KABANATA-4

1130 Words
“Nakausap ko na pala si Miss. Constantino, pumayag na siyang arkelahan ang stall niya na nasa loob ng Mall. Baka bukas ay bibisathin ko para ma tingnan ang puwesto,” ika ng kanyang Mama na pansamantalang nagluluto para sa kanyang hapunan. Sa nakalipas na isang linggo ay sumunod narin siya sa Maynila. Nakakalungkot lang na kailangan nilang lisanin ang lugar kung saan sila lumaki at ang kinagisnan nila. Pansamantala muna niyang inihabilin sa malapit niyang kaibigan na si Toper ang kanilang bahay. May iniwan siyang duplicate na susi para kung sakali mag lilinis iyon ay walang problema. Kapag bakasyon naman ay pupunta din siya doon kaya hindi habang buhay ay nasa Maynila siya o' sila. Malakas din naman ang loob niyang lumuwas ng Maynila dahil bukod sa Mama niya at kapatid niya ay ang kaibigan niyang si Benjamin ay nasa Maynila din at magkatabi lang sila ng boarding house. Tinanggap niya ang alok ng kaibigan niya dahil malapit lang ito sa building ng pinagtatrabahuan niya. Magkatrabaho sila ni Benjamin kaya pabor na pabor sa kanya na lumuwas ng Maynila para makipag sapalaran. “Okay po, Ma. Baka bukas kapag maaga ako lumabas sa trabaho ay titingnan ko din ang stall na 'yon. Anong Mall po pala, 'yon?” Aniya. “JMI Mall, anak. Siya nga pala, luto na itong pang ulam mo. Bigyan mo nalang d'yan si Benjamin 'di kaya dito mo na pakainin para may kasama ka. Aalis na ako at baka nasa bahay na si Calli. Mag-iingat ka dito, ha?” “Ingat po kayo, Ma.” Niyakap niya ang kanyang Mama bago nag mano at hinatid na ito sa labas ng gate ng kanilang boarding house. Hindi siya umalis hanggat hindi nakakaalis ang taxi na sinakyan ng kanyang Mama kaya no'ng makaalis na ito ay siya ding pagpasok niya sa loob ng kanyang kuwartong inuukupa. Bago siya magtungo sa kanyang silid ay dinaanan niya muna ang kuwarto ni Benjamin para katukin ito ngunit akmang itinataas pa lamang niya ang kanyang kamay ay kung may ano na siyang narinig! Tila hindi pa talaga siya nasiyahan sa kanyang naririnig kung kaya't idinikit niya ng bahagya ang kanyang tenga sa hamba ng pintuan para klaruhin kong anong tunog ang namumutawi sa loob ng kuwarto ni Benjamin. At gano'n na nga lang ang kanyang pag kawang ng mabilis sa hamba ng pintuan nang ma klaruhan at marinig ang ungol ng isang babae sa loob ng kuwarto ng kanyang kaibigan! Napailing siya bago pinadyak sa hangin ang kanyang isang paa dahil sa paghanga sa kanyang kaibigan. Nalamangan siya! Mas magandang sabihin na daig siya! Bumalik siya sa kanyang kuwarto nang hindi parin makapaniwala. Kilalang-kilala niya ang kanyang kaibigan kahit nasa Cebu pa sila at hindi niya sukat akalain na magiging gano'n iyon ka loko nang makatapak sa Maynila. Loko sa s*x! Itinuon niya ang kanyang sarili habang nagsasandok ng kanyang pagkain na niluto ng kanyang Mama. Parang umi-echo parin sa tainga niya ang boses ng pag-ungol ng babae kung kaya't umiling-iling siya para iwaksi ang mga narinig kanina! “Ka lalaki mong tao, chismoso ka!” Mariing asik niya sa kanyang sarili habang kumakain at nakataas pa ang isang paa. Ngumisi siya ng nakakaloko dahil hindi naman niya unang beses na makarinig ng ungol ng babae dahil kahit wala pa siyang karanasan sa ganon ay marahil nakakarinig din naman siya no'n kapag may napapanuod siya sa mga palabas. Yung nga lang sa tv lang at laptop kadalasan! Pero kung ang usapan ay sa personal, ngayon palang talaga! Kung kelan nasa Maynila na siya ay doon pa na virginize ang pandinig niya. Nang makatapos siyang kumain ay lumabas siya saglit sa kanyang silid at tumambay sa labas upang mag yosi. Hindi na niya inabala ang kanyang sarili na balikan ulit ang kanyang kaibigan para alukin ng hapunan dahil alam naman niyang mas masarap pa ang hapunan ni Benjamin kaysa sa kanya. Hindi siya smoker na tao ngunit dahil medyo na alibadbaran siya kaya sumindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Ang isang kaha sa kanya ay napapabot niya ng isang linggo at proud na siya kung makaabot pa ito ng dalawang linggo. Biglang tumunog ang kanyang cellphone kung saan notification iyon galing sa isang social media account niya. Hindi naman siya interesado sa mga gano'ng bagay ngunit out of curiosity ay binuksan niya iyon. Isang notification na naka-tag sa isang post ang kanyang pinsan na si Dianne. Dala narin ng kuryusidad dahil sa kagustuhang makita ang kanyang pinsan kaya pinindot niya iyon. Hindi siya nag abala na tingnan ang ibang litrato at doon lamang siya nag pukos sa mga solo pictures ni Dianne. Napapangiti siya ng lihim dahil humanga na naman siya sa kagandahan ng kanyang pinsan. Alam niyang maganda na ito kahit no'ng mga bata pa sila at lalong gumanda nga ito nang makatapak sa Maynila ilang taon na ang nakaraan hanggang ngayon. Sabagay, nasa lahi nila ang magaganda at guwapo kaya hindi na siya magtataka. Pinindot niya ang heart react para pusuan ang litrato ng kanyang pinsan. Hindi niya ugali ang mag comment at hanggang reaction lamang siya. Hindi alam ni Dianne na nasa Maynila na sila at baka bigyan siya ng pagkakataon na makita ang kanyang pinsan ay gagawin niya agad. Sa ngayon may mga inaasikaso pa siya tungkol sa trabaho niya kaya baka hindi niya maiisingit ang pakikipagkita kay Dianne. “Bakit andito ka sa labas, bro?” Untag sa kanya ni Benjamin. Kararating lamang nito galing sa labasan. Tinapon niya sa semento ang upos ng kanyang sigarilyo bago inapakan ng madiin ng kanyang stenilas para patayin ang lingas niyon. Umismid siya. “Maingay kasi kanina doon.” Mabilis niyang baling sa kanilang silid na magkatabi lamang. “Puro ungol ang naririnig ko, bro!” Diretsong pamimilosopo niya sabay hawi nang bagsak niyang buhok. Tinali niya iyon gamit ang itim na ponytail na lagi niyang suot. Naging dahilan iyon para makita ang kanyang peklat na pahaba na nasa kanyang kilay. Lalo siyang naging pilyuhin dahil sa awra niya. Ngumisi siya ng pilyo nang marinig ang malakas na halakhak ng kanyang kaibigan. “Guilty as charge, bro.” Pasimpleng saad ni Benjamin kaya sinuntok-suntok niya ito sa braso. “Maligo ka nga do'n! Amoy babae kapa, gago!” Taboy niya. “Hindi ka ba naiinggit, Kale? Hindi mo ba hinahanap-hanap 'yon? Gago, virgin kapa ano?” Hindi siya nakaimik at napaawang na lamang ang kanyang mga labi dahil sa sunod-sunod na sinabi ng kanyang kaibigan. Minsan may pagdaang tumitigas din naman ang kanyang kargada ngunit hindi pa naman siya umaabot sa punto na magsasarili siya. And he is proud to himself dahil sa edad niyang trenta'y dos ay virgin pa siya! Ma swerte ang babaeng makakasiping niya kapag nagkataon dahil never been kissed and never been touched pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD