DAY 41 September 17. Saturday MAY picture si Kira na kahapon ko pa napansin na naka-display sa living room. Ngayong dumalaw uli ako sa bahay nila at pinaderetso ng Mommy niya sa kwarto niya, napansin kong may naka-frame din na same picture doon. Kuha ‘yon sa labas ng gate ng Richdale University. May ribbon na naka-pin sa bandang dibdib niya. Ibig sabihin kinunan ang picture noong freshmen orientation namin five years ago. Maiksing maiksi ang buhok niya at nakasuot siya ng eyeglasses na black ang frame. Hindi ko masyado makita ang mga mata niya sa picture kasi nagreflect ang liwanag sa lens ng salamin niya. Suddenly, I remembered Kira from when we were freshmen. Kaya naman pala hindi ko siya matandaan noong nagkita kami uli this semester kasi ibang iba ang ayos niya noon sa hitsura niy