"A-ako po?" ulit pa ni Magdalene. Sinuri pa niya si Byron ng tingin.
Halos pangapusan naman ng hangin si Byron. Ilang beses pa siyang umiling ng tingnan niya ang dalaga, mata sa mata. Kasabay ng pagwagayway ng mga kamay niya. Na ang ibig sabihin ay mali ito ng pagkakaintindi sa sagot niya.
"Don't stare at me like that Dalene! That's not what I mean. I mean I'm not a picky one. Kahit anong lutuin mo ay kakainin ko. Hindi naman ako pihikan. Isa pa ang gustong kong iparating ay, ikaw. Ikaw kung anong gusto mong kainin ay ganoon din ang sa akin. Iyon lang naman ang ibig kong sabihin. At wala ng iba." Halos mawalan ng kulay si Byron sa pagpalaliwanag sa dalaga. Ewan ba niya kung bakit kinakabahan siya.
"Totoo po?"
"Yes! Bakit naman ako magsisinungaling," despensa pa ni Byron.
"Father relax, masyado kang tense. Nagulat lang naman po ako sa sagot mo. Pero huwag po kayong mag-alala, hindi naman ako malesyosang tao. Naiintindihan po kita."
"Sure? Bakit ka naman kasi sumagot ng gulat na gulat? Kahit ako ay nagulat din. Wala naman akong ibig sabihin sa sinagot ko. Tinanong mo ako kung ano ang gusto kong kainin. Sinagot kita ng ikaw," paliwanag ni Byron ng hindi na mapigilan ni Magdalene ang mapangiti.
"Ay tama na father ang paliwanag," nilapitan ni Magdalene si Byron at hinalalayang makapaglakad patungo sa bahay nito. Hawak ni Magdalene ang kamay ni Byron.
Habang si Byron ay sinundan na lang ng tingin ang magkahugpong nilang mga kamay. May init na hatid ang pagkakahawak ni Magdalene sa kanya. Parang gusto niya itong kabigin at yakapin. Ngunit iwinawaksi niya ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.
"Nga pala father may sasabin ako," ani Magdalene ng nasa tapat na sila ng bahay ni Byron.
"What is it Dalene?"
"Ano po kasi alam po ba ninyong, baka mamaya ay dahil sa sobrang gwapo mo. Sapian ako ng masamang elemento. Totohanin ko na iyang pagkain mo," ani Magdalene. Inalalayan pa niya si Byron hanggang sa makaupo ito sa tumba-tumba nito.
Wala namang imik si Byron at pinuproseso ang sinasabi ng dalaga sa kanya. Nang makaupo siya nagulat na lang siya ng biglang patakbong lumabas si Magdalene sa may teresa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Father, bakit ka ganyan? Ang sobrang inosente mo talaga," sigaw ni Magdalene habang patalikod na humahakbang.
"Anong sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Byron ng maintindihan na niya ang sinabi ni Magdalene bago pa siya makaupo kanina sa tumba-tumba. Lalo lang siyang nawindang sa sinabing iyon ng dalaga. "Dalene!" sigaw ni Byron na ikinatawa lang ni Magdalene.
"Magluluto na po ako doon sa ampunan," sigaw ni Magdalene at tuloy-tuloy lang sa paghakbang. "I love you Father By," dagdag pa ni Magdalene at kumaway sa kanya. Tumalikod na ito at mabilis ng hinayon ang papasok sa may ampunan.
Natigilan naman si Byron. Sanay naman siyang may nagsasabi sa kanya na mahal siya ng mga ito. Ang mommy at daddy niya. Kahit si Jarred na paminsan-minsan niyang pinapadalahan ng mensahe para makumusta ito at ang mahal nitong si Ella. Ay sa huling mensahe palagi ni Jarred ay may I love you father ito sa kanya. Natutuwa talaga siyang kahit nasa mahirap pa ring sitwasyon ang pinsan ay natuto ito sa buhay at nagpapakatatag.
Pero sa biglang sinabing iyon ni Magdalene sa kanya ay parang may kung anong damdamin na mas lalong nagbukas sa puso at isipan niyang hindi niya maipaliwanag. Sa katunayan ay natatakot siya sa nararamdaman. Ngunit dahil alam niyang mali ay pinipilit niyang iwasan na lalo pang umusbong ang damdaming iyon.
Ipinikit ni Byron ang mga mata at dinama ang dapya ng hangin sa kanyang balat. Ngunit bago pa siya makatulog sa pwesto niya ay nagpasya na siyang pumasok sa loob ng bahay para na rin makaligo.
Kalalabas lang ni Byron ng kwarto ng madatnan niya si Magdalene sa may salas. Nakaupo ito na wari mo ay kanina pang naiinip. Napatayo itong bigla ng makita siya.
"Ang tagal mo father. Naligo ka lang naman. Parang isang oras kang nagbabad sa banyo. Natulog ka po ba doon?" ani Magdalene na ikinasimangot ni Byron.
"Naligo lang talaga ako. Lalo na at holy water ang ipinambanlaw ko. Dahil may makulit akong dalaga na kasama dito."
Si Magdalene naman ang napasimangot. "Sus, paano naman po kasi, totoo naman pong gwapo kayo. Magpapakatotoo po ako ha. Kung hindi lang po talaga kayo pari baka ako pa ang nanligaw sa inyo. Hay naku. Pero bago pa po ninyo ako paliguan ng holy water. Ay tara na po at kumain. Nagluto na lang po ako ng adobo at itlog. Madami pong karne na pinamili ang mommy po ninyo. Sabi pa po ni tita huwag daw po kayong gugutumin at baka magkasakit kayo. Kaya tara na. Doon na po ako sa likod ng ampunan maghahayin. Masarap doong kumain, at presko ang hangin."
Nasundan na lang ni Byron ng tingin si Magdalene ng lumabas na ito ng bahay. Napangiti na lang siya. Sa tingin talaga niya ay kakaibang babae si Magdalene.
Nang una niya itong makita sa may daan ay napaka-fragile nito. Hanggang sa unti-unti na ring nasanay sa buhay nila sa monasteryo. At ngayon sa ugali ng dalaga na parang bata na masayahin at sinasabi ang kung ano mang nararamdaman ay natutuwa siya. Ang hindi lang maganda ay ang kasiyahang nararamdaman niya sa dalaga. Dahil iba ang epektong hatid noon sa puso niya.
Bago ba siya muling balikan ni Magdalene ay sumunod na rin siya sa dalaga. Naabutan niya itong nagsasalin ng tubig sa baso. May laman na ring sinangag ang pinggan nilang dalawa.
Napangiti na lang siya sa pagiging maalaga ng dalaga. Ipagdarasal niyang sana pagdating ng araw at aalis na ito sa lugar na iyon ay makahanap ito ng mabuting magiging kabiyak na magiging katuwang nito sa habang-buhay.
Nakaramdam siya sa isiping mag-aasawa na ito. Ngunit mas matatanggap niyang magkakaroon ito ng mabuting mapapangasawa na aalagaan ang dalaga at mamahalin ito ng buong puso hanggang sa huli.
"Father kain na. Sana ay magustuhan mo. Adobo at fried rice lang ang niluto ko, at nilabong itlog ha."
"Salamat sa pagkain," sagot ni Byron.
Tahimik lang silang kumain. Sa katunayan ay napakaraming sinangag ang niluto ni Magdalene. Madami silang bahaw na kanin sa nagdaang gabi. Ganoon din ang adobo. Pwede naman sana niya iyong kainin sa tanghalian at sa hapunan. Habang si Father Byron na lang ang ipagsasaing niya. At ang adobo iinitin na lang niya. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa ni Byron ng sa tahimik nilang pagkain ay naubos nilang lahat ang pagkaing inihanda niya. Ang anim na pirasong nilabong itlog, ang isang kilong karne na inadobo niya at ang sinangag na kasya sa anim na katao na may tig dadalawang tasa ng kanin.
Hindi napigilan ni Magdalene ang malakas na mapadighay dahil sa kabusugan. Kaya naman hindi na rin napigilan ni Byron ang matawa.
"Father," sita niya na ikinangiti nito.
"Huwag mong sabihin na nahihiya ka pa sa akin. Ako man ay hindi ko akalaing makakakain ako ng ganoong kadami. Hindi ko alam kung dahil napakasarap ba ng luto mo. O dahil masaya akong hindi ako nag-iisa ngayon. Isa pa maraming salamat dahil pinili mo akong samahan dito. Kahit naroon sila kasama ng mga bata at nag-eenjoy sa pamamasyal."
"Father sa totoo niyan, wala po akong hilig sa pamamasyal. Noong kasama ko pa ang inay ko, nagiging tahimik lang po ang bahay namin pag-umalis ang Tiyo Arnulfo. At masayang-masaya na po ako doon. Walang sisigaw, walang mananakit sa amin ng inay. Iyon po ang kalayaan ko. At kahit po asin at tubig lang po ang ulam namin sa kanin ng inay, ay nadami po akong nakakain at kontento po ako doon. Masaya na ako sa ganoon. Kaya marami pong salamat na kunupkop ninyo ako dito. Kahit hindi ako nababagay dito. Lalo na at kahit hindi man natuloy, babaeng bayaran pa rin po ako."
"Dalene halika," tawag ni Byron sa dalaga. Hindi talaga maiiwasan na sa isang masayang pag-uusap ay biglang may mapapag-usapang nakakalungkot na bagay.
"Father," ani Magdalene ng makaupo siya sa tapat ni Byron. Magkaharapan na sila ng pari. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pumikit.
Kitang-kita lalo ni Magdalene ang gwapong mukha ng paring kaharap. Ngayon lang niya ito natitigan ng ganoong kalapit. Mas gwapo ito sa ganoong anggulo. Ang mapulang labi nito. Kung hindi lang siguro pari ito ay inilapat na niya ang labi niya sa labi nito. "Nakakatuyo ng lalamunan," anas pa ni Magdalene sa isipan at ilang beses pa siyang napalunok.
"F-father," tawag muli ni Magdalene.
"Magdalene, hindi ko alam kung paano aalisin ang masasamang bagay na pinagdaanan mo. Pero sana ngayong narito ka ay maging masaya ka dito. Tulad ng palagi kong sinasabi sa iyo kami na ang bago mong pamilya. Sana ay masaya ka sa amin. Palagi kong ipagdarasal na maging masaya ka mula ngayon. Hanggang sa habang buhay."
Ilang minuto pang nakapikit si Byron. Umuusal ito ng panalangin para sa kanya. Hindi na napigilan lalo ng Magdalene ang maluha. Masaya talaga siya sobra.
Pagmulat ni Byron ng mga mata ay nakita niya ang lumuluhang mga mata ni Magdalene na nakangiti sa kanya.
"Umiiyak ka na naman," malambing nitong saad. "Tahan na, narito lang ako para sa iyo. Kaming lahat."
Ilang beses pang tumango si Magdalene. "Masaya lang po talaga ako. Totoo," nakangiti pa niyang sagot.
Ibinaba ni Byron ang kamay ni Magdalene na hawak niya. May kung anong nag-uudyok sa isipan niyang hawakan ang pisngi ng dalaga.
Sapo niya ang magkabilang pisngi nito at pinalis niya ang mga luha nitong bumabagsak doon.
"Napakaganda mo," ani Byron na ikinalunok ni Magdalene.
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Kahit ganoong parang gustong lumabas ng puso niya ay hindi naman niya maiipagkaila na gustong-gusto niya ang pwesto nila.
"F-fa---." Hindi natuloy ni Magdalene ang sasabihin ng unti-unting inilapit ni Byron ang mukha nito sa kanya.
Naipikit na lang niya ang mga mata. Mas lalong nagregudon ang puso niya ng maramdaman niya ang init ng hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. Napigilan tuloy niya ang huminga. Pareho naman sila ng kinain. Pero ang hininga ng paring kaharap ay ang sarap pa ring amoyin at ang fresh lang din.
Ngunit ilang segundo na siyang nakapikit ay wala man lang lumapat na labi sa labi niya. Kaya naman dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. Napanguso na lang siyang hindi pala sa labi niya ang halik na iyon sa noo pala niya.
Matapos ang halik na iyon ay inilayo na ni Byron ang sarili sa kanya. Nakangiti pa ito habang nais talaga niyang simangutan ito.
"Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" malambing nitong tanong na ikinalunok ni Magdalene.
Napahabol talaga siya ng tingin sa malambot nitong labi. "Akala ko naman kasi talaga sa labi ko na lalapat ang labi niya," napahugot na lang si Magdalene ng hangin. "Si father talaga paasa. Labi na naging noo pa," anas niya sa isipan. At hindi na rin niya napigilan ang napangiti.
"Bakit?"
"Wala po, salamat po ulit. Maayos na po ang pakiramdam ko. Salamat po sa inyo. Sige na po father magdadayag na ako. Mamaya na lang po ulit tanghalian. Tatawagin ko na lang po kayo," ani Magdalene at mabilis na tumayo sa kinauupuan at sinimulang ligpitin ang kanilang pinagkainan.
"Sigurado ka?"
"Mas mas sigurado po ako kung labi ko talaga ang hinalikan ninyo," nakangusong saad ni Magdalene habang ipinagpapatuloy ang ginagawa.
"Anong sinabi mo?" nakakunot noong tanong ni Byron.
"Sabi ko po, mamaya father pahinging holy water, ipanghahaplas ko lang po sa masakit na parte ng katawan ko." Napatango na lang si Byron bilang sagot.
Napailing na lang si Magdalene ng magpaalam na si Father Byron sa kanya. Na magpapahinga muna ito sa bahay nito.
Nasundan na lang ni Magdalene ng tanaw ang binata na papalayo sa pwesto niya. "Napakapaasa naman talaga ni father. Literal na father eh. Halikan ba naman ako sa noo. Pwede namang ang isa ay sa labi ko. Aba nakakadalawa na iyon sa araw na ito. Ay mali kasisimula pa lang pala ng araw. Sabagay ilang beses ba akong nagdrama. Nakadalawa ka rin Magdalene. Kaya dalawang beses ding ipinadama sa iyo na hindi ka nag-iisa," aniya.
Sumagap siya ng hangin. Totoong mula ng makasama nila ng ina ang Tiyo Arnulfo niya. Ngayon lang ulit siya naging masaya. Totoong masaya.
Pakanta-kanta na lang si Magdalene at masayang ipinagpatuloy ang ginagawa.