KABANATA-7

1422 Words
Hindi niya alam kung anong oras na at kung ano na ang nangyayari sa kanya. Nakakailan na inom palang naman siya ng tequila pero lasing na lasing na agad siya! Wala siyang pakialam kung siya lamang mag-isang umiinom at wala siyang balak makipag-mingle. She's heartbroken even though her boyfriend, Mateo, has not yet confirmed how their relationship is really going! Nakita niyang tumatawag sa kanyang cellphone ang kanyang kaibigan ngunit nanatili siyang bulag at hinayaan niyang matapos ang tawag ni Dianne ngunit pagkatapos niyon ay si Kuya Jaxxon niya naman ang tumatawag sa kanya! Muli niyang inisang lagok ang shot glass na may laman na tequila. “Ahhh!” Daying niya nang humagod sa lalamunan niya ang pait ng ininom! She sucked on a slice of lemon that stuck on a toothpick so her taste varied before she followed to taste the iodized salt. Napangiti siya ng pilya nang makita kung paano namatay ang kanyang cellphone. “Finally no one can disturb me.” Pilya niyang saad bago nilagay ang cellphone sa kanyang bag. “Be wild and free for once, Max!” Aniya. May pagkahilo man siyang nararamdaman nagawa niya paring tumungo sa dance floor! Nagsitabihan ang ibang mga kababaihan nang makita siyang paparating na papunta sa gitna ng dancefloor. Wala siyang pakialam kung ano ang tingin sa kanya ng mga madla! She knows that people know her because of being a famous photographer and she is an Ibarra so it is unlikely that she is not be known! Anak lang naman siya ng isa sa mga sikat na business tycoon sa loob at labas ng bansa na si Kristof Ibarra at kapatid niya ang arogante ngunit mapagpalang si Jaxxon Kade Ibarra. And she is Maxine Claire Ibarra, a famous photographer by her own simple work. “Woahhh! Let's dance until we get dizzy!” Sigaw niya habang sumasayaw ng malandi sa gitna ng dance floor. Hindi niya iniintindi ang mga nakadikit sa kanya dahil mas ini-enjoy niya ang pagiging wild. Minsan lang siya kung mag pakalasing kaya susulitin na niya! “Hi, sexy.” Nakakaakit na untag sa kanya ng lalaki bago siya nito hinapit sa baywang. Pinabayaan niya ito bagkus ikinawit niya pa ang kanyang magkabilang kamay sa leeg ng lalaki bago sinimulang gumiling. She's damn wild! Parang naakit tuloy ang lalaki sa kanyang ginawang pag giling. Gustong-gusto na siyang sunggaban nito dahil sa pinapakita niyang nakakaakit na pag sayaw. Kagat ang ibabang labi bago siya tumalikod sa lalaki at gumiling ng pababa ngunit gano'n na lamang ang pagbalik ng ulirat niya nang pag-angat ng paningin niya ay amsi Mateo ang nakita niya! Mariin itong nakatingin sa kanya. Nagulat man siya ngunit dahil ayaw niyang pansinin ito at gustong ipagpatuloy ang ginagawa kaya tinapunan niya lang ito ng nakakapilyang ngisi bago ibinalik ang atensyon sa lalaking nakakapit sa kanyang baywang. “Max! Please stop that daring dance.” Mariing untag sa kanya ni Mateo. Hindi niya ito pinakinggan at patuloy parin ang pakikipagsayawan sa lalaki. Bakit ba ang pakialamero nito! Gusto niyang magpakalango sa alak at gusto niyang sumayaw sa mga ibat-ibang lalaki so what his deal? Sila pa ba? Kung makaasta naman kala mo boyfriend! Muli siyang hinawakan ni Mateo sa palapulsuhan para awatin ngunit sa pag baling niya para bawiin sana ang kanyang kamay lalo lamang siya nagkukumahog sa iritasyon at galit dahil sa nakita niya at narinig! “Babe, what are you doing here? Can we go back to our table?” Malanding saad ng babae kay Mateo na siyang nag patigil sa kanyang gagawin! Tinapunan niya ng may pagkamaldita na tingin ang babae bago niya binawi ang kanyang kamay na hawak ni Mateo. Nag madali siyang umalis sa gitna ng dance floor at pumunta sa table niya at sunod-sunod na nilaklak ang ilang puno na shot glass ng tequila. “Babe, huh?” Pilya niyang sambit. “She's only a mark on my leg,” she said before smirking. Maxine is badass sometimes. Mabait siya sa mabait at tatarayan ka niya at ituturing na hangin kapag hindi kayo click! Naaninaw niya kung paano hinalikan ng babae si Mateo. Nanatili siyang kalmado kahit nasasaktan na siya sa kaloob-looban niya! Magaling siyang magtago ng kanyang nararamdaman at umakto na parang wala lang. Inisang lagok niya ang isang tirang shot glass na may laman na tequila! Like earlier napangiwi siya sa pait! “Max, can we talk!” Si Mateo na nasa kanyang harapan. For what? Para pag-usapan na hindi siya magaling makipaglaplapan? Na hindi niya kayang isuko ang kanyang virginity kaya ito naghanap ng mas malandi?! Damn! She smirk. “Para saan yo'ng pag-uusapan natin?” Umakto siyang normal kung sumagot at tila hindi alintana ang pagkahilo. Hinawakan ni Mateo ang kanyang kamay na nakapatong sa bilog na lamesa. Hindi niya hinayaang makalapat ang kamay nito sa kanyang kamay kung kaya't napahiya ang lalaki. “I'm sorry.” Tipid nitong sambit sa kanya. Napatawa siya ng lihim. “For what? For breaking up? For treating me like nothing?” Aniya. “Don't worry, Mat, hindi ako maghahabol sa'yo. Magsama kayo ng hitad at mukhang hipon mong bago! Pagalit niyang asik! Nanlisik bigla ang mga mata ni Mateo nang marinig ang kanyang sinabi and in that instant umangat sa ere ang kamay nito para samplin siya ngunit nanatili lamang siyang nakatayo at naghihintay na lumanding sa mukha niya ang palad nito pero bago paman makalapat ang palad ni Mateo sa makinis niyang mukha may isang maugat na kamay ng lalaki ang humawak sa nakaangat na kamay ni Mateo dahilan para hindi siya masampal. Mabilis siyang napatingin sa lalaking umeksena at doon na lamang ang kanyang pagkagulat nang mamukhaan ito! Parang mas natakot pa siya sa dumating na lalaki kesa sa paghihintay ng sampal ni Mateo sa kanya. Biglang tumakas sa katawan niya ang kalasingan nang makita kung paano umigting ang panga ng kanyang Kuya Jaxxon. “Don't you dare to land your dirty palm to her face! Lamok nga hindi namin hinahayaan na dumapo d'yan, kamay mo pa kaya?” Singhal ni Jaxxon kay Mateo. “Ako lang ang may karapatan na humawak sa makinis at magandang mukha ng aking kapatid. Better to put down your hands fúcker and don't you dare to do that again, or else ako ang makakatapat mo!” Muling asik ni Jaxxon kay Mateo sabay amba ng kamao ngunit mabilis niyang napigilan ang kanyang Kuya. Naglikha ng kaguluhan ang ginawa ng kanyang Kuya dahil sa biglaan singhal nito at mabilis na nag puntahan ang mga bouncer sa pwesto nila at hinawakan ng dalawang lalaki si Mateo para hindi makalaban. Malapit na kaibigan ni Jaxxon ang may-ari ng bar at walang sino man ang magtatangkang suwayin ito kung alam naman nilang nasa tama ito. And he is Jaxxon Kade Ibarra a well-known business tycoons and owns a hundreds of Malls all over the Philippines. “Let's go, Max! We need to talk!” Yakag sa kanya ng kanyang Kuya at kitang-kita niya kung paano naniningkit ang mga mata nito at kung paano umigting ang panga dahil sa galit. Nag patianod siya sa paghila sa kanya ng kanyang Kuya na kahit ang makiraan sa gitna ng mga taong lasing ay hindi na niya magawa. Dire-diretso siyang nagpapatangay sa hila nito nang bigla niyang nabangga ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng exit ng bar habang nag yo-yosi ito! Natigilan sila parehas ng kanyang Kuya at biglang humingi ng depensa ang kanyang Kuya Jaxxon sa lalaki ngunit siya ay natulala lamang habang nakatayo. Tila na mesmerized siya nang makita ang lalaki kahit hindi naman niya masyadong naaninaw ang hitsura nito! Pero sa lahat ng pweding tingnan at aaninawin bakit doon pa sa peklat nito sa kilay siya napatingin. Sa hindi malamang dahilan biglang kumabog ng malakas ang kanyang dib-dib. Dahil ba sa paglakad takbo niyang ginawa? Marahil, siguro. Pinisil ng madiin ni Jaxxon ang kanyang kamay kung kaya't nataohan siya. “I-im s-sorry,” nauutal niyang paghingi ng pasensya sa lalaki. “Okay lang, Miss.” Sagot ng lalaki bago siya nilampasan. Naghatid ng kalamayusan sa kanyang pandinig ang boses ng lalaki. Pagkalampas sa kanya ng lalaki ay hinabol niya ito ng tingin at doon naman napatapat ang kanyang mga mata sa ponytail na itim na nakatali sa kulay blonde na buhok nitong undercut. Kahit madilim ay kitang-kita niya ang MCI initial na nakaukit sa small gold bar ng ponytail nang biglang tumama ang bulto nito sa ilaw na nasa entrance door at kung hindi siya nagkakamali kanya iyon! Bakit may gano'n siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD