bc

Hiding The Ruthless Mafia's Son

book_age18+
13.8K
FOLLOW
135.1K
READ
dark
HE
badboy
powerful
mafia
bxg
lies
rejected
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Precy, isang babaeng lihim na nagmamahal at patuloy na nasasaktan, habang umaasam ng kaunting pagmamahal sa kanyang asawang si Aryan na nababalot ng galit at poot, matigas ang puso at hindi makalimot sa pagkabigo. 

Matutunan kayang mahalin ni Aryan si Precy kung inaakala niyang ang babaeng kinamumuhian at pinakasalan para habang buhay na parusahan ay ang dahilan kung bakit siya hindi sinipot ng kanyang fiance na si Gwyneth sa araw mismo ng kanilang kasal?

Destined to be separated but nature finds it's way for them to be together. May puwang ba ang pag-ibig sa dalawang pusong pinagtagpo ang kapalaran, pero isa lamang ang nagmamahal?

*********

Aryan Miller story. Anak po ni Aubrey at Dexon. 2nd Generation of The Mafia's Obsession Series 4 Dexon Miller 

-----------------------------

All Rights Reserved, 2024

Do not copy‼️ Plagiarism is a crime‼️

©️ Dragon1986

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PRECY "Smile, iyan ang papel mo, kaya ka narito. Gawin mong mabuti ang trabaho mo," mariing sabi ni Aryan, habang mahigpit na hawak ang kanang kamay ko. Nang bumaba kami sa kanyang sasakyan kanina, bago pumasok dito sa lobby ng hotel, kung saan nagaganap ang malaking event na dadaluhan namin ay kinuha ng asawa ko ang kamay ko at pinag-salikop. Maraming press ang naghihintay sa labas at gusto niyang makita ng lahat na maayos ang relasyon naming dalawa. "Never cause any scene that could ruin my reputation, or else I will punish you as soon as we return home," mapanganib na banta sa akin ni Aryan. Kagat ang pang-ibabang labi na tumango ako at hindi na sumagot dahil ayaw kong mag-init ang kanyang ulo at magalit na naman si Aryan sa akin. Oo asawa nga niya ako sa mata ng publiko at mga taong saksi sa naganap na kasal namin six months ago, pero hindi ganito ang turing sa akin ni Aryan. Punong-puno siya ng galit at puot sa tuwing titingnan niya ako. Wala akong nakikitang kahit katiting na pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang mga mata, sa paraan kung paano niya ako tingnan na may pagkamuhi. "Did you hear me, o gusto mo pang ulitin ko, ha?" inis na tanong ni Aryan sa akin, dahil hindi ako sumagot. "O-oo, nauunawaan ko," nauutal na sagot ko. Hanggang ngayon, kahit pangalan ko ay ayaw niyang banggitin. Para bang diring-diri siya sa akin at hangga't maaari ay ayaw niya akong makita sa kanyang paligid, na para bang hindi ako nag-e-xist sa buhay niya. "Welcome, Mr. and Mrs. Miller. Finally, we've met," nakangiting bati sa amin ng may edad na lalaking lumapit ng makita kaming pumasok sa malaking bulwagan. "You know why I'm here, Mr. Domingo," pormal at aroganteng sagot ng asawa ko. "Yeah, of course, Mr. Miller," nakangiting sagot ng kaharap namin na mukhang hindi affected sa hindi magandang pakikitungo sa kanya ng ni Aryan. Inilahad ni Mr. Domingo ang kanang kamay, para igiya kami papunta sa kung saan. "Please follow me." Walang pakundangan na hinatak ako ni Aryan para sumunod sa kanya, dahil nakatayo lamang ako sa tabi niya. Palihim na tinapunan niya ako ng masamang tingin, dahil hindi agad ako kumilos ng humakbang siya. Maraming tao sa party, kaya nanatili ako sa tabi ni Aryan gaya ng gusto niya. Maraming camera ang nasa paligid at halos lahat ay kinunan kami ng larawan at bidyo. Isa itong malaking event sa corporate world. Marami ang mga kilalang negosyante at socialite na karaniwang nakikita ko sa telebisyon ang narito, dahil bawat dumalo ay may sariling goal kung bakit sila pumunta dito. Marami ang bumati sa amin at nagpakilala kay Aryan. Isa siya sa top billionaire dito sa bansa at personal na naimbitahan bilang guest speaker. Hindi sana ako kasama, pero kailangan kong samahan si Aryan, para sa magandang reputasyon ng asawa ko ng mapakinabangan naman daw niya ako, kaya para akong manikang naka-display kasama niya. Boring ang ganitong party para sa akin. Hindi ako sanay sa ganitong pagtitipon, dahil ako ang uri ng tao na mas gusto ko ang manatili sa loob ng bahay, kapag may spare time ako o kaya naman ay magtanim ng mga halaman sa garden. Lumaki akong may sinabi sa buhay ang pamilya ko, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako komportable na makipag-sosyalan kung kani-kanino lang. "Mr. Miller, hi!" Nakangiti at malakas na bati ng isang maganda at tila modelong babaeng lumapit sa amin ng asawa ko Ngumiti naman agad si Aryan sa kanya at mukhang natutuwang nakita ang babaeng kaharap namin. "Oh, I thought you were in Paris, Monica. I didn't know that you would attend this boring event," nakangiting sabi ng asawa ko sa kanya. Nagsimulang mag-usap ang dalawa na para bang hindi ako nag-eexist sa harap nila. Harapan kong nakikita kung paano makipag-flirt ang babaeng maharot sa harap ko at walang pakialam kahit katabi ako ng asawa ko. Si Aryan naman, hindi man lang niya ako ipinakilala na asawa niya sa kausap, kaya hindi ako sumali sa usapan nila at nakaramdam ng awkwardness habang lihim na pinagmasdan ko sila. He seems so happy kung paano kausapin ang babaeng kaharap namin, malayo sa pakikitungo niya sa akin, kapag nasa bahay kaming dalawa. Kung sabagay, pinang-bayad utang lang naman ako, kaya biglang nagpakasal kay Aryan. He loves my stepsister so dearly at hindi niya matanggap ang ginawang pagtataksil sa kanya ni Gwyneth ng iwan siya ng babaeng iyon bago ang araw ng kanilang kasal. He found out, na ginamit lang siya ng magaling na babaeng mahal na mahal niya at matapos makakuha ng malaking halaga sa kanya ay iniwan siya at sumama sa ibang lalaki. Huli na nang malaman namin ni daddy ang ginawa ng madrasta ko at ni Gwyneth. Inatake sa puso ang aking ama dahil sa labis na galit at kahihiyan sa nangyari. Walang natira sa perang dapat sana ay mamanahin ko mula sa aking ina, dahil lahat iyon ay ipinagkatiwala ni daddy sa kanyang bagong asawa. Lahat ng meron ang pamilya ko ay biglang nawala. Naglahong parang bula at sa huli, ako ang humarap sa lahat ng utang ng aking madrasta, kasama na doon ang milyones na perang kinuha nila kay Aryan. Hanggang ngayon, ako ang nagbabayad ng lahat. Nawalang parang bula si Gwyneth, kasama ng kanyang ina na nalulong sa casino, pati na rin ang lalaking kalaguyo ng walanghiyang iyon, na siya pang pinagkatiwalaan ng aking ama at personal driver pa ni daddy. Nabaling ang paningin ko sa dalawang taong nasa harap ko. Hindi ko kayang tingnan ng harapan ang lahat, lalo na nang lumapit ang mukha ng babaeng kausap ni Aryan sa kanya at bumulong at pagkatapos ay mahinhin na tumawa, kaya walang paalam na tumalikod ako at naglakad palayo sa kanila, para pumunta sa banyo. Pakiramdam ko kasi, kahit napakalaki ng buong lugar na ito ay hindi ako makahinga. Siguro ay dahil nakikita ko kung paano ngumiti at masayang nakikipag-usap ang asawa ko sa ibang babae, pero hindi niya kayang gawin sa akin. I love Aryan so much. Hindi lang niya alam kung gaano ko siya kamahal. He was an ideal man noong nagdi-date pa lang silang dalawa ni Gwyneth. Malimit ko siyang nakikita sa bahay kapag bumibisita si Aryan doon. Maraming pagkakataon na nakuha niya ang atensyon ko, hanggang isang araw, namalayan ko na lang na gusto ko na siya, pero pinili kong itago ang tungkol sa nararamdaman ko dahil alam kong hindi pwede kasi ikakasal na siya sa stepsister ko. Buong buhay ko, bahay, school at trabaho lang ang tanging nasa isip ko. Hindi ako tumingin sa kahit na sinong lalaki dahil walang nakakuha ng atensyon ko, pero iba si Aryan. The moment na ipinakilala siya ni Gwyneth sa amin bilang boyfriend niya ay may kakaiba akong naramdaman ng biglang pumitlag ang puso ko. Ang akala ko noong una ay simpleng paghanga lamang ang nararamdaman ko para sa kanya, hanggang nalaman ko na ikakasal na silang dalawa at napagtanto kong gusto ko na pala talaga siya. "Precy Miller, why are you here alone?" tanong sa akin ng isang lalaking bigla na lang humarang sa daraanan ko. "I'm looking for a comfort room," pormal na sagot ko. "Oh, come, I'll accompany you," sabi pa ng lalaking basta na lang lumapit sa akin. "No, it's okay, I'm fine. I can manage myself," umiiwas na sagot ko. Humakbang ako para makalayo na sa kausap ko, pero bigla akong hinawakan sa braso ng walanghiyang lalaking nakaharang sa daan ko at parang siraulong ngumisi sa akin. "Your husband is busy right now with a bìtch. He can't accompany you, Precy. It's sad that you're all by yourself and no one is with you to make you happy." Hindi ko nagustuhan ang sinabi ng lalaking kaharap ko. Màrahas na hinatak ko ang braso ko para makawala sa pagkakahawak niya, dahil hindi ko gustong nasa paligid ko siya. "Bitiwan mo ako!" galit na utos ko sa lalaking hawak ang pulsuhan ko. "Oh, c'mon, Precy. I know you need someone's attention and that you can't get it from your husband, but I'm here, I'm willing to satisfy you all night if you want-" Hindi ako nakapag-pigil. Umigkas ang malayang kamay ko at isang malakas na sampal ang natanggap sa akin ng walanghiyang lalaking bastos na humarang sa daan ko. "You slapped me?" nanlilisik ang mga matang tanong sa akin ng lalaking sinampal ko. Bigla niya akong itinulak ng marahas, kaya pasalampak na bumagsak ako sa sahig. Masakit ang balakang ko, pakiramdam ko ay na-sprain ang buto sa paa ko, lalo na at mataas ang takong ng sapatos na suot ko, dahilan para hindi agad ako makabangon. Dahil sa nangyari ay biglang nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid. Nagkumpulan agad ang mga tao malapit sa amin, pero hindi ko sila pinansin, dahil natatakot ako sa magiging epekto sa akin ng gulong ito, kapag nalaman ni Aryan ang tungkol dito. "What's happening here?" Narinig kong dumadagundong ang tinig at galit na tanong ng asawa ko. "This woman seduces me, Mr. Miller, but I don't simply take a bìtch like her, so I tried to avoid her, but she was desperate," paliwanag ng sinungaling na lalaking bumastos sa akin. Galit at matalim ang mga matang tinapunan ako ng masamang tingin ni Aryan, habang nakasalampak ako sa sahig at hindi makabangon. "Is it true?" tanong niya sa akin, kaya mabilis akong umiling, para itanggi ang akusasyon ng bastos na lalaking pasimuno ng kaguluhan na ito. "I've seen her trying to kiss that man," sabi ng isa pang sinungaling na lalaki. "You all should be very careful with your words. The woman you are pointing your fingers at is my wife!" malakas at galit na sabi ni Aryan sa lahat. "But I'm telling the truth, Mr. Miller," pagsisinungaling pa ng bastos na lalaki at pinangatawanan niya ang kaniyang kasinungalingan. Dinukot ni Aryan ang cellphone at may tinawagan. "Send me the CCTV footage in this location right now." Nang ibaba ng asawa ko ang hawak na cellphone ay hinarap niya ang lalaking bumastos sa akin. "I don't need your damn explanation. I have my own way to find out the truth, and if I find out that you're lying, you better run away from this city, because I swear to any of you here, no one mess up with me and get away with it," may pagbabanta na sabi ni Aryan, pero sa akin nakatingin ang matalim na mga mata. Para bang ako ang kausap niya at tila ba para sa akin ang huling sinabi niya at hindi sa lalaking bumastos sa akin.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook