KABANATA-6

1246 Words
It's saturday at wala siyang pasok kaya naisipan niyang totohanin ang sinabi niya sa kanyang Mama na bibisitahin niya ang stall na rerentahan nito para sa kanilang small business. Maaga siyang nag luto ng kanyang almusal. Medyo may kalayuan sa boarding house niya ang JMI Mall na sinasabi ng kanyang Mama kaya nagmadali siyang kumain bago naligo narin. Babanasin lamang siya kapag naabutan niya ang traffic tapos commute pa siya! He always wears his usual outfit every day when he goes for a walk or something not important. A typical look for himself is to wear a shirt, any kind of a shirt, and pair it up with jeans and white sneakers and it's a relatively low effort and it's suits to his aura. His usual haircut is undercut and really suitable for him at idagdag pa ang bagong kulay blonde ng kanyang buhok na nagpadagdag ng ka-astigan sa kanya. Dinagdagan pa ng peklat niya sa kanan na parte ng kanyang kilay kaya lalong naging bad boy aura na siya. Makalaglag panty naman sa kababaihan kahit nakatalikod palang siya! Hindi pwedi na hindi siya lilingunin ng mga babae kapag ganon na ang kanyang postura and for him he hates that thing. Pero dahil binansagan siya na the bad boy ng kanyang mga kaibigan kahit hindi naman kaya pinanindigan na niya nalang! Bumabagay din naman sa kanya and what gives him the best assets is his eyebrow scar. Proud? Medyo, siguro... Komportable siyang umupo sa bus habang nakasuot ng shades. Nakapikit ang mga mata niya kaya hindi niya nakikita ang mga babaeng napapatigil sa tapat ng kanyang inuupuan para lamang tingnan siya. Tila mga u-uod itong mga nag pipilantikan dahil nakagapang sa sobrang init na semento. Wala siyang pakialam sa paligid niya at may sarili siyang mundo kapag siya lamang mag-isa! Hindi siya yung tipo ng lalaki na mag papansin sa mga babae dahil lamang sa kagwapuhan niya. No, he is not used to be like that! Kahit siya hindi niya rin alam kung bakit hindi siya babaero na kahit may ibubuga naman siya! Narinig niyang isinambit ng konduktor ang JMI Mall kung kayat idinilat na niya ang kanyang mga mata bago sinimulan nang tumayo. “Excuse me, Miss.” Pakikiraan niya sa isang dalagitang katabi niya na halos umulwa na ang dib-dib nito dahil sa push bra na suot. Bago siya binigyan ng daan ay malandi siya nitong tiningnan ngunit hindi man lang siya nag aksaya para tapunan ito ng tingin! Wala siyang interes! Tapos! Pagkapasok niya sa Mall ay agad niyang tinanong sa security guard kung saan banda ang stall na hinahanap niya and good thing ay naituro naman ng tama ng security sa kanya. Deritso lamang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang stall. Habang iniikot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng stall sa hindi malamang dahilan napabaling niya ang kanyang paningin sa isang babaeng nakatalikod habang nakasakay ito sa escalator. Tinititigan niya iyon ng matagal at tila pinapanalangin niyang humarap ito o' bumaling man lang sa pwesto niya ngunit bigo siya. Kahit siya hindi niya rin maintindihan kung bakit hinahanap ng isip niya ang pinsan niyang si Dianne knowing that Dianne working at the Mall. Yon nga lang hindi niya alam kung saang Mall iyon at sa lawak ba naman ng Makati ay hindi pweding iisang Mall lamang ang naroroon. “Tss. Baka nga hindi 'yon si D.” Bulong niya sa kanyang sarili bago ibinalik ang atensyon sa stall habang nakapamulsa. Iniimagine niyang magiging mabenta ang paninda nilang dried mango kung sakali doon sila nakapwesto. Bukod sa malapit sa isang sikat na fast-food ay ito lamang din ang pwesto na bilihan ng mga delicacies at uyamin kung sakali na papatusin nila ang pwestong iyon. Magiging mabenta ang business nila kapag doon sila nakapwesto at sigurado siya do'n. Naagaw ang atensyon niya sa pag iimagine nang biglang tumunog ang kanyang cellphone dahil may tumatawag. Agad niya itong dinukot sa kanyang bulsa at gano'n na lamang ng pagsalubong ng kanyang magkabilang kilay nang makita sa screen kung sino ang tumatawag. His Dad! Of all people na pweding tumawag sa kanya bakit iyon pa? Hindi naman siya busong na anak ngunit dahil din naman sa ginawa ng kanyang ama kaya siya nagiging gano'n. May karapatan siyang magalit dahil sa pang-iiwan sa kanila ng kanyang Daddy kaya hindi niya rin masisisi ang sarili niya kung bakit gano'n na lamang pakikitungo niya sa kanyang ama. Hindi siya ma pride na tao at kaya niyang balewalain ang mga nagawa nito kaya sinagot niya ang tawag. “Yes.” Walang emosyon niyang sambit. ”Someone told me that you are already in Manila.” Tugon ng kanyang Daddy sa kabilang linya. Hindi niya alam kung mapahahanga siya dahil sa mga nalaman nito. Umismid siya pero hindi nagsalita. Alam niyang may kakayahan ang kanyang Daddy na subaybayan ang bawat galaw nila kaya hindi siya magtataka kung bakit nalaman nito agad. “At ano naman po kung andito na ako, Dad?” May diin niyang sambit sa salitang Dad. Hindi umimik ang kanyang ama bagkus narinig niya kung paano napatawa ng mahina. May tensyon sa pagitan nilang mag ama ngunit andon parin naman ang pagiging magalang niyang anak. Magalang ngunit medyo bastos. “I have something to offer you, Son. Can you come to my office? Nasa labas ng Mall ang driver ko at hinihintay ka niya doon ngayon. I'll wait for you here, Kale.” Walang patutsadang wika ng kanyang Daddy at pinatay nito kaagad ang tawag. Sa pag tagal ng pagkakakilala niya sa kanyang ama kahit hindi niya man ito nakakapiling lalo siyang napapahanga sa taglay nitong pagka-bossy at pala-desisyon. May kaya sa buhay at may sariling kompanya ang kanyang Daddy at hindi niya 'yon ipinagyabang sa kanyang mga kaibigan. For what pa? Hiwalay ang kanyang Mama at Daddy dahil nangaliwa ang kanyang ama noon at 'yon ang naging dahilan ng galit niya at pagkasuklam sa kanyang ama. Alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya dahil noon paman inaalok na siya nitong mag trabaho sa kompanya ng kanyang Daddy at willing ito na gawin siyang CEO pero dahil nakipagtigasan siya kaya hindi niya pinatos iyon. “Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa, Kale. Tumatanda na ako at ikaw lamang ang maaasahan ko para mamahala sa kompanya. Being good at business runs in your blood, so I entrust my company to you, Son. Alam kong hindi tayo ayos at galit ka sa akin but I hope you will put aside our strife.” Seryosong saad ng kanyang Daddy. Hindi siya nakapagsalita. Gulat at pagkabigla ang nararamdaman niya ngayon at samu't-saring isipin ang iniisip ngayon. Paano kapag pinatos niya ang offer ng kanyang Daddy? Paano ang kapatid niya sa labas? Wala bang kakayahan 'yon na magpatakbo ng kompanya? Those were the questions in his mind that he could have asked to his father but he remained voiceless. “Sa ngayon hindi ako makakapag-desisyon sa gusto niyo at hindi niyo agad-agad makukuha ang sagot ko dahil kailangan kong ipaalam kay Mama ang lahat. I hope you can wait my answer. I have to go, Dad.” May kabastusan man sa kanyang inasta pero nagawa niya paring lampasan ang bulto ng kanyang ama na nakatayo sa harapan niya at tila naghihintay ito ng kahit tapik niya man lang ngunit nag dire-diretso siyang lumabas ng pintuan. “Bar, bro. Hintayin kita do'n mamaya alas siete.” Mensahe ni Benjamin sa kanya dahilan para umiling siya bago sumakay ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD