DAY 43 September 19. Monday KIRA REALLY came to school today. Parang hindi galing sa sakit. Masigla na at maganda ang ngiti. Gumanda ang mood ko kasi pagka-park ko ng kotse sa loob ng campus nakita ko agad siyang nakatayo sa parking lot. Pagkalabas ko ng sasakyan lumapit agad siya sa akin. “Good morning!” Ngumiti ako. “Good morning.” “May gagawin ka ba after ng klase mo?” “Wala.” Natawa siya. “Ang bilis mo sumagot ah. Ni hindi ka kumurap.” “I will grab any opportunity to spend time with you, Kira.” Namula siya. Saka tumikhim. “Birthday kasi ni Daddy sa Wednesday. Gusto ko siya bilhan ng regalo. Hindi ko ‘yon magagawa bukas kasi lalabas kaming pamilya. Mahahalata niya kapag may binili ako kaya ngayong araw lang ang chance ko bumili.” “Okay. Sasamahan kita bumili mamaya.” Matami