DAY 37 September 13. Tuesday SA pangalawang pagkakataon, pumuslit kami sa loob ng Richdale University ng gabi. Siguro kasi nagawa na namin dati kaya naging madali na para sa amin ang umakyat sa pader ng campus. Hindi kami nagmamadali habang naglalakad papunta sa Olympic swimming pool. Nag-ha-hum pa si Kira at patinga-tingala sa kalangitan. Napapatingala rin tuloy ako. There are a lot of stars and the full moon is brightly shining. “Thank you ha,” sabi ni Kira. Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti ako. “Hindi pa nga tayo nakakapagsimula, nagpapasalamat ka na?” Ngumisi siya at sinulyapan ang plastic bag na dala ko. Dalawang bottled beer at ilang junk foods. “The fact na pumayag kang sumama sa akin at sinasakyan mo palagi ang mga trip kong gawi