Chapter 2

2307 Words
Nasa may balkonahe si Byron ng mga oras na iyon at hinihintay na lang na maggabi. Excited siyang ikwento sa daddy niya ang mga naganap sa kanya sa maghapon at ang tagpo na makasama ang mga bagong kaibigan. Kapapasok pa lang ng sasakyan ng daddy niya sa may garahe ay naroon na rin kaagad si Byron. Kabubukas pa lang pintuan ng driver seat ay binati kaagad ni Byron ang ama. "Ang anak ko talaga. Parang masaya tayo ngayon ah. Ano bang kwento ang ibabahagi mo ulit ngayon?" "Marami daddy," nakangiti pa niyang saad. Habang papasok ng bahay ay patuloy lang sa pagkukwento si Byron sa ama. Mula sa mga aralin sa eskwela hanggang sa dumako ng hapon at nakilala niya ang mga bagong kaibigan. Nasa hapag na sila ng mga oras na iyon at wala pa ring humpay si Byron sa pagkukuwento. Nagkatinginan pa ang mag-asawa. Madaldal si Byron, pero walang problema sa kanila. Para sa kanila ganoon talaga ang mga bata. Dapat ay masulit ng anak ang kabataan nito. "Anak maiba ako, napag-isipan mo na ba ang regalong nais mo sa birthday mo? At anong klaseng party ang gusto mo. Saan mo ba gusto anak? Sa ibang bansa? O baka gusto mo sa Disney Land. Kahit saan pa iyan anak. Basta gusto mo, ibibigay namin ng mommy mo." "Talaga daddy? Kahit po mahal? As in kahit po worth millions ang gastos ay ayos lang po talaga?" Nagulat si Patricia sa narinig sa anak. Di yata at ngayon ay parang nagkamali siya ng naiisip sa nais ng anak. Ang akala niya ay hihiling ito ng party na kasama ang mga bagong kaibigan. Pero worth million ang hinihingi ng anak. Kaya bigla siyang nagtaka. "Okay anak say it. Medyo curious si mommy. Parang ngayon ay mali ng iniisip si mommy sa hihilingin mo sa darating ng birthday mo," nakangiting saad pa ni Patricia habang patuloy lang silang kumakain. "Okay lang ba daddy?" "Yes anak. Spill it. Gusto namin ng mommy mo ay iyong mapapasaya ka namin." "Thank you mommy, daddy. Ito po ang naisip kong birthday gift. Pwede po ba akong magdonate sa school ng mga bago kong kaibigan. Gusto ko lang pong tuwing papasok sila makakakain sila ng maayos kasi may free breakfast at lunch sila sa school ibig sabihin lahat po ng bata doon kahit walang baon ay makakakain ng maayos at sapat. Gusto ko din pong magcelebrate ng birthday sa lugar ng mga kaibigan ko. Para po lahat ng naroon makakain po ng maayos. Alam ko pong hindi lahat katulad po natin ang buhay. Iyong barya sa atin kayamanan na sa iba. Kahit isang araw lang daddy, mommy, gusto kong maranasan nila iyong masasarap na pagkain at hindi na nila iisipin ang kakainin nila ng kahit mga one week kung hihigit pa po mas maganda. May savings din po ako. Pwede ko po iyong ipandagdag," nahihiyang wika ni Byron na ikinangiti ng mag-asawa. "Ay ano ang gusto mong laruan na para sa iyo?" "Wala po akong maisip, pero gusto ko po sana noong mga building blocks toy na maraming-marami. Para naman pwedeng paglaruan nina, Choi, Ken, Kian, Bok at Aron. Pag malaki na sila, maiipamahagi pa nila iyon sa iba pang mga bata doon sa kanila," halos magningning naman ang mga mata ni Byron habang sinasabi iyon sa mga magulang. "Bakit puro lang sa mga bagong kaibigan mo ang nais mo. Paano naman ang sarili mo?" "I have all I want daddy. You and mommy is enough for me. Masaya po akong mahal na mahal ninyo ako. At mahal na mahal ko din po kayong dalawa. Wala na po akong ibang mahihiling para sa sarili ko. Kaya naman po humihiling na lang po ako para sa ibang tao. Okay lang po ba iyon?" Napangiti naman si Patricia sa naging sagot ni Byron. "Napakaswerte namin na ikaw ang naging anak namin ng daddy mo. Hindi ko alam kung anong mabuting nagawa ko sa buhay ko para maging maswerte sa anak. Pero ibinigay ka sa amin. We're so proud of you Byron sana ay hindi ka magbago, hanggang sa paglaki mo maging mabuti kang tao na may takot sa Panginoon." "I will never change mommy. Promise, mas pagbubutihin ko pang maging mabuting tao sa abot ng aking makakaya." "Mana talaga sa akin ang anak ko. Di ba Clyde?" wika ng daddy niya na sunod-sunod namang ikinatango ni Byron. "Opo naman daddy. Mana lang po sa iyo." "Naku Byron, huwag kang maniniwala sa daddy mo. Pilyo talaga iyan noong bata pa," kontra ng mommy niya na ikinatawa lang nilang lahat. Napuno ng masayang tawanan at kwentuhan ang kanilang hapag sa gabing iyon. Masaya rin si Byron dahil wala naman problema sa mga magulang niya ang mga hiniling niya para sa birthday niya. Mas lalo pa siyang naging magana sa pagkain at excited na dumating na ang araw ng kanyang kaarawan. Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Byron. Ang kaarawan niya. Nagulat na lang ang mga tao sa looban kung saan nakatira ang mga kaibigan ni Byron kung ano ang mayroon sa araw na iyon. Ilang araw ding hindi nakikita si Byron ng mga kaibigan. Lalo na at kahit si Byron ay abala para sa donasyon na ibibigay nila sa paaralan kung saan nag-aaral sina Choi, Kian, Bok, Aron at Ken. "Anong mayroon dito? Fiesta ba?" hindi mapigilang tanong ni Kian ng habang nakasunod lang ng tingin sa mga ibinababang pagkan mula sa sasakyan. Nalingap pa nila ng tingin ang napakadaming lamesa na unti-unti nang napupuno ng mga pagkain nakahanda. "Nagugutom ako bigla, sana makatikim tayo ano?" ani Choi habang hinihimas ang tiyan. "Dito na lang tayo. Baka naman paghindi naubos ng mga bisita ng kung sino man ang mga pagkain na iyan ay mamahagi din sila." "Oo nga Ken. Mukha namang mayaman ang magpapakain dito. Kaya lang bakit naman dito?" "Hindi ko rin alam Bok," ani Aron habang nakatingin sila sa paligid. Halos lahat ng mga nakatira sa kanila ay napansin na rin ang pag-aayos ng mga lamesa at ang paglalagay doon ng maraming pagkain. Wala silang ibang nakikitang mga bisita, maliban sa mga taong naglalapag ng pagkain doon. Kumakalam na rin ang tiyan nina Choi, Bok, Ken, Kian at Aron habang naaamoy ang masarap na pagkain. Hanggang sa sabay-sabay nilang malingunan ang pamilyar na sasakyan. Iyon ang sasakyan na palaging sumusundo kay Byron. Mabilis ang kilos nila at sinalubong si Byron. Nakangiti pa ito at walang pag-aalinlangan na niyakap ang mga kaibigan. Kahit medyo madungis ang mga ito dahil sa paglalaro. "Huwag mo kaming yakapin baka madumihan ka," sita ni Kian. "Amoy pawis din kaming lima," dagdag pa ni Choi. Ngunit walang pakialam si Byron. Ang mahalaga sa kanya ay masaya siyang makita muli ang mga kaibigan na ilang araw na hindi nakalaro. "Anong meron dito bakit maraming pagkain?" Agaw pansin ni Aron ng biglang tumunog ang tiyan nito. "Nga pala, kaarawan ko ngayon," nahihiyang saad ni Byron na ikinagulat ng lima. "Wala kaming regalo sa iyo," ani pa ng lima. "Pero ako may regalo sa inyo," masayang wika pa ni Byron ng mapansin niya si Kuya Gibo bitbit ang ilang kahon ng building blocks at iba pang laruan na bigay niya sa mga bata doon sa lugar at sa mga kaibigan niya. "Para iyan sa inyo at sa iba pang mga bata dito sana ay magustuhan ninyo. Isa pa kumain na muna tayo bago tayo maglaro." Wala ni isang salita na lumabas sa mga kaibigan niya. Naagaw lang ng kanilang pansin ng magpakilala ang mga magulang ni Byron sa mga tao na naroroon, kasama na rin ang mga magulang nilang lima. Para humanay at ng makakain na. Tanghalian na rin noon at tamang-tama lang sa pananghalian. Naging masaya ang araw na iyon. Sabi nga ni Byron sa sarili ay isa ang araw na iyon sa pangyayari sa buhay niya na hindi niya makakalimutan. Hanggang sa lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Lumipat na rin si Byron ng paaralan pagkatapos ng elementarya. Nalayo man siya sa mga dating kaibigan ngunit para sa kanya ay mananatili sa kanyang puso ang mga ito. Naging busy din siya sa pag-aaral. Nahiwalay din siya noon sa pinsang si Jarred. Lalo na ng pinili niyang pumasok sa isang Catholic School exclusive for boys. Nasa hapag kainan sila ng mga oras na iyon ng mapagpasyahan ni Byron na kausapin ang mga magulang. "Mommy, daddy okay lang bang sa ibang bansa ako mag-aral ng college?" ani Byron kaya napatingin ang mga magulang niya sa kanya. "Oo naman anak. Sabi nga namin ay kahit na ano ang nais mong kurso. Kung saan mo gustong mag-aral ay walang problema." "Thank you mommy." "Clyde saang bansa mo ba gusto? At anong kurso ba ang kukuhanin mo? Excited akong related sa kompanya natin ang kukuhanin mong kurso. Pero kung hindi naman walang problema kung ano ang gusto mo anak. Suportado ka namin ng mommy mo." "Thank you daddy. I want to take business management." Malapad ang ngiting ibinigay ni Patrick sa anak sa kanyang narinig. "But---." Napabuntonghininga si Byron. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang nais. "Ano iyon anak? Sasabihin mo bang may girlfriend ka at mahirap lang. Tapos ay gusto mo ring isama sa ibang bansa? Gusto mo bang pag-aralin namin siya?" tanong ng mommy niya na mukhang excited sa naiisip. "Walang problema anak kung ganoon. Ayos lang iyon sa amin ng mommy mo. Oo nga at bata ka pa. Pero kung nais mo na ngang mag-asawa ay walang problema. Basta ipagpatuloy lang ninyo ang pag-aaral ninyo at kami na ang bahala sa lahat. Pangarap pa naman namin na magkaroon ng maraming apo ng mommy mo," saad naman ng daddy niya. "Mommy, daddy huwag pong advance. Isa pa nineteen pa lang po ako. Bakit po ganyan na ang mga iniisip ninyo. Wala po akong girlfriend at hindi ko po naiisip ang bagay na iyan." "Sayang naman anak. Hindi ka gumaya sa pinsan mo. High school pa lang naka tatlo na ng girlfriend. Ang nais namin sa iyo ay kung mag-aasawa ka, o makakabuntis ka. Okay lang kahit ngayong bata ka pa, para mabilis dumami ang aming apo. Pero sinugaduhin mong sa iisang babae lang anak ha. Iyan ang tunay na Vergara." "Daddy hindi po ako si Jarred. At wala akong nabuntis. Isa pa may iba po akong gusto," pag-amin ni Byron kaya naman biglang napatayo si Patricia. "Oh my gosh anak! Bakit naman ganoon? Sayang ang kagwapuhan mo. Pero bilang magulang hindi kami magagalit ng daddy mo. Nakakapanghinayang lang na lalaki rin ang gusto mo," malungkot na saad ni Patricia na ikinalaki ng mga mata ni Byron. "Totoo ba anak ang sinasabi ng mommy mo?" gulat na tanong ni Patrick habang napapahilot sa noo. "Matatanggap ko anak. Pero sana naman kahit sa ibang paraan. Kahit gumastos tayo ng malaki, bigyan mo pa rin sana kami ng apo. Anak, uso na ngayon ang surrogacy," dagdag pa ng daddy niya na hindi pa rin makapaniwala. Napatikhim si Byron at namumula ang pisngi sa mga pinagsasasabi ng mga magulang niya. "Mommy, daddy, hindi ko po alam kung saang lupalop na po ng mundo nakarating ang imahinasyon ninyo. Sa sobrang supportive po ninyo ay naging bakla na ako sa inyo. Pero hindi po iyon ang nais kong sabihin sa inyo," ani Byron na napakamot na lang sa ulo. "Kung hindi ganoon, ano ang ibig mong sabihin anak sa may iba kang gusto? Kung wala kang girlfriend at malayo sa iniisip namin ng mommy ang nais mo. Ay ano ang gusto mo?" Napalunok ng laway si Byron. Mula pa lang ng magsimula siyang pumasok ng high school ay nararamdaman na niya ang tawag na iyon sa kanyang puso. Akala niya noong una ay siguro dahil sa masaya lang siyang tumulong. Pero hindi ganoon ang isinisigaw ng puso niya, ngayong magtatapos na siya. "Habang nagta-take po ako ng business management, gusto ko pong gawin ang isang bagay na isinisigaw ng puso ko. Alam ko sa isip ko at sa puso ko na ito po ang gusto ko. Ito iyong tinatawag nilang calling," ani Byron na hindi naman kaagad maintindihan ng mag-asawa. "Ano iyon anak? Kahit ano pa iyan. Susuportahan ka namin ng mommy mo." "Thank you daddy." "Basta para sa iyo anak. Spill it," ani ng mommy niya. Tahimik lang na naghihintay ang mag-asawa sa sasabihin ng anak. Pinagpapawisan naman si Byron sa kaba. "I want to become a priest mommy, daddy," nakangiti saad ni Byron sa mga magulang. Habang parang halos panawan ng ulirat ang mag-asawa sa narinig. "Ulitin mo ang sinabi mo anak. Nagbibiro ka lang di ba? tanong ng mommy niya. "Clyde, sabi lang namin lumaki kang mabait na bata. Gusto ko pang magkaroon ng apo. Bakit naman ganoon anak?" reklamo ng daddy niya. "Pero ito po ang gusto ko. Sana masuportahan po ninyo ako," ani Byron. Wala sa sariling napatango na lang ang mag-asawa. Parang napalabis naman yata ang kanilang hiling. Nais lang nilang maging mabait na bata si Byron habang lumalaki. "Salamat po mommy, daddy. Mahal na mahal ko po kayo." "Mahal ka din namin anak." "I love you son. Kaya lang---." "Walang bawian daddy you support me. Di ba mommy I love you both." "We love you anak," sagot na lang ng mag-asawa. Parang nalugi ang mag-asawa sa narinig. Gustong-gusto pa naman nilang magkaroon ng maraming apo. Pero paano? Nagkatinginan na lang silang dalawa ng mula ng masabi ni Byron ang nais nito ay naging magana ito sa pagkain. Habang kanina lang ay halos hindi man lang magalaw ang laman ng nasa plato nito. Napangiti na lang sila. Habang pilit na isinisiksik sa isipan ang nais ng kanilang anak. Ipinapaubaya na lang nila sa lubos na Nakakaalam ang tadhana ni Byron. Kung ano man ang nais ng tadhana para sa anak, ay wala silang pagtutol. At tatanggpin nila iyon ng buong puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD