DAY 44 September 20. Tuesday HINDI UMUWI si Papa kagabi. Galit na galit ako. Ngayon alam ko na kung bakit madalas nagbabasag ng gamit si Mama kapag nag-aaway sila. Kasi kapag sobrang frustrated at galit ka pero wala kang magawa, nangangati ang mga kamay mong may gawin para kahit papaano kumalma ang mga emosyong nagwawala sa dibdib mo. Kasi kapag hindi ka nakakuha ng way para mailabas ang nararamdaman mo parang sasabog ang puso mo. My mother has been experiencing these emotions for the past twenty years. No wonder palaging nagpupunta sa kung saan-saang party at sa kung saan-saang bansa si Mama. It’s her escape. Though pareho silang may kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon ng pamilya namin. Ayaw kasi nilang maghiwalay kasi mawawalan sila ng sustento mula kay Lolo. Between money and