sa napakagwapong mukha ni Byron. "S-seryoso kang binabasa mo yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Joy habang palipat-lipat pa rin ang tingin kay Byron at sa aklat. "Yes, isa ito sa pinaka paborito kong basahin. I'm in my first year high-school ng simulan kong basahin ang Old Testament. Noong natapos ko iyon sinimulan ko na rin ang New Testament. Hanggang sa hindi ko na mabilang kong ilang beses ko na silang nabasa ng paulit-ulit. Hanggang ngayon binabasa ko pa rin," nakangiting kwento ni Byron na ikinalunok ng kaharap. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi makapaniwala ang dalaga sa narinig. "Iyan talaga ang binabasa mo? Hindi ka mahilig sa romance novel. What about Fifty Shades Of Gray by E. L. James?" Napakunot noo si Byron sa nobelang sinasabi sa kanya ni Joy. Sa tingin niya ay nakita na niya ang novelang iyon. Pero hindi niya maalala kung saan. Ilang sandali pang natahimik si Byron ng maalala niya kung anong kwento ng librong sinasabi ni Joy. Dahil sa gulat ay napa-sign of the cross si Byron. "I-I don't read that k-kind of novel. Hindi ko kayang b-basahin," nahihindik pa niyang bulalas. "Bakit? Sa totoo lang ikaw lang ang lalaking nakita ko na parang mga pang romance novel ang datingan. Pang male lead sa kwento ang awra. Seryoso, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat gwapo. Ang daming nagpapalipad hangin sa iyo. Anong problema at ayaw mo kaming pansinin? Isasama ko ang sarili ko. Kasi sa lahat ng araw at buwan na lumipas, ngayon lang talaga nagkataon na pinansin mo ako at kinausap ng ganito. Ano ba ang gusto mo sa isang babae?" tanong ni Joy na ikinailing lang ni Byron. "Wala," tipid niyang sagot. "Wala as in no? Paano naman mangyayari iyon? Wala kang ideal girl?" "Wala. Isa lang ang ideal girl ko, at ang mommy ko iyon. Pasensya na kung akala lang ninyo ay nagpapakipot ako at nagpapahabol ang totoo niyan--," nahinto sa pagsasalita si Byron at tumingin muna sa relong suot niya. "Bayad na naman itong order natin, kailangan ko ng umalis," ani Byron ng pigilan siya ni Joy. "Sandali, bakit ka nagmamadali. Wala naman tayong pasok ngayon kahit bukas. Pero bakit ka nagmamadaling umalis. Allergy ka ba sa babae?" "Hindi naman, pero may schedule ako sa simbahan. Kailangan kong maka-attend ng mga seminar. After kong makatapos sa kursong kinukuha ako. Papasok na ako sa seminaryo. Alam ng mga magulang ko ang gusto ko. I want to become a priest someday. Iyon lang ang nais ko at wala ng iba," nakangiting saad ni Byron at nagpaalam na rin siya kay Joy. Walang lingon siyang lumabas ng coffee shop na iyon. Bitbit ang bibliya na binabasa niya. Naiwan namang nakatanga si Joy. Hindi niya lubos maisip na ang isang pang male lead na awrahan sa kagawapuhan at pangangatawan ay nais lamang maging isang pari. Laglag ang balikan na isinubo niya ang cake at humigop ng frapped na si Byron ang nagbayad. "Nakakapanghinayang talaga ang isang iyon. Kung bakla lang sana, madali ng i-seduce at baka magiging straight. Pero iyong magpapari?" Napasabunot na lang si Joy sa sariling buhok sa labis na panghihinayang. Gustong-gusto pa naman niya si Byron. Pero ang pangarap niya, nilipad lang ng hangin. Ilang taon pa ang mabilis na lumipas. Mula ng makausap ni Byron si Joy ay unti-unti na ring tumigil ang mga babaeng nagpapalipad hangin sa kanya. Kaya mas lalo siyang nakapag concentrate sa pag-aaral. Graduation noon at isa siya sa tumanggap ng may pinakamataas na karangalan sa unibersidad na iyon. "Congratulations anak. Sobrang proud kami ng mommy mo sa iyo," masayang bati ni Patrick sa anak. Nasa isang five stars hotel sila at doon nila isini-celebrate ang pagtatapos ni Byron. Ngunit sa kabila ng saya naroon pa rin ang lungkot. Naroon pa rin ang kagustuhan ni Byron na maging isang tagapaglingkod sa simbahan. "Anak, ang daming magagandang babae doon sa university na pinasukan mo. Wala man lang ba talagang nakatisod dyan sa puso mo?" tanong ni Patricia kaya naman napahalakhak na lang si Byron. "Mommy, ngayon pa lang magsosorry na po akong talaga, sa iyo din daddy. Hindi ko po talaga maramdaman na magkagusto ako sa isang babae. Ginawa ko naman po. Lalo na pag may group activity. Nakikisama po ako. Pero hindi ko po talaga mahanap ang sarili ko kasama ang isang babae para bumuo ng isang pamilya. Kung mayroon man, sasabihin ko po kaagad sa inyo at kaagad na iiwan ko ang pagpapari. Pero wala po talaga." Nanghihinayang man ay napatango na lang si Patricia. Tinapik naman ni Patrick ang balikat ng anak. Nauunawaan nila si Byron. Hindi naman nila kayang ipilit ang ayaw nito. "Kahit ayaw namin ng daddy mo itong desisyon mo. Hindi ko naman kayang mag-isip ka dahil hindi ka namin sinuporthan. Kaya kahit nakakalungkot lang at hindi na talaga ako makakaranas na magkaapo ay tatanggapin ko anak. Mahal na mahal kita," umiiyak na saad ni Patricia. Tumayo sa pagkakaupo si Byron at nilapitan ang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit at paulit-ulit na sinasambit kung gaano niya kamahal ang mga magulang. Niyakap na rin niya ang daddy niya. Kahit nakakapanghinayang ay pinilit nilang maging masaya sa mga oras na iyon. Susulitin nilang mag-asawa ang bakasyon ni Byron para makasama ang anak. Bago ito pumasok ng seminaryo. Makalipas ang isang buwang kasama ang mga magulang ay inihatid na ng mag-asawa si Byron sa seminaryo. Doon, halos hindi na bitawan ni Patricia ang anak. Parang natatakot itong paglabas doon ng anak ay ibang tao na ito. Iyon ang kanyang pakiramdam. "Mommy, calm down. Magiging maayos din ang lahat," alo pa ni Byron sa ina. "Pero anak. Pag-uwi mo sa Pilipinas hindi na ikaw iyong anak ko na makulit na palaging magrerequest ng kung anu-ano. Matagal din ang walong taon na hindi ka namin makakasama ng daddy mo. Iyong damdamin ko anak. Akala ko noong una, magbabago pa ang isipan mo. Pero hindi pa rin pala," nguyngoy ni Patricia at ayaw bitawan si Byron. "Daddy," tawag ni Byron sa ama. Hindi nga nagsalita si Patrick ngunit parang katulad ng asawa ay nais na rin niya maiyak. Kitang-kita ni Byron ang pasimpleng pagpupunas ng mata ng daddy niya. "Daddy, mommy ayaw na po ba ninyo akong tumuloy," tanong ni Byron sa mga magulang. Gustong-gusto na niyang makapasok sa loob ng seminaryo pero hindi niya kayang kontrahin ang nais ng mga magulang. Kitang-kita niya ang paghugot ng hangin ng ama bago humarap sa kanya. Ang mommy naman niya ay hindi pa rin bumibitaw ng pagkakayakap sa kanya habang patuloy na umiiyak. "Kung ako ang masusunod anak, gustong-gusto kong magkaroon ng apo. Pero ito ang kagustuhan mo. Hindi ako tututol kasi mahal kita. Gusto ko pa rin na kung ano ang makakapagpasaya sa iyo, iyon ang sundin mo. Kahit naman anong mangyari ikaw pa rin ang nag-iisa naming anak. Kung maging ganap ka mang pari. Narito pa rin kami ng mommy mo. Kung magbago ka ng desisyon narito lang kami ng mommy mo. Ganoon kita kamahal anak. Ganoon ka naming kamahal ng mommy mo. Sa lahat ng desisyon mo sa buhay narito lang kami. Huwag kang mahihiya. Palaging bukas ang pintuan ng bahay para sa iyo anak. Palagi mong tatandaan walang ibang mas mahalaga sa akin, sa amin ng mommy kundi ang kasiyahan mo at ikaw mismo," hindi na napigilang maiyak ni Patrick. Niyakap na rin ni Byron ang daddy niya. "Thank you mommy, daddy sa lahat-lahat. Hindi ko po makakalimutan ang payo po ninyo. At pagbalik ko, ako pa rin po ang anak ninyo. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako magbabago. Kahit ano po ang mangyari ako pa rin ang Clyde mo daddy at ang Byron ni mommy." Kahit papano ay himupa na rin sa pag-iyak si Patricia. Si Patrick na ang nagdoorbell sa napakataas na tarangkahan ng seminaryo. Kung saan mag-aaral si Byron ng halos walong taon. Isang huling yakap pa sa mga magulang bago tumapak si Byron sa loob ng seminaryo. Bago pa tuluyang sumara ang tarangkahan ay nakita niyang muli ang pag-iyak ng mommy niya at pagyakap sa daddy niya. Pagkasara ng gate ay hinarap ni Byron ang malaking pasilidad ng seminaryo. Naroon ang napakalawak niyang ngiti na makapasok na ng tuluyan sa lugar na iyon. Tumingala siya para masaksihan ang maaliwalas na kalangitan. "Malayo pa, pero malayo na," naibulong niya sa hangin. "Marami na akong napagdaanan pero ito na ang pinaka simula, ng yugtong tatahakin ko," masiglang saad pa ni Byron at hinayon ang daan papasok sa pinaka opisina ng seminaryong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD