bc

STILL WITH YOU [ With You Series 2 ] COMPLETED

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.6K
READ
HE
blue collar
lighthearted
bold
small town
like
intro-logo
Blurb

What if yung sinalba niya na batang babae noon ay Bestfriend pala ng pinsan niya at naka one night stand niya sa isang sikat na bar! Ngunit paano kung siya lang pala ang nakakakilala sa babae? Dahil sa nangyaring iyon paano niya sasabihin ang katotohan na siya yung lalaking nagligtas noon at hindi yung kasalukuyang lalaki na nag papanggap lamang na siya! Paano niya sasabihin ang lahat kung hindi siya maalala ng dalaga dahil nabulag ito sa pagmamahal ng iba.

"Thank you for saving me.. You're my savior. And I promise when I see you someday I'll give you a kiss as a reward. And please keep this, If someday we accidentally cross our paths and you think that I'm familiar to you and If you still have this, don't hesitate to show me. Maybe I'll remember you there."

Itinago kaya ni Kale ang patunay na siya yoong lalaki na nag ligtas noon sa batang babae na ngayon ay dalaga na? At natatandaan pa rin kaya ng batang babae noon ang mga iniwan niyang salita sa lalaki?

chap-preview
Free preview
KABANATA-1
Mabilis na tinapos ni Kale ang kanyang ginagawang pag iimpake ng mga gamit ng kanyang ina dahil sa isang linggo ay luluwas na ito sa Maynila para doon na tuluyang manirahan. Nakabili si Kale doon sa Maynila ng isang Mini Studio na apartment, may isang kwarto ito na tama lang sa kanyang Mama at kapatid na babae at swak na swak ang presyo sa kanyang naitabing ipon. Hindi niya muna iniisip ang kanyang matutuluyan kung sakaling lilipat na siya sa Maynila dahil madami naman siyang mga kakilala doon na pwedi siyang matulungan na mag hanap ng maliit na boarding house. May ilan siyang mga kaibigan doon na handa siyang tulungan sa tuwing mangangailan ito. Mas ginusto ni Kale na doon na sila ng kanyang ina at kapatid nito dahil mas malakas ang kinikita nila doon sa pag bebenta at pag dedeliver nang kanilang Small Business na Dried Mango. Ayos din naman sana ang kinikita nila dito ng kanilang maliit na hanapbuhay kaso napag-kasunduan nilang mag-ina na magbakasakali doon sa Maynila. At sa tulong na din ng kanyang Papa Reynald na nangako sa kanila na tutulungan sila nito na palalaguin ang munting negosyo nila ng kanyang ina kaya napilitan na din siya. Ayaw man siya paalisin sa kompanya na pinagtatrabahuan niya ngunit nag pasalamat na din siya noong nag decide ang boss niya na ipa-transfer nalang siya doon sa isang branch sa Maynila kung sakali na tutuloy ito sa pag luwas. Hindi rin naman tumutol si Kale sa in-offer ng kanyang Ama dahil alam din naman niya na may kakayahan ito na tulungan sila base sa kanilang pinagkasunduan. Mas pabor din kay Kale kaya napa oo nalang din ito, at isa pa, iniisip niya din ang kinabukasan nilang mag-iina pati ng kanyang kapatid. Ang plano niya, na kapag nakalipat na sila sa Maynila ay doon na niya ipapa-enroll sa koliheyo ang kapatid nito. Siya ang nag papa-aral sa kanyang kapatid at sa kanya naka-atang ang responsibilidad na dapat ang ama nito ang gumagawa. In short nag hiwalay ang kanyang ina at ama dahil nangaliwa ang Papa nila. Pero, kahit na ganon ay sinusuportahan parin naman sila ng kanilang Papa, pero dahil kinasusuklaman niya ito noon ay hindi niya tinatanggap ang ano mang binibigay na suporta at tulong na galing sa kanyang ama. Ipinangako niya sa kanyang ina at kapatid na siya ang bubuhay at mag hahanap-buhay para matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw at mapag-aral na din ang kanyang kapatid. "Kale.. anak. Tama na muna yang pag gagayak mo ng mga gamit ko. Ako na diyan mamaya bumaba kana dito at tayo'y kakainin na." Tawag sa kanya ng kaniyang Mama na kasalukuyang nag hahayin ng kanilang hapunan. "Bababa na po." sagot niya para naman hindi na ito mangulit ng kakatawag sa kanya. Mabait at matulungin na anak si Kale kaya proud na proud ang kanyang ina sa kanya. Pinag-aral siya ng kanyang ina na wala man lang hinihingi na tulong galing sa kanilang ama. Tapos na nang college si Kale at kasalukuyan itong nagtatrabaho sa isang kompanya dito sa kanilang syudad sa Cebu. Nag tapos siya sa kursong (BSBA-ENTREP) Napagtapos siya ng kanyang ina sa pamamagitan ng kanilang maliit na negosyo kaya ganon nalang ang tuwa at saya ng kanyang ina nang makapagtapos ito. Kaya, bilang sukli sa lahat ng hirap na pinagdaanan ng kanyang Mama ay halos araw at gabi na ito na walang pahinga sa pag tatrabaho sa isang kompanya at walang pagod din itong tumutulong sa maliit nilang negosyo. Katatapos lang nila kumain ng hapunan kaya lumabas muna si Kale at doon tumambay sa ilalim ng puno ng mangga para mag pahangin at mag muni-muni. Tahimik lang ito na nakaupo sa silya kasama ng mga umiingay na insekto. Na kaugalian na ni Kale ang ganitong routine tuwing gabi, tahimik lang siya na umuupo at malayang tinatanaw ang bakod katabi ng kalsada habang walang katapusan niyang pinapaikot-ikot sa kanyang parehas na hintuturo ang isang black ponytail. Ni minsan ay hindi niya ito pinakawalan o iwanan man lang sa kung saan. For him isa itong pinaka-mahalagang gamit na ipinagmamadamot niya sa iba. May sentimental value ito sa kanya. Para lang sa kanya ang black ponytail na iyon. Kumbaga pinaka-lucky charm niya ito. "Ano na kaya ang hitsura mo ngayon huh? English speaking kapa rin ba?" tanong niya sa black ponytail na nilalaro ng kanyang kamay. Para siyang naloloko doon na kinakausap ang ponytail. Napapatawa naman ito kaya mabilis niyang inayos ang kanyang pag kaka-upo. Isinout na nito ang ponytail sa kanyang isang kamay na para bang bracelet lang ito. Dahan-dahan niya din na hinahawakan ang kanyang kanang kilay na tila mini-memorya kung gaano ka haba ang peklat doon. ****************************************** Kinabukasan ay maaga gumising si Kale para pumasok sa trabaho dahil may presentation siyang gagawin. Matagal na siyang nagtatrabaho sa kompanyang iyon kaya gamay na gamay na niya ang mga naka-atang sa kanyang gawain. He is one of the best employee and he is the Sale's Development Representative of their Department. He's typically responsible for reaching out to prospective clients to get them interested in the company's product or service. At hindi rin malayo sa karanasan o Gene's niya ang trabahong ito dahil ano nga ba naman ang purpose ng kurso niya kung hindi siya familiar sa ganitong workplace. Mas lalo pang mapapalawak ang kaalaman niya sa business at mahasa ang sarili. Baka nga banda-banda diyan ay mang-gugulat nalang ito dahil isa na pala itong Boss sa sarili niyang kompanya. "Ma, alis na po ako. Txt mo nalang po ako kapag may deliver kayo mamayang hapon. At, wag na kayo ang mag-abala na mag deliver dahil ako nalang ang pi-pickup ng mga 'yan mamaya." Sabi nito sa kanyang ina at tuluyan nang lumabas para sumakay sa kanyang kotse. Binuhay na nito ang makina para painitin muna ng ilang minuto habang hinihintay ang kapatid para isabay papuntang university. "Bakit anak, maaga ka bang uuwi mamaya?" Tanong ng kanyang Mama na nakadungaw sa nakabukas na bintana ng kanyang kotse. "Yes, Ma. Mga three siguro ay nandito narin ako. May ipi-present lang naman ako kaya madali lang iyon." Sagot naman nito sa kanyang Mama habang pinapasadahan ng tingin ang naka-sout na ponytail sa kanyang kamay. Hindi niya maiwasang hindi ngumiti sa tuwing nakikita niya 'yong initial na MCI na kahit minsan ay wala talaga siyang ka alam-alam o ideya man lang kung ano ang meaning no'n o, kung pangalan ba iyon. Basta, ang alam niya ay pag mamay-ari iyon ng batang babae na minsan niyang niligtas. By the way, He is Kale James Cabrera, 32 years old. Single, a responsible and hardworking son of his mother. And, is a loving brother to his younger sister, Callixta Ellerie.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook