Chapter 3

1959 Words
Malakas na sigaw ang nagpagising kay Magdalene mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Agad siyang napabangon sa takot na masaktan na naman siyang muli. Hapon pa lang sa mga oras na iyon. Pero dahil sa pagod ay napaidlip siya. Muli niyang narinig ang boses ng amain kaya napilitan siya lumabas aa kwartong kinalalagyan niya. "Punyeta! Anong klaseng buhay ito? Aalis kang walang kain, uuwi ka pa ring walang pagkain! Magdalene!" Malakas na sigaw Arnulfo. "Tiyo bakit po?" Masama ang tinging ipinukol sa kanya ng tiyuhin. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hawakan sa kamay at haklitin. "M-masakit po. Tama na po, binatawan po ninyo ako," pagmamakaawa pa niya. "Masasaktan ka talaga Magdalene! Nagawa mo pa talagang magtanong! Wala kang kwenta! Wala ka man lang nilutong pagkain! Anong silbi mo?" "Pero wala po kayong iniwang pera." "At nangangatwiran ka pa!" Bigla na lang natigilan si Magdalene ng lumapat sa pisngi niya ang palad ni Arnulfo. Ganoon din sa kabila. "Tiyo!" sigaw niya habang umiiyak. Hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ilang araw mula ng iwan siya ng ina. Mula ng maihatid ito sa huling hantungan ay mas lalong naging masalimuot ang buhay niya. Siya na ang sinasaktan malimit ng tiyuhin. Lahat ng init ng ulo nito ay idinadaan nito sa pananakit sa kanya. Labinglimang taon siya ng muling mag-asawa ang kanyang ina. Namatay sa atake sa puso ang kanyang ama noong sampung taong gulang pa lang siya. Noong una ay maayos naman ang pakikisama ng kanyang Tiyo Arnulfo. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama ng kanyang ina at tiyo ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Nalulong sa alak at bisyo si Arnulfo. Kung noong una ay labis na pagmamahal ang ipinaparamdam ng Tiyo Arnulfo niya sa ina, habang tumatagal ay pinagbubuhatan na nito ng kamay ang ina. Mula ng tumuntong siya ng dise otso ay mas lalong lumala ang pananakit nito sa inay niya. Hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil nabaon sila sa utang noong malulong sa bisyo ang tiyuhin. Hanggang sa ngayon na edad bente singko na siya ay mas lalo lang nitong sinasaktan ang ina. "Tiyo tama na!" awat ni Magdalene sa tiyuhin habang patuloy nitong tinatadyakan ang ina. "Lumayo ka dyan Magdalene kung ayaw mong sa iyo ko ibaling ang init ng ulo ko!" "Ano ho bang kasalanan ng inay!?" "At nagtanong ka pa! Hindi mo ba alam kung paano makipaglandian iyang inay mo kay Berto. Anong akala niyang ina mo, tanga ako!" "Ano hong pakikipaglandian! Trabaho ang dahilan ng pakikipag-usap ng inay kay Mang Berto! Isipin naman ninyo ang mga edad ninyo para maisip pa iyang paglalandi na sinasabi ninyo. Puro agiw iyang utak ninyo. Kung kayo ang nagtatrabaho at hindi kayo puro sugal at alak. Sana ay maayos ang pamumuhay natin at hindi kayo ganyan," sagot ni Magdalene ng makatikim siya ng sampal mula sa tiyuhin. "At kumuha ka pa talaga ng abogado Magda!" "Nagkakamali ka Arnulfo. Hindi tulad ng iniisip mo ang pakikipag-usap sa akin noong tao. Naglalabada ako sa kanila. Nagtatrabaho ako ng maayos kahit pagod na pagod na ako. Ikaw! Anong silbi mo? Sawang-sawa na ako sa pananakit mo! Hayop ka!" ganting sagot ng kanyang inay. "Kayong mag-ina ang walang silbi! Kung ginagamit nitong anak mo ang katawan niya. Di sana ay makakaahon tayo sa hirap. Puro lang salita. Saan makakarating ang kinikita nitong anak mo sa pagtatahi ng basahan at ibebenta ng limang piso. Kulang pa sa pambili ng dalawang kilong bigas ang kinikita niyan sa maghapon!" Sa katunayan ay marunong namang manahi ng damit si Magdalene. Kahit hindi siya nakapag-aral ay natutunan naman niyang manahi. Dahil lang sa mahilig magsugal si Arnulfo ay naubos ang puhunan nila para makabili ng magagandang tela. Kaya naman ang mga retaso ng tela sa mga malalaking patahian na sa halip itapon ay kusang ibinibigay na lang kay Magdalene. Iyon ang ginagawa niyang basahan para ibenta. "Hayop ka! Huwag na huwag mong pagbabalakan ng masama ang anak ko. Baka mapatay kita! Hindi ako magdadalawang isip na gawin sa iyo iyong hayop ka!" "Ako pa talaga ang pinagbabantaan mo! Mga inutil!" anito at initulak pa si Magda. Halos magdilim ang paningin ni Magda. Kahit anong pananakit ang gawin ni Arnulfo sa kanya ay wala siyang pakialam. Pero kung mapapahamak ang nag-iisa niyang anak na si Magdalene ay lalaban siya ng p*****n. Nahagip ni Magda ang walis tambo at hinampas ng malakas si Arnulfo. "Hayop ka!" Dahil labis na nasaktan sa mga tama ng walis ay nagawa nitong itulak si Magda. At muli ay nakatikim ng sampal ang inay niya. "Tama na! Tiyo maawa ka sa inay! Ano bang kasalanan namin sa iyo! Sa katunayan ng ikaw ang walang silbi sa pamamahay na ito. Pero ikaw pa ang malakas ang loob upang saktan ang inay!" Halos magdilim ang paningin ni Arnulfo sa sinabing iyon ni Magdalene. At muli na naman siyang nahampas sa ulo ng tambo ni Magda. Nagawang maagaw ni Arnulfo ang tambo na hawak ng kanyang inay. Nagawa din nitong sakalin si Magda. Halos wala ng tigil sa pag-iyak si Magdalene. Sobra na siyang naaawa sa pananakit ni Arnulfo sa kanyang ina. "Tama na tiyo. Bitawan mo ang inay. Pakiusap, tama na!" Pagmamakaawa ni Magdalene pero bingi ang tiyuhin sa pakiusap niya. "Tumigil ka Magdalene! Pareho kayong walang kwenta ng iyong ina!" sigaw nito ng isalya nito sa pader ang ina. Halos panawan ng malay si Magda ng tumama ang kanyang likod sa pader kasunod ng pagbagsak niya sa sahig. Binalingan ni Arnulfo si Magdalene. Nakangisi pa itong lumapit sa kanya. "Para ka rin ang iyong ina. Maganda, pero pareho kayong walang kwenta!" Dinuro pa ni Arnulfo ang sentido ni Magdalene. Hindi na rin siya nakapalag ng bigyan siya ng tiyuhin ng mag-asawang sampal. "Magdalene!" sigaw ni Magda pero hindi naman niya kaagad malapitan ang anak. Nanghihina ang buo niyang katawan. Hindi niya halos maramdaman ang mga paa gawa na rin ng pamamanhid. Mula pa sa pagtadyak na ginawa ni Arnulfo sa kanya. "Magsama kayong mag-ina. Mga walang kwenta!" Sigaw pa ni Arnulfo ng itulak nito si Magdalene, malapit sa pwesto ng ina. "M-Magdalene," nauutal pang sigaw ng kanyang ina. Nahihirapan mang kumilos dahil sa pambubugbog ng tiyuhin ay pinilit nitong abutin ang anak. "Punyeta! Mga wala kayong silbi!" muling sigaw ni Arnulfo. Bago sila nito iniwan. Narinig pa niya ang padarag na pagsalya ng pintuan. "I-inay ayos ka lang po?" umiiyak na tanong ni Magdalene. "Ayos lang ako anak. Ikaw ang inaalala ko. Patawarin mo ang inay. Sana ay mapatawad mo ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na ito. Kung sana ay hindi ko pinakasalan si Arnulfo ay hindi ka mahihirapan ng ganito." Hinawakan ni Magdalene ang pisngi ng ina. "Inay wala kang kasalanan. Mabait naman po noon ang tiyo. Siya po ang may kasalanan ng lahat ng paghihirap mo inay. Kung hindi siya nalulong sa alak at sugal ay maayos sana ang buhay natin. Nakakapag-aral pa sana ako. Kaya walang ibang dapat sisihin kundi ang Tiyo Arnulfo," ani Magdalene habang patuloy na umiiyak. "Tahan na Magdalene. Basta tatagan mo ang kalooban mo ha. Kung sakaling mag-isa ka na lang ay palagi mong pilitin na maging matatag. Narito lang palagi ang inay. Babantayan at gagabayan kita. Huwag mong hahayaang masira ang buhay mo ng mga taong nakapaligid sa iyo. Lumaban ka at huwag kang papatalo sa mga taong mahilig lang manlamang. Ha anak, ipangako mong magiging maayos ang buhay mo. Mabubuhay ka ng masaya. Kahit wala na ako sa tabi mo. Ipangako mo anak," ani Magda na ikinagulo naman ng isipan ni Magdalene. "Anong ibig ninyong sabihin inay? Bakit parang nagpapaalam ka na? Syempre naman po palagi po kayong nasa tabi ko. Kakayanin natin ang lahat ng pagsubok basta magkasama tayo inay. Huwag kang ganyan inay." Mapait namang natawa si Magda. Alam niya sa sariling hindi ganoon. Pero hindi niya masabi sa anak. "Hindi naman anak. Kaya lang hindi natin hawak ang buhay. Maaaring bukas makalawa wala na tayo sa mundo. Hindi ko hawak ang buhay ko anak. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang Niya ipapahiram ang buhay na mayroon tayo ngayon. Basta palagi mong tatandaan ang mga payo ko sa iyo. Maging matatag ka anak sa lahat ng pagsubok. Natatandaan mo ba ang palagi kong sinasabi sa iyo. Kahit bumagyo ng malakas, darating ang araw para sumikat bukas. Hindi lahat ng masamang nangyayari sa iyo ngayon ay mananatiling masama. May magandang bukas na darating para sa iyo anak. Ang isa pang palagi kong sinasabi sa iyo, huwag kang susuko anak sa lahat ng hamon sa buhay. Magpakatatag ka ha, Magdalene. Ipangako mo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita anak." "Opo inay pangako. Mahal na mahal din kita inay." Nakatulog si Magdalene habang yakap-yakap ng ina ng gabing iyon. Hindi na rin naman bumalik si Arnulfo ng araw na iyon. Kaya kahit papaano ay natahimik ng isip at kalooban ni Magda. Naging normal ang buhay nilang mag-ina. Nakakangiti si Magda ng totoo. Nakakapanahi si Magdalene ng mga basahan na naiibenta niya ng walang sagbal sa kanila. Pero ang tahimik na sana nilang pamumuhay ay napuno na naman ng pangamba. Limang araw na hindi umuwi si Arnulfo. Kaya ang akala nila ay hindi na ito babalik. Pero nagkamali sila. Isang araw ay bigla na lang itong sumulpot sa kanilang tahanan. Pero ang takot ng makita ito ay napalitan ng pagtataka. Naging tahimik ito at pinagmamasdan lang silang mag-ina. Kumakain kung may ihahaying pagkain si Magda. Hindi naman ito nagbibigay ng pera. Kaya mas mabuti pa ngang wala ito. Ang masakit lang talaga ay nagawa pa nitong bumalik, pero mas napagbigay kaba sa kanilang mag-ina ang pananahimik nito. "Magda halika. Lumapit ka sa akin may sasabihin ako," dinig niyang wika ng kanyang tiyuhin sa ina. Para hindi magalit ang asawa ay mabilis na lumapit ang kanyang inay dito. Parang hindi nagkaroon ng sigalot kung makipag-usap ito sa inay niya. Hindi marinig ni Magdalene ang pinag-uusapan ng dalawa. Kaya naman nahiga na lang siya sa maliit niyang kama. Hindi namalayan ni Magdalene na nakatulog pala siya. Nagising na lang siya ng biglang sumigaw ang tiyuhin niya at tinatawag ang pangalan ng kanyang inay. Mabilis siyang bumangon para malaman ang nangyari. Nakabulagta sa sahig ang kanyang inay. Masama ang tinging ipinukol niya sa tiyuhin. Malakas ang kutob niyang ito ang may kagagawan sa nangyaring iyon sa ina. Naisugod sa ospital si Magda, pero dead on arrival ang ina. Ayon sa doktor na sumuri dito ay inatake sa puso ang ina. Hindi niya iyon alam. Magkaparehong sakit ang kumitil sa buhay ng mga magulang niya. "Mahal na mahal kita inay. Ikumusta mo ako kay itay ha. Maging masaya kayo na magkasama. Huwag po ninyo akong alalahanin dito. Tulad ng sinabi mo inay, magpapakatatag po ako. Lalaban ako hanggat kaya ko pang lumaban. Pipilitin ko pong palagi na may magandang dahilan kaya ako narito sa mundo. Gabayan po ninyo ako ha. Mahal na mahal ko kayo," bulong ni Magdalene sa hangin habang inihahatid niya sa huling hantungan ang ina. Napahawak muli si Magdalene sa kanyang pisngi ng muling lumapat ang kamay ni Arnulfo sa kanyang pisngi. Hindi niya akalaing malayo na pala ang narating ng kanyang isipan. "Total naman wala na ang iyong ina. Hindi na ako mahihirapang magbayad ng utang at magkapera. Malaki ang kikitain ko sa iyo. Napakahina ng iyong ina. Ipinagpapaalam lang kita tapos inatake na sa puso mahinang nilalang," anito habang naiiling. "Ano ang ibig ninyong sabihin?" "Malalaman mo rin. Sumama ka sa akin!" Magsisigaw man si Magdalene ay walang makakarinig sa kanya. Wala siyang nagawa ng bigla na lang siyang hilahin ng tiyuhin. Kung saan man siya nito dadalahin ay hindi niya alam. Mas madaling sabihin na sa takot ang kanyang labis na nararamdaman. At kapahamakan ang maaari lang niyang patunguhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD