DAY 39 September 15. Thursday “KUNG talagang bothered ka, bakit hindi mo siya puntahan? Kung ayaw ka niya kausapin sa phone eh ‘di kausapin mo siya ng personal.” “Hindi ko alam kung saan eksakto ang bahay nila, Danica. Hanggang sa labas lang ng subdivision nila siya nagpapahatid sa akin.” “Eh ‘di itanong mo sa guard.” Frustrated na bumuntong hininga ako. “Sa tingin mo ba hindi ko pa ‘yan ginawa? Nagtanong ako kagabi at kanina rin bago tayo magkita. Ayaw nila sabihin sa akin. Labag daw sa strict policy ng subdivision ang i-reveal ang address ng mga residente kung wala raw confirmation mula sa may-ari ng bahay.” Tiningnan ako ni Danica. Obvious ang simpatya sa mga mata niya. Bumuntong hininga ako at iginala na lang ang tingin sa loob ng Tisay’s Restaurant. Mayamaya may pumasok na grupo