Gusto nang lumabas ng puso ni Magdalene sa bilis ng pagtibok nito. Kahit hindi siya nakapag-aral ay hindi naman siya ganoong katanga para hindi malaman kung saan siya dinala ng tiyuhin.
"Anong ginagawa natin dito Tiyo Arnulfo?"
Nakangisi lang ang lalaki sa kanya. Hanggang sa tawagin sila ng lalaking kanina ay kausap ng tiyuhin sa labas ng gusaling iyon.
"Tara na sa loob. At huwag na huwag kang magtatangkang tumakas. Dahil hindi mo ako nakikilala Magdalene. Pasalamat ka nga at pinagtiyagaan ko pa ang nanay mo. Gayong ikaw ang gustong-gusto ko," ani Arnulfo at sinamyo pa ang parteng batok ni Magdalene. Bago siya nito pakaladkad na hinila papasok ng gusali.
Dahil gabi na ng makarating sila sa lugar na iyon ay maririnig ang malakas na tunog ng malalamyos na musika at ang iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid.
Napalunok lang si Magdalene ng makasalubong nila papasok sa isang makitid na daan ang ilang babaeng halos wala ng itakip sa katawan.
Mas lalong naging malinaw sa kanya ang kung ano mang maaari niyang kahinatnan sa lugar na iyon.
"Tiyo ayaw ko po dito. Bitawan po ninyo ako!" sigaw ni Magdalene habang nagpupumiglas. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng tiyuhin.
"Punyeta! Tumigil ka Magdalene kung ayaw mong masaktan na naman!" galit na sigaw nito na kahit papaano ay ikinatahimik ni Magdalene, dala ng takot.
Sawang-sawa at takot na takot na siya sa pananakit ng tiyuhin. Ngunit may mas nakakatakot pa pala doon. Ang maaaring mangyari sa kanya ngayon.
Tahimik na pinagmasdan ni Magdalene ang dinaraanan nila. Kung magkakaroon siya ng pagkakataon ay mas nanaisin pa rin niyang makatakas sa lugar na iyon.
Tumigil sila sa harap ng kulay pulang pintuan. Ilang katok din ang ginawa ng lalaking kausap ng tiyuhin niya sa pintong iyon, hanggang sa bumukas iyon at tumambad sa kanila ang isang babae na sa tingin niya ay nasa edad mahigit kwarenta.
Pusturang-pustura ito sa suot na hapit na spaghetti strap na damit at maikling short. Kung short na short talaga ang sukat noon. Ang mukha nito ay natatakpan ng makapal na make-up na mas lalong nagpatapang sa itsura ng mukha nito.
Napalunok si Magdalene ng maramdaman niya ang pagsuri ng babae sa kanya mula ulo, hanggang paa. Ilang beses pa nitong ginawa iyon, bago sila nito pinapasok sa loob ng silid.
Umalis na rin ang lalaking kanina lang ay kasama nila. Siya, ang babae at ang Tiyo Arnulfo lang niya ang nasa loob ng silid na iyon.
"Siya na ba ang sinasabi mo Arnulfo?" mataray na tanong ng babae. Mas lalo lang siyang kinabahan.
"Oo madam."
"Birhin?"
"Sigurado madam," nakangising saad ng tiyuhin niya.
Tumaas ang kilabot na nararamdaman ni Magdalene ng maramdaman niya ang paggapang ng kamay ng tiyuhin sa kanyang likuran. Nakadagdag pa sa takot niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Huwag mo akong pinaglololoko Arnulfo. Kilala kita."
"Siguro kung wala akong balak ibenta ang isang iyan ay pinagsawaan ko muna. Kating-kati akong maangkin ang anak na iyan ni Magda. Pero alam kong mas malaking pera ang makukuha ko kung buo ko iyang maiibenta sa iyo. Hindi ka na lugi madam. Sa katawan palang isama pa ang itsura ay talagang tutubo ka."
Halos manayo ang mga balahibo ni Magdalene sa buong katawan sa sinabing iyon ng tiyuhin.
"Kung ganoong, sa tingin ko naman ay hindi na ako malulugi sa hinihingi mong limang milyon na kapalit niya. Kaya heto na ang----," natigil sa pagsasalita ang tinatawag na madam ng tiyuhin.
Naghahanap si Magdalene ng pwedeng takbuhan para makatakas. Ngunit walang ibang pwedeng daanan kundi ang pintuan na kanila lang kanina na pinasukan.
Ginawa ni Magdalene ang lahat para makabitaw sa pagkakahawak ni Arnulfo. Ngunit pagkabukas niya ng pintuan ay may dalawang lalaki na nakaharang doon kaya hindi rin siya nakalabas.
Napatitig siya doon sa tinatawag na madam. Seryoso lang ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Hindi makakikitahan ng pag-aalala na magagawa nga niyang makatakas. Mas lalo lang siyang kinabahan sa titig nito na iyon.
"Bumalik ka dito Magdalene. Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas sa lugar na ito. Hindi ko sasayagin ang limang milyon kapalit mo. Mas mahalaga pa rin ang pera. Kung alam ko lang na ganyang kalaking halaga ang katumbas mo, hindi ko na sana pinagbigyan si Magda sa gusto niya. Matagal na sana akong mayaman, at hindi nagtiis sa maliit ninyong barong-barong," may pang-uuyam pa sa tono ng pananalita nito.
Puno naman ng pagkasuya at galit ang nararamdaman ni Magdalene sa tiyuhin. Hindi naman niya ito kaano-ano kaya wala itong karapatan sa buhay niya. Kaya lang sino ang magiging kakampi niya sa lugar na iyon na walang ibang mas mahalaga kundi ang pera.
Muling bumalik si Magdalene na upuang naroroon. Ngunit hindi na siya sa malapit sa tiyuhin naupo. Kundi sa kaharap na nito.
"Bweno, heto na ang kabuoang bayad. Apat na milyon at kalahati. Inalis ko na ang utang mong kalahating milyon. Kaya naman quits na tayo. Wala ka ng karapatan sa babaeng ito. Kaya makakaalis ka na Arnulfo."
"Salamat madam," masayang saad pa ni Arnulfo at halos halikan pa ang backpack na naglalaman ng napakalaking halaga. Bumaling pa ito kay Magdalene. "Magpakabait ka kay madam. Huwag mo iyang gagalitin, at baka maaga kayong magkasama-sama ng ama at ina mong walang kwenta. Mabuti na lang malaki ang iyong halaga," nakangising saad pa ni Arnulfo, bago siya nito lampasan at mabilis na lumabas sa silid na iyon.
Walang salitang lumabas sa bibig ni Magdalene ng makalabas ang tiyuhin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ang mga luha sa kanyang mga mata ay unti-unti ng nag-uumalpas hanggang sa hindi na niya napigilan ang paghikbi.
Tumayo ang nagngangalang madam. Akala niya ay may kung ano itong gagawin sa kanya ngunit nilampasan lang siya nito at nagtungo sa drawer na nasa isang sulok ng silid na iyon at kumuha ng sigarilyo. Matapos sindihan ay muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina.
Tahimik lang na umiyak si Magdalene. Wala siyang pakialam kung nakikita man siya ng kung sino man na madam na nasa kanyang harapan. Siguro ay nasa tatlumpung minuto din siyang umiiyak. Hanggang sa kunin ng isang tikhim ang atensyon niya. Napatitig na lang dito si Magdalene.
"Bweno, dahil tapos ka ng magnguyngoy dyan magpapakilala na ako sa iyo. Ako ang namamahala dito sa club, ako din ang may-ari. Madam Matilda ang tawag nila sa akin dito. Ganoon na rin ang itatawag mo sa akin. Ano ang pangalan mo?"
"M-Magdalene, m-madam," kinakabahan pa niyang saad.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Magdalene. Alam mo na kung bakit ka narito. Ibinenta ka sa akin ni Arnulfo."
"Pero bakit po ako ang kailangan niyang ibenta? Wala pong siyang karapatan sa akin! Kahit saan man daanin ay wala akong utang na loob sa kanya. Siya pa ang may utang na loob dapat sa amin ng inay. Napakahayop niya!" hindi mapigilang bulalas ni Magdalene. Parang ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay napalitan ng poot sa tiyuhin.
"Wala akong pakialam sa problema ninyong dalawa. Ang sa akin ay may utang sa akin na kalahating milyon si Arnulfo. At bilang bayad ay ikaw ang ibinenta niya. Kumuha pa siya ng apat at kalahating milyon. Alam mo iyan at kaharap ka ng tinggap niya ang bayad ko para sa iyo. Kaya ngayon ay wala ng karapatan sa iyo si Arnulfo. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ako na ang masusunod. Malaki ang perang binitawan ko para lang sa iyo. Kaya dapat lang na kumita ako ng malaki."
"Ano ang ibig ninyong sabihin?" Napairap pa si Madam Matilda sa tanong na iyon.
"Hindi ko alam kung mangmang ka bang talaga o nagtatanga-tangahan ka. Syempre club ito. Alam mo na dapat ang trabahong pwede mong pasukin lalo na at maganda ka, ganoon din ang katawan mo. Ano sa palagay mo, magdadasal lang tayo dito maghapon?"
Napalunok na lang si Magdalene. Gusto na naman niyang umiyak sa sitwasyong kinasasadlakan.
"Isa pa ay hindi mo ako madadala sa pag-iyak-iyak mo Magdalene. Pero hindi naman ako basta-basta nagbebenta ng laman ng ganoon na lang. Kung kailan may malaking isda, saka lang ako nagbababa ng kawil. Mahirap ng magsisi sa huli. Baka pag naibenta kitang bigla ay may dumating na mas malaki ang offer manghinayang pa ako. Sa ngayon ay pwede muna kitang gawing waitres habang pinag-aaralan mo kung ano sa kalaunan ang magiging trabaho mo. Hindi ka na lugi doon. Hanggat walang isda, mananatili ka sa trabaho mo. Pero para mas maintindihan mo. Bukas ng gabi ka magsisimula, ngayong gabi ay pag-aaralan mo kung ano ang ginagawa ng mga babae dito sa club. Ipanalangin mong ang malaking isda na mahuhuli mo ay hindi iyong mga hayok sa laman. Dahil pera ang labanan dito Magdalene at hindi ang dangal."
Matapos sabihin sa kanya ni Madam Matilda ang bagay na iyon ay tinawag na nito ang dalawang lalaki na nasa labas. Palihim pa siyang luminga sa paligid. Hindi siya tatagal sa lugar na iyon. Ngunit bago pa siya makahakbang palabas ay muling nagsalita si Madam Matilda.
"Huwag mo ng tangkaing tumakas Magdalene. Hindi ako madaling kalaban. Pero makakaalis ka ng maayos kung maibabalik mo sa akin ng apat na beses ang perang ibinayad ko kay Arnulfo ng isang bagsakan."
Natigilan bigla si Magdalene. Parang pakiramdam niya ay doon na siya mamamatay sa lugar na iyon. Saan siya hahanap ng dalawampung milyon? Ang limang piso ngang basahan na ibinebenta niya ay halos hindi pa mabili. Makahanap pa ba ng dalampung milyon, ang kanyang magawa?
Napalunok na lang si Magdalene saka tumango. Nagsimula na lang siyang ihakbang ang mga paa ng magsimulang maglakad ang dalawang lalaking may hawak sa kanya. Dinala siya ng mga ito sa sulok bar counter.
"Isuot mo ito." Iniabot sa kanya ang isang apron, cap at facemask. Hindi na rin naman nagtanong si Magdalene kung para saan ang bagay na iyon. Basta sumunod na lang siya.
"Huwag mong aalisin iyan. Hindi pa ito ang oras ng trabaho mo. Umaasa si madam na malaki ang perang madadala mo dito sa club. Sa ngayon ay pagmasdan mo muna ang ginagawa ng mga babaeng nasa bawat table. Kasama ang mga parokyano nila." Itinuro ng lalaki ang mga babaeng halos wala ng suot. Katulad din ng mga babaeng nakasalubong niya kanina, papasok sa pinaka opisina ni Madam Matilda. "Ganyan ang magiging trabaho mo, oras na may malaking isda na mag-offer sa iyo. Pero habang wala pa, mananatili kang waitress sa lugar na ito," paliwanag ng lalaki sa kanya.
Tinawag nito ang bartender. Bata pa ito kung titingan kumpara sa mga lalaking kasama ni madam. Pero tingin niya ay malaki ang tanda nito sa kanya. Parang nasa middle thirties na ang lalaki. Pero gwapo ito at masasabi niyang ibang-iba sa mga lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon.
"Yes boss," anito ng makalapit sa pwesto nila.
"Bagong salta. Ikaw na ang bahala. Nasaan ang kasama mo?"
"Nagseserve, kulang sa tao, kaya ako na lang muna ang naiwan," sagot ng bartender at iniwan na sila ng mga lalaking naghatid sa kanya doon.
Bumaling ito sa kanya. "Anong kaso mo?" tanong ng bartender. Napakunot noo si Magdalene. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng tanong nito. Maya-maya pa ay bigla na lang itong natawa. "Ako nga pala si Choi. Ang ibig kong sabihin, ano ang dahilan mo at narito ka. Kasi alam kong kaya ka nakaganyan ay magmamasid ka sa ginagawa ng mga babaeng itinitable ng mga lalaking iyan. Pero habang waitress ka pa, siguraduhin mong walang makakakuha ng atensyon mo," anito na sa tingin niya ay isa iyong payo. "Pero sa susunod, pag may nagbayad ng malaki para sa iyo, hindi ka lang basta magiging waitress, magiging pantable ka na rin. Ang pinaka masakit ay baka panlabas ka na rin," naiiling na saad ni Choi.
"I-ibinenta ako ng tiyuhin ko," nahihiya niyang saad. Gusto na naman niyang maiyak sa mga oras na iyon. Pero pinigilan niya ang sarili.
"Naiintindihan ko. Mas mabuti sana kung kusang loob mo ang pagpasok mo dito. Alam mong madumi ang isang club. Maswerte ka kung maayos ang napuntahan mo. Pero dito kailangan mong mag-ingat. Anong pangalan mo?"
"Ako si Magdalene," pakilala niya.
"Okay Magdalene. Hindi ko masasabing kaya kitang bigyan ng proteksyon. Pero gagawin ko ang lahat para walang mag-take advantage sa iyo. Pwede ko bang makita ang mukha mo?"
Wala namang pag-aalinlangan si Magdalene ng ibaba niya ang facemask na sout niya. Namumula pa rin ang pisngi niya dahil sa sampal ng tiyuhin.
"Sadyang mapula ang pisngi mo?" tanong ni Choi na ikinailing niya.
"Sinampal ako ng tiyo kanina."
Nakadama talaga lalo ng awa si Choi. "Ganoon ba? Bibigyan na lang kita ng ointment para mawala ang pamamaga. Mamaya bibili kami ng mga kaibigan ko. Ipapakilala rin kita sa kanila. Hindi ko alam, pero magaan ang loob ko sa iyo. Sa abot ng makakaya namin, babayantayan ka namin. Iyon lang ang magagawa ko muna sa ngayon. Bakit kasi ang gaganda ninyong mga babae. Pero dito talaga kayo dinadala ng mga walang kwentang mga nilalang na iyon." Napahugot na lang ng hangin si Choi.
Pinabalik na nito ang facemask na suot niya. Pinaupo siya ni Choi sa tabi nito. Kahit madaming nagtatanong kung sino siya ay si Choi ang sumasagot.
Nang kumalam ang sikmura niya ay tinawanan siya ni Choi. Binigyan siya nito ng pagkain. Dumating na rin ang apat na kaibigan nito ng magbreaktime ang mga ito. Sina Ken, Kian, Bok at Aron. Mababait din ang apat katulad ni Choi. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kagaanan sa kalooban. May natitira pa ring mababait na tao sa mundo.
Kahit papaano ay napangiti siya. Sa likod ng masamang nangyari sa kanya. May limang mabuting tao pa rin siyang nakilala.