Chapter 10

2045 Words
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Kung ano man, o sino man ang tinatakasan mo, hindi kita hahayaang makuha nila. Hanggat narito ka sa poder ko. Pangako," sagot ni Byron habang hindi niya magawang alisin ang mga mata sa dalangang nasa kanyang harapan. "Totoo ang sinasabi mo? Ilayo mo ako sa mga humahabol sa akin. Masasama sila," naiiyak na saad ng babae. Awang-awa si Byron sa kalagayan nito. Gusto man niyang tanungin pa ito ng kung anu-ano ay ipinagpaliban muna niya. Kung may tinatakasan ito ay kailangan na talaga nilang makaalis sa lugar na iyon. "Oo kung magtiwala ka. Wala akong gagawin na masama sa iyo. Tutulungan lang kita. Kailangan lang madala muna kita sa isang ligtas na lugar. Bukas natin pag-usapan ang lahat. Doon ka muna sa amin. Hmm," ani Byron at nginitian ang kaharap. Napansin na lang ni Byron na hindi inaalis ng babae ang pagkakatitig sa kanya. Kaya naman siya na ang nag-iwas ng tingin. "A-ayos ka lang?" Tumango ang babae bilang sagot sa kanya. Napangiti siyang muli ng mapansin ang paglunok nito. Siya man ay napalunok din. Bigla siyang nataranta sa nararamdaman. Ngayon pa talaga siya ginugulo ng damdaming estranghero sa kanya. Lalo na at hindi naman niya alam kanyang nararamdaman na iyon. Maliban sa nakakapagtakang bilis ng pagtibok ng puso niya. "S-salamat ulit. Dahil wala talaga akong alam na matutuluyan ngayon," anito sa mahinang tinig. "Kung may humahabol sa iyong masasamang tao. Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito. Kaya mo bang tumayo? Aalalayan kita," tanong niya na ikinatango nito. Akmang aalalayan ni Byron na makatayo ang dalaga ng bigla na lang itong muling bumagsak sa kandungan niya. "Miss! Miss," paulit-ulit na tawag ni Byron dito ngunit wala itong naging sagot sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Ngunit pinipilit pa rin niyang magpakahinahon. Doon lang niya muling napagmasdan ang mukha ng dalaga. Maganda talaga ang babae. Kahit ang mga mata nitong kanina ay may namumuong luha at nangungusap, ay mapapansin mo ang kagandahan. Ngunit ngayong nakapikit ito at sa tingin niya ay nakatulog ay saka lang niya napansin ang labis pagod sa mukha nito. Inilapit pa niya ang mukha sa mukha ng babae para lang masiguradong nakatulog lang ito. Nakahinga siya ng maluwag ng makasiguradong iyon nga lang ang nangyari dito. Ilang beses pang inilinga ni Byron ang tingin sa paligid. Pinakiramdaman din niya kung bukod sa kanila ay may ibang tao sa lugar na iyon. Nang wala na siyang makita ay saka lang siya nakahinga lang maluwag. Kung masamang tao ang humahabol sa dalaga. Nakakasigurado siyang hindi niya ito kayang iligtas kung may hawak na armas ang mga ito. Mag-isa lang siya at wala siyang ibang hawak na pwedeng ipanlaban sa kung sino man na humahabol sa dalaga. Maliban sa rosaryo na palagi niyang dala. Kung maligno lang ang humahabol dito, baka may laban ang rosaryo niya. Inayos ni Byron ang pwesto ng dalaga. Bubuhatin na sana niya ito ng mapansing sobrang ikli ng suot nitong pang-ibaba. Dahil sa gulat ay napa sign of the cross siya. Bukod sa jacket na suot nito kahit sabihing naka short ito ay halos wala din sa sobrang ikli noon. "Saan ka ba galing? Parang aatakihin ako sa puso sa suot mo," ani Byron na naiiling na lang. Napatingin pa siya sa sariling sout. Bukod sa pantalon at t-shirt ay nakasuot din siya ng jacket. Kaya naman hinubad niya ang jacket na suot para ipantakip sa hantad na hita ng dalaga. Bago niya ito napagdesisyonang buhatin. "Mas mabuti na ang ganyan. Mabuti na lang at kahit papaano naisipan kong magsuot ng jacket kanina. Kahit napakainit ng panahon," anas pa niya sa sarili. "Kung hindi, hindi ko alam kung paano kita hahawakan." Kahit papaano ay malakas ang kanyang katawan at napakagaan naman ng dalaga. Kaya naman kahit malayo pa sila sa monasteryo ay hindi naging hadlang sa kanyang paglalakad ang pagkakabuhat niya dito. Pagkapasok niya sa pinaka main gate ng monasteryo ay doon lang niya napagtanto ang oras. Sobrang gabi na at malamang ay tulog na ang lahat. Kaya naman sa halip na manggising ng mga nagpapahinga na ay napagpasyahan na lang ni Byron na dalahin ang dalaga sa bahay na tinutuluyan niya. Inihiga niya sa kanyang kama ang babae. "Sa tingin ko ay hindi ka magiging komportable sa jacket na suot mo. Wala akong gagawing masama, okay. Aalisin ko lang ang jacket mo para makatulog ka ng maayos," pagkausap pa niya sa babae. Nasa kalagitnaan na ang zipper ng jacket na suot ng babae ng mapansin niyang wala itong ibang suot na damit. Maliban sa pang-ilalim at jacket nito. Kaya naman mabilis niyang isinara muli ang zipper ng jacket. At ilang beses na napalunok. Mabilis niyang inabot ang kumot niya at ibinalot sa buong katawan ng babae. Habol hiningang tumalikod si Byron. Ilang beses pa siyang nag-antanda. "Patawad po. Hindi ko po sinasadya ang nakita ko," nasambit pa ni Byron sa pagitan ng paghahabol niya ng hininga. Habang magkadikit ang dalawang palad at nakapikit. Kinalma niya ang sarili. Lalabas na sana siya ng silid ng maalala niyang nakasuot pa ng sandals ang babae. Muli siyang lumapit dito at marahang inililis ang kumot na tumatabon sa mga paa nito. Inalis niya ang suot nito sa paa at muling tinabunan iyon ng kumot. "Inayos ko lang talaga ang pwesto mo para maging komportable ka. Wala akong ginawa," paliwanag pa ni Byron. Alam naman niya sa sarili niyang wala siyang ginagawang masama. Ngunit ngayon lang din sa tanang buhay niya siya nakaramdam ng pagkataranta. Lalabas na sana siya ng bahay ng maalala ang pagod na kanyang nadarama. Dahil dalawa naman ang unan niya ay kinuha niya ang isang unan sa tabi ng babae. May extra kumot din naman siya sa kanyang kabinet kaya kinuha na rin niya iyon. Pagkalabas niya ng teresa ng bahay niya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Wala siyang makuhang paliwanag kung bakit bumibilis ang pagtibok ng puso niya sa mga oras na iyon. "Siguro ay dapat ko ng bawasan ang pagkakape," wika pa niya sa sarili. Matapos maisara ang pintuan ng bahay ay doon siya naglatag sa teresa para makahiga. Malawak naman ang loob ng bahay. Ngunit ayaw niyang may masabi ang mga kasama niya sa lugar na iyon. Mas pipiliin niya ang pwesto niya ngayon para makapagpahinga. Kaysa may makakita sa kanya na may babaeng natutulog sa kanyang kama. Habang siya ay nasa may sala. Lalo na at malinis naman ang intensyon niyang pagtulong sa babaeng hindi pa niya alam kung ano ang pangalan at saan nagmula. Dahil na rin sa matinding pagod na kanyang nadarama ay kaagad din siyang nakatulog. Nang mailapat niya sa kanyang latag ang pagal na katawan. Sa nakabibinging katahimikan ng gabi ay bigla na lang nagising si Magdalene. Napabangon siyang bigla mula sa pagkakahiga ng maalala niya ang mga lalaking humahabol sa kanya. Naghahabol pa siya ng paghinga sa takot na nararamdaman. Hanggang sa mapagtanto niyang tahimik ang paligid at nag-iisa lang siya sa silid. Nakita pa niya sa orasan sa dingding na alas dos pa lang ng madaling araw. Doon, nakahinga siya ng maluwag ng maalala ang gwapong lalaki na nakadaupang palad niya. Napalunok siya ng laway ng maalala ang paglunok nito. "Napakasexy naman noon. Laway lang naman ang nilunok," hindi niya napigilang komento. "Wait lang, hindi naman ako liberated na babae. Hindi ko naman kagustuhan na magtrabaho sa lugar na iyon. Nakakaunawa lang ako ng salitang gwapo, at maginoo. Sa tingin ko ay katangian iyong lahat ng lalaking iyon. Sino kaya siya?" tanong ni Magdalene habang inaalala ang mukha ng lalaki. Na kahit sa liwanag lang ng poste ng kuryente ang tanglaw nila ay napakagwapo talaga ng lalaking iyon sa kanyang paningin. Napahawak pa siya kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Totoong mabilis ang pagtibok ng puso niya kanina. Dahil sa takot na baka mahuli siya ng mga tauhan ni Madam Matilda. Pero ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya. Ngunit dahil na iyon sa lalaking nakita niya kanina. Napangiti siya. "Gwapo sina Choi, Bok, Aron, Ken at Kian. Pero iba ang dating ng lalaking iyon," aniya habang inaalala ang mukha nito. Kahit madilim ang gabi ay kitang-kita niya kung gaano kaamo ang mukha nito. Napaayos siya ng upo sa kamang kinalalagyan. Kung ipapaliwanag niya ang salitang mabait, ay mahihirapan pa siyang bangitin ang bawat kataga. Pero kung isang tao ang tutukuyin sa tanong na iyon ay walang salita siyang sasabihin at ituturo lang niya kaagad ang lalaking nakaharap niya sa nagdaang gabi. Hindi lang mukha nito ang mabait. Pati ang pagsasalita nito ay napakahinahon kaya naman kaagad na napanatag ang kalooban niya. At sa kapanatagang iyon ay nakaramdam siya ng panghihina at pagod. Hanggang sa hindi na niya nalaman ang kasunod na nangyari. At ngayon nga ay nasa loob na siya ng silid na iyon. "Siguro ay silid ito ng lalaking iyon," nakangiti pa niyang saad. Dahan-dahan niyang pinasadahan ng tingin ang paligid. Sa tulong ng ilaw na gawa ng maliit na lampara at naaaninag niya ang kabuoan ng kwarto. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya sa mga nakita niya. Parang gusto niyang maiyak o matawa. Pero nakaramdam siya bigla ng pagod. Pagod na nagmumula sa kanyang isipan. Mula sa wala pang ilang minutong pagpasada ng tingin sa loob ng silid na iyon. Napatingin siya sa sarili. Balot pa rin siya ng kumot. Kaya naman inalis niya iyon. Sobrang ikli ng suot niya. At sa ilalim ng jacket na suot niya ay wala ng ibang pumapagitan kundi ang bra niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Ibinalot niyang muli ang kumot sa kanyang katawan. Maginhawa ang paa niya. Sa tingin niya ay hubad na rin ang sandals na suot niya. "Nasaan ba ako?" Napahugot siya ng hangin. "Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magpapasalamat sa kinalalagyan ko ngayon. Parang nais ko na lang masunog sa kahihiyan. Parang gusto na lang akong tupukin ng mga bagay na nakikita ko ngayon," naibulong niya sa sarili ng muli niyang pasadahan ng tingin ang kabuoan ng silid. Mayroon iyong altaran, may mga rosaryo at ang hanay ng mga damit pang pari na hindi niya alam ang pangalan. Na pa sign of the cross na rin siya. dahil nahihiya siya sa suot niya sa mga oras na iyon. "Kanino po bang silid itong kinalalagyan ko? Wag naman po sanang---," hindi na niya naituloy ang sasabihin, dahil ayaw niyang isipin ang mga bagay-bagay. "Pero patawad po kung dito ako nagising sa silid na ito. Hindi ko pa rin po talaga alam kung paano ako makakalayo sa mga taong iyon. Sa ngayon, nagpapasalamat pa rin po ako sa lalaking nagdala sa akin dito. Kahit papaano makakapagpahinga ako ng payapa. Kahit sa gabi lang na ito," ani Magdalene at muling napahikab. Nakaramdam siyang muli ng antok, dala hindi niya maipaliwanag na panghihinayang. Kung tama ba ang nasa isipan niya. "Sana naman po ay hindi," dalangin pa niya. Muling ibinalik ni Magdalene ang sarili sa pagkakahiga. Pagod pa rin ang kanyang katawan at isipan dahil sa mga pangyayari. Ngunit dahil sa lugar na kinalalagyan niya nakaramdam siya ng kaligtasan. Kasunod pa rin ang isiping panghihinayang pa rin. "Hay, ayos lang naman po na mahirap. Kahit anak lang ng katiwala. Kahit tagalinis basta may trabaho. Marunong din naman po ako sa gawaing bahay. Kaya ko din namang magtrabaho. Ano ba itong iniisip ko?" singhal pa niya sa sarili. "Pero hindi naman po ako pihikan. Basta masipag at kayang bumuhay ng pamilya. Kaya ko din naman, basta makahanap ako ng matinong trabaho. Kahit makakain lang sapat. Higit sa lahat huwag namang sa kanya ang silid na ito," dalangin niya. Hindi alam ni Magdalene kung bakit ganoon ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ngunit sa tingin niya ay sa ganoong kaikling panahon ay may nagbukas ng pintuan sa puso niya. Sa edad niyang dalawampu't anim, ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon. Siguro nga ay humahanga siya. Pero sa tibay ng nararamdaman niyang iyon. Na love at first sight yata siya. Sabagay sabi nga, it takes a second to fall in love. Lalo na sa ganoong kaamong mukha. Hindi na napigilan ni Magdalene ang mapapikit. Inaalala pa rin niya ang maamong mukha ng lalaking iyon. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang antok. Nakatulog na rin muli si Magdalene sa pagitan ng mga bagay tumatakbo sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD