"Sandali lang po." Agap niya sa nurse na kasama niya sa ambulansya ng akmang aalis na ito.
"Pasensya na, Ma'am. May emergency pa kaming kailangan puntahan at napadaan lang talaga doon. Kayo na lang po ang tumawag sa pamilya ng pasyente." Hindi na niya nagawang magsalita pa at pinanuod na lamang ang muling pagsakay nito sa ambulasya at agad umalis. Nilingon niya na lamang si Jake na kasalukuyan nang itinutulak papunta sa emergency room. Agad siyang nagtungo sa hospital bed at nakitakbo doon.
"Hanggang dyan nalang po kayo, Ma'am. Maghintay nalang po kayo diyan." Hindi siya nakaimik at nanatiling nakatayo sa labas ng E.R hanggang sa isara na ang pinto.
Maraming oras pa ang nagdaan at nanatili parin siyang nakaupo sa labas ng ER na hanggang ngayon ay nasa loob parin si Jake at ino-operahan. Hindi niya malaman ang dapat gawin at maramdaman dahil okupado parin ang isip niya sa itsura ng kalagayan ng idolo. Wala din siyang ideya sa kalagayan nito. Basta ang alam niya ay tumama ang ulo nito sa bintana sa gilid na bulletproof, at malakas ang impact dahil sa dami ng dugo na lumabas sa sugat nito.
Napabuntong hininga siya at napasubsob na lamang sakanyang mga palad. She doesn't want to cry dahil ayaw niyang may mangyaring masama dito. She can't cry dahil magiging okay din ito.
Agad siyang napatayo nang bumukas ang pinto sa harapan niya, kasabay non ang paglabas ng tatlong doctor na pare-parehong naka-scrub at may mask pa sa bibig.
"Ikaw ba ang kamag-anak ng pasyente?" Sandali siyang natigilan. Ayaw niyang magsinungaling pero alam niyang hindi sasabihin sakanya ang totoong kalagayan ni Jake kapag sinabi niya ang katotohanan.
Napahinga siya ng malalim saka diretsong tinignan ang kausap, "Ako po ang asawa niya." Nanginginig niyang saad na ikinatango ng doktor.
"He is okay now. Successful ang operation so we just wait until he wakes up." Parang may kung anong bara sakanyang dibdib ang nawala ng marinig iyon. Hindi niya maiwasang mapangiti at impit na napatili na ikinagulat ng mga doktor. Napa-peace sign na lamang siya sa mga ito na i-kinailing nila.
Hinintay niyang mailipat sa private suite si Jake saka siya nagtungo doon at pinagmasdan ang ulo nitong may bendang nakapalibot, ang leeg nito may neck brace, ang kanang binti nito na may cast at ang iilang gasgas sa braso.
Maayos na raw ang kalagayan ni Jake sabi ng doktor. Malala ang pagkabangga ngunit nagawa parin nitong makaligtas habang ikinamatay naman ng driver ng truck dahil tumilapon ito dahil sa hindi naka-seat belt. Maswerte parin ang binata at nagawa nitong ilagan ang buong truck at sa gilid lamang siya sumalpok, yon nga lang ay kawawa ang sinapit ng porsche nito.
Nakatulog si Elle sa pagtitig kay Jake at nagising nang maramdaman niya ang pamamanhid ng braso niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at napatingin kay Jake na tulog na tulog pa din. Nag-inat-inat siya at tumayo mula sa pagkakaupo.
Napatingin siya sa oras at nakitang past midnight na, meaning ay patapos na ang big event ng Heartbreakers o kung natuloy nga ba iyon. Hindi niya pwedeng iwan si Jake mag-isa sa hospital kaya makikibalita na lamang siya sa mga ka-group niya sa social media.
Ang ipinagtatakha niya lamang ay kung bakit hindi pa dumadating ang pamilya ni Jake o mga kabanda nito. Posibleng hindi nila malaman dahil kilalang personalidad ang kanyang idolo.
She just shrugged her shoulders at lumabas sa kwarto ni Jake. Naglakad-lakad siya at nang may makitang nurse ay nagtanong kung nasaan ang cafeteria para sa pagkain niya at ni Jake na rin kung sakaling magising na ito.
Walang sinabi ang doktor kung kailan ito magigising at hintayin na lamang daw. Willing to wait naman siya kahit kailan, masilayan lang muli ang gwapong mukha nito.
Bitbit ang mga pagkain na pinamili niya sa cafeteria ay bumalik siya sa kwarto ni Jake. Dahan-dahan niya pang pinihit ang knob at walang ingay na pumasok sa loob. Inilapag niya ang tupperware na may laman na pagkain at napatingin dito, nagulat siya at muntik pang mapasigaw nang masalubong ang mga mata nitong mataman na nakatingin sakanya.
"Sino ka?!" Tanong nito na kahit nanghihina ay naintindihan parin niya. Akmang magsasalita na sana siya nang muli itong magsalita,
"Nasaan ako? Anong nangyari sa akin? Bakit masakit ang buong katawan ko?" Natahimik siya at prinoseso ang mga tinuran nito.
"Ha?"
"Who are you?" Paos na tinig nitong tanong muli. Napailing na lamang siya at pinindot ang buzzer na konektado sa mga nurse. Ilan sandali pa ay humahangos na dumating ang isang nurse kasama ang isang doktor.
Pinapanuod niya lamang itong tinitignan ng doktor habang walang tigil sa pagtatanong ni Jake na hindi niya malaman kung paano sasagutin. Napaigtad siya nang muli itong tumingin sakanya.
"Hey!"
"Misis, can we talk?" Baling naman sakanya ng doktor na agad niyang ikinatango at sumunod dito hanggang sa labas ng kwarto ni Jake.
"Based on our observation, your husband is experiencing an amnesia."
"What?" Gulantang na tanong niya na ikinatango ng doktor.
"Matindi ang impact ng aksidente sa ulo niya kaya posible ito, Misis. I suggest na we do some theraphies para sa pag-galing niya at tulungan mo rin siyang alalahanin ang lahat." Wala sa sariling napatango na lamang siya at nanatili sa labas ng kwarto habang nakasandal sa pader.
Feeling niya ay sobra-sobra ang nangyari sa kanya sa araw na ito na malapit na niyang ikabaliw. One minute pa bago ang twelve midnight at naloloka na siya.
Hindi na niya alam ang dapat gawin, lalo na at wala parin ang pamilya at kaibigan ni Jake. Hindi din niya alam kung paano ko-kontakin ang mga ito, isa pa, hindi niya pwedeng iwan si Jake sa hospital na ito.
Ilang beses siyang bumuntong hininga bago muling pumasok sa kwarto na iyon. Muli na naman niyang nakasalubong ang intense nitong mga mata na malakas na nagpakabog ng dibdib niya.
"Uh--hi?"
"Who are you?" Tanong nito. Hindi niya malaman ang dapat isagot kaya inabutan niya ito ng tubig na kinuha naman nito at agad ininom.
"Are you hungry? I have food here. I can help you." Hindi niya narinig ang pagtugon nito kaya kinuha niya nalang ang tupperware at binuksan. Kinuha din niya ang disposable utensils saka naupo sa upuan niya kanina. Nagumpisa siyang punuin ang spoon ng mga pagkaing chopseuy at kanin saka ito itinapat sa bibig ng binata.
"The doctor told me that you're my wife." Anito na mas lalo pang nagpatindi ng kaba niya. Tipid na lamang siyang ngumiti na agad ding lumapad nang isubo nito ang pagkain sa spoon.
"We can talk later, for now ay kailangan mong magpalakas." Hindi naman na ito muli pang nagtanong kaya mas inigihan niya ang pagpapakain dito. Hindi madali ang ginagawa niya dahil kahit siya ay natetempt na isubo ang nasa spoon dahil gutom na gutom na siya. Ni hindi niya nagawang mag-dinner dahil sa mga happenings.
Nang sabihin nitong busog na ito ay agad naman niyang ibinaba ang tupperware at binigyan ito ng bottled water. Wala na muling umimik ni isa sakanila dahil busy na rin sa pagkain ng tira ni Jake si Elle. Hanggang sa muling makatulog ang binata.
"Nurse, okay lang ba na bantayan mo sandali iyong pasyente sa room four-one-two? Kukuha lang ako ng mga gamit namin." Paalam ni Elle sa nurse na naka-assign at laging tumitingin kay Jake. Nakangiting tumango naman ito kaya agad siyang nagpaalam. Mabilis naman siyang nakapara ng taxi patungo sa hotel na tinutuluyan niya.
Hindi niya pa naiisip ang mangyayari sa susunod at wala pa siyang plano. Parang kasi nagtatalo ang isipan niya na dapat bang sakanya muna ang idolo o ibibigay sa pamilya nito. Alam niyang wala siyang karapatan pero may kutob siya na parang may maling nangyari.
Napabuntong hininga siya as she decided what to do.
Hindi naman na siya nagtagal pa sa hotel, matapos maligo ay inayos niya ang mga gamit niya at nag-check-out. Mabilis siyang bumalik sa hospital at naabutang tulog pa din si Jake. Iniayos na lamang niya anh maleta sa gilid saka binuksan ang laptop at pocket wifi niya at nag-research ng lugar na pwede nilang puntahan para sa pagpapagaling ni Jake Isidro.
Sana lamang ay tama ang gagawin niya.