Chapter 9

1328 Words
ARYAN Nagpupuyos ako sa galit, dahil harapang nagsisinungaling sa akin si Precy, kahit malinaw na nakita niya ang isa sa mga bidyong hawak ko. Minabuti kong utusan ang kanang kamay ko na dalhin siya sa dungeon, dahil baka mapatay ko siya, kapag hindi ako nakapagpigil. She has the guts to lie right in front of my face, kahit alam niyang may mga ebidensya akong hawak laban sa kanya. I'm really pissed off, yet she challenged me. Mas lalo akong nakaramdam ng galit ng makita ko kung paano niya ako tingnan gamit ang tila inosenteng mga mata. Nang sumara ang pintuan ay inis na sinuntok ko ang mesa. That evil woman has the guts to look at me proudly after she saw her own obscene video, na para bang inosente siya at gusto pa niyang bilugin ang ulo ko. Mainit ang ulo na nahilot ko ang sintido ko at pagkatapos ay inabot ang alak at round old-fashion glass na karaniwang ginagamit ko kapag umiinom ako ng whiskey. Marahas na nagsalin ako ng alak at pagkatapos ay pabagsak na binaba ang bote sa ibabaw ng mesa at mabilis ko itong nilagok. Damn! What's wrong with that woman? Why suddenly did she become fearless? Hindi ko na nakita ang pamilyar na kislap at emosyon sa kanyang mga mata, habang nakatingin siya sa akin kanina, unlike those days, kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Sunod-sunod na nagsalin ako ng alak sa baso. Hindi ko na nga nabilang kung nakailang shot ako dahil bigla na namang nag-init ang ulo ko ng tila maalala ko kung paano umuungol ng malakas si Precy sa bidyong pinanood namin kanina. Inis na hinagis ko sa sahig ang shot glass na gamit ko at diretsong tinungga ang alak at inubos ang laman nito. Matapang ang whiskey na iniinom ko, kaya nalasing agad ako at nakatulog na nakapatong ang mga braso at ulo sa ibabaw ng mesa. Nagising lang ako, dahil sa sunod-sunod na tawag sa nagri-ring at nagba-vibrate na cellphone sa bulsa ko. May tumatawag pala sa akin mula sa hospital, kung saan nakaratay at naka-confine hanggang ngayon ang ama ni Precy. Kahit nahihilo ay sinagot ko ang tawag. “What do you want?” matigas ang tinig na tanong ko. “Good morning, Mr. Miller. I'm calling from Makati Medical-” “I know, bakit ka tumawag?” walang paligoy-ligoy na tanong ko, dahil maraming pasikot-sikot ang lalaking kausap ko. “Nagising na po ang inyong pasyente na si Mr. Ferdinand Miguel at hinahanap po niya ang kanyang anak,” paliwanag ng kausap ko mula sa kabilang linya. “Alright, thank you for informing me.” Hindi ko na hinintay na sumagot ang lalaking kausap ko. Agad na pinutol ko ang tawag at tumayo na. I need to talk to that old man. Masyado ng mahaba ang anim na buwan, para malaman ko ang buong katotohanan. Mabuting nagising na siya ngayon, dahil maraming dapat ipaliwanag sa akin si Ferdinand Miguel, tungkol sa ginawang panloloko ng kanyang buong pamilya sa akin. Matapos kunin ang baril sa loob ng drawer at isiksik ito sa tagiliran ko ay lumabas ako ng opisina ko. Tinawagan ko agad ang kanang kamay ko, para ihanda ang sasakyan, dahil aalis ako. “Hey, okay ka lang ba, Aryan?” Narinig kong tanong ng kinakapatid ko. “Yeah, may pupuntahan lang ako saglit, Jam,” mabilis na sagot ko. “Lasing ka ba?” muling tanong ni Jamilla, pero agad akong nagkaila sa kanya. “Stay here, kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako o kaya magsabi ka sa katulong natin dito sa bahay.” Tinalikuran at iniwan ko na si Jamilla at pagkatapos ay mabilis na pumasok sa elevator. Naabutan kong handa na ang sasakyan, maging ang mga tauhan ko na kasama kong aalis papuntang ospital. Agad akong sumakay at inutusan ang driver ko na paandarin na ang sasakyan. Madaling araw na, kaya walang maraming sasakyan sa kalsada. Mabilis akong nakarating dito sa hospital at agad pinuntahan ang silid kung saan nakaratay ang ama ni Precy. Kasama ang mga nakasunod na bodyguard ko ay pumasok ako sa silid na kinaroonan ni Mr Miguel. Isang nurse ang naabutan kong kasama niya at nagbabantay sa kanya, kaya agad na tinanong ko ito, kung nagising na ba ang pasyenteng binabantayan niya. “Kaano-ano po kayo ng pasyente, sir?” tanong ng nurse sa akin, kaya agad ko naman itong sinagot. “He's my father-in-law.” “Nagising po siya kanina, pero binigyan namin ng sedative, dahil nagkaroon siya ng emotional breakdown,” paliwanag ng kaharap ko. “Pwede n'yo pong makausap si Doctor Miranda, nandito siya sa ward kanina.” Tumango lang ako at umupo sa sofa. Kahit matindi ang galit ko sa pamilya Miguel ay binigyan ko pa rin ng maayos at komportableng silid ang ama ni Precy. Base sa lumabas na imbestigasyon ko ay siya ang mastermind sa nangyaring panloloko ni Gwyneth sa akin. She use that woman, para mapalapit sa akin, para sa pera. Lahat ng patagong transaction ay dumaan sa personal bank accounts ni Precy sa isang bangko, kaya matindi ang galit ko sa kanya. Mas lumalim pa ito, dahil nagkukunwari siyang inosente, gayong malinaw na nakita ko sa mga dokumentong hawak ko mula mismo sa bangko ng makakuha ako ng bank statement, na sa personal account niya pumasok ang mga tseke, maging ang mga bank transfer mula sa kompanya ko. After waiting for a short while, narinig kong bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang isang lalaking nakasuot ng puti at sa tingin ko ay siya ang doctor na tinawagan ng nurse na kasama ko ngayon dito sa silid. “Good morning, Mr. Miller. I'm Doctor Immanuel Miranda,” pakilala agad sa akin ng kaharap ko, sabay lahad ng kanang palad. “Nice to meet you, Doctor Miranda. How is my father-in-law's condition?” walang paligoy-ligoy na tanong ko. “It's a good sign na nagising na ang pasyente, Mr. Miller. Malaking bagay para sa amin na nagkamalay na siya after few months na na-coma siya, dahil mas mabibigyan namin siya ng mas advance na treatment,” paliwanag ni Doctor Miranda. “So far, he needs serious medical attention. Masyadong mahina ang katawan at immune system ng pasyente.” Ipinaliwanag sa akin ni Doctor Miranda ang condition ng ama ni Precy, maging kung ano ang kanyang observation sa physical at mental health nito, matapos ang nakitang sign of depression nang magising ito. Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi niya. Hindi ko maunawaan sa sarili ko, kung bakit nag-aaksaya pa ako ng oras, para makinig sa mga sinabi ni Doctor Miranda, gayong wala naman akong pakialam kung ano ang mangyari kay Ferdinand Miguel. “Salamat, doctor,” pormal ang ekspresyon ng mukha na sabi ko sa doktor na kaharap ko. “Anything you want to know more about his condition or may iba ka pang concern, just call me, Mr. Miller,” nakangiting sabi ni Doctor Miranda. “Sure.” Tinanguan ko lang siya. Nagpaalam na si Doctor Miranda na lalabas na, kaya naiwan ako dito sa loob ng silid. Inutusan ko rin ang nurse na nagbabantay dito sa silid na lumabas at iwan akong mag-isa. Lumapit ako sa kamang hinihigaan ni Ferdinand Miguel at matalim ang mga matang pinagmasdan ko siya. Mahimbing ang tulog ng ama ni Precy. Kayang-kaya kong kitilin ang kanyang buhay kung gugustuhin ko, pero hindi pa ito ang tamang oras para gawin ko ito. Hanggang ngayon ay hindi ko mahanap kung nasaan si Gwyneth at ang kanyang inang si Geneva. Parang bula silang naglaho at walang makapagsabi kung saan sila nagtatago. I'm sure, may kasabwat sila na nagtatago sa kanilang dalawa, dahil hindi gano'n kadali na pagtaguan ako, lalo na at may manhunt order ako sa mga tauhan ko na suyurin ang buong Pilipinas para mahanap sila. Isa ito sa dahilan, kaya pinakasalan ko si Precy at dinala sa bahay ko, para mabantayan ko ang bawat kilos at galaw niya sa loob ng pamamahay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD