Chapter 3

1469 Words
A week before the grand event of H2B fans ay puspusan na ang paghahanda ni Elle. She decided to transfer to Sandoval Hotel para hindi na maging hassle sa kanya kapag araw na ng event. She also bought a new set of clothes, stilleto and cameras. Talagang sinagad niya hanggang ma-reached ang limit ng credit card niya dahil ramdam niyang malapit na itong i-cut ng Ate niya. Dinamay na rin niya ang atm niya at naisipang gumawa ng bagong bank account at itransfer ang pera sa bank account na bigay pa ng Lola nila noon just in case na i-freeze iyon ng Ate niya. Naghahanda na siya para hindi siya tuluyang maghirap. Ngayon ay kasalukuyan siyang naglalakad galing sa supermarket pabalik sa hotel. Naisip niyang maglakad na lamang dahil malapit lang naman at para na rin makapag-muni-muni pa siya. Dahan-dahan ang kanyang paglalakad habang nakatingin ng diretso sa kalsada, paminsan-minsan ay nagha-hum pa siya ng isa mga paborito niyang kanta ng H2B when she suddenly felt the cold air. Napakunot-noo siya kasabay ng sunod na pagpatak ng tubig na nang-gagaling sa itaas. Matagal siyang nagisip sa posibleng mangyayari hanggang sa sunod-sunod na bumuhos ang ulan at huli na para makasilong pa siya dahil basang-basa na siya. "Bakit ngayon pa?!" Tili niya saka mabilis na tumatakbo papunta sa hotel. She is soaking wet habang naglalakad siya sa hallway papalapit sa suite niya. And when she entered her suite ay agad niyang inilapag ang eco-bag na may laman ng pinamili niya at mabilis na nagtungo sa bathroom. Malamig ang panahon. Tahimik siyang nanunuod sa ulang walang tigil sa pagbuhos through her glass window over a cup of coffee habang nakikinig sa t.v na nakabukas at ibinabalita ang lagay ng panahon. Napabuntong hininga siya as she emptied her cup of coffee. Balak pa naman niya sanang maglibot-libot sa metro dahil sa isang lake na na-research niya para kumuha ng litrato. Kaso ay sobrang lakas ng ulan at baka maatas ang tubig sa lake na iyon. Muli na namang siyang bumuntong hininga at tumayo sa kama saka nilapag ang coffee cup sa bedside table. Naglakad siya patungo sa bathroom na katabi lamang ng main door nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Hindi na sana niya iyon papansinin nang mas lumakas pa iyon kaya agad siyang nagtungo sa pinto. "Dude, stop. Wala ka ng magagawa, malaki na ang kapatid mo!" Rinig niyang sigaw ng boses ng isang lalaki. Dahan-dahan niyang pinihit ang knob ng pinto at dahan-dahan itong binuksan sa takot na makalikha ng ingay. Sinilip niya ang nangyayari sa labas at nanlaki ang mga mata niya sa nakita, Three gorgeous men are standing in front of her suite. Nagtatalo ang mga ito habang ang isa ay parang wasted na hindi niya maintindihan. "Is that..." mahinang sabi niya. Bigla ay napatingin sakanya ang lalaking may salamin kaya mabilis niyang sinara ang pinto saka ni-locked iyon tapos ay napasandal na lamang siya. "Diba sina Ivo, RJ at Vin, iyon?" Tanong niya pa sa sarili. Napahawak siya sa dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon at huminga ng malalim. Hindi siya maaaring magkamali dahil makalimutan na niya ang lahat huwag lang ang mga idolo niya. Buong kwarto niya sa Vegas ay may mga posters ng mga ito, even her pillowcase at mga chibis. Kaya hindi siya maaaring magkamali. Bigla ay parang may na-realize siya kaya mabilis siyang umalis sa pinto at binuksan iyon, only to feel sad dahil wala na ang mga ito. Nagawa niya pang lumabas at magpalinga-linga ngunit wala talaga siyang makitang bakas ng mga ito. Malungkot siyang bumalik sa suite niya at naisipang matulog na lamang. Hindi biro ang pagiging fangirl dahil bukod sa nakakaubos ng pera at lakas ay isama mo na rin ang oras. Walang eksplanasyon kung saan nagumpisa ang pagiging isang fan, basta ang alam lang ng nakararami ay isa itong paghanga sa isang estranghero na lagi mong nakikita sa tv, napapakinggan ang music o kanta o nababasa ang librong akda nito. Hanggang sa maisipan mo ng lahat ng meron ang idolo mo ay meron ka din dapat. Ang mga produkto na ineendorso nila ay mabili mo bilang suporta sa kanila at lahat ng mga bagay na may mukha nila ay mabili mo dahil walang katumbas na ligaya iyon. Mahirap maging fangirl, dahil para itong sakit na walang lunas, na magagawa mong tapakan ang lahat maipagtanggol lamang ang mga idolo mo, at wala kang magawa kundi maiyak na lamang kapag may kontrobersiya silang kinahaharap. Iyan ang mga naranasan ni Elle sa limang taon na pagpa-fan girl niya sa H2B. Nakilala niya ang H2B sa Japan, nang minsan siyang isama ng Ate niya sa business trip nito na nagkataon na biggest break ng H2B at launching ng album nila. Kasama niyang manuod sa concert na iyon ang Kuya Jin niya na family lawyer nila, at unang kita pa lamang niya sa lima ay talagang nakuha na ng mga ito ang puso niya at ang pinaka-bumighani sakanya ang seryosong mukha ng lalaki na nag-gi-gitara sa gilid at paminsan-minsang sumasabay sa pagkanta ni Hunter. Jake is a lead guitarist and a second voice. At lalo siyang napamahal dito nang may isang kanta ang mga ito na si Jake lang ang kumakanta habang si Hunter ang naging second voice. OA man sa paningin ng iba, but she can say that she had fallen for Jake Isidro, kahit na hindi pa siya nito nakikilala. Totoo nga siguro ang love at first sight dahil tinamaan ng matindi si Elle. She even tried to kiss her phone screen kung saan si Jake ang kanyang wallpaper. Karamihan din ng pictures ni Jake ang hinahalikan niya sa labi, tapos biglang ha-hagikhik as If she felt Jake's lips onto hers. The day before the event, handa na ang lahat ng kailangan ni Elle. Na-i-balot na niya ang mga regalo na ibibigay niya sa buong banda na talagang pinag-i-sipan niya at binili pa online. Pati ang ilang freebies na sponsor niya ay maayos na, pati ang damit na isusuot. Napabuntong hininga siya. Ganito din ang nararamdaman niya noong mga panahong manunuod siya ng concert nila. Nang inaakala niyang makikita na niya ang mga ito ngunit napapangunahan siya ng kaba kaya sa huli ay mas pinipili na lamang na hindi na tumuloy. Ngunit ngayon ay mas lalakasan na niya ang loob at hindi na magpapadala sa kaba. Twelve hours before. Nakaramdam siya ng gutom, at dahil hindi niya feel magpadeliver ng food galing sa restaurant ng hotel ay naisipan nalang niyang lumabas at maghanap ng fast food, para na rin ma-experience niyang kumain sa ganoon. Malayo ang narating niya bago makahanap ng fastfood ngunit sulit naman ang nilakad niya dahil pasok iyon sakaniyang panlasa. She can feel her tummy full nang maglakad siya pabalik sa hotel. Dahan-dahan ang paglalakad niya para hindi sumakit ang kaniyang tiyan. She was walking along sidewalk nang maisipan niyang huminto at maupo sa stone bench. Nagpalinga-linga siya hanggang sa mapansin ang kakaibang takbo ng isang truck na sa tingin niya ay delivery truck, sunod niyang napansin ang itim na porsche na papasalubong sa truck at napatayo na lamang siya at napatili nang makita niya ang pagbangga ng dalawang sasakyan sa isa't-isa. Hindi na siya nakapag-isip pa at mabilis na tinakbo ang kalsada papunta sa dalawang sasakyan. Napangiwi siya sa sinapit ng itim na porsche na halos nayupi ang unahan habang ganoon din ang truck. At nang tignan niya ang nasa loob ng porsche ay sandaling huminto ang mundo niya. "Jake...." Puno ng dugo ang damit nito at gilid ng mukha. Nakasandal ito sa upuan na nakapikit ang mga mata, mistulang wala ng buhay. Nakita na nga niya face to face si Jake Isidro pero hindi niya inakala na sa ganoong paraan pa at pangyayari. Matagal siyang nakatitig sa mukha ni Jake hanggang sa may humawak sa braso niya at alisin siya doon. Isang babae na may suot na vest at may nakalagay na emergency ang naghila sa kanya. Pinanuod niya na lamang na tanggalin si Jake sa loob ng sasakyan at ilagay sa ambulansya. Tumango na lamang siya sa tanong nito na hindi niya naintindihan at sumakay din sa ambulansya. Ramdam niya ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan na lulan nila. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay nito at dinala sa pisngi niya. Kasalukuyang may oxygen bag na nasa bibig nito na walang sawang pina-pump ng mga tao sa paligid nila. Habang ang iba ay chine-check ang pulso ng binata. "Jake..." Ngayon lang parang lumiwanag sakanya ang mga nangyari. Na ang idolo niya ay nasa kritikal na lagay. Ang idolo niyang excited pa naman siyang makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD