Chapter 22

2322 Words
Nasa loob lang ng kanyang silid si Byron. Gabi na at ang oras na iyon ay dapat inilalaan niya sa kanyang pagdarasal. Marami siyang kailangang ihingi ng tawad. Lalo na at ang puso niya ay labis na naguguluhan. Alam niyang wala namang dapat magpagulo, ngunit hindi ganoon ang kanyang nararamdaman. Ang isang oras niyang dapat ay taimtim na panalangin ay naging isang oras ng pagmumuni-muni. Hanggang sa napilitan na siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Ilang minuto pa ang kanyang pinalipas bago niya napagpasyahang lumabas ng silid. Naroon sa kusina ang mommy niya. Ang daddy naman niya ay nakaupo sa may salas at hawak nito ang cellphone nito. "Daddy," tawag niya sa ama at nakangiting nilingon siya. "Trabaho lang anak. Ngunit patapos na rin naman. Pagkatapos ay kakain na tayo. Nagluluto na ang mommy mo." Matapos magpaalam sa ama ay tinungo niya ang ina. Naupo siya sa isang upuan doon. Masaya siyang kahit matagal na siyang hindi umuuwi sa bahay nila ay ang mommy at daddy niya ang nagtutungo sa monasteryo para puntahan siya. "Mommy," tawag niya sa nakatalikod na ina. "Oh! Bakit anak? May request ka ba na pagkain?" tanong ni Patricia na ikinailing lang ni Byron. "Wala po." Napakunot noo si Patricia. Bilang isang ina ay nararamdaman niyang may gumugulo sa isipan ng anak. "Gusto mo bang pag-usapan iyan anak? Higit sa lahat mula noon hanggang ngayon ay ako pa rin ang iyong ina at ikaw ay anak ko habang-buhay. Kaya huwag kang mahihiya na magsabi sa akin. Una sa lahat. Sa lahat ng kung ano mang gumugulo sa isipan mo ay walang ibang una at labis na makakaunawa at makakaintindi sa iyo kundi ako na iyong ina." "At ako na iyong ama," sabat ni Patrick mula sa likuran niya. "Mommy, daddy," sambit niya. "Matanda na po ako sa bagay na ito. Pero hindi ko po alam na sa hinaba-haba ng panahon ngayon pa po ako magkaganito. Hindi ko po alam kung paano, o ano ang gagawin ko." "Anak, wala sa edad o kung ano pa man ang problema. Kasi darating at darating talaga iyan sa buhay ng tao. Kung ikaw ay mula bata hanggang sa pagtanda mo ay walang problema. Napakaswerte mo. Pero ang totoong maswerte ay iyong malalampasan at mapaglalabanan mo ang problema mo." "Tama ang daddy mo anak. Kung ano ang gumugulo sa iyo ay sabihin mo sa amin ng daddy mo. Huwag mong isipin na pari ka kaya dapat wala kang problema. Hindi ganoon anak. Hindi mo lang napapansin Byron, ngunit dahil sa akin ka nanggaling ako ang nagdala sa iyo ng siyam na buwan sa aking sinapupunan. Kaya kahit itago mo iyang nararamdaman mo. Ay mararamdaman kong may mali sa iyo." Napayuko si Byron sa sinabing iyon ng mommy niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang nais niyang ihingi ng payo. Hirap na hirap siyang ibuka ang bibig para lang aminin ang nagpapagulo sa kanyang isipan. Naramdaman na lang ni Byron ang pagtapik ng mommy at daddy niya sa balikat niya kaya naman napatunghay siya sa mga ito. "Huwag mong pilitin ang sarili mo anak para lang masabi sa amin ng daddy mo ang gumugulo sa isipan mo. May tamang oras para dyan. At sa oras na iyon, kusa na lang lalabas sa iyo ang mga katagang hindi lumabas sa bibig mo. May tamang oras ang lahat anak. Kaya huwag mo pilitin ang sarili mo sa ngayon. Tapos na rin naman akong magluto, ay kumain na tayo," ani Patricia at nagsimula na ring maghayin. Wala silang pinag-usapan sa hapag ng tungkol kay Byron. Lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol lang sa kompanya nila at sa mga charity na nabibigyan nila ng donasyon. Masaya si Byron sa naririnig sa mga magulang at ang taos pusong pagpapasalamat ng mga taong nabigyan nila ng tulong. Matapos kumain ay si Patricia na ang nagpresentang magdayag ng kanilang pinagkainan at kanyang pinaglutuan. Si Patrick naman ay bumalik sa salas, ng makatanggap ng tawag mula sa kompanya kahit gabi na. Lumabas naman muna si Byron at naupo sa kanyang tumba-tumba. Nakatingin lang siya sa malawak at madilim na kalangitan. Ngunit may kaunting liwanag na gawa ng sinag ng buwan. Naroon ang mga bituwing kumukislap at nagbibigay sa kanya ng kapayapaan. Malamig ang dapya ng hangin. Nararamdaman niyang kakaiba ang lamig noon. Napakunot noo si Byron. Ngayon lang niya muling naramdaman ang lamig ng hangin na ganoon kahit maaliwalas ang kalangitan. "May nagbabadya bang sama ng panahon?" naitanong na lang ni Byron sa sarili. Wala siyang telebisyon para manood ng mga balita. Isa iyon sa mga iniwasan niya. Mabuti sana kung ang mga balita ay tungkol sa mga magagandang nangyayari sa bansa. Ngunit ang kung anu-anong krimen lang ang mababalita niya ay hindi na siya nagpalagay ng t.v. doon. Ang may t.v. sa monasteryo ay ang ampunan. Para naman makapanood ang mga bata. At sa silid ng mag-asawang Claire at Juan. Sa bahay naman ng tatlong madre at ni Magdalene ay wala. Nais sana niyang palagyan ang bahay ng dalaga ngunit ayaw nito. Hindi rin naman daw ito sanay doon. Wala din daw t.v. ang mga ito noon sa bahay. Kinuha ni Byron ang balabal na nakapatong sa likuran ng tumba-tumba at ibinalot sa katawan. Kahit ang dapya ng hangin ay nagbabadya ng sama ng panahon ay masarap sa balat ang dalang lamig nito. Ayaw lang niyang magkaskit kaya naman binalot niya ang sarili. Habang nakatingin si Byron sa kawalan ay nakangiti naman siyang pinagmamasdan ni Magdalene mula sa bintana sa loob ng bahay. Wala naman sa isip ni Magdalene na lalabas pa sa teresa nito si Father Byron. Naroon lang talaga siya sa may bintana para magpaantok. Tapos na rin siyang kumain noon, kasabay ang mga bata sa ampunan. Pagbalik niya at natapos na siya sa ginagawa ay naupo siya sa may bintana. Tinted iyon ngunit nakikita niya ang labas. Kaya naman ngayon ay malaya niyang napapagmasdan ang pari mula sa pwesto niya. Ilang sandali pa at nakita niya ang paglabas ng mommy ni Byron at itinuturo ang labas. Sa tingin niya ay dahil sa malamig nga ang hangin sa labas. Tumingin pa ang pari sa pwesto niya. Saktong-saktong nagtama ang kanilang mga mata at ngumiti ito ng ubod tamis. Napahawak si Magdalene sa dibdib niya. Sobrang bilis ng kabog noon. Kung hindi lang niya alam na hindi siya nito nakikita ay iisipin niyang nakipagtitigan talaga sa kanya si Father Byron. "F-father, bakit ganyan ka sa akin?" bulong ni Magdalene ng pumasok na rin ito sa loob kasunod ng Mommy Patricia nito. Tumayo na rin si Magdalene mula sa kinauupuan. Hinayon na rin niya ang sariling kama. Para mahiga at gumawa na rin ng tulog. Samantala pagkapasok ni Byron sa loob ng bahay ay naupo siya sa sofa kung saan siya matutulog. Naroon na rin ang unan at kumot na ginagamit niya pag doon matutulog ang mga magulang. Habang nakaupo ay inabutan siya ng mommy niya ng kape, ganoon din ang daddy niya. "Salamat mahal," ani Patrick at hinalikan ang asawa sa pisngi. Nakatitig lang si Byron sa mga magulang. Ngunit bigla siyang napailing dahil hindi mukha ng mga magulang ang dumaan sa kanyang balintataw. It was him with her. "Anak ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Patricia nang lapitan nito ang anak. Natahimik lang si Byron hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang simpleng tanong ng ina. "I don't know mommy. But I have a question." "Ano iyon anak?" "How do you two find out that you love each other?" Nagkatinginan ang mag-asawa. Umayos ng upo si Patrick at tumabi naman si Patricia sa anak. Hanggang sa hinawakan ni Patricia ang kamay ni Byron. "Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat anak. Basta nagising na lang ako mahal ko na ang daddy mo." "How about you daddy?" "Siguro ang maisasagot ko lang sa bagay na iyan ay iyong, the first time I lay my eyes on her, sa mommy mo. Bumilis ang t***k ng puso ko," nakangiting paliwanag ni Patrick na wari mo ay inaalala pa ang nakaraan. "Sa pamamagitan po ba noon, malalaman mo ng mahal mo na kaagad ang isang tao? Hindi po ba dapat matagal na kayong magkakilala bago po ninyo masabing mahal ninyo ang isa't isa." Sabay namang umiling si Patricia at Patrick bilang sagot. "Anak, ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal ng panahon. Always remember this, Clyde. It only takes a second to fall in love to the right person," sagot ng daddy niya. "How? Paano pong with a blink of an eye, mafe-feel na po ang love? Is that possible?" "Oo anak. Tama ang daddy mo, Byron. Wala sa tagal o ikili ng pagkakakilanlan ng isa't isa, para masabi mong love nga ang nararamdaman mo. Kundi sa sparks na sinasabi. Mararamdaman mo iyon sa unang beses pa lang ng pagtama ng paningin mo sa kanya may kakaibang damdamin na siyang ipinaparamdam sa iyo na hindi mo nararamdaman sa iba. Hindi mahirap maunawaan ang sinasabi namin ng daddy mo sa iyo sana. Pero kung sarado ang puso mo sa bagay na iyon ay kahit anong paliwanag ang sabihin namin. Hindi mo mauunawaan ang lahat ng sinasabi namin." Dahan-dahang iniyuko ni Byron ang ulo at nagsimulang magtaas baba ang kanyang mga balikat. Nagkatinginan namang bigla ang mag-asawa. Sa buong buhay nila ay hindi nila nakitang nagkaganoon ang anak. Malakas ang loob ni Byron kahit sabihing bilang lalaki ay napakapino nitong kumilos at hindi maharas magsalita. Kahit masaktan ito ay hindi ito basta umiiyak kahit madapa o masugatan. Inaamin na masakit ang sugat at ngumingiwi pag masakit ngunit hindi umiiyak ng tulad ngayon. Niyakap ni Patricia ang anak, habang hinahaplos ang likuran ni Byron. Si Patrick naman ay hinawakan ang kamay ng anak at marahang pinipisil. Kailangan maramdaman ni Byron na hindi ito nag-iisa. Sa lahat ng parte ng buhay nito ay naroon lang sila bilang magulang ng binata. Wala pa ring tigil sa pag-iyak ang anak. Matatag ang kanilang si Byron. Pero sa kanilang nakikita ngayon ay napaka-fragile ng anak. Hinayaan lang nilang umiyak ito nang umiyak hanggang sa kaya na nitong kalmahin ang sarili. "Anak, hindi ko itatanong kung ayos ka na. Ngunit gusto kong sabihin mo kay mommy ang problema. Narito lang kami ng daddy mo para sa iyo anak. Hindi ka namin pababayaan kailan man. "M-mommy, d-daddy," simula ni Byron sa pagitan ng paghikbi. "Mommy alam ko pong mali, pero---." Lalo lang umiyak si Byron. Para itong batang labis na nasasakyan. Hindi na nila alam kung paano ito kakalmahin. "Pero ano anak? Mahal mo si Magdalene," hindi na napigilang saad ni Patricia. Sa ikinikilos pa lang ng anak ay alam na nila ni Patrick ang nararamdaman nito. Ngunit mas gusto pa rin nilang mag-asawa ang kompirmasyong iyon mula sa anak. Hindi nagsalita si Byron. Ngunit mula sa pagkakayakap nito ay naramdaman ni Patricia ang pagtango ng anak. "Mommy, daddy," umiiyak pa ring tawag ni Byron sa mga magulang. "Itatakwil po ba ninyo ako?" tanong ni Byron sa gitna ng kanyang paghikbi. "Walang ganoon anak. Naiintindihan ka namin. Kahit anong mangyari ikaw lang ang nag-iisang si Byron ko. Si Byron namin ng daddy mo. Walang sino mang makakapagpabago noon. Hindi ka masama anak. Walang masama sa pagmamahal. Ang masama ay ang hindi mo iyon tanggapin sa sarili mo. Hanggang sa kimkimin mo. Anak pakinggan mo ang puso mo," payo pa ng mommy niya. "Be strong Clyde. Malaki ka na at alam mo ang tama o mali. Hindi ibibigay ng Panginoon sa iyo ang pagsubok na iyan kung alam niyang hindi mo kakayanin. Walang masamang magmahal anak. Ang kailangan lang ay tanggapin mo sa sarili mo ang kapalarang laan sa iyo." Hindi malaman ni Patricia at Patrick kung talagang nauunawaan ng anak ang sinasabi nila. Hindi na ito sumagot. Tumango na lang ito nang tumango sa pagitan ng pag-iyak nito. Hanggang sa maramdaman na lang ni Patricia ang pantay na paghinga ng anak. "Mahal pakitulungan mo naman ako. Iaayos na natin ng higa si Byron. Nakatulog na," ani Patricia ay mabilis na inalalayan ni Patrick ang anak. "Hay Clyde, kung kailan tumanda saka naman naging parang bata. Ang baby ko na malaki pa sa daddy niya. Napakabigat mo naman anak," ani Patrick na kahit papaano ay napangiti ang asawa. "Kung kailan ako tumanda, saka ko pa nabuhat ang batang iyan." Nailing na lang si Patricia sa sinasabi ng asawa. Matapos maiayos sa pagkakahiga si Byron ay ilang beses lang hinaplos ni Patricia ang ulo ng anak. "Sa totoo lang Rick, masaya akong sa edad kong twenty noon nagpakasal na ako sa iyo. Isipin mo sa edad ng ating anak hindi pa tayo senior citizen. Sa totoo lang umaasa pa rin akong magkakaroon tayo ng apo," ani Patricia na niyakap ng asawa. "Walang masamang mangarap mahal. Ngunit ayaw kong paasahin ang mga sarili natin. Maaaring ang sinabi ni Clyde ay dahil lang sa bugso ng damdamin para lang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit hindi para takasan ang sinumpaan niyang tungkulin." "Pero mahal may nangyayari namang ganoon di ba? Kahit tao ka ng simbahan pwede kang tumiwalag at walang masama doon lalo na kung magpapaalam ka ng maayos at mayroon kang mabigat na dahilan. Hindi naman kaya titiwalag ay gumawa ka ng masama sa kapwa mo di ba?" pangungumbinsi ni Patricia. "Kung ako ang tatanungin mo mahal ay sang-ayon ako sa mga sinabi mo. Ang tanong sang-ayon ba si Clyde sa bagay na iyan na gusto natin parehong mangyari? Pareho tayong walang alam sa nais gawin ng ating anak. Ang mahalaga lang kahit anong desisyon ang gawin niya. Narito lang tayong dalawa bilang magulang niya." Nakakaunawang tumango na lang si Patricia. Naiintindihan niya ang pinupunto ng asawa. Pero naroon pa rin ang araw-araw na panalangin niya sa Itaas na sana ay matupad pa rin ang kanyang hilig. Habang ang kanyang si Byron ay maging totoo sa sariling damdamin. Hinalikan muna ni Patricia sa noo ang anak. Ganoon din si Patrick. Bago nila iniwan si Byron na natutulog sa pwesto nito tuwing naroon silang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD