KABANATA- 5

1059 Words
Halos takbuhin niya ang pasilyo nang kanyang condo dahil sa pagmamadaling makalabas ng kanyang unit dahil tumawag ang kanyang boyfriend na nasa parking lot na raw ito at kanina pa nag hihintay. Matagal na sila ng kanyang boyfriend na si Mateo. Nagkakilala sila sa isang bar kung saan vip siya doon at gano'n din naman ang boyfriend niya. They had met before and she would never have guessed that Mateo was the man who helped her before. May kulang man sa pagpapakilala sa kanya ni Mateo pero hindi na naging big deal 'yon sa kanya dahil ang importante ay ito na ang mismong dumiga. Mas lalo niyang minahal si Mateo simula nang idiga nang boyfriend niya ang lahat. Just like his brother Jaxxon, she also believes in destiny. May pagdududa man ang kanyang Kuya nang ipinakilala niya si Mateo ngunit hindi niya pinansin iyon at pinagsawalang bahala na niya ang lahat dahil katwiran niya she's only ten years old at that time! At umakto ang lahat base sa kinuwento ng kanyang boyfriend. “I'm sorry, sweetie, I'm late.” Paumanhin niya bago ikinabit ang seat belt. Mateo smiled at her like nothing. Hindi niya inintindi 'yon dahil alalaon niya baka pagod lang ito sa trabaho. Today is their second anniversary at niyakag siya nitong kumain sa isang sikat na resto around Makati. Ayaw niya ng argument kung kaya't palalampasin niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Mateo. “Are you, okay? It seems your not feeling well.” Aniya. Hindi ito kumibo at patuloy lang din ito sa pagmamaneho. Ni sagutin man lang ang kanyang sinabi ay hindi rin nito nagawa. Nakaramdam siya ng tensyon sa pagitan nila ngunit dahil espesyal na araw nila ngayon kaya mag papaubaya siya. Kung hindi ito kikibo, well madali siyang kausap! Hindi rin siya kikibo! Nakarating sila nang restaurant nang hindi man lang sila nag-uusap. Inaalalayan naman siya ni Mateo sa bewang habang bumababa sa kotse at kahit sa pag pasok sa resto ay nakahawak parin ito sa bewang niya. She doesn't give a damn right now so she will be nice at him as long as she can. Ngingiti siya kung nginingitian siya at magsasalita siya kapag kinakausap siya! That's it! Parang hindi pa siya nasanay sa pakikitungo sa kanya ng kanyang boyfriend simula nang makabalik ito galing ibang bansa. “What's your order?” Tanong nito sa kanya kaya sumagot siya. Simple.. Her appetizer is steamed fresh scallop dumplings. Soup is duoble-boiled bamboo pith soup with chicken. Main Course, fried king prawn with fresh fruits salads and her dessert is chilled almond jelly with fruit cocktail. Just like her menu, that's what Mateo ordered. Trip niyang mag cocktail ngayon kung kaya't nag pasunod pa siya ng isa pang order bukod kanina. Natapos sila ng pagkain na tanging oo at hindi lamang ang sagot niya kay Mateo. Hindi niya alam kung bakit ang kaninang pagtitimpi niya ngayon ay napalitan na ng pagka-irita! She has no idea why her boyfriend is treating her so coldly as ice and that's what irritates her! Damn! Espesyal na araw nila ngayon pero parang dinaig pa nila ang naglalamay! Or baka naman nilalamayan na nila ang kanilang relasyon? Huminga siya ng malalim bago pinunasan ng table napkin ang kanyang basang bibig. Hindi niya pinapansin ang presensya ng kanyang boyfriend ngunit nang huminga din ito ng malalim at hindi 'yon nakaligtas sa kanyang pandinig kung kaya't napatingin narin siya. Hula niya may gusto itong sabihin ngunit hindi lang siguro alam kung kelan kukuha ng tamang tyempo. Medyo tipsy na siya kaya malakas ang loob niya kaya siya na ang umuna! “Say it, Mat. Maaring kumukuha kalang ng tamang timing para sabihin yang bumabagabag sa'yo. I'm all ears, tell me about it,” she said in a low and classy way. Uminom ng tubig ang kanyang boyfriend kaya uminom din siya. Maybe alam niya ang sasabihin nito at nakahanda ang kanyang tenga sa lahat ng idediga nito. Hindi siya tanga para hindi agad ma gets ang mga ganong galawan ng mga lalaki. Maybe she is stick to one with Mateo but she's not numb to not feel it. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang mga ganong panlalamig ng lalaki sa girlfriend nila at hindi ganyan ang nakikita niya sa mga galawan ng Kuya niya. Unlike her Kuya Jaxxon kahit hindi paman ito umaamin sa bestfriend niyang si Dianne todo ito kung mag papansin kahit arogante outside. Sapat nang naging tulay siya simula nang magustuhan ng Kuya niya ang bestfriend niya at doon niya napatunayan na hindi ganon si Mateo sa kanya. “I'm sorry,” mahinang sambit ng kanyang boyfriend and in that instant she knew it! Natawa siya ng madali bago umismid. She felt uncomfortable and her chest starts to beat faster. Mahina sa umpisa ngunit pabilis ng pabilis na ito. She stayed comfortable as if she doesn't know the fact. At bakit? May plano pa siyang hintayin ang karugtong ng sorry nito? What if nagkamali lang siya ng hinala? But, no! Kung inaakala nito na ngayon niya lang na papansinin ang pagiging malamig nito sa kanya, maybe she's not stupid enough not to notice! Not once! Not twice and not also thrice! Sa dalawang taon nilang pagiging magkasintahan ilang beses na niyang naramdaman na hindi na ito ang dating Mateo na nakilala niya. Hindi na ito dating lalaki na nag pakilig sa kanya lalo na nang sabihin nito na ito ang nagligtas sa kanya noon. This not the Mateo she loved. May nagbago ba? Ano ang dahilan? “So, ano? Itutuloy pa o' tatapusin na?” Deritsong tanong niya. Ayaw niya mag padalos-dalos pero wala eh, pakiramdam niya mas maige pang daanin sa santong paspasan. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Mateo nang marinig ang sinabi niya. Hindi ito nagsalita bagkus ipinatong nito ang magkabilang siko sa taas ng lamesa bago sinapo ang ulo at huminga ng malalim. And before Mateo could answer her question, she stood up heavily before passing him and quickly exited the restaurant. Mabilis siyang nakapagpara ng taxi. Ngayong gabi wala siyang aabalahin na tao. Gusto niyang mag pag-isa! Gusto niyang ilabas ang hinanakit niyang kanina niya pa pinipigilan! Gusto niyang maglasing at magpakalango sa alak! “MOC Bar, po.” Mahinang sambit niya sa driver bago ipinikit ang mga mata. May tumulo mang luha pero hindi gasino karami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD