Chapter 12

1969 Words
Hapahugot ng malalim na paghinga si Byron ng makalabas siya ng bahay. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Lalo lang bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. "Wala namang kakaiba kay Dalene. Maliban sa nagandahan talaga ako sa kanya sa unang tingin ko lang sa kanya. Wala naman sigurong masama na maka-appreciate ako ng ganda ng isang babae. Lalo na at tao pa rin naman ako. Ngunit bakit ganoon? Para akong kinakabahan pagkaharap ko siya?" nagtataka niyang tanong sa sarili. Naupo muna saglit si Byron sa upuan sa may teresa. Hindi rin naman niya alam kung ano iyong kanyang nararamdaman. Alas sais na ng umaga at maliwanag ng talaga. Lumabas na sa kanya-kanyang tinutuluyan sina Mother Ofel, Sister Vans at Sister Mary. Ang mga bata ay nagsisimula na ring lumabas sa bahay na tinutuluyan ng mga ito. Nang makita nila si Byron na tahimik lang at nakaupo lang sa may teresa ng bahay nito ay nilapitan ito ng tatlong madre at binati. Nagkatinginan pa ang tatlo na wari mo ay hindi sila narinig ng pari. Ilang sandali pa at lumabas na rin si Manang Claire para tawagin silang lahat at kakain na. Binati ni manang ang mga madre, ganoon din si Byron na hindi pa rin sila napapansin. "Manang anong nangyayari kay Father Byron?" tanong ni Mother Ofel. Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng bahay ni Byron at iniluwa ang isang magandang babae na bagong ligo. Suot ang daster na medyo may kalakihan dito. Sabay-sabay pang Napasinghap ang tatlo. "Sino siya?" gulat na tanong ni Sister Vans. Natigilan naman si Magdalene. Oo nga at maayos na ang pakiramdam niya. Pati ang suot niyang damit ay hindi na mababakas na galing siyang club sa nagdaang gabi. Pero sa nakikita niyang tatlong madre. Kasama pa ang isang pare na nakaupo sa may silya doon. Ay parang gusto na lang niyang panawan ng ulirat sa hiya. "Sino ka?" tanong ni Sister Mary sa mahinahong tinig. Doon lang parang bumalik sa huwisyo si Byron. Nagulat pa siyang naroon na sa labas sina Mother Ofel, at si Manang Claire. Nasundan na rin niya ng tingin ang tinitingnan ng mga ito na nasa kanyang tabihan. "B-bakit may babaeng l-lumabas sa iyong tahanan Father Byron?" naguguluhang tanong ni Mother Ofel na ikinabuntonghininga niya. "Maupo ka," ani Byron kay Magdalene ng hilahin nito ang isang upuan malapit kay Byron at dumistansya ito ng ilang dipa mula sa pari. Ipinakilala din siya ni Byron sa mga naroroon. Sinimulang ikwento ni Byron ang pagtatagpo nilang dalawa. Nahiya siyang bigla ng aminin ng pari ang mga sinabi niya dito. Nagsalita din si manang sa pagkakakita niya kay Byron na natutulog sa labas na iyon. Habang si Magdalene ay sumasagot sa ilang katanungan. Matapos aminin ni Magdalene kung saan siya galing ay hindi na niya napigilan ang mapayuko sa sobrang kahihiyan. Napaiyak na rin siya habang naaalala ang kanyang mga pinagdaanan. Sa ngayon nagpapasalamat siyang nakaligtas siya sa mga taong humahabol sa kanya. Ngunit sa susunod, hindi na niya alam kung saan pa siya magtutungo para makapagtago. Nagulat na lang si Magdalene ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya. Napatigil siya bigla ng pag-iyak ng maramdaman niya ang init ng yakap nito. "Pwede ka ditong manatili hija. Bukas ang monasteryo para sa mga nangangailangan na tulad mo," malambing na saad ni Mother Ofel na lalong ikinaiyak ni Magdalene. "Ngunit hindi ko po kayang madamay kayo sa gulo ng buhay ko. Alam ko pong hindi sila basta-basta. Mahalaga lang po sa kanila ay pera. Ayaw ko pong mapahamak kayo pati na rin ang mga batang naririto ng dahil lang sa akin. Hindi ko po kaya," pagtanggi ni Magdalene. Napahawak bigla si Byron sa dibdib niya sa tapat ng kanyang puso. Hindi niya talaga malaman ang sariling pakiramdam. Para tuloy may pumipiga sa puso niya sa nakikita niyang takot, at pag-aalinlangan sa mukha ni Magdalene. "Don't worry Dalene. Ako na ang bahala. Hindi ko hahayaang makuha ka nila dito. Kitang-kita ko sa iyo na ayaw mo sa ipinapagawa nila. Wala silang karapanatan na magmanipula ng isang hamak na babae na walang kalaban-laban," may paninindigang saad ni Byron. "Ngunit," napahugot siya ng hininga. "Para makabawi sila sa perang binitawan nila, dapat kapalit pa rin noon ay pera. Iyon ang bagay na wala ako," pag-amin ni Magdalene kaya lalo lang siyang naiyak. Mas hinigpitan naman ni Mother Ofel ang pagkakayakap sa dalaga. "Trust me, ako nang bahala," kumpiyansang saad ni Byron. Hindi na naman nagsalita si Mother Ofel. Napatingin lang si Magdalene sa madreng nakayakap sa kanya. Ganoon din sa iba pang nakaharap sa kanila. Nakikita niya sa mukha ng mga ito ang katagang magtiwala lang siya sa sinasabi ni Byron. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. "Salamat po, marami pong salamat," paulit-ulit na lang niyang sambit sa pagitan ng kanyang pag-iyak. Kahit nagtitiwala siya ay nag-aalinlangan pa rin siya. Lalo na at pera ang usapan. Pera lang kung tutuusin. Ngunit ang pera lang na iyon ay wala siya kahit isang kusing. Nang mahimasmasan si Magdalene ay hinawakan ni Mother Ofel ang kanyang pisngi. Nakita niya ang nakangiting madre. Napakagaan ng loob niya dito, ngunit hindi lang dito. Ganoon din sa ilan pa nilang kasama. Lalo na kay Father Byron. "Ikaw yata ang hinihintay ng isang bahay na iyon." Itinuro ni Mother Ofel ang isa sa apat na magkakatabing bahay. Iyon ang huli sa apat na bahay. Malapit sa bahay na iyon ang bahay ni Father Byron. "Bakante iyon, ngunit may mga gamit. Para yata talaga sa iyo iyon, nakalaan," ani Mother Ofel na hindi niya mapaniwalaan. "Talaga po?" "Oo nga Magdalene. Welcome ka dito," ani Sister Vans na nakangiti sa kanya. "Isa pa, mas madami mas masaya. May makakasama din si Manang Claire sa mga gawain dito. Kung ayos lang sa iyo," dadag pa ni Sister Mary na ilang beses niyang ikinatango. "Marunong po ako sa gawaing bahay at masipag po ako. Noon nga po ay nakakaranas pa ako ng pambubugbog, at kahit may sakit ako hindi pwedeng magpahinga. Kaya po hayaan po ninyong tutulungan ko po si Manang Claire sa lahat ng gawain dito. Marunong po akong magtahi kahit sa kamay at walang makina. Pwede ko po iyong ituro sa mga bata pag wala ng gawain," masayang saad ni Magdalene na kaya naman napapalakpak pa si Sister Vans at Sister Mary. "Mabuti naman, hindi talaga ako marunong manahi," ani Sister Mary na ikinatawa lang nila. "Ay s'ya tayo ay magtungo na roon sa likod at nakahayin na ang almusal. Si Juan lang ang naiwan doon at siguradong naroon na rin ang mga bata at naghihintay na sa atin. Sa likod na ako naghanda at maganda naman ang sikat ng araw," sabat pa ni Manang Claire at nagsimula ng maglakad ang iba. Naiwan si Magdalene at Byron sa pwesto ng mga ito. Nabalot sila ng saglit na katahimikan. Tumayo na si Byron at inilahad ang kamay kay Magdalene. "Tara na, sumunod na tayo sa kanila at siguradong nagugutom ka na rin." Tinanggap ni Magdalene ang kamay ni Byron. Ngunit sabay din nilang binawi ang kamay ng isa't isa. "Ah-eh, thank you po sa pagtanggap ninyo sa akin dito," nahihiya pang saad ni Magdalene. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang kanina lang ay naramdaman niya. Kakaiba talaga ang bagay na iyon. Sa lahat ng lalaking nakasalamuha niya, nakahawak at humaplos sa kanya. Sa kamay lang ni Byron siya nakaramdam ng kakaiba. Ang masaklap hindi naman sila pwede sa isa't isa. "Wala iyon, isa pa. Huwag mo ng isipin ang problema mo sa club na iyon. Ako na ang bahala." "Pero hindi naman ganoong kadali iyon. Malaking pera iyon at ilang milyon. Sino naman ang mag-aaksaya ng ganoong kalaking pera, para lang magbayad at hindi na ako guluhin ng nagbayad para bilhin ang isang gabi ko, at para bayaran ng ilang beses ang pagkakabenta sa akin?" nanlulumong saad pa ni Magdalene. "Ako," maikling saad ni Byron na ikinagulat ni Magdalene. "Ha?" naguguluhan niyang saad na ikinangiti lang ni Byron. "Tara na. Nagugutom na rin ako. Ngayon ko lang naalala na hindi na rin pala ako nakakain ng hapunan kagabi sa labis na pag-aalala ko mula pa sa nangyari kahapon ng umaga, hanggang sa matagpuan kita kagabi," ani Byron at wari mo ay sadyang hindi na pinansin ang pagtataka niya. Nasundan na lang ni Magdalene ng tingin si Byron. Naguguluhan siya sa bawat salita nitong ito na ang mismong bahala sa kanya. Hindi nga siya pala simba, lalo na ng makulong siya sa club ni Madam Matilda. Ngunit alam din niyang hindi naman ganoong kayaman ang mga taong simbahan. Oo may nagdodonate ngunit hindi niya mapapayagang ng dahil sa kanya ay pagkagastusan pa siya ng mabait na pari na iyon. "Bahala na, kakausapin ko na lang ulit siya." Bigla tuloy siyang napatayo sa kinauupuan ng mapansing siya na lang ang natitira doon. Sa likod bahay ay naabutan niya ang mga batang nakahanay sa hugasan ng kamay at ang iba naman ay nakaupo na sa may lamesa. "Maupo ka na dito Magdalene," aya ni Sister Vans sa kanya sa tabi nito. Sumunod na lang siya. Pagkaupo niya doon ay ipinakilala din siya nina Sister Vans sa mga bata. Parang gusto niyang maiyak sa tuwa na kanyang nararamdaman. Magulo ang mga bata. May kanya-kanyang ingay. May iba-ibang kwento siyang naririnig, ngunit masarap sa kanyang pandinig. Ibang-iba sa naging buhay niya. Ang ingay na naririnig niya ay puro na lang sigawan at puno ng pagbabanta. Ingay ng mga taong hayok sa laman at puno pagnanasa. Maingay na nakakatakot, iyon ang kinalakihan niya. Ngunit ngayon sobrang sarap sa pakiramdam ng ingay na kanyang naririnig. Parang gusto na naman niyang maiyak. "Magdalene," utag sa kanya ni Sister Mary. Hindi niya napansin na nakatingin pala ito sa kanya. "May problema ba?" "Wala po sister. Sa totoo niyan, itong puso ko, at ang mga mata ko, iisa ang nararamdaman. Sobrang saya po ng pakiramdam ko. Maiingay po ang mga bata. Na masasabi ko pong nagugustuhan ko. Noon po kasi ay basta makarinig ako ng ingay natatakot na po ako. Dahil alam ko kasunod noon masasaktan na ako. Ngayon, pakiramdam ko bata ulit ako. At parang gusto kong sabayan ang mga bata sa kaingayan nila." Natawa naman si Sister Mary at Sister Vans sa narinig nila kay Magdalene. Pero naroon din ang awa. Sa edad nito dapat ay masaya lang ito at binabalikan na lang ang masayang pinagdaanan sa buhay. Pero base sa kwento nito. Naging masaya lang si Magdalene noong panahong bago pumanaw ang ama. "Hindi pa huli ang lahat para maging masaya. Bata ka pa at maaari mong maranasan ang kasiyahang hindi mo naranasan noon. Narito lang kaming lahat para sa iyo. Ngayon kami na ang pamilya mo," masayang saad ni Mother Ofel na hindi nila alam na nakikinig pala sa kanila. Napangiti na lang si Magdalene. Sa dami ng kanyang pinagdaanan, sinong makakapagsabing mapupunta siya sa lugar na iyon. Ang lugar na nagbigay sa kanya ng kapayapaan sa mga oras na iyon. Masayang nakikipagkwentuhan si Magdalene sina Sister Vans, Sister Mary, Mother Ofel, at sa mag-asawang Claire at Juan. Nasa kabilang mesa naman ang mga bata. Sa unang pagkakataon sa buhay ni Magdalene, nakaramdam siya ng labis na kapayapaan kasama ang mga taong nakapaligid sa kanya ngayon. Ang mga ngiti sa labi niya ay totoo at walang halong pagkukunwari. "Salamat po sa pagtaggap sa akin. Sa kabila na hindi po karapat-dapat dito. Ay narito pa rin ako at hindi niyo hinusgahan." Nagpalitan pa ng magaganda at mabubuting salita ang mga kasama ni Magdalene sa hapag. Dahilan para lalo lang siyang mapanatag. Walang ni isang nakapansin sa katahimikan ni Byron. Busy ang lahat sa kani-kanilang sinasabi. Hindi na kasi magawang makapagsalita ni Byron. Dahil hindi rin niya kayang sabayan ng salita ang pintig ng kanyang puso. Sa bilis noon ay hindi na yata kayang ipaliwanag ang tunay na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD