Chapter 1

1984 Words
Tahimik na nakatingin lang si Byron sa mga batang naglalaro sa lansangan. Nakaupo siya sa waiting shed at naghihintay ng sundo sa paaralang kanyang pinapasukan. Nauna na sa kanyang umalis si Jarred ang pinsan niya ng mas maagang dumating ang sundo nito. "Sali ka?" wika ng isang tinig na nagpalingon kay Byron. Tinatawag siya ng isang bata na naglalaro. "Ako?" turo pa ni Byron sa sarili. Hindi kasi siya makapaniwala na aalukin siyang maglaro ng mga batang naroroon. "Oo. Baka gusto mong makipaglaro sa amin," anito habang nakangiti. "Pero ayos lang naman kung ayaw mo. Baka kasi madumihan ang suot mo." Napatingin pa si Byron sa uniform niyang hindi man lang yata nasayaran ng dumi. "Napansin ka lang kasi namin na nag-iisa kaya nilapitan kita," nahihiyang saad pa nito. Ibinaba naman ni Byron ang bag niya sa waiting shed, pero wala siyang balak makipaglaro sa mga batang iyon. Masyado siyang napagod sa pag-aaral sa maghapon. "Bakit kaya hindi na lang tayo magtungo doon sa tindahan para magmeryenda. Nagugutom na kasi ako. Isa pa ay napagod talaga ako sa maghapong pag-aaral kung ayos lang naman sa inyo." "Sige pag hindi ka na lang pagod. Wala kaming pera para makapagmeryenda." Akmang aalis na ang batang kumakausap kay Byron ng muli niya itong tawagan. "Sandali hindi pa ako tapos. Libre ko ayaw pa rin ninyo?" Halos magliwanag naman ang mukha ng bata sa sinabing iyon ni Byron. Kung hindi man niya kasing edad ang mga ito ay matanda lang sa kanya ng isa o dalawang taon. "Pero madami kami. Lima kaming magkakaibigan. Baka maubos lang ang pera mo." "Hindi iyan. Di pagkakasyahin natin kung magkano lang ang mabili. Tara na, tawagin mo na sila." Hindi naman nagdalawang salita ang bata at tinawag na nito ang apat pa nitong mga kaibigan. "Totoo ba ang sinasabi mo bata na manlilibre ka!" mataas ang tono ng boses na sa tingin ni Byron ay siyang pinaka leader ng magkakaibigan. "Kian huwag mong takutin. Mukha naman siyang mabait at parang gusto lang din ng kaibigan. Dalawa lang sila na palagi kong nakikitang magkasama. Pero naiiwan yan pag nakaalis na iyong isa," bulong ng batang kanina lang ay kumausap kay Byron. "Ganoon ba," wika noong bata na tinawag na Kian. "Sorry bata, kung ililibre mo talaga kami ay tara na. Nagugutom na rin ako. Ako nga pala si Kian, sila nga pala sina Bok, Ken, Aron at Choi." Si Choi ang unang batang kumausap kay Byron. "Ako nga pala si Byron. Magkakaibigan na ba tayo pag nagkataon?" "Aba'y oo naman, basta libre mo kami ngayon ha." "Oo naman. Tara na saan ba pwede?" Naghanap sila ng pinakamalapit na tindahan. Isang convenience store ang nakita nila. Papasok pa lang sila ng store ng harangin sila ng guwardiya. May halong pagtataka sa inosenteng mukha ni Byron kung bakit sila hinaharang. "May problema po ba?" "Naku sa iyo ay wala. Pero sa mga kasama mo ay meron. Bawal dito ang mga katulad nila. Baka mamaya may nakawan pang mangyari ay malalagot kami sa boss namin." Napakunot noo si Byron. Naramdaman niyang biglang nawalan ng pag-asa ang mga kasama niya. "Naturuan po ba kayo ng magandang asal manong? Why you judge others if you're not stepping on there shoes? Nasabi mo na kaagad na baka may nakawang maganap gayong wala pa namang nagaganap. Don't conclude things if it is not happened. Masama po iyon. Sabi nga po ng mommy at daddy ko, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo. Don't humiliate others. Because it was a crime. Don't judge others because of how or what their appearance. In short be kind to others po manong," mahabang paliwanag ni Byron. Alam niya sa sariling wala siyang sinabi na masama. Pero nakahanda siya kung sakali mang magalit ang guwardiya sa kanya. Hindi lahat ng tao mabilis makaunawa. Minsan kung sino pang matanda sila pa iyong hindi makaintindi. Pag pinagsabihan ng tama sila pa ang galit. Pero mayroon din namang dahil na realized nilang mali sila at tama ka. Kahit matanda sila at bata ka, mauunawaan ka nila. Hinihintay ni Byron ang reaksyon ng guwardiya ng bigla na lang itong nagkamot ng ulo. "Para ka talagang matanda nang bata ka. Ikaw ba talaga ay bata pa, o matanda na nagtatago sa katauhan ng isang bata. Tinamaan ako doon ha. Sige na pasok na kayo. Mga bata," tawag ni manong sa mga kasama niya. "Pasensya na kayo, pagod na siguro si manong. Basta huwag magugulo ha," anito na ikina thumbs-up ng mga kasama niya. "Ayos lang iyon manong." "Wala pong problema manong." "Pero promise po mababait kami." "Hindi po namin porte ang pang-uumit." "May takot po kami sa Diyos." Mga sagot ng mga bago niyang kaibigan na labis talagang ikinatuwa ni Byron. Ipinagbukas pa sila ni manong guard ng pintuan para makapasok sila. Masayang-masaya naman ang mga kaibigan ni Byron na makapasok sa loob noon. Sabi nga ng mga ito. Sa unang pagkakataon nakapasok din sila doon. Napakaraming pagkain na pwede nilang mabili. Pero agad ding nawala ang mga ngiti sa labi nila na napansin naman kaagad ni Byron. "Bakit? May problema ba?" Mabilis namang umiling ang lima. Ayaw mang magsalita ng mga ito pero mukhang nakukuha na niya ang ibig sabihin ng mga ito. Isa-isang inabutan ni Byron ng basket ang mga bago niyang kaibigan. "Bakit may pa-basket kung magmemeryenda lang tayo?" naguguluhang tanong ni Bok. "Magtiwala kayo sa akin. Okay. Basta walang lamangan. Ang kukunin ng isa dapat mayroon din ang isa. Lahat ng gusto ninyo kunin ninyo maliwanag. Tara na," paliwanag ni Byron na kahit naguguluhan ang mga batang kasama niya ay sumunod na lang sa kanya. "Pero ang mamahal pala," komento ni Aron. "Bakit mo binalik?" "Doon na lang tayo sa isawan ni Aling Nena. Mura lang doon. Isang stick limang piso lang," sabat naman ni Ken. "Sabi ko nga sa inyo ako na ang bahala. Di ba kaibigan na ninyo ako." "Hindi ka ba nandidiri sa amin? Mahihirap lang kami. Sa public school lang kami nag-aaral. Isa pa ay nakikita mo ba ang dudungis namin," sagot sa kanya ni Kian na ikinabuntonghininga niya. "Pag ba sa public school nag-aaral, mahihirap, at madudungis hindi na tao?" inosenteng tanong ni Byron na ikinakamot ng ulo ng lima. "Syempre tao pa rin," sagot pa ng mga ito. "Ayon naman pala eh. Hindi ko naman araw-araw kayong ililibre. Minsan lang naman ako tumanggap ng pera kay mommy. May baon pa akong sandwich at lunch ko para sa recess at breaktime. Kung tatanggpin ninyo akong kaibigan. Tanggapin din sana ninyo ang bigay ko. Hindi naman iyon sa minamaliit ko kayo. It's my pleasure to give something to my new friends. Are we six are friends right?" ani Byron ng magsikuhan pa ang lima. "Pagbigyan natin si Byron. Mukha naman siyang mabait. Isa pa mauubusan tayo ng English dyan. Minsan lang naman," ani Bok kay Kian na sinang-ayunan naman ng tatlo. "Sige na nga. Pero hindi namin alam kung anong gusto namin. Ngayon lang kami nakakita ng ganitong karaming pagkain," pag-amin ni Kian. "Okay ganito na lang, ako na lang bahala. Dapat lahat ng ituturo kukuha kayo ha." "Sige," sagot ng mga ito at sumunod na kay Byron. Halos mapuno nila ng kung anu-anong pagkain ang basket nila. Masayang-masaya ang lima habang nakapila na sila sa counter. Kaya lang parang bigla na lang nalungkot si Choi na napansin kaagad ni Byron. "May problema ba?" "Pwede ko bang ibalik na lang ang lahat ng ito. Masarap makatikim ng mga tsokolate at kendi na hindi ko pa natitikman sa tanang buhay ko. Pero pwede bang perahin ko na lang para maipambili ng bigas at ulam ng pamilya ko?" Nahihiya man ay kinapalan na ni Choi ang mukha. Bigla ay parang lahat ng kasama niya ay ayaw ng pumila sa counter. Doon lang nila naisip lahat na tama ang sinabi ni Choi. "Pwede bang ganoon na lang din ang sa amin?" wika pa ng apat. "Ang babait ninyong mga anak. Nakakaproud kayo," ani Byron ng magkatinginan ang lima. "Sure ka bang bata ka pa? Baka naman tama si manong sa labas na matanda ka na at nagtatago sa anyo ng isang bata," pag-uusisa pa ni Kian. "Seven pa lang ako," reklamo ni Byron na tinawanan ng lima. "Ako ng bahala sa inyo dali na ipila na ninyo iyan." Nagtulakan pa ang lima, kaya naman si Byron na ang kumuha ng basket ng mga ito para isa-isang ipila sa counter. "Ako na po ang magbabayad," ani Byron na hindi naman kaagad ginawa ng babae sa harap ng counter. Kaya naman inilabas na lang ni Byron ang card niya na bigay ng daddy niya. Iyon ang ipinapagamit nito sa kanya kung sakaling may nais siyang bilhin. Napasinghap naman ang babae ng makita ang pangalang nakalagay sa card. "Byron Clyde Vergara ITF Patrick Vergara," basa pa ng babae. "Ito po ang i.d. ko, wala pong iba school i.d. lang po ang meron ako," paliwanag ni Byron. Mabilis namang ni-punch ng cashier ang mga pinamili nila. Halos tig-iisang may kalakihang plastic ang lima. Tapos ay may bitbit pa silang lahat kasama si Byron na orange juice at tinapay. Iyon talaga ang pinaka meryenda na binili nila. Bumalik silang lahat sa may waiting shed kung saan naiwan ni Byron ang bag niya. Naabutan niya doon ang nag-aalala niyang sundo. At ang mommy niya. Halos takbuhin ni Patricia si Byron ng makita niya ito. Mangiyak-ngiyak pa nitong niyakap ang anak. "Baby naman eh. Saan ka ba nagpunta? Kanina pang narito ang sundo mo. Tinawagan lang ako ni Kuya Gibo na wala ka daw sa hintayan ninyo. Naroon lang ang bag mo. Bakit ba umalis ka ng hindi nagpapaalam?" nguyngoy ni Patricia sa anak. Nasa likuran lang naman ni Byron ang mga bagong kaibigan. "Mommy nagutom lang naman po ako. Tapos nakilala ko po sila." Ipinakilala ni Byron ang mga bagong kaibigan. Nakaramdam naman ng hiya ang lima. Lalo na ng mapansin nilang nakatingin ang mommy ni Byron sa plastic na bitbit nila. "Ikaw ang bumili noon para sa kanila?" tanong ng mommy niya. "Hindi po ba pwede?" tanong ni Byron na ikinailing ng mommy niya. "May gusto ka bang ibigay pa sa kanila?" Doon sinabi lahat ni Byron ang talagang nangyari sa pagbili nila ng mga chocolate, kendi ng kung anu-ano pa. At ang sana ay pagtanggi ng mga ito. "Okay ako nang bahala anak." Inutusan ni Patricia si Gibo para bumili ng mga bigas at mga pwedeng ulam para sa mga kaibigan ni Byron. "Ma'am sobra-sobra na po ito. Hindi po ba lumalabas na umaabuso na kami? Bagong kakilala lang naman po kami ni Byron. Isa pa, halatang sobrang yaman ninyo. Pero hindi po kami mapagsamantala," paliwanag ni Kian na ikinailing ni Patricia. "Masaya akong maging kaibigan kayo ng anak ko. Basta ipangako ninyong maging mabuting mga anak kayo sa mga magulang ninyo ha. Lahat ng hirap may katumbas na ginhawa basta magsisikap kayo," payo ni Patricia na kitang-kita nila ang pagliwanag ng mukha ng mga batang kaharap. "Marami pong salamat Ma'am Patricia. Sa iyo din Byron. Babawi kami sa iyo sa susunod," ani Kian bago tuluyang nagpaalam ang limang bata bitbit ang mga bigay ni Byron. Hinatid naman ni Kuya Gibo ang lima, lalo n at medyo mabigat ang ibinigay ni Patricia para sa pamilya ng bawat isa. Hindi maipaliwanag ni Byron ang saya na kanyang nararamdaman. Para tuloy siyang naiiyak. "Why baby?" "I'm so happy mommy. Parang ang sarap sa pakiramdam na makatulong. Parang alam ko na ang gusto ko sa susunod na birthday ko," makahulugang saad ni Byron. Napangiti na lang si Patricia. Mukhang alam na niya ang nais ng kanyang anak. Sa kislap ng mga mata ni Byron habang nakatingin sa papalayong mga bagong kaibigan ay masasabi niyang kaya talaga niyang basahin ang kilos at isipan ng anak. "I love you By." "I love you too mommy, pati na rin po kay daddy. Mahal na mahal ko po kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD