Nakaupo lang si Magdalene sa labas ng bahay. Nakatingin siya sa magandang sikat ng araw. Isang linggo na rin mula ng puntahan siya ng mag-asawang Patricia at Patrick para kombinsehin na doon na lang siya sa bahay ng mga ito tumira. Ngunit hindi siya pumayag. Hanggat hindi nakikita si Byron ay mas gugustuhin pa rin niya ang mag-isa. Wala pa ring nakakaalam kung nasaan si Byron. Kaya mas labis ang kanyang pag-aalala. Naalala na naman niya ang naramdaman niya kagabi. Sa sobrang sama, parang mawawalan siya ng ulirat. Bigla na lang sumakit ang kanyang dibdib habang madilim ang langit at malakas ang ulan. Pati ang kanyang puson ay may kung anong hindi maipaliwanag na pakiramdam. Para iyong pinipiga sa sakit at natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanyang anak. Ngunit hindi siya makahingi ng