"Ang ganda ng sikat ng araw," nasambit ni Byron ng makalipas ang magdamag na pag-ulan ay magandang sikat ng araw ang bumungad sa kanya. Lumabas siya sa nagsisilbi niyang tahanan. Nagtungo siya sa ilog para maligo. Kung titingnan ay tulad siya ng isang batang doon ay nagtampisaw. Magaan ang kayang pakiramdam tuwing nagbababad siya sa ilog na iyon. Parang inaanod noon ang lahat ng kanyang isipin at problema. Nakatingin lang siya sa kawalan ng bigla na lang siyang maubo at ilang beses na humatsing. "Hindi naman ako gaanong nagbababad sa ilog eh. Bakit ganito naman ang pakiramdam." Parang bata pa niyang usal at hindi pinansin ang ubo at sipon na iniinda. Ilang beses pa siyang napahatsing at napasinghot. Patuloy lang ang buhay. Pinipilit niyang ngumiti kahit mag-isa. Iiyak at matutulala haba