Chapter 1
"WHAT?!"
Hindi malaman ni Elle kung ano ang dapat i-react sa anunsiyo ng bandang H2B, worldwide.
Nanatili siyang nakatitig sa malaking flatscreen television sa loob ng kwarto niya, habang nakabitin sa ere ang kamay niyang may hawak na popcorn. She just wanted to have a movie marathon for the stressful exam she just done. Gusto niyang maging clear ang mind niya sa mga formulas sa accounting niyang subject at sa mga words and terms na kinabisado niya mula sa major subject niya.
Gusto niya ng peace but the announcement from her super favorite boy band, H2B made her heart cry.
"It's been seven years, nang mag-umpisa kaming tumugtog. At hindi nga namin inakala na makakarating kami dito sa kinalalagyan namin at makikilala ng lahat. Ngunit lahat ng bagay ay may hangganan, therefore we will now announce our disbandment. We are so lucky to be your Idols and an inspiration ngunit hanggang dito na lamang kami. We all know what had happened to my twin brother and vocalist, Hunter Isidro kaya sana ay may napulot kayong aral doon. Hindi kami kailanman naghangad ng sobra pa sa tinatamasa namin dahil alam naming maaari namin itong ikasama sa hinaharap, kaya ngayon ay magpapaalam na kami." She heard from where she is ang mga taong napapasinghap na nasa loob ng press conference na iyon. Kita niya din ang kalungkutan sa mga mata ng apat na natitirang miyembro ng H2B na sina Ivo, RJ, Vin at Jake ang kalungkutan.
"Maraming salamat sa lahat! We swear to never forget all the memories that we had shared." Sabi naman ni RJ at tipid na ngumiti.
"Maaari niyo parin naman pakinggan ang buong album na kaka-release lang namin. Regalo na namin iyon sainyo, we release the full album kahit na isang music video lang ang nagawa doon." Sabi naman ni Vin.
"God bless us all." Pagtatapos ni Ivo saka sabay-sabay na tumayo ang apat as they made their final goodbye.
Nanatiling nakatitig sa monitor si Elle habang ang buong conference room naman ay tahimik lang at walang gustong magsalita. Natauhan lang ang lahat sa isang flashed ng camera.
Natapos na ang palabas at bumalik na sa isang movie sa cable ang channel ang pinapanuod ni Elle pero nanatili parin siyang tahimik. Bigla ay parang nawalan siya ng mood na mag-movie marathon at panuodin ang pelikulang Oculus na isang horror film. Inabot na lamang niya ang remote at pintay ang t.v. Nahiga siya sa carpeted floor sa loob ng kwarto niya at napatingin sa kisame kung nasaan nakadikit ang malaking poster ng H2B na halos sakupin ang buong ceiling niya. Ito ay nabili niya sa Japan nang minsan mag-concert ang mga ito doon as the part of their tour.
Napabuntong hininga siya ng paulit-ulit kasabay ng pagtulo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Napatakip na lamang siya sakanyang mukha saka malakas na tumili.
"What happened, Elle?"
Napaupo siya sa carpeted floor nang marinig niya ang boses ng twin sister niyang si Ate Ella na ilang seconds lang ang pagitan ng paglabas nila noon. Teary-eyed siyang napatingin dito kaya agad naman itong lumapit.
"What happened? Why are you crying?"
"The H2B just got disbanded." Mahina niyang tugon saka napayuko. Tuluyan na siyang napahagulgol habang ang Ate niya ay nanatili lamang na nakatingin sakanya.
Nagulat siya at muling napatingin dito nang maramdaman niya ang paghila nito sa buhok niya.
"What?"
"What?! You cried over those boys! Are you crazy, Elle! You are smart and that's the reason why you are now attending the Ivy League!"
Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi niya. Huminga pa siya ng malalim saka napanguso na lamang sa tinuran ng Ate niya.
"I am a fangirl, Ate. And that's normal!" Maarte niyang sabi kaya nakatikim na naman siya ng paghila ng buhok na ikinadaing niya.
"Umayos ka, Janna Amelia Mangampo! Magbihis ka na din at may kikitain tayong investor." Anito saka umalis na sa loob ng kwarto niya. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo na saka dumiretso sa bathroom niya.
It was exactly lunch when Elle and her Ate, Ella arrived at the five-star hotel in Vegas. Kasama nila sa nasabing pagpupulong ang family lawyer nila na si Jin Canilao at dalawang bodyguards. Inalalayan sila ng mga ito hanggang sa makarating sila sa spot kung saan naghihintay ang isang british investor na kakausapin nila.
"It was such to meet the beautiful ladies of J.A. Banking Corporation." Bati nito sakanila. Tipid na nginitian naman ito ni Elle habang napairap lamang si Ella. This british guy infront of them is obvious hitting them. Para bang isa itong hayop na nakakita ng kaniyang makakain. The guy is now in his mid-fifties base sa pangungulubot ng balat nito at kulay ng kaniyang buhok. Bukod pa doon ay iyon din ang nakalagay na edad sa profile nito.
Kambal at hindi maipagkakaila ang pagkakahawig nilang dalawa ngunit ibang-iba sa ugali. Ella has a fierce attitude na ang sabi ng karamihan ay naman nito sa Lola niya na dating founder ng Banking Corp nila while laging inosente at may pagka-childish si Elle. They are both smart but Ella has a mind na hindi basta-basta maloloko. Pinalaki siya na may puso sa kanilang negosyo at sinasabit niya lang talaga ang kapatid niya.
"Let's start, Mr. Selivanov." Ani ng kanilang family lawyer na si Atty. Canilao.
"How about let's make a deal, Attorney." Sabi naman ng bristish habang papalit-palit ang tingin sa magkapatid kaya napayuko na lamang si Elle at palihim na tinignan ang sarili.
Maayos naman ang mga suot nilang peach dress na may collar and three-fourths. Above the knee ang haba ngunit hindi naman mukhang malaswa. It were also never show too much of their skin.
"I will give you all of my shares including my shares in other company that will make your company to be under of Ybaniez Empire, If I marry one of this ladies."
This guy also has a shares in five banking coporations worldwide that includes the two banks na under ng Ybaniez Empire. Wala itong sariling company at puro pamunuhunan lamang ang ginagawa and that made him a filthy rich.
Tila napanting ang tenga ni Ella sa narinig habang napahawak na lamang sa kanyang mga kamay na nakapatong sa legs niya si Elle at ramdam niya ang panlalamig ng mga iyon.
"That would never happen, Mister. We are here because we thought you are a good investor for our company and not to make a deal to be your wife, asshole! How dare you to insult and to looked a Mangampo like a trash! What do you think of yourself, old man?! And why do you think that we allow ourselves to have a deal with you? We can be under Ybaniez Empire without the help of the others, even you!" Galit na galit na wika ni Ella saka hinila anh kapatid at walang lingon likod na naglakad papalayo.
Huminto sila sa tapat ng white audi nila at doon hinintay si Attorney Canilao na ngayon ay nakikipagusap sa bastos na investor.
"Are you okay?" Tanong sakanya ng Ate niya.
"Opo Ate. Matagal na natin itong ginagawa pero bakit ba hindi parin ako nasasanay?" Tanong niya pabalik sa Ate niya.
Hindi na lamang umimik ang Ate niya at napabuntong hininga na lamang siya. Ilang sandali pa ay dumating na ang family lawyer nila dala ang balita na hindi ito mag-i-invest sa kompanya nila dahil sa inasal ni Ella. Napairap na lamang ang huli at pumasok sa loob ng sasakyan.
Hindi talaga hilig ni Elle ang negosyo, pati ang kurso niyang Business Management. Gusto niya ang photography, ang pagiging adventurer na nakakapunta kung saan-saan dala ang camera niya. Gusto niyang may naisusulat lagi sa blog niya na napabayaan na niya dahil sa kahilingan ng Ate niya na magpokus siya sa pag-aaral.
Eversince, Ate na niya ang nasusunod sa buhay niya. Bata pa lamang kasi ng iwan sila ng mga magulang matapos mamatay ng mga ito sa plane crash. Naiwan sila sa pangangalaga ng strikto nilang Lola. Ang Ate niya lamang ang napagtuunan nito ng pansin at tinrain sa negosyo nila dahil sa pag-uugali niyang iyakin, at nang mamatay ito, two years ago ay sakanila na ipinasa sa lahat.
Mabuti na rin at ginagabayan sila ng family lawyer nila na mas matanda lamang ng limang taon sakanila, dahil hindi pa sila ganon ka-propesyonal at nagpapatuloy parin sa pag-aaral.
"Ate, pwede ba akong magbaksyon, tutal at sembreak ko naman?" Tanong niya sa Ate niya ng makauwi sila.
They are born in China but grew up in States. They are dual citizen in China and States pero filipino-chinese ang dugo nila. They learned to speak filipino sa mga maids nila na overseas filipino workers.
"Bakit? Maraming ka pang kailangan matutunan sa company."
"Pero Ate hindi ako masaya sa pagpapatakbo ng negosyo, iba ang gusto ko." Giit niya na nagpasama sa aura ng Ate niya.
"Really? Hindi ka masaya? Baka nakakalimutan mo na sa negosyo na ito mo kinukuha ang mga bagay na nagpapasaya sayo!"
"Pero iba nga ang gusto ko, at alam mo iyon Ate!" Tuluyan ng tumaas ang boses niya sa Ate niya na ngayon niya lamang nagagawa. Dala nalang ng nangyaring pangbabastos sakanila at ang nalaman niya sa idolo niya.
Nagkanda-halo-halo na ang nararamdaman niya.
"Janna Amelia!"
"Ayoko na, Ate! Lagi na lang ikaw ang nasusunod! Kailangan ko namang tumayo sa sarili kong mga paa at hindi laging sumusunod sa iyo." Aniya. Sunod ay naramdaman niya ang pagdampi ng palad ng Ate niya kasabay nang pagpasok ni Jin at ilang maids nila.
"Ariella!"
"Umalis ka sa harapan ko, Elle! Gusto mong tumayo sa sarili mong mga paa? Go ahead! Hindi kita kailangan! Tignan lang natin kung magagawa mong mabuhay ng wala ako at ng kompanyang ito!"
Hindi nakaramdam ng kahit anong sakit si Elle sa sinabi ng Ate niya, bagkus ay taas noo pa siyang naglakad palabas ng living room at nagtungo sa kwarto niya. Inilabas niya ang malaking maleta niya at inilagay doon ang mga damit niya, kasama ang passport at iba niya pang dokumento.
Iyan ang isa sa mga ayaw niya sa Ate niya. Masyadong bossy, gusto laging nasusunod porket mas matanda ito, hindi ba nito naiisip na gusto niya ring bigyan ng kulay ang buhay niya sa pamamagitan ng pag gawa sa mga gusto niya? Life reallys sucks for her.
"Amelia, are you sure about this?" Tanong sakanya ni Jin nang makababa siya dala ang maleta at travelling bag niya. Tumango na lamang siya at hindi na sinulyapan ang Ate niya na nakaupos sa sofa.
Tipid na nginitian na lamang niya si Jin saka lumabas sa pinto ng bahay na kinalakihan niya.