Chapter 5

1434 Words
Gamit ang perang namana ni Elle mula sa Lola niya, at ang ilang halaga sa bank account na bigay ng Ate niya ay nagawa ni Elle na makabili ng townhouse sa malayong lalawigan ng Bueno sa parteng North ng bansa. Nagawa din niyang ipunin ang pera niya at ilagay sa joint account na ginawa niya para sakanila ni Jake para mas makatotohanan ang pagiging mag-asawa nila, bukod pa doon ay nagawa din niyang papirmahin ito sa marriage contract nilang dalawa na na-i-register na sa national statistics office na mahigit dalawang buwan din niyang prinoseso mabuti na lamang at dala niya ang ilan sa mga dokumento niya. Nalaman niya ang mga ganyang klaseng bagay sa tulong na din ng internet. Two months had passed, at nagawa ni Jake na gumaling. Ngayon ay nakakalakad na ito at wala ng kahit anong benda, pati ang neck brace nito ay natanggal na, yun lang ay wala parin itong maalala. Nagawa din ni Elle na gumawa ng kwento ng pag-ibig nila ni Jake na pinaniwalaan naman nito. Pati ang tungkol sa pamilya at trabaho nito ay gawa-gawa niya lamang din. May mga panahon na nakokonsensya siya pero masisisi niyo ba siya kung isa siya sa mga fangirl na nangangarap ng ganito? Na maging asawa ng idol nila. Iniisip na lamang niya na kakampi niya ngayon ang tadhana dahil na din sa mga nangyari. Good thing ay sa malayong parte ng Metro na-ospital si Jake, private ito ngunit kakaunti lamang ang pasyente. "Elle, are you sure about this? Hindi ba at mag-e-enroll ka sa Celestine University gaya ng sabi mo dati?" Tanong ni Jake sakanya habang pinapanuod siya nitong i-empake ang mga gamit nila dahil lilipat na sila sa townhouse na nabili niya pero ang sabi niya kay Jake ay conjugal property nila. "Pero plano na talaga natin na manirahan doon before the accident, kaya doon nalang din ako mag-aaral." Giit naman niya na hindi ito tinitignan. Ngayon lang kasi sila i-n-advice ng doctor na pwede ng magbiyahe after the accident dahil tuluyan ng magaling ang binata, kaya ngayon lang sila maaaring umalis. Kinakabahan na rin kasi si Elle dahil alam niyang pinaghahanap na ang 'asawa' niya kaya kailangan na silang lumayo. Ibabalik naman niya si Jake sa pamilya nito, iyon ay kapag nalaman na niya ang 'feeling' niya sa aksidenteng nangyari dahil iba ang kutob niya doon. Saksi siya sa aksidenteng iyon na nagkataon na siya lamang ang tao at naniniwala siyang hindi iyon aksidente lang, siguro ay sinadya at kailangan niya ng pruweba. O baka sinasabi niya lamang iyon para may excuse siya para sa kagustuhan niyang angkinin ang binata? Pang-teleserye man ang datingan ng nangyayari sakanya ay alam niyang hindi parin siya lubos na masaya, dahil alam naman niya at aware siya na kasinungalingan lang niya ang buhay nila ni Jake. Imagination siya na nagawa niyang gawing reality. "Okay, If that's what you want." Sabi na lamang ni Jake na nagpangiti sakanya saka tinulungan siya sa pag-i-impake. She also got the chance na pumunta sa condo ni Jake nang mga panahon na nagpapagaling ito, sa tulong ng mga gamit nito na nakuha sa sasakyan kaya nagkadamit si Jake at ilang gamit habang ang ilan ay binili niya. Madaling araw ng magbiyahe sila paalis sa Metro sakay ng bus. Minsan ay nakakaramdam parin ng pagka-ilang si Elle sa tuwing yayakapin, hahalikan sa pisngi o hahawakan siya nito sa kamay. Isa siya sa mga babaeng kasali sa komunidad ng NBSB o no boyfriend since birth kaya hindi maiwasan na tumindig ang balahibo niya sa skin contact nila ni Jake. Idagdag pa na wala siyang kapatid na lalaki at maagang namatay ang Dad niya. Ang Kuya Jin niya naman ay masyadong seryoso sa buhay at hindi niya rin ka-close. Katulad na lamang ngayon, nakapalibot ang isang braso ni Jake sa bewang niya habang nakahilig ang ulo nito sakanya. Gusto man niyang alisin ito ay hindi pwede dahil baka makahalata ito, mabuti na lamang at sinabi niyang two months palang silang newly weds kaya If ever na hilingin nitong gawin nila iyon ay may rason siya. Muli na namang nanindig ang balahibo niya sa iniisip. Bigla ay parang napasubo siya sa sariling kagagawan. Napapikit na lamang siya at pinilit na matulog dahil ilang oras pa ang itatagal ng biyahe nila. They are both not familiar in that place kaya laking pasasalamat niya sa internet at nagawa niyang kabisaduhin ang iilan sa lugar na iyon. Tuluyan nga siyang nakatulog at nagising sa mga tapik ng kanyang katabi. "Nandito na tayo." Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at napatingin sa labas ng bintana ng bus. Tumambad sakanya ang mga jeep at tricycle na nakaparada at doon niya napagtanto na nasa Bueno terminal na sila. That means na nasa lugar na sila. Tumango siya kay Jake at sinabing kunin na ang mga gamit nila. Nakasunod lamang sakanya si Jake habang pababa sila sa bus. Nang mailabas ang gamit nila sa compartment ay nag-abang sila ng tricycle. Nakita niya ang paglinga-linga ni Jake sa paligid kaya tinanong niya ito, "Why?" "Parang remote area." Paglalarawan nito sa lugar. "Para mas peaceful, Jake" Turan niya saka nginitian ito. Habang bumabiyahe lulan ng tricycle papunta sa barangay kung nasaan ang townhouse nila ay kapwa lamang silang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Puro palayan at taniman ang mga nadadaanan nila na gustong-gusto ni Elle, pangarap niya kasing makakita ng ganoon dahil nature lover siya at alam niyang dito niya iyon matatagpuan sa Pilipinas. Sariwa din ang hangin at talagang malalanghap ang amoy ng mga halaman, perfect ito para sa bagong buhay nilang dalawa. Bagong buhay para kay Elle na malayo sa marangyang buhay na nakagisnan niya. At bagong buhay kay Jake kasama ang mga bagong alaala na bubuuin nilang dalawa. Malayo sa buhay nito na isang dating nagbabanda. "Kailan natin binili ang bahay na ito, Elle?" Tanong ni Jake nang nasa labas na sila ng puting townhouse na may gate na pink sa harapan. "Bago tayo ikasal, nagustuhan mo ba? Tayong dalawa ang pumili niyan." Aniya ng nakangiti. "Maganda pero mas maganda ka pa rin." Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. Sanay na si Elle na masabihan ng maganda, pero kakaiba si Jake, dahil nakaramdam siya ng parang insekto sa kanyang tiyan at ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napahawak na lamang siya sa magkabilang pisngi at naunang pumasok sa bahay nila. Maaliwalas ang paligid nang pumasok siya at hindi niya maiwasan ang mamangha. Lumaki siya mala-mansiyong bahay ngunit parang ramdam niyang iba ang ambiance ng bahay na iyon. Purong puti ang wallpaper at mayroon lang iilang gamit gaya ng sofa, tv at center table. Nasa gitna ang hagdan at sa kaliwa non ang pinto patungo kitchen, sa tapat naman ng pinto ng kitchen ang dining area, may malaking glass wall sa gilid kung saan tanaw ang garden. "Ang ganda!" Hindi niya mapigilang ibulaslas at parang bata na nilibot ang buong lugar. Hindi na nilang nagawa pang ayusin ang iilang gamit nila dala ng pagod sa biyahe, kaya matapos kumain ay natulog na lamang sila. It was past midnight nang magising si Elle dahil sa lamig na nanunuot sa balat niya. Bumangon siya para ibalot ang kumot sakanyang katawan nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Jake sa bewang niya. Hinila niya ang kumot hanggang sa may leeg niya at patagilid na humarap dito. Malaya niyang pinagmasdan ang buong mukha nito at hindi maiwasang mapangiti. Hindi ikakaila na isa siya sa maswerteng babae dahil katabi niya sa pagtulog ang gitarista ng sikat na bandang H2B, siya na isang fangirl ay nagawang maging asawa ang kanyang idolo kahit na ilusyon niya lamang ang lahat. Gusto niyang sumaya at magkakulay ang buhay niya at siguro nga ay ito na ang kasagutan na iyon. Magagawang bigyan ng kulay ni Jake ang buhay niya, alam niyang magagawa siya nitong pasiyahin, at kung dumating man ang oras na mawala sakanya ang binata at maalala nito ang lahat, ay malugod niya iyong tatanggapin, dahil ang mahalaga lang sakanya ay sumaya siya, kahit panandalian lamang. Wala sa sariling nilapat niya ang labi sa labi nito, napapikit siya at dinama ang kalambutan niyon. Nang ilayo niya ang sarili ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakadilat pala ito at nakatingin sakanya. "Uhmm-uh--" Unti-unting kumurba ang ngisi sa mga labi nito at hinapit siya na nagpatili sakanya. "Ang ganda talaga ng asawa ko.." bulong nito saka siya hinalikan, and that was the first french kiss she ever experienced at nasarapan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD